Chapter T-23

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Mahal! Ang baho mo!" nagulat si Karina ng itulak sya palayo ni Winter ng akmang yayakap sya dito. Nasa kama na sila at handa na sana syang makipagbonding sa mag ina nya bago sana matulog. Ang kaso...

 

"Huh? Kakaligo ko lang mahal..." nagtatakang sabi nya, napahawak sya sa buhok nya na medyo natulo-tulo pa dahil kakalabas nya lang ng banyo limang minuto ang nakakaraan. Lalapit sana ulit sya kay Winter ng bigla nagtakip ito ng bibig at ilong at tila naduduwal kaya napaatras sya.

 

"Ang baho nga e!" reklamo ni Winter. "Baka yung sabon mo, maligo ka ulit!" nakasimangot na utos nito sa kanya. Umatras na ito at humiga patalikod sa kanya. 

 

Napanguso na sya, gusto nya ma-offend, ang kaso alam nya na sensitive ang pang amoy ni Winter ngayon dahil nga buntis ito. Pero baka makuha naman sa lambing ngayong gabi. Ayaw na nya ulit makipaglaban sa malamig na tubig sa loob ng banyo. 

 

"Mahal...malamig eh, tsaka magpapabango na lang ako, yung favourite mo, sige na mahal-" nagulat sya ng biglang umupo ulit si Winter at nakasimangot syang tiningnan.

 

"Bahala ka dyan! wag ka talagang tatabi sakin Karina Yu, sige mamili ka, maliligo ka? o sa kabilang kwarto ka matutulog?"  

 

"Sa tabi mo.." 

 

"Isa!" 

 

"Malamig nga eh!" 

 

"Sinisigawan mo na ako ha?! Sawa ka na sa akin no?! H-hindi mo na siguro ako mahal.." nataranta sya ng makita nyang namumuo na ang luha ni Winter at tila iiyak na ito.

 

"N-no mahal, I'm sorry, sorry kung napalakas boses ko, sorry please don't cry...it's not good for you." nag aalala nyang alo kay Winter mabilis syang lumapit dito para yakapin ulit sana at patahanin, ang kaso ay itinulak ulit sya nito palayo at nagtakip ulit ng ilong. 

 

Jimin you idiot!     

"Ako na lang ang matutulog sa kabila-" 

 

"Mahal no! maliligo na ulit ako, stay please, I'm sorry na, please.." mabilis nyang pigil kay Winter, tumayo na din agad sya at kinuha ang tuwalya na kakasabit nya palang sa likod ng pinto ng kwarto nila. Binuksan nya ang pinto at muling tumingin kay Winter na nakaupo na ulit sa kama at nakanguso na sa kanya. Lihim syang napangiti sa itsura ng asawa nya, kanina lang ay parang tigre ito sa kanya, ngayon naman ay tila isa na itong tuta na ayaw magpaiwan sa amo. 

 

"Bilisan mo ha, hihintayin ka namin ni baby."  malambing na sabi nito sa kanya, ngumiti sya at tumango dito. 

 

"I'll be quick mahal ok? Just relax, I love you." 

 

"I love you too, bilis na mahal, inaantok na ako." humikab ito kaya mabilis syang nagpaalam dito at lumabas na papuntang banyo para maligo ulit. Naalala nya yung sabon na gagamitin nya.

 

Ngayon namomoblema sya, iisang sabon lang ang meron sila ni Winter, kaya nagtataka sya bakit nababahuan sa kanya si Winter e iisang sabon lang naman sila ng ginamit.

 

Pregnancy..     Oo nga pala     

Tumuloy sya sa katabing kwarto nila at kumatok, ilang sandali pa ang nakaraan ay bumukas ito at sumalubong sa kanya ang ngiting ngiting si Ryujin.

 

"Pinsan! Tamang tama nandito ka, nanalo ako sa laro ngayon! ako ang Mvp! Hahahahha kahit vuvu mga kakampi ko nabuhat ko sila, tulog na ba si insan? Tara laro, one game lang, papakita ko sayo skills ko." Yaya nito sa kanya , napakamot sya ng ulo, natutukso sya na sumama kay Ryujin, ang kaso baka hindi na sya sa sofa patulugin ng asawa nya, baka sa labas na mismo. Tsaka may iba syang pakay dito.

 

"Uhmm sorry I can't Ryu, pumunta lang ako dito kasi ano..do you have an extra soap? Maliligo sana ako eh." kumunot ang noo ni Ryujin at nagtataka na tiningnan ang buhok nya. 

 

I know Ryu, kakaligo ko lang 10 mins ago..pero mahirap kalaban ng buntis na may sensitive na pang amoy kesa sa malamig na tubig.  

 

"Pinsan hindi ka ba giniginaw? Basa pa buhok mo maliligo ka ulit? Sana all na lang talaga kaya ang lamig, ako kasi two days na puro linis lang ng katawan, pahirapan pa." bumalik ito sa loob at tila may kinuha. Mamaya pa ay bumalik na din ito at iniabot sa kanya ang isang sabon na panligo.

 

"Thanks Ryu, I'll pay you back later." 

 

"huy parang ka naman others dyan...pero libre mo ako pares mamayang madaling araw sa plaza pagkatapos natin mamili ha." napatawa sya at tumango.

 

"Kahit unli pa." 

 

"Yown!" 

 

"Sige ligo na ako ah, baka mapagalitan na ako." tumawa lang si Ryujin at sumaludo sa kanya bago sya tapikin sa balikat.

 

"Ligo well pinsan." 

 

Kung alam lang ni Ryujin, nakanta na nya ng limang beses ang college hymn nila para lang madistract sya sa lamig.

 

Napabuga na lang sya ng hangin sa bibig ng buksan nya ulit ang pinto ng banyo, ramdam na ramdam nya ang nanunuot na lamig sa kaloob looban ng bone marrows nya, nagtataasan na din ang mga palahibo nya.  Paano ba naman, may maliit pa na bintana sa pinaka taas ng pader ng banyo. At dahil nasa 2nd floor sila, mas malakas ang hangin na pumapasok sa loob ng bahay. Lalo ngayon at disyembre pa, kasagsagan ng lamig. Likas na malamig talaga ang tubig sa San Isidro kahit tag init dahil deep well talaga ang pinanggagalingan nito.

 

"Kailangan ko na tanungin si Lolo kung pwede magpakabit ng heater dito." bulong nya sa sarili bago nya inilublob ang kamay nya sa timba ng tubig na nakasahod sa gripo para pakiramdaman ang lamig nito. Halos mapatiklom ang mga daliri nya sa paa sa lamig. 

 

"Omg!" gustong gusto na nya bumalik sa kwarto at magmakaawa kay Winter na wag na sya paliguin ulit. Ang kaso buntis nga ang asawa nya at kasing nipis ng sinulid ang pasensya nito ngayon kaya wala syang magawa kundi sundin ito. 

 

"Jimin you can do it! Isipin mo na lang na mas malamig kapag hindi mo katabi ang asawa mo matulog. Hwaiting!" bulong nya sa sarili ng makapag hubad na sya at hawak na ang tabo ng tubig para ibuhos sa ulo nya. 

 

"Ok..1" itinaas na nya ang tabo sa ulo nya at dahan dahan bumilang.

 

 

"2" huminga sya ng malalim at pumikit ng madiin.

 

 

"3! AAAAHHHHH DAMN IT! IT'S COLD." sigaw nya at apat na beses na tuloy tuloy syang mabilis nag buhos ng tubig sa katawan, pag katapos ay nanginginig ang kamay nya na inabot ang sabon na binigay ni Ryujin at mabilis nya itong inilublob sa tubig at nagsimulang magsabon. 

 

"I'm gonna die! I'm gonna die! omg! This is so cold! wwooohhh!" tinapunan nya ng masamang tingin ang maliit na bintana sa taas ng pader ng banyo. Wala itong harang kaya tila sya naliligo sa labas ng bahay dahil sa hampas ng hangin na pumapasok dito.

 

"Lalagyan din kita ng exhaust fan bukas! Ugh! Bakit wala kang harang?! Ang lamig lamig!" para na syang sira dito sa loob ng banyo dahil pakiramdam nya lahat ng nasa loob nito ay inaasar sya at natutuwang nakikita syang nanginginig sa lamig. 

 

"MAHAL! ANG TAGAL MO NAMAN MALIGO!" naputol ang pakikipag away nya sa paligid ng kalampagin ni Winter ang pinto ng banyo. Dali dali nyang itinuloy ang pagsasabon, sinigurado nya na nasabon nya lahat ng parte ng katawan nya, dahil baka may maamoy pa si Winter na bakas ng sabon na ginamit nya noong una. 

 

"Mahal I'm done! Give me two minutes." inilapag nya ang sabon sa katabing sabon na ginamit nya kanina ng mapatigil sya.

 

"Dalian mo hihintayin kita dito sa labas ng pinto!" narinig nyang sigaw ni Winter sa labas ng pinto. 

 

Napako lang ang tingin nya sa dalawang magkatabing sabon sa lalagyanan nila. 

 

Wait..       Parehong puti..       Pareho ng shape..       Pareho ng b-brand..       Fck! SAFEGUARD PAREHO!      

"THE HECK!?" nataranta sya sa loob ng banyo, kabobohan nya, nadistract ang utak nya sa sobrang lamig hindi na nya naalala na iisang brand ng sabon nga lang pala ang ginagamit ni Ryujin at Winter, ayaw kasi ni Winter ng mga bath soap or liquid gel na gamit nya, kaya hindi sya nagtatangkang bumili pa. Yung kay Winter na lang ang ginagamit nya kapag nasa San Isidro sya. 

 

"Mahal! Ano ba? Gusto mo dyan ka na matulog?!" inis na sigaw ni Winter sa labas ng pinto.

 

"Lagot ako! Anong gagawin ko?! I'm such an idiot!" dali dali syang nag banlaw pag katapos ay mabilis na nyang kinuha ang towel at nagpunas ng katawan.

 

"Sandali lang mahal, one minute." unti unti na nyang natatanggap ang kapalaran nya ngayong gabi habang nag bibihis sya, nilamig na nga sya sa pag ligo ng dalawang beses, lalamigin na naman sya matulog mag isa sa kabilang kwarto. 

 

Gusto na nya umiyak..

 

Bumuntong hininga sya at nanlulumong binuksan ang pinto ng cr. Tumambad sa kanya si Winter sa labas ng pinto na nakapamewang sa kanya. 

 

"Ang tagal mo! Inaantok na ako eh." lalapit sana ito sa kanya kaya napaatras sya, baka umiyak na sya kapag sinabihan na naman sya ng asawa nya na mabaho sya. Wala na rin naman syang makukuhaan ng sabon ngayong gabi dahil sarado na lahat ng tindahan at lahat sa bahay safeguard ang gamit na sabon. 

 

"Bakit ka nalayo? Halika dito." sumimangot si Winter sa kanya.

 

Don't cry Jimin, big girl ka na, may asawa at magkakaanak ka na , don't you dare to cry..    

Lumunok sya para pigilan ang hikbi na gustong kumawala sa lalamunan nya. Lumapit sya kay Winter at napapikit sya ng yakapin sya nito. Hinihintay nya na rin na itulak ulit sya nito palayo dahil maaamoy na naman nito ang sabon sa kanya. 

 

Pero nagulat sya na imbis na tulak ang maramdaman nya, singhot ni Winter sa leeg nya ang naramdaman nya, humalik pa ito bago ito tumingala sa kanya at ngumiti.

 

"Hmmm bango bango na ng asawa ko, anong sabon ang ginamit mo mahal?" 

 

"S-safeguard.." nagtataka nyang tiningnan si Winter na tuloy parin at tuwang tuwa sa pag singkot sa leeg, pisngi at kili kili nya.

 

"Bango mo mahal, tara na, tulog na tayo, yakapin mo lang ako ha,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂