Chapter T-38

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

Eto na nga at nasa mansyon na kami. Dito na muna kami titigil hanggang sa mabinyagan si Khio next week, request ni grandpa dahil nag-cancelled talaga sya ng lahat ng out of the countries schedules nya para sa binyag ni Khio at gusto nya daw maka-bonding ang apo nya.

 

 

Nagulat pa nga ako dahil sobrang hands on ni grandpa sa paghahanda ng binyag ng apo nya, kakaalis pa lang kanina nung kinuha nyang event organizer. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi nya kanina, may mga pinakita sya sa amin na themes ng binyag, cakes, balloons, at kung anik anik pa pero sobrang hirap mamili dahil lahat maganda.

 

 

Last month pa talaga naka-handa ang lahat para dito sabi ni grandpa, pinakausap lang nya sa amin ang organizer para daw kung may gusto kami i-pabago o i-dagdag sa venue. Pero sabi ko naman ayos na. Nalula na nga ako dahil akala mo kasalan yung binyag ng anak namin.

 

 

Napakadami din pa lang bisita, yung iba galing pa sa ibang bansa. Karamihan malalaking tao sa larangan ng business. Gusto daw kasi ni grandpa na pormal na kami ma-ipakilala na mag-ina ni Karina bilang parte ng pamilya nila. Para tigilan na din daw ng mga ito na i-reto si Karina sa mga anak at apo nila. At dahil nga hindi naman talaga bongga at biglaan lang ang kasal namin ni Karina noon ay wala halos nakakaalam, mangilan ngilan lang. 

 

 

Biglang gusto ko tuloy mag-basa ng english dictionary, kung may papalag sa mga nagre-reto ng anak at apo nila sa asawa ko, makakasagot ako ng bonggang english-an at hindi ko talaga sila uurungan kahit magkabulol bulol ako doon.

 

 

 

Nako talaga, Mrs Winter YU na ako, may Khio na kami. Umayos sila.           

"Mahal pakikuha muna si Khio kay grandpa, kailangan na nya dumede." utos ko kay Karina na yakap ko dito sa kama, sa kwarto nya. Nakaunan ang ulo nya sa braso ko at nakasiksik ang mukha nya sa leeg ko. Nagpapalambing kanina pa dahil wala naman daw si Khio at na kay grandpa. Halos kanina pa kami nakahilata lang mag asawa dito dahil wala kami magawa. 

 

 

Ang hirap pala na nasanay ka sa gawaing bahay tapos biglang ganito, ang bagal bigla ng takbo ng oras. Parang pati si Karina na lumaki naman sa ganitong buhay ay na-bobored na. Nasanay na kasi sya sa amin sa bukid na madaling araw palang nakayod na. Gusto na nga nya mag linis ng mga sasakyan nila kanina, pinigilan lang sya ni Mang Berto. Nakakainip din pala, tinatawag lang kami ng mga kasambahay nila kapag kakain na. 

 

 

"Ayoko mahal, muntik na ako paluin ni grandpa ng tungkod nya kanina nung kukunin ko si Khio, gusto ko lang naman makipaglaro kay baby tapos ayaw ako palapitin ni grandpa kasi daw bonding time daw nila yon." ungot ni Karina. 

 

 

Natawa ako kasi halos nahahawakan lang namin ni Khio ngayon kapag dedede sya, matutulog o magbibihis. Si grandpa ang nagbabantay sa kanya ngayon simula kanina ng dumating kami, hanga ako sa tiyaga ni grandpa sa baby. Kung titingnan mo kasi sya, para syang istrikto na lolo, parang si Karina, akala mo masungit pero sobrang bait pala, lalo na sa baby, napakahaba ng pasensya. Mukhang namiss talaga ni grandpa na may bata dito. Naisip ko tuloy, siguro ganito din sya kay Jimin noon. Lalo pa at dalawa lang sila. 

 

 

"Bumili na tayo ng pump mahal, para kahit na kay grandpa si Khio, hindi na natin sya kukunin palagi para dumede." bulong ko kay Karina, habang hinahamplos ko ang buhok nya. 

 

 

"Ayoko nga." tutol nya agad, sabay hila sa bewang ko at idinantay pa ang binti nya sa mga binti ko. 

 

 

"At bakit?" kunot noo ko na tanong, lumayo ako ng konti sa kanya para makita ko ang mukha nya, napangiti ako ng makita ko na nakapikit sya at nakasimangot. Marahan ko na inalis ang mangilan ngilan na buhok na tumabing sa mukha nya. 

 

 

"Miss ko na anak natin, tapos si grandpa ayaw nya ibigay si Khio. Baka hindi na ako kilala ng anak natin nyan mahal..." reklamo nya at sumiksik pa lalo sa akin.

 

 

hay nako, ang drama ng mommy mo Khio, sabi ko nga, dalawa talaga ng babies ko e.        

Hindi na ako nakapag pigil at hinalikan ko sya sa pink na pink nya na labi, akala mo naka-lipstick, buti na lang talaga namana din ng anak namin to. Sarap i-kiss. Lambot lambot. 

 

 

"Kunin mo na ang anak natin mahal, magmumuryot na naman yon. Alam naman din ni grandpa na kailangan na dumede ni Khio." binigyan ko sya ng isa pang halik sa labi bago ko sya mahinang tinapik sa likod. Parang ayaw din naman nya tumayo dahil sumiksik pa sya lalo sa akin. 

 

 

"OAHHH OAAHHH OAHHH" 

 

 

Mabilis kami na naghiwalay ni Karina sa pagkakayap sa isa't isa ng marinig namin ang iyak ni Khio. 

 

 

"Ayan sabi sayo eh, dali na. Tapos pakidala mo na sya sa kwarto nya, pupunta na ako doon, oras na din ng tulog nya." 

 

 

"Dito na lang mahal, para mas malaki ang higaan, hindi naman na ako malikot matulog." 

 

 

"Hindi pwede, magagalit si grandpa, baka sabihin nya pinagawa nya yung room para kay Khio tapos hindi natin i-papagamit sa kanya. May bed naman doon, kung gusto mo doon tayo matulog mamayang gabi." 

 

 

"Fine, doon tayo." sang ayon nya agad.

 

 

Ayan lang naman ang gusto nya talaga, magkakatabi kami matulog tatlo. Nawala na yung usapan namin dati ng pinagbubuntis ko pa lang si Khio na sasanayin namin sya na matulog mag isa. Pero ayon nga, hindi din kami pareho makatulog ng ayos mag asawa kapag malayo ang anak namin, kahit katabi lang naman namin ang kuna ni Khio, minsan ay sa mismong dibdib ko, na lang sya pinapatulog dahil gusto lang namin sya makatabi matulog. 

 

 

Ang clingy ng pamilya namin, sorry na lang kay Khio, hangga't hindi sya nahihiya na katabi kami ng mommy nya matulog, dito sya sa amin. 

 

 

"Jimin!!!" 

 

 

Narinig namin na tawag ni grandpa sa kabilang kwarto, natawa kami pareho mag asawa kasi rinig namin sa boses ni grandpa na nataranta na sya sa iyak ng apo nya. Mabilis din naman tumayo si Karina at humabol pa ng halik sa akin bago nag-mamadaling lumabas ng kwarto ng marinig namin na palakas na ng palakas ang iyak ni Khio. Gutom na ata talaga, nag-iiyak lang naman sya pag gutom. 

 

 

Sumunod na din ako kay Karina at pumunta na ako sa kwarto ni Khio para doon ko na lang sila hintayin. Nang makarating ako ay tumigil muna ako sa harapan ng pintuan ng kwarto ni Khio, napangiti ako sa nakasabit na personalized wooden sign na may pangalan nya "Little Forrest" kulay white and gold ito. May ulap at buwan din na design sa taas ng pangalan nya. Sabi ni grandpa may ilaw daw ito, para kapag sa gabi eh maliwanag daw ang kwarto ng apo nya. 

 

 

 

Spoiled agad ang Khio namin sa grandpa nya.         

Binuksan ko ang pinto ng kwarto nya at kahit ilang beses ko na nakita sa pictures ang itsura nito ay talagang hindi ko maiwasan mamangha sa ganda ng loob. Dito kami unang dinala ni grandpa kaninang umaga pagka-dating namin, proud na proud nyang ipinakita ito sa apo nya na natuwa din dahil ang daming ilaw at designs na ulap, stars at may malaking buwan pa sa taas sa gilid ng crib nya at may design din na pangalan nya "Khione".

 

 

Ang tuwa lang ni Khio ng buksan na ni grandpa ang ilaw sa ceiling, ang ganda grabe, parang aurora borealis pero mas light ang kulay dahil nga baby pa si Khio. Ngayon na mag aapat na buwan na si Khio ay malinaw na ang nakikita nya. Mas na-aappreciate na nya ang mga nasa paligid nya. Talagang sinusundan na ng mga mata nya ang mga ilaw sa ceiling ng kwarto nya. Tuwang tuwa naman si grandpa dahil sa reaksyon ng apo nya. 

 

 

Iginala ko pa ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto habang hinihintay ko si Karina at Khio. Medyo may kalakihan ang kwarto nya, mas malaki pa sa kwarto namin sa bahay. May sariling banyo at malaki ang bintana kaya napakaaliwalas tingnan.

 

 

Natutuwa ako sa mga cute na animal stuff toys sa ibabaw ng mahabang puting cabinet nya, may puting recliner chair din sa tabi ng crib para daw kapag magbe-feed ako kay Khio ay relax kami mag ina. May unan at crochet blanket din doon, para sa akin.

 

 

Pero mas bongga itong changing diaper station. Eto talaga ang panalo, kahit sinong nanay mapapa-sanaol talaga, pagbukas ko ng cabinet punong-puno ng stocks ng diapers, wet wipes, baby lotions at kung anik anik pa na baby essentials ang nandoon, pati towels nya ayos na ayos ang pagkakatiklop. At dahil nanay na talaga ako, pakiramdam ko ay nagbukas ako ng treasure box. Ang sarap sa eyes.

 

 

May bed din dito na pwede din harangan katulad ng kuna nya sa bahay, para kung gusto namin matulog mag asawa kasama si Khio. Kung tutuusin kahit sa carpet na nga lang ako matulog ok na ok ako. Ang lambot lambot lang ng carpet, gusto ko na lang gumulong gulong dito. Ang linis linis tingnan ng kwarto ng anak namin dahil white and light gray lang ang theme nya kung hindi bubuksan ang mga ilaw.

 

 

Nag ikot ikot lang ako pati sa banyo at maya maya lang ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng kwarto, pag lingon ko ay nakita ko si Karina na bitbit na ang umiiyak na si Khio na nakahilig na sa balikat nya habang tinatapik tapik nya ang likod nito.

 

 

"Dito na tayo kay nanay, tahan na love...opo, mag-milk na ikaw, ayon na si nanay oh, wait ka na nya, tahan na anak."  malambing na sabi ni Karina. 

 

 

Lalapit na sana ako sa kanila para kunin ko si Khio pero pinigilan ako ni Karina. 

 

 

"Upo ka na sa recliner chair mahal, doon mo na i-feed si Khio para hindi sumakit ang likod mo." tumango naman ako at umupo na din. 

 

 

Ang sarap lang upuan, ang lambot at talagang relax na relax ako lalo na ang likod at binti ko, nai-aangat ko pa ang paa ko. Sumandal ako at dahan dahan na iniabot sa akin ni Karina si Khio na muryot na muryot. Napagod ata sa bonding nila mag lolo. Ibinaba ko na ang terante ng suot ko na duster dress at sinimulan ko na sya padedehin. Napangiti ako ng mailapit nya sa bibig nya sa dibdib ko dahil agad agad sya tumahan at halos maumpog na sya para lang makadede. 

 

 

"Anak dahan dahan baka masamid ka, wala ka naman kaagaw..." nilaro laro ko ang kamay nya at napansin ko ang paghikbi hikbi pa nya kaya marahan ko hinagod ang likod nya. Tumingin naman sya sa akin at umungot. Kawawa naman, "Opo, gutom ka anak? Sige lang, dito ka muna kay nanay." hinalikan ko ang kamay nya at inilagay ko ito sa pisngi ko.

 

 

"Sorry anak, hindi ka kaagad nakuha ni nanay, hayaan mo, bibili tayo ng pump para kahit naglalaro ka kasama si grandpa hindi ka na magugutom ok po?" umungot ulit sya at narinig ko ang mahinang tawa ni Karina na naka upo sa carpet. 

 

 

"Mommy, bibili ka na po diba?" tanong ko kay Karina na agad din naman tumango at ngumiti sa amin. 

 

 

"Ok po, bibili si mommy mamaya. Sorry love, akala ko kasi papayag si nanay Winter sa manual eh." biro nya. Napairap na lang ako. 

 

 

"Hay nako Khio, eto talagang mommy mo puro kalokohan." sabi ko kay Khio na  ikinatawa naman ni Karina. 

 

 

Kung ano ano na lang talaga ang ino-offer nya sa akin kapag masakit ang dibdib ko dahil nga napupuno ng gatas. Minsan, nag-google daw sya na pwede daw i-massage, mas effective daw kapag asawa ang nag-massage. Alam ko naman na pwede i-massage sabi ng doktor namin, pero yung huling sinabi nya, duda ako e, malamang si Dr. Karina Jimin Yu ang may imbento non. Sa huli sumuko na din sya ng hingian ko sya ng link kung saan nya nakita yon. Ako pa lolokohin nya, eh tambay ako sa google. 

 

 

Grabe na talaga yung drought season ng asawa ko, nagiging doktor kwak kwak na sya. 

 

 

Maya maya pa ay naramdaman ko na lumalamig na sa kwarto kaya binalot ko na ng swaddle nya si Khio. Gising pa naman sya at nakatingin lang sa akin, madali naman sya patulugin dahil natutulog sya ng kusa, ang bait lang na baby ni Khio, iiyak lang sya kapag gutom o puno na ang diapers nya. Wala ka talagang problema sa batang to. 

 

 

Ang lamig, jusme, sabi ni Karina centralized aircon daw dito sa mansyon kaya malamig. Hindi naman ako handa na ganito pala kalamig dito, pero si Karina at grandpa naka-shorts lang at t-shirt pareho. Kinuskos ko ang balikat ko ng palad ko dahil nagtatayuan na ang balahibo ko sa lamig, nakita ko naman na tumayo si Karina at may kinuha sa cabinet. Inilapit ko si Khio sa dibdib ko para hindi sya masyadong lamigin. Hindi pa naman sanay sa aircon to, electric fan at hangin lang sa bintana sanay ang anak namin. 

 

 

"I love you anak, happy ikaw no? Nag-thank you ka na po kay grandpa and mommy?" tanong ko kay Khio na nakatingin sa akin, bigla syang ngumiti kaya natuwa ako. Pinisil ko ng mahina ang pisngi nya na my napaka-lalim ng dimples "Mag-thank you ikaw ha? umungot lang sya at nag unat, tumigil sya saglit sa pag dede at humikab kaya hinamplos haplos ko ang ulo nya, inaantok na ito. Malamlam na halos ang mata nya ng bumalik ulit sya sa pagdede sa akin. 

       

"You're welcome agad anak." lumapit na si Karina sa amin at yumuko para halikan si Khio sa noo at halikan din ako sa ulo. Lumuhod sya sa paanan ko at inabot ang paa ko para suotan ako ng medyas dahil alam nya na lamigin ako at madalas ako pulikatin sa lamig, lalo pa't may aircon dito sa mansyon, nang matapos sya ay kinuha nya ang crochet blanket sa gilid ko at ikinumot sa paanan ko hanggang sa bewang ko. Kumuha din sya ng baby blanket para kay Khio na idi-noble ko sa swaddle nya at ang sumobra ay pinang-tabing ko sa balikat ko. 

 

 

Nasa San Isidro pa ba kami? O north pole? Ang lamig!

 

 

"Relax na po ang mag ina ko? Are you hungry mahal? You want some snacks?" tanong nya, pinipigilan ko na hindi matawa sa asawa ko. Kulang na lang palitan na nya sila Aling Thelma sa pag aasikaso sa amin ng anak nya. Pakiramdam ko tuloy para na kaming reyna at prinsesa ng anak namin dito.

 

 

"Thank you mommy, pero mamaya na, dito ka muna." mahinang sabi ko sa kanya dahil napansin ko na nakakatulog na si Khio. Hinawakan ko sya sa kamay nya at yumuko ulit sya para halikan ako sa noo. 

 

 

"Palitan ko itong recliner chair, sabihin ko kay grandpa yung pang couple ang ipapalit ko." hindi ko na napigilan na matawa ng kunin nya yung maliit na bilog na upuan at pumuwesto sa gilid ng binti ko at niyakap ito. Isinubsob nya ang mukha nya doon at bumuntong hinga.

 

 

Oh diba? Hindi ko talaga alam kung tama ba itong parenting namin, hindi na ako magtataka kung lumaki na clingy din si Khio. Mana mana na lang siguro. 

 

 

"Patulugin ko lang si Khio tapos lilipat na kami sa kama para makatabi ka na namin mommy." inabot ko ang kamay nya na nasa kandungan ko at hinawakan ito. 

 

 

"Tulog tayo?" nag angat sya ng ulo at humikab bago lumingon sa akin pagkatapos ay kinusot nya ang mata nya.

 

 

"Mahal, sinabing wag ka magkukusot ng mata eh, nasaan na naman ang salamin mo? Diba sabi ni doc tatanggalin mo lang yon kapag matutulog at maliligo ka?" nag aalalang tanong ko sa kanya. 

 

 

Nagpakamot lang sya ng ulo at ngumiti

 

 

"I forgot, sorry.." 

 

 

"Tsk, lalagyan ko na talaga ng lace yung salamin mo at isasabit ko dyan sa leeg mo para hindi mo na makalimutan." 

 

 

"Mahal naman, magmumukha ako na matanda nyan, susuotin ko na mamaya pagkagising natin promise." nakangusong sabi nya at yumakap ulit sa binti ko. 

 

 

"Promise, promise ka dyan, pag pinag-saktan ka naman ng ulo dyan Karina huh, sinasabi ko talaga sayo." 

 

 

"Opo, sorry na, tutulog na ba tayo mahal?" 

 

 

Isa din to sa nagpapayag sa akin na dito na muna kami sa mansyon, gusto ko makapagpahinga si Karina. Sobrang takot ko lang noong isang linggo. Nagsusuka na kasi sya at hindi na makatayo sa sobrang hilo kaya kahit ayaw nya ay sila Yeji at Giselle na talaga ang humila sa kanya sa sasakyan para dalhin sya sa ospi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
133 streak #3
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #4
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #5
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #6
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
189 streak #7
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #8
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #9
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#10
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.