Chapter T-24

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter's Pov 

 

"Mahal kaya mo pa? Dalhin na kita sa hospital, nag aalala na ako e." narinig ko ang pag aalala sa boses ni Karina sa tabi ko habang hinahaplos ang likod at tagiliran ko, nandito kami ngayon sa lababo sa banyo, nakaupo si Karina sa monobloc na upuan, nakakandong ako sa kanya habang nagsusuka dito sa lababo. 

 

Nagising ako kaninang ala singko ng umaga na sobrang nahihilo at nasusuka at halos kalahating oras na ako dito kaya naiintindihan ko kung bakit nag aalala na si Karina sa akin. Si nanay kasi ang madalas tumutulong sa akin sa madaling araw dahil wala si Karina, pauwi pa lang galing sa pamimili. At tatlong beses pa lang na ganito kagrabe yung morning sickness ko, halos lumuhod na ako sa panghihina kaya kinalong na ako ng asawa ko. 

 

Umiling ako kay Karina at nag punas ng bibig gamit ang bimpo sa na hawak ko, ayoko pumunta ng hospital, sabi ng doktor normal naman daw to noong tinanong ko nung huling check up ko. Kasi daw nasa first trimester pa lang daw ako ng pagbubuntis. Natatakot lang talaga si Karina ngayon dahil sa nangyayari sa akin.

 

"K-kaya ko pa mah-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nasuka na naman ako, wala naman talaga nalabas, puro tubig lang dahil pinapainom ako ni Karina para hindi ako ma-dehydrate.

 

"Nanlalambot ka na mahal, you looked so pale na rin, tara na." huminga ako ng malalim at nagmumumog ng listerine dahil ayoko malasahan yung sinuka ko, medyo nawala na yung hilo ko at naging ok na rin ang sikmura ko, buti naman, napapagod na ako. 

 

Umayos ako ng upo kay Karina at pinunasan ko ang bibig ko. Nilingon ko sya at kitang kita ko ang pag aalala sa kanya, nangingilid na yung luha nya sa mata kaya binigyan ko sya ng ngiti at hinawakan ko sya sa pisngi. Ano na lang mangyayari sa asawa ko kapag nag labor na ako at nasa emergency room na kami? Morning sickness pa lang ito natataranta na sya.

 

"Ok na ako mahal, normal daw to sabi ng doktor nung nagpacheck up ako, wag ka na mag alala dyan may dalawang buwan mo pa ako makikita na ganito." hinalikan ko sya sa pisngi at sumiksik na ako sa leeg nya. Sobrang nanghina ako , inaantok na rin ako dahil bigla nga ang pag gising ko kanina. 

 

"Are you sure? Give me the number ng ob mo mahal, I need to make sure baka may remedies para sa morning sickness. Babalik na ako sa work next week, ayoko iwan ka ng ganito." pinaalala na naman nya na aalis sya, naiinis ako, pero wala ako magagawa dahil para din naman to sa future ng anak namin. Pero kasi..

 

"Wag mo nga ipaalala yan." niyakap ko sya ng mahigpit. "Ayoko na umaalis ka sa tabi ko." nagiging makasarili na ba ako? Kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko, nahihirapan talaga ako ngayon sa sitwasyon ko lalo na kapag wala si Karina, parang gumagaan lang ang pakiramdam ko kapag nandyan sya.

 

Narinig ko sya na nagbuntong hininga at hinalikan ako sa ulo. 

 

"I'm sorry mahal, mag sasabi ako kay grandpa para makapag work from home muna ako. Para hindi na ako aalis, I'm sorry, kailangan ko muna umalis after new year,  I'll try na hindi ako weekends lang dito ok? Uuwi ako kapag pwede ako dito mag work mahal." Buti na lang talaga, kahit kailan hindi ko nagiging kalaban ang trabaho ni Karina, dahil sya mismo ang gumagawa ng paraan para bigyan ako ng oras, hindi ko na kailangan mag makaawa sa kanya kahit napaka laki ng responsibilidad nya bilang ceo ng malaking kumpanya.

 

Tumango ako at hinalikan sya sa pisngi, yumakap ulit ako sa kanya. Nahihilo na naman ako, ano ba naman to..

 

"Mahal, pwede mo ba ako buhatin papunta sa kwarto? Inaantok na ako e, hindi ko na ata kaya maglakad." pag lalambing ko sa kanya, narinig na ang mahinang tawa ni Karina. 

 

"Oo naman mahal, kahit palagi pa." tumayo na si Karina at buhat buhat na ako papuntang kwarto, inilapag nya na din ako sa kama at kinumutan. Maya maya pa ay may kumatok sa kwarto, tumayo si Karina para buksan ito. 

 

"Karina anak, kamusta si Winter." narinig ko ang boses ni nanay sa may pinto. 

 

"Ayos naman na po, ayaw po magpadala sa doctor eh." nagsumbong pa nga tong asawa ko. 

 

"Naku, matigas talaga ulo ng batang yan, pero wag ka mag aalala may tsaa ako na ginawa, subukan natin kung aayos ang pakiramdam nya dito. Herbal naman to kaya hindi delikado sa buntis." tumango ang asawa ko at pinapasok na nya si nanay at lumapit na sa akin.

 

"Anak, ito oh, nagpakulo ako ng lemon at luya, gamot daw ito sa morning sickness." umupo ako ng ayos at tinulungan ako ni Karina na lagyan ng unan ang likod ko para sandalan, iniabot sa akin ni nanay ang tasa ng pinakulong lemon at luya.

 

"Nay san kayo kumuha ng lemon? mahal to ah." itinapat ko ang tasa sa ilong ko at inamoy, ang bango..

 

"Kay Mareng Tess anak, sinabihan daw sya ni Ningning na ibigay daw sayo at ipainom, nag research daw ang bestfriend mo ng lunas sa morning sickness kaya binilhan ka na ng isang kilo na lemon at luya. Magsabi lang daw ako kapag ubos na, sya na ang bahala, may pinagkukunan daw sila." 

 

Awww

 

Best Ninang na talaga ang bestfriend ko, nakakaiyak naman, isang buwan pa lang ako na nagbubuntis ang dami na agad nagmamahal sa anak namin ni Karina. Mag thank you talaga ako kay Ning mamaya pag punta nya, hahayaan ko na sya mag sharon ng handa namin na buko pandan para sa media noche mamaya. 

 

"Love na love talaga ako ng bff ko, Nay pakisabi po kay Aling tess maraming salamat, ako na bahala kay Ningning mamaya, babawi yun malamang sa handa natin." natawa si Nanay at Karina, alam kasi nila na fan na fan si Ningning ng mga luto ko.

 

Dahan dahan ko hinigop ang binigay ni nanay at pinakiramdam ko ang sarili ko kung masusuka na naman ako, pero makalipas ang ilang sandali, parang guminhawa yung sikmura ko, dahil sa mainit ito at ang anghang ng luya, nakakatulong din yung amoy ng lemon para sa pang amoy ko na sobrang sensitive. 

 

"You like it mahal? How is it?" nag aalala tanong ni Karina.

 

"Masarap, gumaan yung pakiramdam ko sa sikmura ko." tumango ako at ngumiti sa kanila, parang nabunutan naman sila ng tinik ng makita nila na nagustuhan ko at maganda ang epekto sa akin. 

 

"Salamat naman, oh sya ubusin mo yan, nasa ref ang lemon at luya, kapag gusto mo pa mag sabi ka lang gagawan kita. Magpahinga ka na muna. Maaga pa naman para magluto ng handa, kaya na namin to, ikaw na lang ang gumawa ng panghimagas."  tumango ako, dahil hindi ko din kaya mag gisa, ayoko ng amoy ng ginigisang bawang at sibuyas. 

 

"Maraming salamat po nanay."

 

"Walang anuman anak." ngumiti si nanay at tumayo na, hinalikan din nya ako sa noo bago sya naglakad papunta sa pinto. 

 

"Thank you po Nanay." inihatid na ni Karina sa pinto si nanay. 

 

"Salamat din sa pag iintindi at pasensya mo kay Winter ha, napakaswerte ng anak at magiging apo ko sayo. Napakamaalaga mo sa kanila, anak" narinig ko na sabi ni Nanay kay Karina, parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni Nanay kay Karina, totoo lang nanay, kaya mahal na mahal ko yan eh. 

 

"Wala po yun nanay, mahal na mahal ko yung mag ina ko kaya gagawin ko lahat para alagaan sila." naiiyak na tuloy ako dito habang nainom ng lemon at ginger tea, bakit ba sila nagdadrama sa pintuan? 

 

May iyakin na buntis dito oh. Himaplos ako ang tiyan ko at ngumiti.

 

"Pag labas mo, maging mabait ka sa kanilang lahat anak ha, kasi mahal na mahal ka nila. Alam ko naman na magiging mabait ka, kasi mana ka sa akin eh." natawa ako sa sarili ko, nagbuhat na ako ng sariling bangko dito. "Pero mas ok kung mag mamana ka sa Mommy mo, mini Karina, cute cute. I love you, hindi na makapaghintay si Nanay at Mommy na mayakap ka. Ikaw ang best birthday gift ni Nanay."  nag angat ako ng tingin at nakita ko pinapanuod na pala ako ni Karina na nakikipag usap sa anak namin. 

 

Lumapit sya sa akin at hinalikan ako labi.

 

"I love you both so much, my best gifts ever." 

 

"I love you too my panganay and bunso." biro ko na ikinatawa ni Karina. 

 

Happy birthday to me talaga.

 

________

 

Winter's Pov

 

"Wow besh! Ang daming buko pandan, yan na lang ba kakainin natin mamayang gabi?" isyoso ni Ning sa akin ng abutan nya ako na nag gagawa ng favourite dessert nya sa kusina namin. 

 

"Oo, kasi bawal ka mag sharon ng lumpiang shanghai, buko pandan lang." biro ko.

 

"Huy grabe ka besh, alam mo naman na shanghai at buko pandan lang sapat na akin." nakangusong sabi nya habang gumagapang ang kamay papunta sa ginayat ko na cheese. Nang makakuha ay pasimple nya itong isinubo. Napailing na lang ako.

 

"Joke lang! eto naman, matitiis ko ba naman ang bff ko? Pinagtabi na kita. Ipiprito mo na lang yung shanghai, yung buko pandan mo ihihiwalay ko na mamaya."  umakto naman si Ning na parang naiiyak at yumakap sa akin. 

 

"Bes, sana lagi kang buntis, mas mabait ka eh." hinampas ko sya ng hindi pa nagagamit na sandok kaya agad syang lumayo sa akin.

 

"Gaga! Lagyan ko talaga ng raisins tong buko pandan." 

 

"To naman, hindi mabiro eh. Wag mo lagyan huy." 

 

"Oo na, ay oo nga pala Ning, thank you sa pinadala mo na lemon at luya ha, kung hindi dahil dun baka maghapon na naman ako sa higaan. Salamat sa effort ng pag reresearch, grabe ka na talaga best ninang." ngumiti sya at nag flip hair pa. Baliw talaga. 

 

"No worries my bff, para sa inyo ng inaanak ko magiging dalubhasa ako, pero dapat ako lang ninang nyan." 

 

"Paano si Giselle? bff ni Karina yun." umirap sya at kumuha na naman ng cheese, jusme, mauubos ang sahog ng buko pandan ko sa babaeng to. Ininom ko na lang yung sabaw ng buko baka tirahin pa ni Ning. 

 

"Matik na yun bff, jowa ko naman sya e, pag kinasal kami matik na ninang na din sya." muntik ko na mabuga yung sabaw ng buko sa bibig ko.

 

Malala na talaga to. 

 

"Maka-react ka naman bff! antay ka lang, doon din punta namin." 

 

"Good luck talaga kay Giselle." 

 

"Hoy! Gagang to!" 

 

Natawa ako sa itsura nya pero nahuli ko na naman ang kamay nya na papunta na naman sa cheese kaya tinapik ko na ito ng sandok. 

 

"Alam mo, yung buko pandan mo, wala ng lahok na cheese mamaya, kasi kinain mo na." 

 

"Sarap eh." nakangusong sabi nya at mabilis na kumuha ulit ng cheese sa pinggan at nanakbo palayo bago ko pa sya mahabol. Napailing na lang ako, pang apat na talaga itong pinagbubuntis ko na bata sa pamilya, may Karina, Ryujin at Ningning na ako eh. 

 

 

______

 

Winter's Pov

 

"Happy Birthday to you~ 

Happy Birthday to you~

Happy birthday~

Happy birthday~

Happy birthday Winter ~ " kinantahan nila ako ng happy birthday imbis na magtatalon sila pagkatapos ng countdown ng New Year at nangingibabaw na naman ang boses ni Ningning. Singerist kasi namin yan. 

 

"Make a wish and blow the candle na mahal" ngumiti si Karina sa akin habang hawak ang snow man cake na ipina-order nya pa talaga para sa akin. Masaya ako na pumikit at nag wish. 

 

Wala na akong mahihiling pa kundi maging healthy kami ni baby habang pinagbubuntis ko sya, hanggang sa maipanganak ko sya, ganun na din hanggang sa lumaki sya, at maging mabait din sya na bata. At syempre good health and more more happiness din para sa pamilya at mga kaibigan ko na nandyan palagi para sa amin, mahal na mahal ko sila.

 

Nag dilat ako ng mata at mga nakangiting mukha ng mga mahal ko sa buhay ang nakita ko, masaya ko na hinipan ang kandila sa cake ko at nagpalakpakan sila, lumapit si Karina sa akin at binigyan ako ng halik sa labi. 

 

"Happy birthday mahal, I love you so much, enjoy your day." ngumiti ako at hinalikan din sya sa labi. 

 

"Thank you mahal, I love you too." 

 

"Oh kami naman! Group hug kay buntis! Happy Birthday beshie! " sigaw ni Ning at sabay sabay sila lumapit sa akin para yakapin ako at batiin ng Happy birthday. 

 

Tawang tawa ako kasi kahit si Lolo nakiyakap sa amin. Ang saya saya ng puso ko. Salamat po. 

 

22 na ako! bata pa naman ako pero parang ang dami ko na agad pinagdaanan sa buhay, natapos na naman ang isang taon sa buhay ko. At sa loob ng isang taon na nakalipas ang daming nangyari.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
Rin_HM 0 points #1
Chapter 5: Ang ganda talaga nito🥹 kahit paulit-ulit ko na nabasa hindi parin ako nag sasawa
Jaeeeeee_
196 streak #2
Kamusta ang bakasyon? Enjoy ka po 😭
aegiminjeong
#3
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje #4
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #5
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
141 streak #6
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #7
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #8
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
193 streak #10
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙