Chapter T-14

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

Dalawang araw pagkatapos ng bagyo bumuti na ang kalagayan ni Karina, pero hindi ko parin sya pinatulong sa gawain sa labas ng bahay pag katapos ng bagyo, marami kasing nagtumbang puno at kalat sa labas, buti na nga lang din at hindi pa nakakapag tanim sila Lolo ng palay at iba pang tanimin sa bukid, dahil kung hindi, napakalaking lugi na naman ni Lolo.

 

Eto lang ang hirap sa magsasaka, bagyo ang kalaban mo. Napaka tagal mo inalagaan sa isang pasok lang ng bagyo mauubos lang ang pinaghirapan at puhunan.

 

Tumawag din ang secretary ni Karina sa kanya kagabi at sinabing kailangan sya sa kumpanya. Kailangan nya lumuwas ulit ngayon pa-Maynila. Pero sa pagkakataon na ito, kasama na ako, nag-talo pa nga kami kagabi dahil ayaw nya pumayag, paano naman daw ang Tuhog Tuhog Cart ko, ang sabi ko naman kaya na ito ni Ryujin dahil wala naman trabaho sa bukid. 

 

Nag aalala din kasi ako sa kanya kaya nagpumilit ako na sumama, kakagaling nya lang sa sakit, mamaya subsob na naman sya sa trabaho at malimutan na naman magpahinga. Lagi pa naman sya nago-overtime sa trabaho para makauwi dito. 

 

Sa huli, ay pumayag na rin sya, wala naman syang magagawa, kumpanya nya lang ang kaya nyang manduhan at hindi ako. Charot!

 

"Mahal malapit na tayo, hindi ka man lang natulog sa byahe?" tanong ni Karina habang nagmamaneho. Ako naman ay nalilibang tumingin sa mga nadadaanan namin, hindi ko naman first time sa Maynila, matagal na rin kasi nung huling punta ko dito, highschool pa ata ako noon ng sinamahan ko si Nanay sa Baclaran para mamili ng tela. Ang dami ng pinagbago. Ang tataas na ng mga gusali at sobra ang traffic.

 

"Ayos lang, hindi naman ako pagod mahal, nalilibang ako tumingin sa paligid e." 

 

Maya-maya pa ay pumasok na ang sasakyan namin sa isang gusali at sa ilalim nito dumaan ang sasakyan ni Karina. Nandito na ata kami, iginala ko ang mata ko sa paligid at nakita ko ang magagarang sasakyan katabi ng sasakyan ng asawa ko. Grabe, puro mayayaman ata ang nandito, ang gagara ng mga sasakyan.

 

"Tara na mahal." hindi ko na namalayan na nakababa na pala si Karina ng kotse at pinagbuksan na nya ako ng pinto, yumuko sya para tanggalin ang seatbelt ko, pagkatapos ay hinalikan nya ako sa noo at tumingin sa akin.

 

"Let's go home na mahal." ngumiti sya sa akin at inilahad ang kamay nya. hinawakan ko ito at lumabas na ng kotse. Pag labas ko ay may nakita ako na dalawang lalaki na naka uniporme at buhat na nila ang mga bagahe namin, hindi naman ito madami, dalawang bag lang na malaki dahil isang linggo lang naman kami ni Karina dito, at may damit naman daw si Karina dito, kaya yun na lang ang gagamitin ko.

 

Nagsimula na kaming maglakad at tumigil sa harap ng isang elevator. Sa kabilang elevator naman ay yung dalawang lalaking naka-uniporme. Bumukas ng sabay ang pinto ng elevators at sumakay na kami papasok. Iginala ko ang mata ko sa loob, grabe! sobrang ganda dito. Salamin ang paligid at kita ang labas. Humawak ako sa braso ni Karina. Nalula kasi ako ng nagsimulang umakyat ang elevator.

 

"Hey, are you okay?" tumingala ako sa kanya at nakita ko na nakakunot ang noo nya. Tumango ako at pinisil ang braso nya. "Nanibago lang, ang ganda dito mahal, ang taas na natin, ilang floors ba to? Saan room mo?" tanong ko.

 

Ngumiti sya at hinalikan ako sa noo. "35th floor mahal" napalayo ako sa kanya at gulat na tiningnan sya, napatingin ako sa pindutan ng elevator, at nakita ko na hanggang 35 yung pindutan.

 

Nasa tuktok ang kwarto nya?!     

"Are you afraid of heights?" tanong nya, umiling ako at muling tumingin sa labas, sobrang taas na namin. Dudungaw sana ako at titingin sa baba ng tumunog ang elevator.

 

"Nandito na tayo mahal, Let's go." hinawakan nya ako sa kamay at sabay kami lumabas, paglabas namin ay nandun na rin ang dalawang lalaking naka-uniporme. 

 

Ang ganda ng design ng pasilyo, puti at may iilan na itim lamang ang kulay dito. May nag iisang malaking pinto sa kanan pag labas ng elevator. Mukhang eto na ang kwarto ng asawa ko. 

 

Teka, Wala syang kapitbahay sa floor na to?! 

 

Lumakad na kami papunta sa harap nito. At napansin ko na walang pihitan ang pinto, may parang scanner lang ito. Wow! Bongga! Manghang mangha lang ako ng pinatanong lang ng asawa ko ang hintuturo nya dito at narinig ko na nagclick ang lock. Maya maya pa ay bumukas na ang pinto.

 

Sosyal ! Scanner nga! Grabe lang, hiyang hiya yung pinto namin sa probinsya na de kawit lang. Pero safe naman kasi sa probinsya hindi kagaya dito.     

Humarap sya sa dalawang lalaki na nag bow sa kanya "Thank you for your help." ibinaba ng dalawang lalaki ang mga bag namin, yumuko ulit sila at umalis na.

 

Itinulak ng asawa ko ang pinto at pinauna ako pumasok , at tsaka nya binuhat ang mga bag namin. "Una ka mahal, kaya ko na to." pumasok ako sa loob kasunod sya.

 

Kwarto lang ng asawa ko ito?! Mag isa lang sya dito nakatira?! Napanganga ako ng iikot ko ang paningin ko. Grabe ang laki! Ang ganda!

 

Pag pasok mo ay hubungad agad sayo ang napaka laking bintana na gawa sa salamin, napakataas din ng ceiling nito tila dalawang palapag na ang taas, tanaw na tanaw ang labas , sa bandang kanan ay may malapad na hagdanan.

 

Huh? May second floor pa to?! 

 

Lahat ng gamit ay naglalaro lamang sa puti at itim na kulay kaya napakalinis tingnan. "Welcome home mahal! Do whatever you want, feel at home this house is yours too." inakbayan ako ni Karina habang malaki ang ngiting nakatingin sa akin. 

 

"Mahal ang laki nito, ikaw lang ang nakatira dito?" tanong ko, habang iginagala ko ang mata ko sa paligid.

 

"Yes po mahal." 

 

Hindi parin ako makapaniwala, grabe, ngayon na nandito na ako sa lugar kung saan naninirahan ang asawa ko, parang ngayon lang pumapasok sa isip ko na sobrang yaman talaga nila, na sobrang layo ng pamumuhay na kinalakihan namin sa isa't isa. Naalala ko ang bahay namin sa probinsya, halos wala ito sa kalahati ng kwarto na ito, sa bahay namin ay walang aircon, maliit ang mga kwarto. Pero ganoon man, ni minsan hindi ko narinig magreklamo ang asawa ko, kahit na nga minsan ay napaka init sa kwarto namin. Minsan pa ay natulo ang bubong kapag naulan.

 

"Thank you, kasi sumama ka sa akin dito mahal, siguro kahit workaholic ako, uuwi na ako ng maaga ngayon." natatawa nyang sabi. Tiningnan ko sya. Siguro nga minsan kahit napakalaki ng bahay mo kung mag isa ka lang dito, hindi ka rin talaga magiging masaya. Biglang may kumurot sa puso ko ng maisip ko yung mga panahon na mag isa lang sya dito, kaya ba laging nagpapagabi si Karina umuwi? Dahil mag isa sya dito at nalulungkot sya? Tipong uuwi sya na pagod galing trabaho ni wala manlang lutong bahay na pagkain sya na aabutan, mag hihintay pa sya ng order na pagkain nya. Naisip ko rin na kumakain mag isa si Karina dito, nalungkot ako sa imahe na nabuo sa isip ko , yung pagod na pagod na Karina na kumakain mag isa sa malaking kusina nya. 

 

Nadudurog ang puso at na-guilty din ako, asawa nya ako, ako dapat ang inaabutan nya dito na naghahain at nag aalaga sa kanya. Pero sobrang selfless ng asawa ko, hindi nya pinagpilitan kahit may karapatan sya sa akin na magreklamo.Mas inisip nya parin yung ikakapanatag ng loob ko.

 

Ngumiti ako sa kanya at niyapos sya ng mahigpit sa bewang nya.

 

"Ngayon, uuwi ka na ng bahay na may sasalubong sayo at may kasama pang masarap na hapunan mahal."  humarap ako sa kanya at hinawakan sya sa pisngi. 

 

Hindi ka na ulit mag iisa mahal ko, nandito na ako.

 

"Gusto ko din sana may kiss mahal." nakanguso nyang sabi, natawa ako at mabilis syang hinalikan sa labi. 

 

"Syempre hindi mawawala yun, may free katinko massage pa." hinapit nya ako sa bewang at hinila para yakapin. 

 

"I love katinko mahal, naadik na ako sa amoy nun, hindi na ata ako makakatulog kapag hindi ko naamoy ang katinko mo." natawa ako. Hindi nya alam may kasamang orasyon yun kapag pinapahiran ko sya. Hahahahaha Char!

 

 

__________

 

Pagkatapos ako i-tour ni Karina sa napakalaki nyang tirahan, nakaupo na kami sa sofa at nanunuod na ng t.v habang hinihintay ang inorder namin na hapunan, sabi ko nga kay Karina ay magluluto na lang ako, ang kaso pag tingin ko ng ref nya, puro bote ng tubig at softdrinks lang ang laman. Kahit de lata wala!  Nakatikim pa tuloy ng sermon sa akin. Kung hindi pala ako sumama hindi na naman kakain ng ayos ito. Kaya bukas mamimili kami ng mga pagkain, hinding hindi sya makakatikim ng pagkain na inorder sa labas, pati baon nya ipagluluto ko sya.

 

"Karina yung kamay mo na naman ha." saway ko, hindi ako makapag-focus sa panunuod ko, ang ganda pa naman dahil action movie, pero yung kamay ni Karina parang may sariling aksyon din, kanina nasa hita ko, ngayon naman ay nasa loob na ng damit ko at humahaplos na! nakaupo ako sa pagitan ng hita nya at nakayakap sya sakin mula sa likod.

 

"I'm cold." siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko at tuloy parin ang kamay nya sa paghaplos ng tagiliran ko. Nag-aalala ko syang nilingon at hinawakan sa noo, "Masama na naman ba pakiramdam mo mahal?" umiling sya habang nakasubsob parin sa leeg ko, hinahalikan na nya ako doon, Grabe, parang mas lalong humarot si Karina ng mag solo kami. 

 

"I'm ok, are you hungry na ba? " tanong nya habang paulit ulit na hinahalikan ang leeg ko. 

 

 jusme! parang mas sya yung gutom. 

 

"M-mahal..."  napapikit ako, ang init ng palad nya na nakahawak na ngayon sa tyan ko. 

 

"Mmmm....?"  shutah! Nagulat ako ng maramdaman ko na bumuka ang bibig nya at marahang sinipsip ang balat ko sa leeg.

 

Gago karina! bakit may pag sipsip ng leeg?!!!

 

Tang-

 

B-bakit..

 

Bakit ang sarap?... gago..

 

​​​​​​Napapikit ako sa ginagawa ni Karina, yung kamay nya na humahaplos sa tyan ko, yung labi nya na umaakyat baba sa leeg at likod ng tenga ko. Hindi ko mapaliwag ang mararamdaman, hanggang sa isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat nya habang tuloy parin sya sa paghalik at sipsip ng leeg ko, napasinghap ako, kusa ko na rin itinagilid ang ulo ko na nagbigay sa kanya ng daan para mahalikan nya ako ng ayos. Hindi ko na rin napigil ang tunog na kanina pa gustong kumawala sa bibig ko.

 

"Aahh.." daing ko ng bigla syang may nasisip na sensitibong parte sa pagitan ng leeg at likod ng tenga ko. Naramdaman ko na hinigit nya pa ako lalo palapit sa kanya, halos nakayakap na ang dalawang kamay nya na nasa loob na ng damit ko at marahang hinahaplos ang tagiliran at tyan ko.

 

Ang init..

 

Naka patay ba ang aircon?

 

Bakit biglang naging maalinsangan ang paligid?

 

Hinawakan ko ang likod ng ulo nya at batok , hinaplos ko ito bago ako lumingon sa kanya dahilan para mapatigil sya sa ginagawa nya, nagtama ang tingin namin, malamlam na yung mga mata nya, malalim na rin ang pag hinga namin, marahan ko hinigit ang batok nya para mapalapit sya sa akin at hinalikan ko sya sa labi. Napasabunot ako sa buhok nya ng ipasok nya ang dila nya sa loob ng bibig ko at inumpisahan nyang paikutin sa loob nito. Animo may inaabot ang dila nya sa loob ng bibig ko. 

 

"ahm...mmm..." tanging ingay na nagawa ko ng mahuli nya ang dila ko at sinisip ito.

 

Karina ipagluluto kita na ginataang suso pag uwi natin sa probinsya, mukhang talent mo ang sumipsip talaga. Jusme! 

 

 Pakiramdam ko ay tatakasan ako ng ulirat sa ginagawa nya sa akin, ngayon lang kami naghalikan ng ganito kaya hindi ko alam ang gagawin ko,  hinayaan ko na sya sa ginagawa nya dahil parang kusa ng sumuko ang katawan ko sa sarap na nararamdaman ko. 

 

Mayamaya pa at naramdaman ko ang pag akyat ng isang kamay nya sa gilid ng dibdib ko, papunta sa ibabang bahagi ng suot ko na bra, at gamit ang hinlalaki ng daliri nya hinaplos nya ito, napasinghap ako. Naiinitan ako. Hindi nakakatulong ang init ng palad nya na humahaplos sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
132 streak #2
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #3
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #4
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
188 streak #6
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #7
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #8
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#9
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.
howdoyouknowmee
528 streak #10
Chapter 82: Ang sakit naman ng bawang sa nyortang naynay wahahahahaha