Stage 2: She's got you high or low?

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

*Listen to Crazy For This Girl by Evan and Jaron for this chapter*

 

 

I'll continue writing na, hindi nakapag update dito dahil may deadlines sa work tapos may mga sumasabay pa. I keep myself busy with work nowadays, ayaw na ayaw ko talaga natatambakan. Tambak workload means stress, stress equals sleepless night, puyat equals being grumpy and it goes with nonstop arguments. This has been a good outlet, medyo totoo nga, I kind of control my overwhelming thoughts through this, yun ang lagi kong sinasabi kay Karina. 

 

 

Teka muna, what if I recollect memories and write them down here. Good fun worthwhile memories. Lagi ko binabanggit kay Rina and sa ate ko yun, that the best invention for me is time machine. Sila naman teleport daw, okay understandable kasi nakakahigh blood yung traffic sa Manila. I don't know, but kahit sana previews of the past lang na pwede mo panoorin through an app or pwede iconnect sa tv, just to relive the memories tsaka para mapanood yung mga nakakatawang ganap. Lagi ko siguro papanoorin yung semplang ni Ning na una muka sa sidewalk one time na nagbbike kami, hindi ko makakalimutan kasi natusino yung kanan pinsgi niya or yung tawa ng tawa si Ryujin dahil proud siyang naaasar niya ko nung nasa hallway kami nung highschool tapos nag onse bigla yung sipon niya sa ilong, sscreen record ko talaga yun tapos eedit ko lalagyan ko ng background music, yung kanta ng IVE yung may lyrics na 'one, two, three, four, five, six, seven you make me feel like eleven' tapos boom, uhog!

 

 

At dahil wala pang time machine ako nalang muna gamit ang mga naka store na data sa utak ko, susulat ko nga lahat ng fresh pa, l am going to travel to the past through me.

 

 

 

 

It was a rainy November 2nd year College...

 

"Winter!!! naka isa na!!!" sigaw ni Ry. Nasa field kami, may game ang Archi vs Accounting. Tuloy ang football kahit maulan, nakasalang kami ngayon ni Ry 1-0 ang score. Maputik sobra ang field pero ayos lang dahil football to, isa sa mga bagay na gustong gusto ko bukod sa painting.

 

Grabe pagka intense ng game namin magaling din kasi talaga yung defense ng kalaban, isa sa mga champion teams ang Accounting.

 

Todo scissor kick pa si Ry at sobrang intense na ng game ng mapunta sakin ang bola, konti nalang...  *sipa*  

 

Tangina konti nalang, dumaplis pa sa goal post, failed attempt pa nga. 

 

Pero hindi, pilitin natin, konti nalang naman, sa isip isip ko habang inaabangan ko ulit mapunta sakin.

 

Okay cruyff pasa, pullback pasa, okay nasakin na ulit ang bola. *Sipa sa goal* "teka pumasok ba?"

 

Hindi ko masyado makita yung direksyon kung saan napunta yung bola dahil ang lakas ng buhos ng ulan at pawis na pawis na din ako. Pero sigurado ako may narining akong sumigaw ng '' na malakas nung pagkasipa ko. Pinipilit kong tignan, may naaaninag ako na babae, naka payong siya ng blue at nakatigil malapit sa bola kung saan papunta si Ryujin. 

 

"Winter medyo napalakas may natamaan!" 

 

"Ay , sorry di ko sadya!" sigaw ko kay Ry habang nakatingin sa direksyon nung babae na naka payong ng blue. Hindi ko na siya nalapitan dahil hindi pa naman kasi tapos yung game namin.

 

 

 

 

The following days wala naman bago, it was the same, puro normal school stuff lang ang inaatupag ko. Pero may napansin pala ako sa campus. Akala ko nung una baka nagkataon lang yun, kaso pag tagal nahalata ko na parang iba talaga at may schedule. Every tuesday, wednesday and friday may morning class kami, sobrang aga kasi 7am ang start nun. So from the gate I have to pass through this long path walk para mas mabilis ako na makarating sa Arts building. Going back dun sa napansin ko, every time nalang na dadaan ako sa pathwalk na yun sa mga araw na binanggit ko, may nakakasalubong ako na babae. Naka uniform siya ng pang College of Literature. Nung una sabi ko sa isip ko, baka nagkataon lang na bad mood siya, pero parang mag ttwo weeks na siyang ganun. Dun din siya madalas dumadaan sa pathwalk, so tuwing makakasalubong ko siya medyo nagiging uncomfy ako sa tingin niya. Buti sana kung uncomfy kasi parang bet niya ako iuwi, kaso hindi eh.

 

Ang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit napaka sama ng tingin niya sakin. Kung makatingin siya parang may atraso ako sakanya na napaka laki at mukang nakatakda na niya akong bawian. Kahapon nakasalubong ko nanaman siya, nung nakita ko siya mukang sinasaksak nanaman ako ng mga tingin niya.

 

May isang Thursday pa, kailangan ko kumuha ng books sa library for research and I've decided to stay there nalang pangpalipas na din ng oras. Usually nag sstairs ako kapag nasa library ako, pero ewan ko ba kung bakit ang tamad ko that day na napag desisyunan ko sumakay ng elevator. Nung pag sakay ko, may kasunod akong pumasok, pag angat ko ng ulo ko, puta siya nanaman. Medyo nakahinga nalang ako ng maluwag nun ng may isa pang student at nakasabay namin. I was minding my own business that time at hindi ko siya pinapansin pero ramdam at kitang kita ko sa peripheral point of view na parang may masamang elemento na nakatayo sa kaliwa ko. Iniisip ko kung ano ba kasi talaga ang problema niya, hindi kaya anak siya sa labas ni dad. Ex ba kita nung high school, na-ghost ba kita, but I don't usually do that naman so it's a no. Gusto ko na sana siya tanungin pero pano, ano naman sasabihin ko baka bigla nalang akong sakalin. Buti nalang at nauna siya sakin lumabas ng elevator nung araw na yun.

 

 

 

 

 

Design day today, naibigay na yung mga modules that we need for the plate. Medyo maluwag ang schedule namin ni Ry, Si Ning naman tapos na classes niya kaya we've decided to hang out dito sa cafeteria. Walang ginawa yung dalawang tanga kung hindi mag talo at mag gaguhan kaya nakikitawa nalang ako habang pinapanood ko sila.

 

" Winter Winter.. Winter." Mahinang tawag sakin ni Ry at may kasama pang pagkalabit. "What, ano yun?" 

 

"Wag kang magpapahalata na tumitingin ka ah. Six o' clock mo."

 

"Gago, huwag papahalata pero six o' clock ko? Wala akong mata sa likod ng ulo Ryujin." Paglingon ko, tangina bad idea. Nagkatinginan kami nung weird girl na palagi kong nakakasalubong, yung tga Literature. 

 

"Gagi siya yung sinabi ko sa inyo nakakasalubong ko. Nakita mo kung pano tumingin sakin, ang sama dba?"

 

"Gagi mag sorry ka kaya?"

 

"Huh? what for? hindi ko nga siya kilala and I'm sure I've never had interactions with her." sagot ko naman. Naka tingin lang samin si Ning habang kumakain ng icecream at pangisi ngisi. "For what you asked? are you serious?" 

 

"I don't know her nga Ry never ko pa yan nakusap sa buong buhay ko. Why ba, do you know her?"

 

"Winter gagi ka, ayan yung babae na ginawa mong soccer goal yung katawan nung last game natin against Accounting." natatawang banggit ni Ryujin.

 

"What do you mean?"

 

"Nung game natin gago medyo malakas kasi ulan nun dba pero tinuloy yung game. Pag sipa mo ng bola sakto sa balikat niya, ang lakas pa naman nun kasi medyo bwisit ka na. Mukang nasaktan siya Winter tapos yung uniform niya na white naging brown. Tumila pa naman yung ulan nung hapon na, pumasok kaya siya nun kahit muka siyang galing kanal?" 

 

"Ahh. Oh ." Yan nalang ang naging reaksyon ko. I feel so bad for her kahit alam ko na it was unintentional. Now it makes sense, all the staring daggers I got from her. Although accident naman yun, bakit kaya ganun nalang yung galit niya sakin. Iniisip ko na posibleng sobrang lakas yung impact ng bola kaya nasaktan talaga siya. I do know that I need to apologize to her dahil bukod sa mukang malalim ang inis niya sakin, I have to do that para na din hindi na maging weird at awkward every time nakakasalubong ko siya sa campus.

 

 

 

 

Nagpapatulong ako ngayon dito sa dalawang tanga na nasa harap ko kung pano ko iaapproach si girl na tinamaan ko. I asked Ry for help last night since alam ko na madami siyang kakilala na mga tga ibang course. Kaya ngayon ito, andito kaming tatlo at nagkukumpulan para sa info na nasagap ni Ryujin. Katrina daw yung name, third year Literature.

 

"Are you sure with this info?" tanong ko kay Ryujin. "Of course, sure ako sa source ko noh parang NBI agent pagka reliable nun!" tumango nalang ako at nag agree sakanya. "Alright. Okay at least we have details na, game plan nalang ang kulang."

 

Mga tatlong beses ko pa siya nakita sa campus this week, sinubukan ko naman na iapproach siya at nag smile pa nga ako sakanya. Kaso nung pagka smile ko sakanya parang nagflash sa muka niya yung itim na dragon dun sa How To Train Your Dragon. Akala niya ata nakakatakot yung fierce face niya ng ganun, pero ang cute niya sobra. I find it really cute at hindi na ako naiintimidate sa mga ganun niya kasi na-immune na ako, almost three weeks ba naman siyang galit tumingin sakin malamang nasasanay na talaga ako.

 

Ang last resort of help ko siyempre sino pa ba, ang isa sa pinaka logical na taong kilala ko, hindi si ate Taeyeon. Si Yeji.

 

"Come on you gotta help me na, please? I'll buy you the stuff you always get from healthy options, one month supply."

 

Sa totoo lang kahit naman wag na ako mag sorry, I can just shrug it off and go on. But my guilt is on another level, what if sa muka ko natamaan yun nung time na yun, kawawa naman siya. 

 

"Grow some balls and simply say sorry to her, sino ba yung girl na yun at parang hirap na hirap ka? Apologize lang, it's not like you're gonna ask her to date you Winter."

 

 

 

 

Here I am sa pathwalk with my game plan ready. Aabangan ko na siya so I could apologize, get this over with at tuluyan na mag vanish ang guilt na nararamdaman ko dahil sa nangyari. Pumasok ako ng maaga para dito at talagang prinactice ko pa yung sasabihin ko sakanya.

 

at ayan na nga....

 

Naglalakad siya galing sa gate. Ito lang ang napansin ko nung pinapanood ko siya, ang ganda ng muka niya with her luscious black hair bouncing with her every stride. Tangina sobrang ang attractive niya lalo pag hindi naka frown and oh my ing god normal ba yung may effect na parang tumitigil ang lahat sa paligid tapos siya lang yung nakikita ko habang nag slowmo yung galaw niya. Kailangan ko na ata magpa check up sa mata o sa utak.

 

I woke up from my trance nung bigla kong nakita na nag iba yung muka niya nung napansin niya akong nakaupo sa bench dito sa gilid nitong path walk.

 

ito na....

 

"Uhh K-Katrina Katrina, Katrina hi! Can I talk to you for a second? I will not take much of your time I promise." hinahabol ko siya habang dirediretso siya dito sa pathwalk.

 

Hindi naman siya bingi kanina bakit parang nabingi bigla. Dirediretso lang siyang naglalakad habang sumusunod naman ako sa kanya. Muka na akong tanga na naghahabol sakanya. Mas matangkad pala siya sakin kaya malalaki yung steps niya at hirap akong sabayan siya.

 

Nagtuloy tuloy lang siya na ganun at hindi manlang ako tinitignan. Pero medyo natakot ako nung bigla siyang tumigil, tumingin sakin at nagsalita na. Wala sa game plan to puta, nakakatakot nga talaga siya, pag ganito kalapit mukang ready na ako lumuhod sakanya at tumiklop.  

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔