Chapter T-44

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Third Person's Pov

 

 

Eto na talaga yong sinasabi ni Winter sa sarili nya na realidad ng buhay mag asawa nila ni Karina, ramdam na ramdam nya na simula pa lang pagka gising nya kaninang ala singko ng umaga para ipaghanda ang asawa nya ng mga kakailanganin bago pumasok sa opisina. 

 

 

 

Isa na talaga syang ilaw ng tahanan, butihing may bahay ni Karina Yu at ina ng cute na abunjing nila na si Khio. Kung nasa bahay siguro sila sa probinsya ng ganitong oras malamang ay kakagising pa lang nya at hindi nya na iisipin pa ang aalmusalin dahil nakaluto na ang lola at nanay nya. 

 

 

 

Pero ngayon ay hindi na pwede, kahit na nga masakit ang balakang nya at kulang sa tulog ay kailangan nya asikasuhin ang asawa nya para ipagluto ito ng babaunin at aalmusalin, pagkatapos ay ang anak naman nila, dahil pagkagising nito ay ang pagpapadede agad dito ang magiging trabaho nya bilang ina.

 

 

 

Hindi naman sya nagrereklamo dahil kapag nanay ka na talaga ay wala na talagang pahinga, sabi nga nila ay hindi talaga natatapos ang oblisgayon bilang ina. Pasalamat na nga lang sya at maasikaso at may kusa si Karina, kaya napapagaan ang araw araw nilang responsibilidad. Si Karina pa mismo ang nagpupumilit sa kanya na magpahinga sya. 

 

 

 

"Hay, natapos din." 

 

 

 

Napatingin si Winter sa digital clock sa may ibabaw ng kitchen counter ng matapos nya i-hanay ang mga niluto nyang baon ni Karina pati na din ang aalmusalin nila sa lamesa. Natapos na ang unang trabaho nya ngayong umaga. 

 

 

 

"6:30 pa lang, mapapadede at malilinisan ko pa si Khio bago kami mag almusal." bulong nya sa sarili.

 

 

 

Tinakpan nya muna ang almusal nila at mamaya naman nya tatakpan ang adobong baboy na may pinya at kanin sa tupperware na baunan ni Karina na kakalagay nya pa lang dahil mainit pa at papasingawin pa nya ito. Eto din ang nagpagaan ng trabaho nya, dahil basta luto nya ay hindi pihikan ang asawa nya sa pagkain, hindi na sya nag iisip pa ng lulutin, pero sinisigurado din naman nya na masarap at healthy ang kakainin ni Karina. 

 

 

 

Pagkatapos ng gawain sa kusina ay umakyat na sya sa taas para gisingin na si Karina dahil alas otso ang pasok nito, maganda na din ang maaga nya itong pakilusin para makakain na din ito ng maayos bago umalis. Alam nya kasi noong dati na mag isa pa lang ang asawa nya ay kape lang inaalmusal nito, dahil sobrang busy na tao talaga si Karina, at isa pa, hindi din kasi marunong mag luto ang asawa nya. Kaya katulad nga ng sabi nya, sisiguraduhin nya na mapapakain nya ito ng tama. 

 

 

 

Nang makarating sya sa kwarto ay dahan dahan nyang binuksan ang pintuan, napangiti sya ng makita nyang tulog na tulog si Karina at Khio na kinuha na pala ni Karina sa crib nito. Napakadapa ang anak nila sa dibdib ng asawa nya, hindi nya napigilan ang matawa sa itsura ng dalawa ng makalapit sya sa mga ito.

 

 

 

"Pinag-biyak na pinya talaga eh, ang lago ng mga buhok." natatawang bulong ni Winter sa sarili ng makita nyang nagkalat ang buhok ni Karina at tayo tayo naman ang buhok ni Khio.

 

 

 

Maingat syang naupo sa gilid ng kama at binigyan nya ng halik ang dalawa sa noo pag katapos ay maingat nyang inayos ang buhok ng mga ito. Kung wala lang pasok si Karina, mas gugustuhin na lang sana ni Winter na hayaan na lang nya ang dalawa na matulog na lang dahil tila nasa kasarapan pa talaga ng tulog ang mga ito. Ang kaso nga malaki ang tungkulin ni Karina kaya kailangan na nya gisingin ito para makapag handa na. 

 

 

 

"Mahal..." 

 

 

 

"Mahal...gising na, papasok ka pa." mahinang tapik ni Winter ang balikat ni Karina para gisingin ito, pupungas pungas naman ito ng dumilat, ngunit tila wala ito sa wisyo, imbes kasi na tumayo ay yumakap lang ito kay Khio na nakadapa sa dibdib nito. Nakita nya din na pumikit ulit ito at bumalik sa pagtulog.

 

 

 

Napailing na lang si Winter sa inakto ng asawa nya.

 

 

 

Ayan, epekto ng kakakaldag, hirap gisingin sa pagod.          

Ala una na sila ng madaling araw halos nakatulog kagabi, na-budol na naman sya ni Karina sa isang beses lang daw, pero kung hindi pa umiyak si Khio ay malamang hanggang ngayon ay hindi pa sila tapos. 

 

 

 

"Mahal gising na, baka ma-late ka." ginising nya ulit ito ngunit umungot lang si Karina sa tawag nya at hindi manlang ito nag dilat ng mata o kumilos. 

 

 

 

"Isa Karina huh, gising na sabi." tinapik tapik na nya ito sa pisngi dahilan para makuha na ang atensyon nito at lumingon sa kanya pero nakapikit pa din at kunot ang noo.

 

 

 

Grabe lang yung eyebags at itim sa gilid ng mata ng asawa nya, parang nag sisi na lang si Winter, maling desisyon ata na nag-pills sya, baka ma-low blood na naman si Karina kakapuyat dahil sa panggigigil sa kanya. 

 

 

 

"I'm so tired mahal, hindi ako papasok." ungot nito, at nagbuntong hiniga pa. 

 

 

 

"Anong hindi? Akala ko ba may investors ka na ime-meet mamaya? Hala, tayo na dyan, yan ang sinasabi ko sayo eh, kung nakinig ka lang sa akin kagabi, eh di sana hindi masakit ang katawan mo."  inis na sermon nya dito.

 

 

 

"I'll cancel it, my back hurts mahal, ayoko pumasok, dito lang ako sa inyo." ungot ulit nito sa kanya. Naawa naman sya pero naiisip nya kasi yung mga empleyado ni Karina na naghihintay sa kanya na naghanda para sa araw na ito. 

 

 

 

"Uuwi ka din naman mamaya, nandito kami ni Khio pag uwi mo. Sige na, tayo na dyan mahal, sayang naman yung niluto ko na baon mo tsaka yung almusal kung hindi ka papasok." malambing na hinalikan ni Winter ang noo ni Karina at minasahe ang naka-kunot na kilay nito. 

 

 

 

"5 mins mahal, please?" mahinang sabi ni Karina, lalong naawa si Winter dahil namamalat na halos ang boses nito. 

 

 

 

Pagod nga.             Kaldag pa.          

"Oh sige, idlip ka na muna." tiningnan nya ang oras sa cellphone ni Karina at nakita nya na 6:40 pa lang naman, maaga pa, pwede pa kahit 15 mins na idlip ang ibigay nya kay Karina. "Akin na muna si Khio, para mapalitan ko ng diaper nya." kukunin na sana nya ang anak nila ng pigilan sya ni Karina. 

 

 

 

"Pinalitan ko na kanina mahal, kaya sya nandito, nagising sya mga ilang minuto pagkababa mo....Come here nanay, cuddle na lang pala gusto ko." yaya ni Karina sa kanya, inilahad pa nito ang braso nya para umunan dito si Winter. 

 

 

 

Napangiti si Winter tsaka sya lumapit kay Karina at hinalikan ito sa pinsgi bago sya sumiksik dito at umunan sa nakaabang na braso nito. Hinapit naman sya palapit ni Karina kaya yumakap na din sya sa dalawa. 

 

 

 

"Thank you mommy. I love you." 

 

 

 

"You're welcome nanay, I love you too." bulong ni Karina at naramdaman nya na hinalikan sya nito sa ulo. 

 

 

 

Ang totoo ay kahit sya ay sobrang inaantok pa, hindi rin nakakatulong na katabi nya ang asawa at anak nila. Kahit yata sa banig o papag lang sila mahiga mag anak basta katabi nya si Karina at Khio ay mapapasarap ang tulog nya. Inabot nya ang cellphone ni Karina at nagpa-alarm sya ng 15 minutes pa. Mahirap na, baka tuluyan na silang makatulog. Matutuluyan din ang pag-absent ni Karina.

 

 

______

 

Winter's Pov

 

 

Wala naman kami ginawa ni Khio mag-hapon sa penthouse pagkatapos ng sapilitan kong pagtataboy kay Karina para lang pumasok sya sa opisina. Nasa pinto na nga kami kanina para ihatid sya, pero ayaw nya pa din bitawan si Khio at hindi pa din sya tumitigil sa pagpilit sa akin na aabsent sya. Ginamit pa nga nya ako na sya daw ang boss kaya sya ang masusunod.

 

 

 

Pinandilatan ko nga ng mata, ayon pumasok din naman. 

 

 

 

Oo at boss sya sa kumpanya, pero sa bahay ako ang boss, kaya wag nya ako susubukan. 

 

 

 

Charot!

 

 

 

Natulog lang din kami kanina bandang ala una ng tanghali pagkatapos namin i-videocall

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
yeppeungom
0 points #1
Chapter 66: yung mga angst readers ingat kayo baka huntingin kayo Ng mga fluff reader😂🫶🏻
yeppeungom
0 points #2
Chapter 66: eyy satisfying yung sampal ni rina Kay lily sa totoo lang proud Ako Kay wintot Kasi di nya pinakinggan Ang Galit nya at mas pinili na pakinggan si karina🫶🏻
ratedkmj
0 points #3
Chapter 66: ayyy bilis naman binawi tor, dapat nag rambulan muna winter vs lily HAHAHAHHAA para namnam talaga namin ang angst #angstenthusiast
luh_KEY 0 points #4
Chapter 66: Ang satisfying na ang unang bungad ay sampal. Kasi last time, ganoon ang gusto naming gawin kay water lily. Mabuti na lang talaga natuto na silang mag-asawa about confrontations. Naiyak na lang ako doon kay Khio nung hinahanap niya mimi niya. Wala na pwedeng magpalungkot sa pamangkin namin aba naman!
kwinterrr_
118 streak 0 points #5
Chapter 66: yeyyy
ilyy12020530 0 points #6
Chapter 66: Juskoooo... Magbunyi!!!! No to angst! Mga nagrequest ng angst,papaharang ko kayo sa kanto! Chos!

Thanks author!!!!
Bibbibs 0 points #7
Chapter 66: Kung may magcocoment uli ng angst i mamass report ko na talaga🥰
purplejoch
524 streak 0 points #8
Chapter 66: ahhh finally naayos agad, authornim salamat salamat kasi inahon mo kami agad sa angst huhu,
sa nag comment last mo na yun please
naawa ako kay khione nangulila sa mother dinosaur niya 🦖🦕
sabi ko na nga ba napaka hitad talaga ni lily at tinolerate pa talaga ng tatay niya, buti na lang maraming ebidinsya si karina 😭 naawa naman ako dun pumayat pa tuloy buti na lang hinde natiis ni nanay winter si mimi karina, at katuwa din kasi nakita natin na mas nag level up pa yung relationship ng mag asawa in terms of maturity at sana ma pag usapan din nila yung nangyari. cute cute din ng inaanak namin na yan marunong ng tumakas kay nanay at sumasagot na rin 🫣
gorjushuya 31 streak 0 points #9
Chapter 66: HUHUHUHU NAIIYAK AKO. ANG LAKING IMPROVEMENT NITO KAY MARENG WINTER. TSAKA ANG CUTE CUTE NI KHIO. TAPOS ANG CUTE DIN NI KARINA. AAAAA NAIIYAK AKO. TANGINA ANG SAYA SAYA KO LANG 😭😭😭😭
Elle_Altair 0 points #10
Chapter 66: Jusko buti nalang... hindi ko talaga naitulog kagabi yung ganap eh. Nagbasa pa ako ibang winrina au na fluff para maiwasan lang pero pabalik balik parin yung last ud sakin huhuhu author last mo ng angst yan ah😑. Fluff enthusias tau dto author🥺