Chapter T-45

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

"Kuya Mike yung naiwan po na paper bag sa sasakyan sa inyo po iyon ha, may lunch nyo po doon ni Kuya Migs." paalala ko kay Kuya Mike, sya yung isa sa mga body guards ni Karina na inutusan nya na mag bantay sa amin ni Khio sa penthouse. 

 

 

 

I-susurprise kasi namin ngayon si Karina sa opisina nya, sinadya ko talaga na kunwari tinanghali ako ng gising para hindi ko sya malutuan ng baon. Pero ang plano ko talaga ay samahan namin sya ni Khio na mag tanghalian.

 

 

 

Naawa na kasi ako sa kanya kapag nakain sya sa opisina, tapos naka-videocall kami. Na-uubos naman nya ang baon nya at magana sya kumain, pero halatang nagmamaktol dahil gusto nga ay umuwi sya sa penthouse pag lunch nya para daw sabay kami kumain. Ewan ko din dito sa asawa ko, pinapahirapan ang sarili. Kaya napagpasyahan ko na, i-surprise sya, tutal ay bukas uuwi na ulit kami sa San Isidro, at alam ko na pagod sya dahil may hinahabol na trabaho bago ang New year's holiday sa kumpanya nila.

 

 

 

"Mrs. Yu, thank you po, nag abala pa po kayo, nakakahiya po." nahihiyang sagot ni Kuya Mike sa akin habang naglalakad kami papasok ng kumpanya.

 

 

 

Bitbit nya ang stroller at baby bag ni Khio, pati na din yung lagayan ng baunan namin. Habang nasa harap ko naman si Khio at nakalagay sya sa baby carrier nya. Gising na gising ang bochog namin, buti nga at nalibang kanina sa sasakyan dahil sa mga nakikita nya sa labas. Nakapahinga ako kahit sandali sa pagkarga dahil tahimik sya sa car seat nya. Pag kaming dalawa lang kasi ay wala na ako nagagawa, laging nagpapakarga, napayag lang sya na humiwalay sa akin kapag nakita na nya si Karina. 

 

 

 

Mommy's girl talaga.

 

 

 

"Wala yon Kuya Mike, tsaka sabi ko po sa inyo wag nyo na ako tawagin ng Mrs Yu. Winter na lang po." 

 

 

 

Hindi naman sa ikinahihiya ko ang epelyido ng asawa ko. Proud na proud pa nga ako no. Naninibago lang siguro, hindi pa talaga ako sanay sa ganitong pamumuhay, sa sobrang simple kasi ni Karina kapag nasa probinsya kami, nakakalimutan ko na ceo nga pala ang asawa ko. Isa sa pinakamayaman sa bansa at asya. Tapos pinag iihaw ko lang sa amin ng tuhog tuhog namin. 

 

 

 

"Thank you po sa lunch, Mrs- Uhm...M-ma'am Winter."  alinlangan sabi ni Kuya Mike. 

 

 

 

Napakamot na lang ako sa ulo. Hayaan na nga. 

 

 

 

"Lakas maka-teacher kuya Mike, pwede naman na Winter na lang. Pero sige po, kung saan po kayo kumportable." 

 

 

 

Tila nakahinga naman na ng maluwag si Kuya Mike, siguro ay nahihirapan din sya. Naiintidihan ko naman dahil nagtatrabaho sya sa asawa ko. At bilang asawa nga ako ni Karina, parang pagbigay galang na lang din yon, hinayaan ko na lang.

 

 

 

Inalalayan kami ni Kuya Mike papasok ng kumpanya, papunta na sana kami ng elevator ng may pumigil sa amin. 

 

 

 

"Mike, excuse me, may appointment ba sila ma'am dito ngayon?" napalingon ako sa isang babae na sa palagay ko ay receptionist. Hindi sya yung huling nakita ko na receptionist na ugaling marites noong huling punta ko dto. Siguro ay bago. 

 

 

 

Ngumiti naman sa akin ang babae at lumapit pa nga, mukha naman syang mabait, hindi kagaya noong huli, kitang kita ko talaga na hinusgahan ako ng tingin ng babaeng yon ng malaman nya na asawa ako ni Karina. Dagdag pa na narinig ko sa dalawang babaeng marites sa cr kung ano ang sinabi nya tungkol sa akin. Lukaret sya. 

 

 

 

"Hi ma'am, sorry po, can I ask if may appointment po kayo? Kasi hindi po kami pwedeng magpapasok basta basta, pansensya na po, for safety procedures lang po." magalang na tanong ng babae sa akin. Bago sya ngumiti kay Khio na napatingin din sa kanya. Nakangiti syang kumaway kay Khio na tila natuwa din sa kanya dahil nag-wasiwas ito ng kamay at pumadyak padyak pa ang mga paa. 

 

 

 

"Oh I'm sorry Jane, I forgot to inform you about Mrs.Yu's surprise visit kay boss. Pasensya na po Mrs Yu." hinging tawad ni Kuya Mike at marahan pa nga syang nag-bow sa akin kaya nagulat ako, pareho kaming nagkatinginan ni Jane, pero sya ay nanlaki ang mga mata na tila nataranta at bigla din nag-bow sa akin. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko kasi nagtinginan sa amin yung mga tao. Pati yung ibang receptionist nakita ko na nag bow din. 

 

 

 

Jusmiyo, hindi naman ako korean, asawa ko ang korean. 

 

 

 

"I-I'm s-sorry po Mrs.Yu, sorry po, bago po kasi ako, mag one month pa lang po kasi ako, pasensya na po, hindi na po mauulit." natataranta pa din na paliwanag ni Jane habang yumuyuko pa sya ng ilang beses sa akin kaya hinawakan ko na agad sya sa balikat para patigilin. 

 

 

 

Jusko nakakahiya, andaming tao!

 

 

 

Yung iba nagulat din dahil narinig nila ang sinabi ni Jane, yumuyuko din sila lalo na kapag natitingnan ko sila. Nahiya ako lalo, kasi yung iba halatang mga professionals at mga sosyal, pero alam ko na empleyado sila ng asawa ko. Buti na lang talaga at nag-ayos ako kahit papaano. 

 

 

 

"H-hindi ok lang Jane, kuya Mike, naiintidihan ko po. Ok na po. Ok lang talaga, pwede na po kayo tumigil, nakakahiya...." halos pabulong na yung huli ko na sinabi ang dami na din kasing tao. 

 

 

 

"Sorry po talaga.." halatang natakot si Jane kaya marahan ako na ngumiti sa kanya. Para pagaanin ang loob nya. Pinisil ko din sya ng mahina sa braso. 

 

 

 

"Ok lang talaga Jane, wag ka na mag alala ok? Ginagawa mo lang naman ang trabaho mo." 

 

 

 

"Pasensya na po talaga Mrs.Yu." 

 

 

 

Umiling lang ako at ngumiti sa kanya.

 

 

 

"Uhm, Jane tapos na ba ang conferrence ni Ms Yu?" buti na lang at iniba ni Kuya Mike ang usapan dahil tila paiyak na itong si Jane sa takot, naawa na ako. 

 

 

 

"Ah, Y-yes kakatapos lang, kakalabas lang ng mga investors na ka-meeting nya kanina." 

 

 

 

"Ok, thank you Jane. Akyat na kami. Please wag mo din tawagan si Boss na padating si Mrs. Yu, surprise visit to eh." paalala ni Kuya Mike kay Jane na halatang takot pa din. 

 

 

 

"Thank you Jane, wag ka na mag alala ok? Goods tayo, anak, bye ka na muna kay Ate Jane, mukhang natutuwa ka sa kanya, kanina ka pa nakatingin dyan at nakangiti."  natuwa naman ako kay Khio dahil ngumiti talaga sya na labas ang dimples ng kumaway ulit si Jane sa kanya. 

 

 

 

"Welcome po Mrs Yu, See you later baby, ang cute cute mo naman super charming ng dimples mo." maaliwalas na ang mukha ni Jane ngayon kaya ikinaway ko ang kamay ni Khio sa kanya. Pero ang anak ko nag-kusa na. Mukhang natutuwa talaga sya kay Jane. 

 

 

 

"Thank you po ate Jane, see din po mamaya."  sabi ko at inassist na ulit kami ni Kuya Mike sa loob ng elevator. Tumagilid ako para kita pa din ni Khio si Jane na kumakaway sa kanya at alam ko, kung hindi lang anak ng boss nya si Khio, baka nalapirot na nya ang anak namin. Sobrang cute ng abunjing namin, marunong na magpa-cute.

 

 

 

"Anak ikaw huh, bata bata mo pa parang may crush ka na ata." pabiro ko na sabi kay Khio na ngayon naman ay damit ko naman ang hinihila, mukhang gutom na naman ang bata batuta. 

 

 

 

Sya yung may crush na, pero nadede pa din sa nanay. Charot!.            

"Mamaya anak, surprise muna natin si mommy ok po? Malapit na tayo." 

 

 

 

Maya maya pa ay tumunog na ang elevator at sakto naman ito, dahil sa tapat mismo ng opisina ni Karina ang labas namin, private elevator kasi ang sinakyan namin, si Karina lang ang pwede gumamit nito. 

 

 

 

"Kuya Mike, Ako na po ang bahala, pakibukas na lang po yung stroller ni Khio tas pakilagay na din po yung bag nya at baunan. Thank you po." 

 

 

 

"Ok po ma'am Winter." 

 

 

 

Sinimulan na ni Kuya Mike buksan ang stroller ni Khio at nang ayos na ang lahat ay sinabi ko sa kanya na ako na ang kakatok, para bongga talaga ang entrance, gusto ko makita si Karina na ma-surprise. Alam ko kasi na pagod sya, sana ay makatulong itong gagawin ko para kahit papaano eh, ma-pasaya ang asawa ko. 

 

 

 

"Thank you po Kuya Mike, ako na po dito." 

 

 

 

"Welcome po ma'am Winter, kapag may kailangan po kayo, tawag lang po kayo, dito lang po ako sa labas, palakad lakad." natatawang sabi ni Kuya Mike kaya napangiti ako. Kahit mukha syang manununtok ng tao dahil ang lalaki talaga ng mga bodyguards ni Karina, panatag ang loob ko sa kanila, nakakausap ko kasi sila minsan at mababait sila talaga. 

 

 

 

"Sige po. Thank you po ulit." 

 

 

 

Nag-bow ulit sya at naglakad na papunta sa dulo ng hallway. Kasama ang iba pang bodyguards na nakatayo at ang iba naman ay nagmamasid sa paligid ng floor ng opisina ni Karina.

 

 

 

Humarap na ako sa pinto at kumatok. Hindi ko muna nilagay si Khio sa stroller dahil magmumuryot to at maririnig sya ni Karina, mahuhuli kaming mag-nanay sa plano namin. 

 

 

 

"Come in Luna." narinig ko ang mahinang boses ng asawa ko sa loob ng opisina. Akala nya siguro ay secretary nya.

 

 

 

Kinakabahan ako na excited kahit pa nga ka-videocall naman namin sya kanina bago kami umalis ng bahay. Namiss ko ang asawa ko. Nahahawa na din talaga ako sa pagiging clingy nya. 

 

 

 

Marahan ko binuksan ang pinto, pero hindi manlang nag-angat ng tingin ang asawa ko, kunot na kunot ang noo nya at halos subsob na sya sa pagbabasa ng kung ano ang hawak nya na papel at laptop nya. Kitang kita ko yung pagod sa itsura nya, ilang araw pa lang ulit sya na nakakabalik sa trabaho, pero tila natambakan talaga sya ng trabaho dahil sa haba ng leave nya gawa nga ng pagbubuntis at panganganak ko. 

 

 

 

Sa bahay din kasi ay nagtatrabaho sya kapag alam nya na tulog na kami ng anak namin. Nakita ko sya isang beses dahil nagising ako sa tunog ng keyboard ng laptop nya. Napaka-sipag talaga ng asawa ko, nakakahanga lang talaga lalo na kahit busy sya sa trabaho, hindi din nya hinahayaan yung responsibilidad nya sa pamilya namin. Kung baga kahit pagod sya, alam ko na masaya sya sa ginagawa nya. 

 

 

 

"Luna, can you get me a coffee please? My head is killing me..." tinanggal nya ang salamin nya sa mata at marahan na hinilot ang sentido nya, pinagsasaktan na naman sya ng ulo. 

 

 

 

Nag-alala na ako dahil late na din kasi, 12:30 na at sa tingin ko ay hindi pa sya nakain, kape na naman ang titirahin. Tamang desisyon talaga na pabaunan ko sya lagi dahil ganito ang nagyayari. Nalilimutan na nya ang oras kapag nasa trabaho na sya.

 

 

 

"Hindi ka na magkakape Karina Yu, kakain ka ng ayos." sabi ko at itinulak ko na ang stroller ni Khio papasok at sinara ang pinto ng opisina nya. Iniwan ko ang stroller malapit sa sofa at lumapit kami sa harapan ng desk nya. 

 

 

 

Mabilis syang nag angat ng tingin sa akin at napanganga sya sa gulat, sinuot nya pa ulit ang salamin nya, tila hindi sya makapaniwala na nandito kami ng anak namin sa harapan nya. 

 

 

 

"Kain na mahal, dala ko tanghalian natin, sasabayan ka namin kumain, sorry na-late kami ng dating, nag-milk pa po kasi sya mommy." napangiti ako ng nag-pumiglas si Khio sa baby carrier nya ng makita nya si Karina. 

 

 

 

 

"M-mahal? Ohmygosh you're here?!" hindi pa din makapaniwala na sabi nya, tumayo naman agad sya at lumapit sa amin ng anak namin. 

 

 

 

"Yes po mommy, surprise!" nakangiti ko na sabi at itinaas ko pa kunwari ang dalawang kamay ni Khio na ikinatawa nya. Nag iingay na kasi ang bata batuta, gusto na magpakarga sa mommy nya. 

 

 

 

"Hi Mahal, thank you..." hinawakan nya ako sa bewang at masaya nya ako na hinalikan sa labi na ginantihan ko din.

 

 

 

Namiss ko talaga sya.          

"Kaya ba hindi mo ako p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
134 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
189 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂