Chapter T-65

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter's Pov

 

 

"Mahal, tanghaling tapat ang init-init ano ba yan-! Karina kasi!" mahinang saway ko kay Karina na naghu-hubad na sa ibabaw ko habang sinisiil na nya ng halik ang leeg at labi ko.

 

 

 

Pini-pilit ko manahimik dahil kaka-tulog pa lang ni Khio pero etong si Karina akala mo hindi na naman napagbigyan ng isang taon kung mang-gigil. Naging bantay salakay na itong asawa ko, tuwang-tuwa sya kapag naka-tulog na si Khio sa tanghali dahil makaka-harot sya.

 

 

 

Jusko, tanghaling tapat ang init ng panahon, etong si Karina nakiki-sabay pa! Hindi manlang hinintay magdilim bago lumandi. 

 

 

 

"May electricfan naman mahal, sige na habang tulog pa si Khio.." hini-hingal nyang bulong habang tuloy pa din ang malilikot nyang kamay sa pagkapa sa katawan ko at kay maria corazon na pagod at puyat na. 

 

 

 

Puyat at pagod, dahil kaka-meet and greet lang nila kagabi.              Haynako talaga...  

 

 

 

Napa-pikit na lang ako ng madiin ng mahawakan na nya ang tina-target nya, tila nawala na din ang pagpi-pigil ko, may kung ano talaga sa ginagawa ng asawa ko na kahit wala ako sa mood ay napapa-oo nya pa din ako.

 

 

 

Oh baka talagang marupok ka lang talaga Winter?          

Napa-hugot ako malalim na hinga sabay hawak sa ulo nya ng unti-unti na syang bumaba sa katawan ko..

 

 

 

BANG! BANG! BANG! 

 

 

 

Nasa twin tower ko na sya at mag-a-ala sanggol na sana ng biglang kumalabog ang pintuan ng kwarto namin sa lakas ng pagkaka-katok kung sino man yon. 

 

 

 

Sa sobrang gulat ko, nahigit ko ang buhok ni Karina para pigilin sya na maka-face to face si maria corazon. Imbes kasi na tumigil ay nagma-madali pa syang bumaba doon, dahil alam nyang may istorbo at ayaw nya magpa-pigil. 

 

 

 

"JIMIN!" narinig namin ang sigaw ni Yeji sa labas ng pintuan na ikina-alerto ko. Pero etong asawa ko, masama talagang nabibintin, umi-init ang ulo.

 

 

 

"YEJI YOU-"

 

 

 

"JIMIN! WINTER! TULONG! S-SI RYUJIN MANGANGANAK NA!" 

 

 

 

Malakas na sigaw ni Yeji sa labas ng pintuan habang tuloy pa din sya sa pagkalabog nito, agad naman kaming napa-balikwas ni Karina at nanlaki ang mga mata namin na nagka-tinginan mag-asawa. 

 

 

 

Shet!

 

 

 

Sa pagka-taranta namin, nakita ko na lang si Karina na gumulong na pa-baba ng kama at aktong bubuksan na sana ang pintuan ng mapansin kong naka-hubo't hubad pa din sya.

 

 

 

"Mahal! Wala kang damit!" tawag ko agad dahil papunta na sya sa pinto para buksan ito.

 

 

 

"!" 

 

 

 

Napahinto naman agad sya ng mapansin nyang wala nga syang saplot, tsaka sya nagma-madaling bumalik sa kama namin para kunin at isuot ang mga nagkalat nyang damit. 

 

 

 

Sinunod ko din sya, kinuha ko ang duster, bra at ko na ibinato nya sa paanan ng kama namin at mabilis din akong nag-bihis.

 

 

 

"JIMIN BILISAN MO! IPITIN MO MUNA YAN! MAMAYA NA KAYO GUMAWA NG KAPATID NI KHIO KAPAG NANGITLOG NA SI RYUJIN!" sigaw ni Yeji sa labas, tuloy pa din sya sa pagkalampag ng pintuan ng kwarto namin, kaya tumayo na agad ako kahit hindi ko pa masyadong na-ayos ang duster na suot ko.

 

 

 

Sa taranta namin mag-asawa hindi ko alam kung nakabihis na ba si Karina ng nagma-madali kong buksan ang pintuan. Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Yeji na kulay papel na sa putla.

 

 

 

Mukhang kabadong-kabado ang loko, parang nakita ko tuloy si Karina sa kanya noong nag-labor ako kay Khio dati, parang hihimatayin na sa nerbyos. 

 

 

 

"Nasaan si Ryujin?!" agad kong tanong kay Yeji na nakahawak sa pader ng hallway namin at naka-yuko, para syang nanla-lambot.

 

 

 

"N-nasa c.r.. Ohmygosh, na-nginginig ako.." pupuntahan ko na sana si Ryujin ng tila muntik matumba si Yeji, kaya agad ko syang inalalayan. 

 

 

 

Na-nginging nga ang katawan nya. 

 

 

 

Parang gago talaga.

 

 

 

"Yeji umayos ka nga! Kailangan ka ng mag-ina mo kaya lakasan mo loob mo, nagla-labor pa lang si Ryujin." hinawakan ko ang kamay nya at tsaka ko sya tinulungan tumayo ng ayos dahil parang babagsak na sya.

 

 

 

Ang lamig-lamig din ng kamay nya. 

 

 

 

Jusmiyo, malala pa ata to kay Karina.

 

 

 

"Yeji! Come on, you can do this couz, breath..Mahal, go help Ryujin first, susunod ako." Binitawan ko na si Yeji nang si Karina na ang sumalo sa kanya, tsaka ako nagma-madaling nanakbo sa banyo para puntahan si Ryujin.

 

 

 

"YEJI HWANG! NASAAN KA NA?! TARANTADO KA TALAGA ANG SABI KO TAWAGIN MO SI INSAN! HINDI KO SINABING MATULOG KA--AAAHHH-TANGINA ANG SAKIT! INAAAYY!!" 

 

 

 

Napa-bilis ang takbo ko ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Ryujin kasama ng umuulan na mura. 

 

 

 

Binuksan ko agad ang pintuan ng banyo at inabutan ko si Ryujin na naka-upo sa inidoro hawak-hawak ang malaki nyang tiyan at namimilipit sa sakit. 

 

 

 

"Ryujin!" nilapitan ko sya at agad din naman syang kumapit sa braso ko. 

 

 

 

"Insan! Insan! Hindi ko kaya! Ikaw na dito! Ayoko na! Ang sakit-sakit pala-aaahhhh!!! S-si nanay? Nasaan si nanay?!!! Inaaaay!!" tawag ni Ryujin kay nanay, halos lumambitin na sya sa akin sa sakit. 

 

 

 

"Hinga Ryujin, wag ka munang sumigaw, hinga sa ilong, labas sa bibig, kaya mo yan..." alo ko sa pinsan ko dahil halos mahila na nya ako kakalambitin nya sa braso ko.

 

 

 

Siguro ay sunod-sunod ang hilab ng tiyan, pawis-pawisan na din sya kaya i-pinunglot ko muna ang buhok nyang nag-kalat na sa mukha nya. 

 

 

 

"Hindi ko kaya! Masakit nga--aaahhh insan tulooong!" nagmamaka-awang sigaw nya, pero ano ba ang magagawa ko? Sa sakit nga nang naranasan kong panganganak kay Khio, halos ilang buwan ding hindi naka-kaldag si Karina sa akin dahil natakot ako na mabuntis ulit. 

 

 

 

Nakaka-dala naman kasi talaga ang sakit, yung tipong kahit hindi ka nagsisimba, eh talagang mai--re-recite mo ang lahat ng dasal. 

 

 

 

"Mahal, ako na kay Ryujin, bubuhatin ko na lang sya, nasabihan ko na din si lola na sya na muna ang bahala kay Khio." ani Karina na ka-agad lumapit sa amin ni Ryujin, kasunod nya si Yeji na hindi mawari kung lalapit ba sa asawa nya o lalabas na lang ng banyo sa kaba.

 

 

 

Jusmiyo, ano nang mangyayari sa taong to kapag i-sinama pa sya sa loob ng delivery room para suportahan ang asawa nya?

 

 

 

"Ayokong tumayo! Parang lalabas na yung ulo ng anak ko insan--! Ang sakit! Shet! aaahhh..Yeji! Bakit nakatayo ka lang dyan?! Bwiset ka! Tumulong ka dito!" pagalit ni Ryujin sa asawa nya ng makita nya itong nakatayo lang sa tabi, at nanlalaki na ang singit na mga mata habang mukhang takot na takot sa mga nangyayari sa harapan nya. 

 

 

 

Magka-tulong sana namin itatayo ni Karina si Ryujin pero ang bruha, ayaw tumayo at parang lalabas na daw ang ulo ng pamangkin ko. Hindi din nya ina-alis yung kamay nya na naka-sambot sa harap nya. Siguro ay na-siksik na ang ulo ng bata kapag na-pupwersa ang galaw nya.

 

 

 

"O-ohgod..." 

 

 

 

Ang magaling na pinsan ni Karina, napahilamos na lang ang kamay sa mukha na parang nali-lito at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Nakakaloka, sayang ang lamaze class ng dalawang ito, ang ambag lang ni Yeji ngayon ay nerbyosin. 

 

 

 

"Come on Ryu, I'll carry okay? Don't worry, ako bahala sayo..just breath." mahinahong alo ni Karina kay Ryujin na medyo nakaka-kalma na.

 

 

 

Kada 5 mins na ang hilab ng tiyan nya, ako na ang nag-oras dahil wala sa katinuan ang mag asawa, etong isa nagwa-wala sa sakit, yung isa naman parang tatakasan na ng ulirat sa kaba. 

 

 

 

Jusmiyo          

"AAAAHHH Lola! Lola ko! Tulong! Ayoko na po!!" sigaw ni Ryujin ng abutan namin si lola na karga na si Khio sa sala, nagising siguro dahil sa komusyon dito sa bahay. 

 

 

 

"Kaya mo yan, lakasan mo ang loob mo apo." alo ni Lola kay Ryujin na humihilab na naman ang tiyan habang buhat-buhat ni Karina, hinihintay lang namin si Yeji dahil binalikan nito ang gamit ng pamangkin ko sa kwarto nila.

 

     

"Winter, Ikaw na muna ang bahala sa pinsan mo, susunod kami ng nanay mo kapag naka-uwi na sya. Ryujin, wag kang sigaw ng sigaw na bata ka! Hinga sa ilong, labas sa bibig paulit-ulit lang." saway ni lola kay Ryujin na hindi naman nakikinig.

 

 

 

Mas maingay pa sya sa akin kesa nung nag-labor ako kay Khio. 

 

 

 

"Lolaaaa ang sakit po talagaaa-araaaay! Pinsan! Hindi ko na kaya! Dalhin nyo na ako sa ospital!" 

 

 

 

Naawa naman ako kay Karina ng kwelyuhan na sya ni Ryujin. Napa-pikit na lang ang asawa ko nang alog-alugin sya ng pinsan ko habang nakakapit sa kwelyo ng tshirt nya.  

 

 

 

"Yeji dali! Ang tagal mo! Ang sabi ko sayo i-ready mo na yan sa sasakyan one month before pa manganak si Ryujin hindi ka na naman nakinig!" 

 

 

 

Kung kanina natataranta si Yeji, eh mas lalong umikot ang pwet nya ng inis na syang tinawag ni Karina. Lumabas na tuloy ang pagiging bossy ng asawa ko, eto kasing si Yeji may katigasan din talaga ang ulo minsan. 

 

 

 

"I'm sorry nalimutan ko! Eto na! eto na!" nagmamadaling takbo ni Yeji pabalik ng sala bitbit ang gamit ng anak nila ni Ryujin. 

 

 

 

"Let's go! Mauna ka sa sasakyan Yeji, ako na kay Ryu." utos ni Karina sa pinsan nya na dumaretso naman pababa ng bahay para kunin ang sasakyan. 

 

 

 

Salamat naman at bumalik na ang lumipad na utak ni Yeji. Akala ko ay pati sya bu-buhatin na din namin dahil natutumba na kanina sa sobrang nerbyos.

 

 

 

"Lola kayo na po muna ang bahala kay Khio, may mga gatas po sa freezer kapag nagutom po sya, paki-init nyo na lang po." bilin ko kay lola. 

 

 

 

"Wag ka mag-alala Winter, ako na ang bahala kay Khio, mag-ingat kayo mga apo, si Ryujin ha? Ikaw na muna ang bahala." nag-aalalang bilin ni lola. 

 

 

 

"Opo lola." hinawakan ko ang kamay ni Khio at tsaka ko ito hinalikan "Anak mag-paka-bait ka kay lola ha? Babalik si nanay at mommy mamaya, I love you." mabilis akong humalik at nagpaalam kay Khio na naki-sama naman at hindi umiyak ng makita nyang iniwan namin sya ng mommy nya. Kaya nagma-madaling sumunod na ako kila Karina at Ryujin pababa ng bahay. 

 

 

 

Wala si nanay ngayon dahil kasama sya ni Aling Tess sa Maynila, kaya kami ni Karina ang sasama sa ospital kay Ryujin. Kina-kabahan ako pero hindi ko pwedeng pabayaan ang pinsan ko lalo na't first time nya manganganak. Ngayon pa nga lang ay ako, si nanay at lola na ang hinahanap nya, ayaw magpahawak kay Yeji. 

 

 

 

"! ! ! GUYS! GUYS!" 

 

 

 

Napa-hinto kami sa tapat ng van ng makita namin si Giselle na tumitili habang tumatakbo papunta sa amin.

 

 

 

Oo tumitili, para na naman syang ambulansya sa ingay. 

 

 

 

"Guys! Help!" hini-hingal na sabi nya ng tumigil sya sa tapat namin. Pero natigilan sya ng marinig namin na sumigaw si Ryujin na buhat ni Karina. 

 

 

 

"AAAHHHH TANGINA ANG SAKEEEET! UCHINAGA MAMAYA NA YAN! MANGANGANAK NA AKO! PINSAN DALHIN NYO NA AKO SA OSPITAL--AAAHH HA! URGH! BILISAN-HA! ARAAAY KOO!!" sigaw na daing ni Ryujin, kaya tinulungan na ito ni Karina, at ipinasok na sa loob ng sasakyan, nasa loob na din si Yeji para alalayan ang asawa nya. 

 

 

 

"Anong bang nangyari Giselle? Bakit ka nagmamadali?" tanong ko kay Giselle na naka-ngangang nakatingin kay Ryujin na sigaw ng sigaw sa loob ng sasakyan. 

 

 

 

"OMG...R-Ryujin too?!" gulat na tanong ni Giselle. 

 

 

 

"Ano ba yon Giselle? Manganganak na si Ryujin kaya bilisan mo kung may sasabihan ka." nagmamadaling tanong ko ng makita kong pinagha-hampas na ni Ryujin ang kawawang si Yeji sa loob.

 

 

 

"S-si Ning..I-i think, baby dumpling is coming na din!--Winter help!" 

 

 

 

Napa-hinto ako sa pagpasok sa van, pati si Karina na papunta na sana sa driver seat eh natigilan din at gulat na napatingin kay Giselle.

 

 

 

"The heck?!" bulalas ng asawa ko. 

 

 

 

Gago?! Nagsabay pa talaga sila ni Ryujin jusko!

 

 

 

"Ano?! Nasaan si Ning?!" tanong ko agad kay Giselle na mabilis na lumingon sa likuran nya na parang bang may hinahanap, bago nanlaki ang matang nyang tumingin ulit sa akin na tila nagtataka. 

 

 

 

"Where is she?!" takang tanong nya sa akin. Umikot-ikot pa ulit sya sa kina-katayuan nya at tsaka sya muling humarap sa akin. "Kasama ko lang sya kanina eh!" taranta nya.

 

 

 

Juskoday.

 

 

 

"Ikaw ang kasama hindi ba? Sabi mo maglalakad-lakad lang kayo!" tanong ko pabalik. 

 

 

 

Ano ba tong mga asawa ng pinsan at bff ko, parehong lutang! Nakakaloka sila!

 

 

 

Nagpaalam sila kanina ni Ning na maglalakad- lakad lang daw sila para ma-tagtag nga si Ning dahil kabuwanan na din ng bestfriend ko. Tapos ngayon ako ang tatanungin nya kung nasaan ang asawa nya. May saltik din talaga tong si Giselle minsan eh. 

 

 

 

"UCHINAGAAAA!!! BWISET KA TALAGA BAKIT MO AKO INIWAN SA DAAN?! PUNYETA KA-AAAHH BUMALIK KA DITO TULUNGAN MO AKO!" 

 

 

 

"FCK!" 

 

 

 

"Gago ka talaga Giselle! Ayun si Ning oh!" hampas ko sa balikat ni Giselle na napa-takbo para binalikan ang asawa nya na nasa labas ng bakuran namin. Nakita na lang namin si Ning na nakahawak sa tuod na kahoy doon bilang suporta habang hawak ang humihilab na tiyan. 

 

 

 

"Babe! Babe! I'm sorry! Nag-panicked ako, I'm sorry-ouch!" na-hampas lang naman sya ni Ning sa braso. 

 

 

 

"Punyeta ka! Ang sabi ko tulungan mo ako! Hindi ko sinabing iwan mo ako sa gitna ng daan para humingi ng tulong! Tatlong bakuran pa ang nilakad ko peste-UCHINAGA-AAHHHH buhatin mo na ako! Hindi ko na kayang maglakad!" 

 

 

 

"You're heavy bebu eh-ow...!" reklamo ni Giselle kaya nahampas na naman sya ng asawa nya. 

 

 

 

"Puputulan talaga kita sinasabi ko sayo-aaahhh-aray ko! tangina nyo ni hanamichi! Kasalanan nyo to!" 

 

 

 

"Hey, hey, You're okay Ning, calmdown.. Giselle go get your baby's stuff upstair. Ako na bubuhat kay Ning sa sasakyan. Bilis!" utos ni Karina kay Giselle. Binuhat na din nya si Ningning na kung may hawak lang na kutsilyo ngayon ay baka nasaksak na ang asawa nya. 

 

 

 

Halos magkan-dadapa naman si Giselle papunta sa bahay para kunin ang gamit ng anak nila ni Ning. At buti na lang nandito ang asawa ko, dahil to the rescue na naman sya. Ang role ngayon ni Karina ay maging kargador ng mga buntis na manganganak. 

 

 

 

Sinalubong ko si Ning at Karina at magkatulong namin mag-asawa sinakay ang bff ko sa van, sa likod ng upuan ni Ryujin at Yeji.

 

 

 

"Yejiiiii!!! Hindi ka na makaka-ulit bwiset ka-araay!!!" Umiiyak na sa sakit si Ryujin ng makita ko. 

 

 

 

"Di mo sure baby." ani Yeji habang pinapa-kalma ang asawa nya. Hinahaplos nito ang tiyan ni Ryujin na nilalamukos naman ang suot nyang tshirt.

 

 

 

"Gago ka! Ikaw manganak dito peste-aahh! Ang sakit sakit na! Hindi pa ba tayo aalis?! NASAAN NA SI UCHINAGA?!" sigaw ni Ryujin na sinasabayan pa ni Ning sa tabi ko. 

 

 

 

Ang eardrums ko..

 

 

 

"BESHIE! IKAW NA LANG DITO! HINDI PA AKO HANDANG UMIRE!" sigaw din ni Ning na tinabihan ko na muna habang hinihintay namin si Giselle. 

 

 

 

"Gaga ka ba? Ako ba nag-buntis? Kaya mo yan, hinga, ikaw din Ryujin huminga ka, katulad ng natutunan nyo sa lamaze. Mamaya na kayo sumigaw sa delivery room, nakakaloka kayong dalawa, nagsabay pa talaga kayo." hinawakan ko pareho ang kamay nila dahil hindi ko alam kung sino ang uunahin ko na tulungan. 

 

 

 

"I'm here! I'm here! Let's go!" nagmamadaling pumasok si Giselle sa sasakyan bitbit ang baby bag ni baby dumpling. Umupo na din sya sa tabi ni Ning kaya naka-hinga na ang kamay ko na kanina pa pinang-gigilan ng bestfriend ko. 

 

 

 

Pina-andar na din ni Karina ang sasakyan, tamang desisyon talaga itong naisip ng asawa ko na van ang iwan na sasakyan dito sa bahay. Incase nga daw na manganak sina Ryujin at Ning ay malaki ang magagamit papuntang ospital.

 

 

 

Buti na lang, dahil nagsabay pa talaga yung dalawa. Good luck na lang siguro sa ospital, dito pa nga lang sa sasakyan para na akong nakikinig sa duet nina Mariah Carey at Whitney Houston. Highnotes kung highnotes lalo na si Ning, na-aabot na nya ang whistle note. 

 

 

 

______

 

 

Ryujin's Pov

 

 

 

Potek! Tama talaga ang sabi nila, masarap lang gumawa ng bata pero shet! Ang sakit sakit ilabas!

 

 

 

"Tangina Yeji! Tawagin mo na si doc! Ayoko na talaga mag-labor!" daing ko sa magaling kong asawa, na tinamaan ng magaling eh pa-chill-chill lang ang damuho. Habang ako naghihirap dito para ilabas ang anak namin!

 

 

 

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang masakit sa akin, tiyan ba o balakang. Ganito ba ang feeling kapag mag-tatransform na ang manananggal? Shuta! Parang mahahati na ang katawan ko sa sakit! Nagpapalit-pallitan na sina Yeji, Karina at Insan sa pagma-massage ng balakang ko, pero grabe pa din yung sakit, parang palala lang ng palala habang tumatagal. 

 

 

 

Hinding-hindi na talaga makaka-isa itong si Yeji sa akin! 

 

 

 

"You can do this baby, I'm here-araykopo!" daing nya ng kurutin ko sya sa tagiliran ng lapitan nya ako. 

 

 

 

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa kwarto at sa hallway para mag-tagtag at lumabas na si pookie, pero itong si Yeji, wala ng ginawa kundi ang kumain lang ng mga pagkain na dinala nila insan dito! Nakaka-bwiset sya! Hindi ko alam kung i-dinadaan nya na lang ba sa kain ang kaba nya. 

 

 

 

"Bwiset ka! Nag-lalabor ako dito tapos hindi mo man lang ako tulungan! Si Karina pa ang tumulong sa akin na maglakad sa hallway! Sya ba ang asawa ko huh?! Kanina ka pa-Ah-aray ko! shet! Eto na naman-ugh!"

 

 

 

Napa-hinto ako sa pagse-sermon sa asawa ko ng humilab na naman ng todo ang tiyan ko. Halos mapa-upo ako sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂