Chapter T-62

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

"Sino ba yan? Panay ang text sayo sagutin mo kaya, tumatawag din yan kanina pa hindi mo sinasagot." huminto ako sa pagkain at kunot ang noo ko na hinarap si Karina. 

 

 

 

Nasa kusina kami dito sa pent house at nagha-hapunan, kanina pa ako nai-irita sa cellphone ni Karina na panay ang tunog pero tila wala syang naririnig, hindi nya pinapansin at nagpapaka-busy sya kumain at magpa-pakain kay Khio.

 

 

 

"Ignore her." sagot nya, naging seryoso ang mukha nya kaya lalo ako naintriga. 

 

 

 

"Her? Si Luna ba? Baka urgent yan mahal, sagutin mo na muna."

 

 

 

Umiling lang sya at tumayo para kunin ang cellphone nya na naka-patong sa counter table sa bandang likuran namin. 

 

 

 

Pinanuod ko ang ekspresyon ng mukha nya, nag-buntong hininga pa sya ng makita nya ang screen bago nya ito i-off, nagulat pa ako ng pa-bagsak nya itong i-patong ulit sa counter na gawa pa naman sa marmol. 

 

 

 

"Mahal ayos ka lang ba? Ang init ng ulo mo baka mabasag naman yang cellphone mo nyan, sino ba yon?" nagta-takang tanong ko, lalo na ng makita ko kung paano sya umirap bago ulit na-upo sa tabi ko. 

 

 

 

Hindi sya umimik, umiling lang ulit sya, at sa pagka-kataong ito tila nawalan na sya ng gana kumain at si Khio na lang ang i-nasikaso nya.

 

 

 

Kanina pa sya ganito, pagka-dating nya pa lang galing sa trabaho halatang mainit na ang ulo. Ilang beses ko na din sya nahuhuling hinihilot ang sentido nya pagkatapos ng halos kalahating oras na pakikipag-usap sa cellphone. Naka-ilang balik din sya sa opisina nya dito sa bahay, at kada labas nya doon ay tila lalo syang nagiging iritable.

 

 

 

Naririnig ko din na paminsan-minsan na lumalakas ang boses nya sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung may pina-pagalitan ba sya o may kaaway. 

 

 

 

Hindi ko naman sya matanong kanina dahil ina-asikaso ko si Khio. Buti na lang pala at nakaluto na ako ng hapunan bago pa sya dumating, mabi-busy din pala sya pag uwi.

 

 

 

Hanggang ngayon na na-kain kami ay mas marami pa atang na-kain si Khio kesa kay Karina. Halatang wala din sa sarili dahil tahimik lang sya, magsasalita lang kapag tinatanong ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag alala, nakaka-dala kapag ganito sya, ayoko na ng gulo sa kumpanya katulad ng nangyari dati, masyado pa naman dini-dibdib ni Karina kapag may problema sa kumpanya. 

 

 

 

Yung pag-tulog at pagkain nya ang na-apektuhan dahil hindi talaga sya titigil magtrabaho hangga't hindi nya naayos ang problema doon.

 

 

 

Ngayon nga ay titigil muna kami dito sa Maynila ng isang buwan dahil hindi kakayanin ni Karina ang mag-uwian ng kada-dalawang araw sa San Isidro. Marami syang ginagawa ngayon sa kumpanya at ayoko na alalahanin nya pa kami ng anak namin na malayo sa kanya, kaya ang sabi ko sasama na lang kami dito para hindi na muna sya mag-uwian sa San Isidro. 

 

 

 

Pero eto nga, isang linggo pa lang kami dito, at sa loob ng isang linggo na ito madalas ko napapansin na stress sya, kahit nasa bahay ay late na din sya natutulog, muntik pa nga kami mag-away noong nakaraan dahil pinagsabihan ko sya, first time ko narinig na sumagot si Karina sa akin at halatang iritable talaga sya.

 

 

 

Tila naman natauhan sya ng umiyak si Khio na naiwan noon sa kwarto namin. Nag-sorry naman sya agad sa akin, ang dahilan nya pagod daw sya. Hinayaan at inintindi ko na lang dahil kung didib-dibin ko ay baka sa sala sya natulog ng gabing iyon.

 

 

 

Bumawi naman at panay ang sorry sa akin, halatang na-guilty din at nagulat din sya dahil first time nya nagawa yon sa akin at talaga naman sorry ng sorry. Simula noon, maaga na din nauwi si Karina para tulungan ako, ang kaso nga eto, may problema ata talaga sa kumpanya. Kahit anong pigil nya na wag mainis sadyang napuno na talaga. 

 

 

 

"We'll talk later mahal, I'm really sorry kung ganito ako ngayon, I know na napapag-isip pa kita. I'm really sorry..we'll talk later okay?" 

 

 

 

Napa-hinto ako.

 

 

 

"Makiki-paghiwalay ka ba?!" kinakabahang tanong ko. 

 

 

 

Tila nagulat naman sya sa tanong ko kaya napahinto sya sa pagpapa-kain kay Khio at mabilis nya akong nilingon bago nya hawakan ang kamay ko.

 

 

 

"Mahal, I will never ever do that, saan mo nakuha yan at bakit mo naman naisip na hihiwalayan kita?" kunot noong tanong nya sa akin, pinisil pa nya ng marahan ang kamay ko ng makita nyang nagi-isip pa din ako.

 

 

 

Hindi ko din alam, natakot ata talaga ako dati sa pa-divorce letter nya.

 

 

 

Bwiset sya

 

 

 

"Baka mamaya may divor-" 

 

 

 

"Hey stop, I promised you diba? Hindi na mauulit yon...I'm really sorry mahal, I love you okay? Hinding-hindi ko kayo iiwan ng anak natin.." paninigurado nya, hinalikan pa nya ang kamay ko na hawak nya. 

 

 

 

Naka-hinga naman ako ng maluwag pero kinakabahan pa din ako, seryoso kasi talaga sya.

 

 

 

"I love you too, pero kasi naman mahal nakaka-kaba naman yan, bakit hindi mo pa sabihin ngayon? Problema ba yan?" 

 

 

 

"Baka mawalan ka ng gana kumain eh." 

 

 

 

Ano ba yan! Kinakabahan na nga ako, pa-suspense pa itong si Karina.

 

 

 

"Hindi yan." 

 

 

 

"Later na lang mahal okay? Let's finish our dinner muna please?" 

 

 

 

Wala na akong nagawa dahil ayoko naman masira ang mood nya.

 

 

 

"Okay fine.." sabi ko na lang. 

 

 

 

Pero sana naman ayos lang ang lahat, nag-aalala ako kay Karina. 

 

 

 

(Evening)

 

 

 

Buti na lang talaga hindi sinabi ni Karina sa akin yung tungkol sa minamaktol nya ng buong isang linggo. At baka hindi nga ako naka-kain sa inis.

 

 

 

"Wag ka papayag na i-isang hotel lang ang tutuluyan nyo ng babaeng yon ha? Mukhang ahas pa naman ang impaktang yon." mainit ang ulo ko na sabi kay Karina na katabi ko sa kama.

 

 

 

Kakatapos lang namin patulugin si Khio kaya nasabi na ni Karina ang gusto nya sabihin sa akin kanina. 

 

 

 

"Mahal calm down please.." 

 

 

 

"Ikaw nga isang linggong mainit ulo, tas ngayon pipigilan mo ako na wag mainis? Eh kung doon kaya kita patulugin sa kabilang kwarto? Akala mo naka-lusot ka na huh? Hindi ka kaagad nagsasabi, nag-usap na tayo tungkol sa mga ganito di ba?" pagalit ko sa kanya. 

 

 

 

"I know...I'm sorry mahal...This is why pini-pilit ko na hindi matuloy eh, but please trust me, hindi ko hahayaan na lumapit sya sa akin kung hindi worktime." paliwanag nya habang ina-amo amo ako dahil alam nyang tatamaan na naman sya ng sermon ko. 

 

 

 

"Siguraduhin mo lang, baka wala ka ng uwiang pamilya dito sa pinas sinasabi ko talaga sayo Karina Yu." banta ko.

 

 

 

Pero syempre hindi ko totohanin yon, may tiwala ako sa asawa ko. 

 

 

 

Sa higad na yon wala!

 

 

 

Tumango-tango naman agad sya at yumakap sa bewang ko, tsaka nya isinik-sik ang mukha nya sa dibdib ko. Napa-buntong hininga na lang ako, pinipilit ko ang sarili ko na wag mainis sa nabalitaan ko. May tiwala naman ako na hindi maglo-loko ang asawa ko, pero sa Lily na yon wala talaga.

 

 

 

Leche sya, hindi ko malilimutan ang kaharutan nya noong binyag ni Khio. Lantaran nyang hinarot-harot ang asawa ko, sa harapan ko pa mismo! Tapos hindi pa nakuntento, nag-messaged pa kay Karina!

 

 

 

Sya din pala yung tawag ng tawag at panay ang message kanina pa, hindi daw alam ni Karina paano nito nakukuha ang number nya, pero may hinala daw sya na ang daddy nito na kaibigan ni grandpa ang may pakana. 

 

 

 

At eto na nga ang kina-katakot ko, may biglaang business trip si Karina next week sa London kasama ang babaeng higad na yon. At dalawang linggo LANG naman sila magkakasama na sila lang! Bwiset talaga. 

 

 

 

Kaya pala isang linggo ng mainit ulo ni Karina dahil ginagawan daw nya ng paraan na kahit representative na lang nya ang pumunta pero hindi daw na-aprobahan. Ceo daw talaga, at dahil nga sa London, si Lily ang syang parang mag-aasikaso doon bilang secretary ni Karina, hindi makaka-sama si Luna na secretary nya dito sa pinas dahil naka-emergency leave ito. Wala syang choice, si Lily lang naman daw ang may alam doon. 

 

 

 

"Dapat pala nakinig na lang ako sayo na kuhaan agad natin ng passport si Khio, Edi sana nakasama kami." maktol ko. 

 

 

 

Pwede naman kami sumama ng anak na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂