Chapter T-28

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov 

 

Gender reveal na ng baby mochi namin mamayang gabi! Excited na ako! Gustong gusto ko na mamili ng mga damit at iba pang gagamit nya, puro pang uni kasi na gamit ang nabibili pa lang namin ni Karina nung nag mall kami. Pero ewan ba dito sa asawa ko, may t-rex dinosaur na stuff toys na agad na binili, tatlo pa, bantay daw yun ni baby mochi. Hinayaan ko na lang mukha na kasi syang iiyak nung pinagalitan ko.

 

Umupo na ako sa kama at nag unat, sumasakit na ang likod ko, nararamdaman ko na talagang lumalaki na si baby sa tiyan ko dahil bumibigat na, hinaplos haplos ko muna ang tiyan ko. At hindi ko maiwasan mapangiti, ang aking morning happy pill. 

 

"Good morning baby ko, worth it naman ang sakit ng likod ni nanay, kasi ibig sabihin healthy ka baby kasi nalaki ka na.Excited ka ba today sa party mo? Kahit anong gender anak, love na love ka ni Mommy at Nanay, basta healthy ka and happy, ayan ang mas mahalaga sa amin ni Mommy. I love you mahal ko." nakasanayan ko na talaga ito, na tuwing umaga kinakausap namin sya ng mommy nya, ngayon absent ang mommy nya sa morning bonding namin dahil kakatulog nya pa lang galing sa pamimili ng mga gagamitin mamaya.

 

Nilingon ko si Karina na tulog na tulog, nakadapa sya at sabog sabog ang buhok, wala na din syang kumot, napakalikot naman kasi matulog. Buti na lang talaga at malaki na itong kama namin, dati kasi nagugulat ako bigla na lang may kumakalabog sa sahig, yun pala nalaglag na sya, kaya naisipan din namin na itabi na sa bintana ang kama para may harang si Karina. Natatakot din kasi ako na mapasama ang bagsak nya kapag natutulog, kahit na nga kahoy pa itong sahig namin.

 

Kinumutan ko na sya ng ayos at hinawi ang mga buhok na nakatabing sa mukha nya. Nakanganga pa nga, ang cute. Hindi ko maiwasan na halikan sya sa pisngi. Gustuhin ko man na panggigilan sya, ang kaso naawa ako, minsan lang makapagpahinga ang asawa ko kakatrabaho. 

 

Napadako ang mata ko sa suot ko na singsing, may engraved pala ito na initials ng pangalan namin ni Karina sa mismong band nito, naalala ko na naman yung gabi na nag-proposed si Karina sa akin, sa tanang buhay ko, hindi ko naisip o pinangarap na mangyari sa akin ang ganoon, dahil hindi ko talaga inaasahan na magmamahal ako, na ikakasal ako.

 

Pero nang dumating sa buhay ko si Karina. Yung mga ganitong bagay, hindi ko inaasahan na iniimagine ko na din pala na kami ni Karina yung nandoon sa ganoong sitwasyon. Ang saya pala, sobrang saya lalo na kapag kasama mo na yung taong mahal mo ang taong gusto mo makasama habang buhay.

 

Yung mga ginamit nga nya na props na sunflowers nandoon pa din sa bakuran, inaalagaan ko. Pati yung piano nilagay ni Karina sa sala namin. Tuturuan daw nya si baby na tumugtog ng piano. Naiimagine ko tuloy silang dalawa na nakaupo doon at natugtog. Baka maiyak ako sa tuwa kapag nangyari na talaga yun.

 

Mga mahal ko..

 

Ang sabi ko kay karina kung pwede kapag nakapanganak na ako tsaka namin planuhin ang kasal namin. Mas maganda kasi dahil kasama na namin si baby, gusto ko ng family picture sa kasal namin. Gusto ko maging flower girl ang baby namin o ring bearer kung boy sya. Pumayag naman sya, kasi gusto nya daw ibigay sa akin yung pangarap ko na kasal.

 

Kung dati ako tatanungin, wala talaga akong pake, kasi nga wala naman akong planong mag asawa. Pero ngayon, gusto ko na ng vintage wedding, gusto ko umawra kaming tatlo habang nakasuot kami ng sinaunang damit pang kasal at pang abay, tapos imbis na kotse, kalesa yung maghahatid sa akin sa venue ng kasal namin. Feel na feel ko maging Maria Clara sa kasal namin ganun, dalagang Filipina kahit hindi naman na ako dalaga, gusto ko lang magmaganda. 

 

Ayan, naimagine ko na naman. Sabi ni Karina, sya daw bahala sa lahat, sabihin ko lang daw kung ano ang gusto ko. Pero syempre, gusto ko din pareho kami may ambag sa ideya kaya pinipilit ko syang tanungin at mag bigay ng opinyon sa kasal namin. Ang sabi nya kahit underwater wedding daw ok sa kanya basta daw maikasal kami ulit. 

 

Hindi ko na ulit sya hiningian ng idea ng marinig ko ang underwater wedding. Baka mamaya totohanin nya at mga pating ang maging bisita namin sa kasal. Salamat na lang siguro sa kanya. kaya ko na to. Kahit ako na lang mag isa magplano. Katakot ideya ng asawa ko. 

 

Muli ulit ako humalik kay Karina sa pisngi at tumayo na. Maghahanda na ako ng aalmusalin dahil namiss ko talaga ang magluto ng umagahan namin. Nang dahil sa paglilihi ko natigil ako sa nakasanayan ko na pagluluto dahil ayoko makaamoy ng ginigisang bawang at sibuyas, ngayon kasi hindi na ako nagsusuka. Nahihilo na lang minsan pero kaya naman. Hinahayaan na nila ako mag luto basta wag lang daw mag bubuhat, si Ryujin ang assistant ko. Para matuto din magluto. Puro pangangahoy at pag akyat ng puno ang alam e. 

 

Baka mamaya magkatuluyan talaga sila ni Yeji, naku po! puro pancit canton at binating itlog na may isang sachet na magic sarap ang ulamin ni Yeji araw araw, ewan na lang kung hindi bumula bibig nya.

 

______

 

Pupungas pungas si Karina ng magising, agad nyang kinapa ang higaan para hanapin ang asawa nya pero wala si Winter, kaya napaupo sya para tingnan ang paligid, mataas na ang sinag ng araw sa bukas na capiz na bintana, kaya naisip nya na tanghali na. Tiningnan nya ang orasan sa pinto at kahit nakapikit pa ang isang mata ay naaninagan nya na alas otso pa lang pala ng umaga. 

 

"Oh gosh I am so tired..." napahilamos sya ng mukha, halos hindi pa nya maidilat ng ayos ang mata. Pagod na pagod sya dahil tatlong oras pa lang ang tulog nya. 

 

Hindi nya kasi namalayan na alas dos na pala ng madaling araw ng matapos nya ang trabaho nya sa kumpanya. Pinilit nya tapusin ito dahil gender reveal nga ng anak nila at hindi nya ito magagawa ngayong araw dahil busy sya sa paghahanda. Alas tres naman ng umaga kailangan nila mamili ng mga gagamitin sa party. Pinasara muna ni Winter ang ihawan sa bahay at bayan dahil gusto nya makapunta sina aling bernadette at mikay sa party. 

 

Pasuray suray syang tumayo sa higaan at hindi na nag aksaya pa ng panahon para mag suklay, halos pikit pa ang mata nya ng lumabas sya ng kwarto at dumaretso sya sa kusina dahil alam nya na nandoon si Winter dahil naamoy nya ang sinangag na niluluto nito. 

 

Agad agad syang lumapit dito at yumakap mula sa likod ng makita nya itong nagluluto ng almusal.

 

"Good morning mahal, bakit hindi mo ako ginising? Hindi ako nakapag good morning kay baby..." hinalikan nya sa likod ng ulo ni Winter at hinaplos haplos ang tiyan nito. 

 

Napa-kunot ang noo nya.

 

Wait..

 

"M-mahal..w-what happened?" kinapa kapa nya ang tiyan ni Winter para makasigurado.

 

No...

 

"N-nasaan si b-baby..?" yung kabog ng dibdib nya ng makapa nya ang tiyan ni Winter na ngayon ay naging flat. Nawala ang antok nya at ang kaninang pikit nyang mata ay nanlaki sa takot. 

 

"MAHAL!" agad nyang iniharap si Winter sa kanya at ganun na lang ang gulat nya dahil isang naka-pout na Ryujin ang bumungad sa kanya. Nanlaki ang mata nya dahil nakapikit ito at ngumunguso pa ito sa kanya na tila humihingi ng halik.

 

"THE FCK RYUJIN?!" napatalon sya sa gulat at halos tumilapon si Ryujin ng mabilis syang bitawan ni Karina para lumayo. 

 

"Aray ko naman!" angal ni Ryujin na napahawak sa ref ng muntik syang matumba sa pagkakabitaw ni Karina.

 

Nakarinig si Karina ng tawanan, at paglingon nya sa lamesa ay nakita nya si Winter, Ningning at Giselle na namimilipit na kakatawa. Pumapalakpak pa si Ningning at hinahampas si Giselle sa braso. Si Winter naman ay hawak hawak ang tiyan at humahampas din kay Giselle. Nakahinga sya ng maluwag ng makita nya ang baby bump ni Winter. Ang kaba nya talaga kanina. 

 

"Mahaaaal kisssh kooo..." ngumuso ulit si Ryujin at tila lalapit sa kanya. 

 

Kaya pinitik nya ito sa noo. 

 

"Aray! Hoy! nakakarami ka na Yu Jimin ha!" sapo ang noo kinuha ni Ryujin ang sandok at iniamba kay Karina.

 

"What are you doing?! Bakit suot mo ang duster ni Winter?" tanong nya dito.

 

Akala nya talaga si Winter si Ryujin kanina dahil halos parehong pareho ang magpinsan lalo pag nakatalikod, matangkad lang ng konti si Winter. Pero hindi na nya ito napansin dahil nga inaantok pa sya kanina. Tapos suot pa ni Ryujin ang duster ng asawa nya. 

 

"Excuse me Ms Yu, duster ni nanay to, hinihiram lang din ni Winter ang duster ni nanay noong hindi pa sya buntis." nakapamewang na sabi ni Ryujin sa kanya. 

 

"Eh bakit ka kasi naka-duster?" lumapit na sya kay Winter at hinalikan ang asawa nya sa pisngi. Umupo na din sya sa tabi nito at hinawakan nya ang tiyan ni Winter. Hindi pa din nawala ang kaba nya kanina. 

 

"Hindi pa tuyo ang mga damit ko..." tumalikod na agad ito sa kanila. 

 

"Natiklop ko na ang damit mo kagabi diba?" tiningnan nya si Winter na ngumiti sa kanya ng nakakaloko at kumindat.

 

"Huh? Hindi ko alam..." sagot ni Ryujin na nakatalikod pa din sa kanila.

 

"Hindi ka naman naka-duster kanina nung namili tayo ah." napangiti sya. Mukhang alam na nya kung bakit. Hindi sumagot si Ryujin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
Jaeeeeee_
192 streak 0 points #1
Kamusta ang bakasyon? Enjoy ka po 😭
aegiminjeong
#2
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje #3
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #4
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
137 streak #5
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #6
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #7
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #8
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
191 streak #9
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #10
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha