Chapter T-29

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter' Pov

 

"Woah baby! Are you playing in Nanay's tummy na ba? Gising ka na ulit? Good morning my love.." paulit ulit hinalikan at hinaplos haplos ni Karina ang tiyan ko, habang nakangiti ko lang pinapanuod silang dalawa na mag bonding ngayong umaga.

 

Kahit nasa tiyan ko pa lang si baby, pakiramdam ko talaga mommy's girl sya paglabas. Pagkatapos nya takutin ang mommy nya kaninang madaling araw, ngayon naman nag bobonding na sila na parang walang nangyari, wala naman talagang seryosong nangyari, nagulat lang kasi ako kanina ng maramdaman ko ang malakas na pag galaw nya sa tiyan ko, syempre first time ko, kaya natakot din ako dahil may naramdaman ako na sakit. Kaagad ko ginising si Karina na susi agad ng sasakyan ang unang inabot. Ready na ready yung asawa ko na buhatin ako at dalhin sa ospital dahil naalipungatan sya.

 

Kaka-seven months pa lang kasi ng pagbubuntis ko, nararamdaman ko naman yung mahinang pag galaw nya nung six months pa lang, pero mahina talaga at parang dalawang beses lang iyon nangyari. Nag alala kami kaya noong huling check up nagtanong kami sa doktor. Normal naman daw yun dahil first time ko mag buntis, at healthy naman daw si baby.

 

Pinarinig na din nya ang heartbeat ni baby sa amin para mawala ang pag aalala namin. Ang laki na din ni baby sa tiyan ko, nakita namin ang latest ultrasound nya, ang cute cute nya! tuwang tuwa kami ni Karina.

 

Pakiramdam ko tuwing may madidiscover kami na bago sa baby namin umiiyak kaming mag asawa sa tuwa. Nagpapasalamat talaga kami na kahit first time pa lang namin ay talagang hindi kami pinahirapan at walang naging problema lalo na noong mga unang buwan ng pagbubuntis ko, healthy kami ni baby. Ang saya lang namin ng marinig namin ang heartbeat nya, sa sobrang tuwa ni Karina ginawa pa ngang ringtone ang heartbeat ng baby namin sa cellphone nya.

 

"Mommy's girl agad si baby mahal, lugi ako.." angal ko kay Karina. 

 

Nakakatampo sila ng slight mag-mommy, kaninang madaling araw sobrang likot nya kaya pinakalma sya ni Karina kasi nga medyo nasasaktan ako kapag gumagalaw sya. Nakinig sya sa mommy nya, mahihinang sipa na lang yung sumunod.

 

Tapos ng umalis si Karina para mamili, hindi na ako nakatulog kaya naisip ko na kami naman mag-nanay ang mag-bonding. Pero jusme, tinulugan ata ako ng anak namin, ni mahinang sipa wala akong naramdaman.

 

Tapos ito, dumating si Karina galing palengke, pagkapasok na pagkapasok nya pa lang sa kwarto at pagkasabi nya ng good morning pakiramdam ko biglang nag-cartwheel ang anak namin sa tiyan ko. Nagulat si Karina dahil muntik ako matumba, nakatayo kasi ako sa tapat ng aparador dahil inaayos ko ang damitan namin, buti at nakakapit ako agad sa handle. Nagulat kasi talaga ako, ang lakas ng galaw nya. Tuwang tuwa ang anak namin ng marinig ang boses ng mommy nya. 

 

"Tampo si nanay baby mochi oh, mag good morning ka din kay nanay baby or kick para alam ni nanay na love mo din sya." 

 

Masunuring anak nga.

 

"Aray! Mahal!" daing ko, nahampas ko sa balikat si Karina na natatawa sa akin ng bigla ngang sumipa si baby. Pati pagka-sutil nakuha sa mommy nya.

 

Yari talaga ako nito.

 

Mini Jimin talaga.

 

"Mahal atleast alam mo na love ka din ni baby, wag ka na magtampo." umangat sya sa pagkakadapa nya sa kama sa tapat ng tiyan ko para halikan ako labi. 

 

"I love you, love na love ka namin ni baby, nanay Winter." nakangiting sabi ni Karina at hinalikan ako sa noo bago bumalik sa pagkakadapa sa pagitan ng hita ko. 

 

"Nagpapakitang gilas lang si baby kapag nandyan ka, tapos kapag kami lang dalawa tinutulugan lang ako." nakanguso kong sabi, nagtatampo talaga ako bakit ba? Ako yung nagbubuntis dito tapos sa kanya lang makikinig, lugi!

 

"Awww baby, tinulugan mo daw si nanay kanina mochi...? Oh sige, ganito na lang, promise me, kapag wala si mommy, magplay ka pa din with nanay ok? Nagtatampo si nanay eh, we don't want her to feel sad di ba?" hinalikan ni Karina ang tiyan ko at hindi ko maiwasan na paulit ulit mag pasalamat, hindi mabibili ng kahit na anong materyal na bagay ang meron ako ngayon sa piling ng munti naming pamilya. 

 

"Play with nanay too baby mochi. You make lambing din kay nanay po kahit wala si mommy ok? I love you, I can't wait to see you baby mochi, kick, if you agree with mommy na magplay ka with nanay din." paullit ulit nya na hinalikan ang tiyan ko at sa bawat halik nya ay tila gumaganti din ng galaw ang anak namin. Napahugot ako ng hininga.

 

jusme! ang internal organs ko maawa't mahabag silang mag mommy.

 

"Ok good! Haha you're so mabait baby, woah! Are you trying to kiss mommy too? How sweet!" napa-igtad talaga ako sa huling sipa nya.

 

Ang lakas nun ah!

 

"Ma-how sweet ko kayong mag mommy dyan, mahal masakit..mamanahin pa ata ni baby pagiging taekwondo player mo, Ah! Aray ko...mochi!" Napahawak ako sa kanang bahagi ng tiyan ko, kitang kita namin ni Karina na bumukol ang bahagi na iyon sa lakas ng galaw nya. 

 

Grabe..

 

7 months pa lang to, pero ginagawa na nyang football field ang loob ng tiyan ko.

 

"Woah! Ok ok calm down baby, nanay is hurting na, I know you're very healthy ang strong. Sshhh, calm down baby..." hinaplos haplos ni Karina ang bahagi na iyon ng tiyan ko at maya maya pa ay naramdaman ko na kumalma nga ang anak namin. 

 

Masunurin naman, sa mommy nga lang nya. 

 

Haynaku

 

"Thank you baby...laro ulit tayo mamaya pag uwi ni mommy, please take care of nanay for me muna ok? Behave ka ha, pag uwi ko may pasalubong si mommy sa inyo ni nanay. I love you so much..." 

 

"Sayo lang talaga sya nakikinig mahal.." ungot ko. Natawa si Karina at ibinaba na nya ang maternity dress ko na inangat nya kanina para lagyan ng lotion ang tiyan ko, na nauwi sa kulitan nilang mag mommy. 

 

"Hayaan mo mahal, ako naman yung original baby mo e, nakikinig naman ako sayo diba?" tinulungan na nya ako umupo at nilambing lambing.

 

Grabe ka Karina Yu,  ang rupok rupok ko talaga sayo.

 

"Yung pakwan ko, uwian mo ako ng pakwan mahal..." 

 

Hindi naman na ako naglilihi, ang kaso huling ani na ng pakwan ngayong taon sa amin. Kaya aalis si Karina ngayon para tumulong anihin yung huling pilapil ng pakwanan namin. 

 

"Ok mahal, hahanapan kita ng malaki." hinalikan na nya ako at tumayo na. Ang ganda pa din talaga ng asawa ko kahit nakapang saka ang outfit, sosyal na magsasaka, pinag aani lang namin ng pakwan yung ceo ng malaking kumpanya oh. 

 

"Ehem." napatingin ako kay Karina na may nakakalokong ngiti na habang nakatingin sa akin. Inirapan ko lang sya kasi alam ko na yang iniisip nya. Napatagal na kasi ang titig ko sa kanya.

 

"6:30 pa lang naman mahal, 7:30 pa yung dating ng delivery truck na kukuha ng pakwan, sabihin ko kay lolo susunod na lang ako." tinaas pababa pa nya ang kilay nya sabay kindat sa akin. 

 

Basta kaharutan talaga, walang pagod pagod kay Karina Yu.

 

Inabot ko yung unan sa tabi ko at akmang ibabato ko sa kanya kaya mabilis syang nanakbo papunta sa pinto. 

 

"Hindi ka pa nakuntento kagabi bwiset ka! Pipitikin ko na talaga yan!" banta ko sa kanya.

 

"Joke lang kasi mahal! Alis na ako, I love you so much mahal and baby mochi! See you later my loves! Muah!" nagflying kiss pa sya at narinig ko na ang yabag ng mga paa nya na nananakbo pababa ng bahay. Napailing na lang ako. 

 

Isang buwan na lang, madidiet ka na naman Karina Yu. Good luck sa inyo ni junior.

 

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng unan. Kinuha ko ito at nakita ko ang pangalan ni Yeji. 

 

Nalimutan ko pala syang replyan kagabi, napaka harot kasi ng pinsan nya!

 

______

 

Winter's Pov

 

"May lahi ka bang hapon iha?" napakamot ng ulo si Yeji ng tanungin sya ni Lolo, nakatayo sya sa tapat ng hagdan at hindi na magkandaugaga sa mga bitbit nyang bulalaklak na pagkalaki laki, paper bag at may box pa ata ng cake ata yun.

 

Naabutan nya kami na nag luluto ng tanghalian dahil kakadating lang nila Lolo, Ryujin at Karina galing sa bukid. 

 

"W-wala po, k-korean lang po." natawa ako, nakikita ko talaga si Karina sa kanya. Mukha lang silang striktang masungit pero mga malalaking abujing talaga.

 

"Eh bakit tanghali ka naakyat ng ligaw?" Napatakip si Karina ng bibig sa tabi ko, nasa kusina kami at nag gagayat ako ng gulay para sa ulam namin na chap suey na lulutuin ko para sa tanghalian, si Karina naman walang ginawa kundi papakin ang lahok na carrots. Tuwang tuwa lang sya sa itsura ng pinsan nya na ginigisa ni Lolo ngayon sa sala.

 

"S-sabi po kasi ni Jimin, tanghalian lang po daw nandito si Ryujin.." naawa naman ako kay Yeji, mukha syang estatwa na kanina pa nakatayo doon, ang dami pa naman nyang dala. 

 

"Tulungan mo kaya yung pinsan mo dun." utos ko kay Karina na pangiti ngiti habang pinapanuod si Yeji at si lolo sa sala. 

 

"It's ok mahal, malaki na sya and first time ko makita si Yeji na ganito. Yung hindi pa-cool, tanggal angas nya kay lolo e." natatawang nyang sabi habang nginangatngat yung kalahati ng carrots na ginagayat ko. Napailing na lang ako. Naikwento din kasi ni Karina sa akin ang ugali ni Yeji pag dating sa mga babae. Kaya pati ako hindi makapaniwala ng sumulpot sya dito.

 

"Ah...oh sya halika dito, wag ka matakot sa akin iha, hindi mo naman siguro sasaktan ang apo ko hindi ba? kasi kung gagawin mo iyon ay ngayon pa lang mamili ka na sa mga koleksyon ko." inginuso ni lolo ang mga karet nya na nakasabit sa dingding ng kusina na sinundan naman ng tingin ni Yeji.

 

Kitang kita ko na napatigil sa paglalakad si Yeji papuntang sala ng makita ang itinuturo ni lolo, napalunok din ito.

 

Si lolo talaga...

 

"She's scared pfft..." eto namang pinsan nya enjoy na enjoy, ubos na yung lahok ko na carrots. Siniko ko sya ng mahina sa tagiliran.

 

"Ubos na yung carrots! Tawang tawa ka dyan palibhasa hindi mo ako niligawan." dali dali nyang nginuya ang laman ng bibig nya at nilunok ito bago tumingin sa akin at nagsalita.

 

"Mahal naman, natotorpe ako nun eh, ang ganda ganda mo kasi, kaso ang taray mo, kapag binibiro kita na liligawan kita hinahabol mo ako ng saksak ng bbq stick. Pero ok lang mahal, ikaw naman nagyaya ng kasal sa atin, mas gusto ko yun kesa ligaw hehe." sabi nya sabay subo ulit ng carrots.

 

Napairap na lang ako.

 

Langya wala akong laban dun ah      Malamang kapit sa patalim na ako nun

 

Sira ulo talaga.      Pero atleast ginalingan ko dun, bet na bet naman din nya talaga ako. Mabuti na lang din talaga at maganda ang kinalabas ng pagiging paladesisyon ko.

 

"Biro lang, halika at maupo ka iha, pauwi na iyong si Ryujin, inutusan lang ni Winter bumili ng patis at naubusan kami. Ano ba yang dala dala mo at pagkadami dami naman?" at dahil tanaw nga namin sila sa sala, kumaway ako kay Yeji ng ituro kami ni lolo sa kusina, ngumiti sya at kumaway din pabalik, pero parang nanghihingi na ng tulong ang tingin nya. Natakot ata talaga sya kay Lolo, pakitaan ba naman ng displays ng karet at itak e. 

 

"P-pasalubong po para kay Ryujin at sa inyo po..." inilapag nya isa isa ang mga dalahin nya. Grabe, anlaki ng bulaklak.

 

Natawa ako, hindi naman mahilig si Ryujin sa bulaklak, baka ilagay lang yan ng pinsan ko sa maliit na groto namin pag nagkataon. Katulad ng mga bigay ng nanliligaw sa kanya noong nag aaral pa kami. At oo, may nanliligaw din na lalaki dyan noon kahit naka-siete cut yan.

 

"Nag abala ka pa iha, maraming salamat. Maupo ka." umupo si Yeji sa tabi ni Lolo at panay pa din ang tingin nya sa amin na tila nagmamakaawa. 

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
#1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
137 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
191 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂