Chapter T-69

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter's Pov

 

 

"Khio anak, wag mo tanggalin yang beanie mo, malamig." 

 

 

"No no naaay..." 

 

 

"Apaka-kulit naman talaga." 

 

 

Natawa na lang si Karina dahil kanina pa kami nagtatalo nang anak namin ng dahil sa beanie. Karga nya si mochi at panay ang piglas nito kapag inaayos ko ang suot nyang beanie at hoodie. Kaya naman agad na binuksan ni Karina ang jacket na suot nya at doon ipinasok si Khio pagkatapos ay niyakap nya, para hindi ito malamigan at hindi mangulit. 

 

 

Ang lamig-lamig pa naman, pakiramdam ko nga ay parang nangangapal na ang mukha ko sa sobrang lamig, kaya nagmamadali na din kami maghanap ng restaurant na pwede namin kainan para naman mainitan kami. 

 

 

At yes mga dzai! Malamig, as in malamig na malamig dahil nandito kami ngayon sa London. First time mag-out of the country ng bochog namin kaya naman tuwang-tuwa sya. Eto nga't akala mo ay sanay na sa napaka-lamig na klima dito, dahil nagta-tanggal na ng damit nya, eh pulang-pula na nga ang pisngi, ilong at tenga nya sa sobrang lamig. 

 

 

Napag-pasyahan namin ni Karina na mag-family vacation muna, dahil next month na gaganapin ang kasal namin. At dahil nga first time ni Khio, kaya dinala kami ni Karina dito sa bansa na naging pangalawang tahanan na nya. Gusto nya daw kami dalhin sa magagandang lugar dito na madalas nyang galaan.

 

 

At totoo nga naman na napaka-ganda ng London, dalawang araw na kami dito pero grabe yung mga lugar na napuntahan namin, parang hindi totoo, akala mo'y pumasok kami sa libro.

 

 

At syempre, hindi talaga ako pumayag na wala kaming family pictures sa lahat ng pinuntahan namin, lalo na ang mga solo shots ni Khio. Para naman kahit hindi nya ito maalala ngayon dahil baby pa sya, eh may makikita naman sya pag laki nya. 

 

 

May mansyon din sina Karina dito, ang akala ko nga ay napaka-laki na ng mansyon ng mga Yu sa Pilipinas, kaya pagdating namin dito ay parang nalula ako ng makita ko ang mansyon nila sa Central London. Gate pa lang napaka-taas na, tapos para ka talagang nasa fairytales pagpasok dahil may malaking fountain sa tapat ng mansyon na may malawak na pathway, napapa-libutan din ito ng garden.

 

 

Malawak ang garden nila, parang gusto ko na lang sabihin kay Karina na dito na lang kami ikasal, napaka-dami kasing iba't-ibang klaseng bulaklak, ang ganda sobra. 

 

 

At kung naligaw ako sa mansyon ng mga Yu sa San Isidro, pakiramdam ko ay hindi ko susubukin na mag-ikot mag-isa dito sa mansyon nila sa London at baka kinabukasan na ako makalabas. Pero walang halong biro, kahit ata mag-anak kami ng sampu ni Karina ay aalog-alog pa din kami doon sa sobrang laki. Victorian style daw ang tawag dito sabi ng asawa ko, kaya parang kastilyo na talaga ang itsura nya. 

 

 

"What do you want to eat mahal? Mashed potatoes and broccoli na lang ba kay mochi tapos fruits for her dessert?" tanong ni Karina sa akin, nandito na kami ngayon sa restaurant na nadaanan namin sa downtown.

 

 

Gustuhin ko man maglakad-lakad dahil tuwang-tuwa ako sa Buckingham Palace, Big Ben at yung The London Eye na nagalaan namin, eh giniginaw naman ako. Last year pa kasi dapat kami pupunta dito, noong 2nd birthday ni Khio, ang kaso ay hindi natuloy, mas masaya kasi kung i-cecelebrate namin ang birthday nya na kasama ang buong pamilya, lalo na't nakaka-laro na nya talaga sina Yumi at Allison.

 

 

Kaya itong February na lang kami tumuloy, parang Valentines gift daw to ni Karina sa amin mag-ina nya. At totoo naman, mukhang balak nya talaga kami i-tour sa buong London. 

 

 

"Oo mahal, ayon na lang kay mochi, tapos kape sa akin, lamig na lamig na ako eh." sagot ko, inabot naman agad ni Karina ang kamay ko na pinagkuskos ko dahil kahit ata naka-gloves ako kanina eh namanhid na sa lamig. 

 

 

Buti pa ang asawa ko, hindi ginawin, mainit ang kamay nya kaya nakatulong talaga para maibasan ang lamig ng kamay ko. 

 

 

"Coffee lang? Lunch na mahal, gusto mo ba ako na lang mag-order ng foods mo?" marahan akong kinabig ni Karina sa tabi nya, kalong nya pa din si Khio na busy sa laruan nyang dinosaur. 

 

 

Tumango naman ako at sumandal sa balikat nya dahil giniginaw pa din ako, gusto ko na lang sumiksik sa asawa ko. Nakaramdam naman si Karina, kaya lalo nya pa ako hinapit sa bewang, at halos nakayakap na sya sa akin. 

 

 

"Ikaw na mahal, mas masarap ka pumili ng pagkain eh." sagot ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Karina bago sya nag-order sa waiter. 

 

 

Last time kasi na umorder ako, tapos tinikman ko yung kay Karina, mas nasarapan ako sa order nya. At dahil mabait ang asawa ko, naki-pagpalit sya sa akin. Kaya ngayon, sya na lang pinapapili ko sa lahat, dahil sya naman ang nakaka-alam ng masasarap na pagkain dito sa London. 

 

 

"Naynay didi..." 

 

 

Ayan, bored na naman ang bochog namin kaya naka-alala na naman dumede.

 

 

"Anak, eat muna ikaw okay? Mamaya na ang dede pag-uwi natin." 

 

 

"No!" 

 

 

At nagdabog na nga ang mochi, pinagpupuk-pok nya na yung lamesa ng dinosaur toy nya at sumisigaw ng no no. 

 

 

"Khio stop, that's not nice." saway ni Karina.

 

 

Tila naman naintindihan ng bochog namin na seryoso na ang mommy nya kaya huminto ito sa pag-pukpok ng dinosaur toy nya sa lamesa.

 

 

Eto pa naman ang isa sa pinaka-ayaw ni Karina na ginagawa ni Khio ay yung sisigaw, lalo na't ako ang sini-sigawan. Doon nagpa-panting ang tenga ng mommy nya sa kanya. Pati na din yung nagdadabog sya, kapag kasi galit ang bochog na ito, lahat ng mahawakan nya, itatapon o kaya namam ay ipupuk-pok. 

 

 

Humihikbi si Khio at tila pinipigilan ang sarili na wag maiyak ng tumingin sya sa akin na parang nanghihingi ng tulong. Pero kinagat ko lang ang dila ko para pigilan ang sarili ko na amuhin sya. 

 

 

Unti-unti na kasi namin syang tinuturuan ni Karina na kapag hindi pwede, hindi talaga pwede. Na kapag may nagawang syang kasalanan, mapapagalitan talaga sya. At mukhang natututo naman na ang mochi namin, lalo na kapag narinig na nya ang tono ng boses namin ng mommy nya kapag sinasaway sya. 

 

 

"Yelling and hitting are not nice Khio, understand? Mommy and nanay are not happy." seryosong sermon ni Karina kay Khio na hikbing-hikbi na. Pina-upo sya ng ayos ng mommy nya at ipinatagilid para maka-harap nya ako. "And we don't yell at nanay." madiin na dagdag pa ni Karina.

 

 

"N-nay..." 

 

 

Ang puso ko...      

"Are you ready to say sorry to nanay?" 

 

 

"Nay...." 

 

 

Yumuko si Khio at umungot na parang iiyak na pero napa-hinto din sya ng tapikin ng mommy nya sa hita. Mahina lang naman, para makuha ni Karina ang atensyon nya. 

 

 

"What are you gonna say to nanay, Khio?" seryoso tanong ni Karina.

 

 

Awang-awa ako pero kailangan nya na kasing matuto, baka pag-inamo-amo namin ay gamitin nya lang ang pagpapa-awa para maka-ligtas sa kasalanan nya, dahil alam nyang hindi namin sya matitiis ng mommy nya. 

 

 

Para tuloy mai-iyak na din ako nang mag-angat ulit sya ng tingin sa akin dahil tuloy-tuloy na pumatak ang luha sa mga mata nya.

 

 

"N-nay-" napa-kapit ako ng mahigpit sa kamay ni Karina nang sininok si Khio, pagkatapos ay pinag-saklob nito ang dalawang palad sa harapan nya na parang nagp-pray.

 

 

"Nay-n-nay...t-towi..." sinsinok na ungot ni Khio.

 

 

Hindi na ako naka-pagpigil, agad ko ng pinahid ang luha nya dahil baka pati ako maiyak na. Lalo na ng pag-kurap nya ay talaga naman, buo-buo ang luhang pumatak sa pisngi nya. 

 

 

"Tahan na, basta wag na uulit anak ha? Bad yon eh..wag sisigaw..."

 

 

"T-towi-nay..towi..."

 

 

Ang awa ko lang ng tuluyan na syang umiyak pagkatapos, at kahit pa nga napagalitan sya ng mommy nya ay sumiksik pa din sya sa dibdib ni Karina at doon umiyak. 

 

 

Napa-buntong hininga na lang ang asawa ko bago nya niyakap at marahang tinapik ang likod ni Khio. Sa totoo lang ay mas malambot si Karina pagdating sa pagdi-disiplina kay Khio. Pero wala syang magagawa, magulang sya eh, at para din naman ito sa anak namin.

 

 

Humina na ang iyak ni Khio pero ang sakit pa din sa puso. Paulit-ulit itong hinalikan ni Karina sa ulo hanggang sa tumahan na ang mochi namin, yumakap na din ulit sya sa mommy nya na hindi din naka-tiis at nilambing na ulit ang mini me nya.

 

 

Hinalikan ko din sa ulo si Khio, bago ako humilig sa balikat ni Karina habang naghihintay kami ng pagkain namin. Ang clingy lang talaga namin tatlo, nagsik-sikan kami dito sa gilid, buti na lang at parang sofa ang style ng upuan kaya komportable pa din.

 

 

Tahimik sa loob ng restaurant, yung katahimikan na mare-relax ka, dagdag pa na ang sarap ng init dito, kabaligtaran sa matinding lamig sa labas. Pati si Khio ay pinapa-nuod na lang sa malaking bintana sa tabi namin ang pagpatak ng snow. Nalibang din siguro dahil tahimik na sya at hindi na ulit nilaro ang dinosaur nya. 

 

 

Ang ganda ng snow, first time ko makaranas nito kaya parang gusto kong lumabas at magpicture-picture. Ang kaso naalala ko yung lamig, jusko, Winter lang ang pangalan ko pero lamigin talaga ako. 

 

 

"First snow nyo ni Khio mahal, so dapat i-kiss mo ako." umayos ako ng upo at pinaningkitan ko ng mata si Karina na taas baba ang kilay habang naka-ngisi sa akin. 

 

 

Para-paraan na naman.      

"Kapag pasko lang naman yon diba? Tapos dapat sa labas tayo magki-kiss kasi under the mistletoe." lihim ako na napangiti ng napanguso ang maharot kong asawa at umungot. 

 

 

Hay nako, mape-peke ka talaga sa itsura ni Karina, mukha lang syang suplada at seryoso pero ang totoo, napaka-laking baby.      

"Eeehhh sige na..." maktol nya.

 

 

"Hay nako Khio, ang mommy mo mas baby pa sayo." biro ko.

 

 

"Bibi?" napangiti ako ng tila excited na tumingin si Khio sa akin.

 

 

"Oo, baby damulag."

 

 

"Mimi bibi!" naka-ngiting turo nya sa mommy nya.

 

 

Parang hindi napagalitan kanina, naka-move on agad. 

 

 

"Hmp, inaaway nyo ako." 

 

 

Kiss      

"Okay na?" natatawang napa-irap na lang ako ng masayang tumango ang asawa ko. 

 

 

"Thank you mahal, I love you."

 

 

Napangiti ako, ang dali lang talaga pasayahin ng asawa ko na to, kaya love na love ko yan kahit ang harot harot.

 

 

Pinisil ko sa pisngi si Karina, at hinalikan ko ulit sya sa labi, pagkatapos ay sa magkabilang pisngi nya din.

 

 

Cute cute

 

 

"I love you too, tatampo pa eh." birong irap ko sa asawa ko na ngiting tagumpay na naman. Pagkatapos ay yumuko ako para bigyan din ng kiss ang mochi namin sa labi at sa magkabilang pisngi nya din. 

 

 

At katulad ng mommy nya dahil magkamukha naman sila, tuwang-tuwa din sya at pumalakpak pa nga. 

 

 

"I love you baby mochi~" 

 

 

"yabyu nay!" 

 

 

Hay...mamimiss ko yung bubu ng mochi namin, 2 years old na talaga sya, marami na syang alam na salita kahit bulol pa.

 

 

Maya-maya lang ay dumating na din ang pagkain namin, siguro ay gutom talaga ng bochog namin, pati kasi yung dessert namin ng mommy nya naki-hati pa sya. Ako naman ay mainit na kape ang pinag-initan, ang sarap talaga humigop ng mainit na kape lalo na't kapag malamig. Nag-order pa nga si Karina ng pumpkin soup at nagustuhan ko naman kahit first time ko makakain nito. 

 

 

Nag-enjoy kami mag-anak sa gala namin, halos tulo laway na nga si Khio pag-uwi dahil pagod na pagod kakatakbo kanina sa park. Maaga din kami matutulog dahil bukas ay mag-roroadtrip at camping daw kami sa country side sabi ni Karina. Ayon daw ang paborito nyang gawin kapag stressed na sya sa trabaho dito dati. Dadalhin din daw nya kami sa cabin nila sa gitna ng gubat at doon kami titigil ng ilang araw. 

 

 

Excited na ako!

 

 

Sana naman hindi masyadong malamig doon.

 

 

______

 

Winter's Pov

 

 

Akala ko makakaligtas na ako sa sobrang lamig, akala ko lang pala,  dahil pakiramdam ko ay nasa North Pole na ako sa dami ng snow dito sa pinuntahan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1164 streak 0 points #1
Chapter 84: baby mochi best ate 🥺🥺
howdoyouknowmee
542 streak 0 points #2
Chapter 84: Kakaiyak naman Mochi 🥺
Kaya lab na lab kita ehhh
sepvenanje 0 points #3
Chapter 84: ito talaga problema ng mga mababaw luha e, grabe lang iyak ko kay Khio, thank you sa super bait na ate Khio namin kahit napuno na ng sugat yung paa pati tuhod 😭😭 loveyou mochi
jaangwaang
895 streak 0 points #4
Chapter 84: Buti na lang talaga andyan ka ate khio abunjing ko 🤧🤧
ROYAL_LOCKSMITH 0 points #5
Chapter 84: Buti naman at safe si naynay at ang mga little dinotors. Buti na lang din at nandoon si ate khio, natulungan si naynay.

Napaka brave and strong mo ate khio, nakaka proud ka. Talagang napalaki ka ng tama ni naynay at mimi. Keep it up ate khio, para sa safe delivery ng mga wittew dinotors niyo.

Buti na lang talaga at hindi ka nag cliffhanger 'tor, kung hindi marami talagang huhunting sayo, kasama na ako roon.😅 Thank you po ☺.
Etoile__
352 streak 0 points #6
Chapter 84: grabe yung pa-kaba nakakalagut hininga 😫
tipsylesbi 0 points #7
Chapter 84: grabe sobrang mature ni khio to comfort her mommy 😭 nakakaiyak yung pag mamahal nila sa isa’t-isa. Ang nerve wrecking din ng aksidente ni winter, hindi ko maimagine kung pano umiyak si mochi. Kudos sayo author, another emotional roller coaster ride na naman hahaha thank you sa pa comedy niyo sa dulo 😂🫶
Eybrelros 0 points #8
Chapter 84: Tuwang tuwa ako kase 6k words. Ang kaso nakakanginig mag scroll kung gantong kalahatian yung inis iyak at pagod ko naghalo halo. Grabe naman yon nasaktan nanaman ang mochi naten tapos ang naynay at triplets nakakatakot 😭
Mabuti nalang ligtas na sila kung hindi papasabugin ko yung Cr na yon eh 😠💣 ingat na ingat tayo sa mochi masusugatan lang sa ganung paraan haaaayyy awit memorable ang peklat nya kung magkakaron man🤦‍♂️
dandileon 0 points #9
Chapter 84: Chapter 84: Ito pala ang dahilan kung bakit hindi sinabi ni Khio yung ginagawa sa kanya ng batang demon sa school. Poor mochi 🥺
aegiminjeong
0 points #10
Chapter 84: authorrr napanood ko yung si karina nagluluto ng pancake tapos binaligtad nya tapos nahulog ganun yung naiimagine ko kung pano sya magluto 😭😭