Stage 3.15: Sweet Angry & Jealous Maltese

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

Ngayon ko lang napansin, mahaba haba na pala yung nasusulat ko dito sa journal for stage 3. Ang dami ko na nailagay pero di ko pa din alam kung stages to ng ano, baka pag umabot ng 5,6 or 7 ma-figure out ko na. Itong stage 3, ito talaga yung jampacked, crazy and wild yung mga ganap because we were younger then, para kaming walang pakialam sa mundo, puro studies, relationships and mga alis lang inaatupag namin . It was a roller coaster ride at masasabi ko na nasulit namin ang oras.

 

I guess matagal pa bago ako maka abot sa stage 4, although iffilter ko nalang yung ibang mga ishshare ko dito, hindi ko na isasama yung ibang mga boring stories related sa school, katulad nung nangyari about sa prof ko nung 4th year college na pinag initan ako. Siyempre involved nanaman dun si Ryujin kahit pa hindi kami classmates.

 

I'm gonna stick to writing the highlights and thrilling experiences nalang para pag binasa ko to in the future, hindi ako mababagot. Katulad nito, yung ikkwento ko dito ngayon hindi nakakabagot kasi naiirita pa din ako pag naalala ko.

 

It happened days or a week before ata kami pumunta ng Ilocos nun. Ang walang hiyang enrollment na natapat pa sa monthsary namin ni Karina. Naalala ko pa yung dahilan kung bakit nainis ako nun at nagkita nanaman kami nung dean ng college nila.

 

 

 

 

 

 

 

Later today pa yung schedule ng enrollment namin but we've decided na mag breakfast together sa favorite brunch place ni Rina dito sa South. Sinundo ko siya sakanila at sabay kaming pupunta sa school, mag stay nalang kami sa condo pag napaaga kami ng dating.

 

 

"You know what? Your uniform fits you well babe, you look so chic, ang ganda mo."

 

 

"What is up with you today Pup? This is not the first time you see me wearing this."

 

 

"Huh? Am I not allowed to compliment and appreciate my girlfriend?"

 

 

"Of course not, but why are you so cute and weird today? Something's odd."

 

 

"I always give you compliments kaya, kahit kumakain ka, before ka matulog and when you wake up. Tsaka ang ganda mo talaga baby, tapos you are so sweet, ang bait mo sakin and you take care of me. I genuinely feel so lucky to have you and you deserve to know that."

 

 

"Pup okay sige na nga mag order ka na ng waffles, it's okay. I'm still gonna make it for you this week."

 

 

"Haha thank you baby! You know that I can't eat lasagna early in the morning kaya ito nalang."Tinawag ko na kagad yung server at nag order. Medyo cncontrol ni Rina yung bread intake ko dahil lulutuan daw niya ako ng waffles pag nasa province na kami at the end of the week.

 

 

 

"Have you subscribed to their channel?" Tanong sakin ni Rina. The other night nag send sa gc namin ng link si Ning. Yun ata yung youtube channel nila ni Yuna at nakapag upload na din sila ng video. Na-delay yung first video nila dahil of all people na pwedeng gumawa ng profile banner, kay Ryujin pa talaga sila nag patulong. Ewan ko ba kay Ning, nakalimutan niya ata yung pagka highblood ni Gigi kay Ry dahil dun sa banner na may butiking nag ppole dance. Nag muka tuloy top ten most twisted youtube channel yung new account nila.

 

 

 

"Did you view their video na? I'll subscribe later. Kung ano ano talaga ginagawa nila noh."

 

 

"Pup how did you become best friends with Ning? We've talked about it nila Gigi before pero parang questionable yung story niya."

 

 

"Napag usapan na ata natin yun. Ano ba sinabi niya?"

 

 

"Tinulungan ka daw niya kasi you accidentally pooped in class when you were in grade five. Totoo?"

 

 

"What the hell? Gago talaga to si Ning. Hindi totoo yun, baby don't tell me naniwala ka naman?"

 

 

"No kaya nga I am asking you now."

 

 

"That is not true babe kasi grade eight nangyari yun."

 

 

"Winter?!"

 

 

"I'm kidding! Wag ka nga magsasama kay Ning. Bakit kasi kasama niyo na siya lagi sa hang out kila Gigi tapos ako bawal."

 

 

"She's the girlfriend of Gi."

 

 

"Right, oo nga pala. Pag nag hhang out kayong tatlo ano ginagawa niyo dun kila Gigi?"

 

 

"The two of them are singing. We do girly stuff most of the time and we watch movies or series."

 

 

"That's nice, I wanna do girly stuff with you din." Nag taas baba yung kilay ni Rina at muka nanaman siyang may naiisip na hindi maganda."I would love to do some girly stuff on you Winter, just say it." Sabay smirk.

 

 

"Baby, we are having breakfast. Stop it. Next time na yan."

 

 

"Answer me na kasi how did she become your best friend?"

 

 

"We became best friends kasi bentang benta yung jokes niya sakin. Kaya yun it evolved from there hindi na kami naghiwalay sa school."

 

 

"That's it? It's true she's really funny and loud."

 

 

"Yeah, lima kasi yung dila ni Ning tapos tatlo voice box niya, hindi lang visible.

 

 

 

 

 

Dumating na yung orders namin at siyempre the usual food pa din. It feels really nice pag nakikita ko si Rina sa umaga, sobrang nakakaganda ng mood, tapos nadodoble pa yun good vibe pag sabay kaming nag bbreakfast. Ginaganahan ako na simulan yung day ko, kaya excited na talaga ako pag dumating yung time na magkasama na kami sa iisang house. wag sana mabati.

 

 

"Baby before I take this first bite I'd like you to know that I meant everything I said kanina, you are so chic, you are amazing and I love you so much." Sabay subo ng malaking piece ng waffle.

 

 

"My puppy is being extra sweet today. I love you too."

 

 

"Babe, can you come home with me after the enrollment? I have a surprise for you."

 

 

"For our fifth month? What is it?"

 

 

"It's a surprise nga, wait till you see it." Kabisado ko yung tingin ni Karina, alam ko na ang susunod niyang sasabihin."Don't worry it is not expensive, you gotta chill out with those stares."

 

 

"Haha how did you know what I'm thinking?"

 

 

"We are on that stage babe matagal na. We know each other very well kahit wala pa tayong one year."

 

 

"That's what I thought, it's one of the reasons why I love you. I think you are my soulmate talaga Winter."

 

 

"Yeah I think so too and we're starting to mirror each other."

 

Today is our fifth monthsary na muntik pang maudlot because of what happened. Dun mag ddinner si Karina sa house namin kaya I plan to cook for her, snearch ko pa yung recipe ng isa sa favorite niya, yung guo bao rou. She's been craving for it and ilan days na niya snsend sakin videos nun. I have decided na gagawan ko nalang siya as surprise. Sana maging successful dahil wala akong balak na makasunog nanaman. Ininvite ko din si ate Irene and ate Seulgi para ma-try nila yung Michelin Star dinner ko, although hindi pa sila nag cconfirm kasi busy pa ata sa work.

 

 

 

 

 

Giselle texted Karina na mas maaga pala yung enrollment nila kesa sa course namin pero same day, buti nalang we left the cafe earlier at agad kaming dumiretso sa school. Sasamahan ko nalang siya sa process kasi pwede naman akong pumasok kahit magkaiba kami ng course.

 

 

"Hi Winter and Rina! Looks like you are in a good mood today Winter, what's up?" Tanong sakin ni Lia. Sabay sabay silang tatlo mag enroll since magkaka batch sila. "Nothing much, I just started my day right. Sabay kami nag breakfast ni Rina kaya good mood ako."

 

 

Napatingin ako sa nasa likod ni Giselle. Akala ko may ibang tao silang kasama, inisip ko baka may classmate sila na makikisabay."Ning dba sa Wednesday ka pa, bakit andito ka din?"Nung unang kita namin sakanila sa malayo, akala ko namalik mata kami ni Ryujin na may kamuka si Ning. Yun pala totoo siya nga yun, kasama niya si Lia and Gigi at naka suot din siya ng uniform nila. "Moral support for my snuggie that's why I'm here."

 

 

"Eh bakit naka uniform ka ng literature eh iba course mo. Ano nanaman trip mo?"

 

 

Ito pa pala yung isa sa mga nawindang kami dati, yung pag pili ng course ni Ning masahol pa sa coin toss. Para siyang yung mga wanderlust na nag dart tapos kung saan tumusok sa mapa, yun ang magiging next destination nila. Parang ganun yung ginawa niya nung pumipili kami ng course. "Ang panget ng uniform namin, I wanna wear a skirt naman so I borrowed snuggie's uniform today."

 

 

"Sasama ka ba samin sa loob? Sasamahan ko si Rina eh."

 

 

"Of course I'm gonna accompany snuggie. Ikaw Ry are you gonna stay here?" Nakikipag usap si Ryujin sa ibang mga arki students. Wala si Yeji dahil sa ibang araw ang schedule ng course nila."I'll stay here, let's just meet after niyo. Winter sabay tayo ah."

 

 

"Sige wait for me, check mo nalang phone mo." Umalis na kaming lima at pumasok na sa building nila Rina.

 

 

Puro mga same course nila yung andito sa loob kaya para akong alien dahil naiiba yung uniform na suot ko. Tangina sa hallway palang ng ground floor parang ang daming asong ulol na hatdawggs ang tumitingin samin lalong lalo na sa baby ko. Nakakainis.

 

 

Okay lang naman yun kasi normal pero puta nakita na nga nila na magka holding hands kami. Hindi manlang irespeto. Kung makatingin akala mo kanin and drinks nalang ang kulang. Nagpaparinig at ang bastos pa ng mga sinasabi.

 

 

Hindi ko na matiis I have to let this out. "Baby, I ing hate these tards who keep on looking at us." Nilingon ko yung group ng mga lalaki na nasa hallway. Mukang mga ka-batch siguro nila to.

 

 

"Don't mind them pup, they are not important." Inayos ni Rina yung hawak niya sakin at pinag intertwine niya yung mga kamay namin.

 

 

Naririnig ko pa din na tuloy lang ang usapan nila, but this time binabanggit na sila Lia, Giselle and Karina. Kilala kasi silang tatlo sa course nila kaya malamang alam nitong mga singaw na to yung pangalan nila.

 

 

Lumapit ako kay Rina, kasalukuyan kaming naka pila dito sa first step ng enrollment process."Baby they are talking about the three of you, they're starting to get on my nerves." 

 

 

Tinignan ni Rina yung kumpol ng mga singaw na kanina pa nagpapapansin. Mas napikon ako lalo nung narinig ko yung sinabi ng isa sakanila.

 

 

"Uy ulol gago nilingon ka ni Karina!"'

 

"O diba sabi ko sainyo e!"

 

"type ka nga talaga pre!"

 

 

Putanginang to, anong sabi sainyo ka dyan, muka ka kayang nag sasalitang paa hayup ka.

 

 

Humarap ako sa hallway, across the bench kung saan nakaupo si Ning. "Pup, what's wrong? Why do you look like that?" Hinawakan ni Rina yung muka ko at inilapit sakanya na parang chncheck niya mabuti.

 

 

"Like what babe?"

 

 

"You're like an angry maltese who's ready to attack, may black eye ka pa, you look super cute and funny."

 

 

"Don't mind me baby, I'm just looking around." Tinitignan ko si Ning na ngayon naman ay nag pipipindot sa vendo machine."Winter gusto mo? Tara halika dito."aya niya sakin.

 

 

Lumingon din si Karina nung narinig niya na tinatawag ako ni Ning."No! Hindi ako aalis dito, I'll just stay beside Rina."

 

 

"Anong problema mo Winter muka kang tinotopak dyan? Tara na they have Combos pizza, there's Doritos, gusto mo ba ng juice?"

 

 

"Ayoko Ning I'm not gonna leave my baby's side. Bilan mo nalang ako ng combos yung pepperoni ha!"

 

 

Opposite ang tayo namin ni Rina ngayon, naka harap siya dun sa counter kung saan ipprocess yung payment niya mamaya, tapos nakatalikod at nakaharap naman ako sa hallway. Naramdaman ko na ni-wrap ni Rina yung left arm niya sa bewang ko at pinatong niya yung baba niya sa balikat ko.

 

 

Sa mga ganitong panahon, okay lang sakin ang mag pda dahil nabbwisit ako sa mga tanginang hatdawggs.

 

 

Hinagis sakin ni Ning yung combos at nasalo ko naman kagad, nagets niya na wala akong balak umalis sa pwesto ko kahit pa naiihi na ako. Hindi talaga ako aalis sa tabi ng baby ko.

 

 

"Nangangawit ka na?" Ang lapit ng muka sakin ni Rina and I can smell her scent. Ang cute talaga ng baby ko kaya hindi ko napigilan, hinawakan at cncaress ko yung muka niya. Maya maya lang inilipat ko na yung arm ko sa bewang niya. Naririnig ko din na mas dumadami na yung bulungan sa paligid. Mainggit kayong lahat wala akong pake.

 

 

"I'm kind of sleepy, this will take long Pup, don't you want to sit there on the bench with Ning?" Muka ng mag sstart mag picnic si Ning, kahit napipikon ako natatawa ako sa itsura niya. Ang dami niyang biniling chips tapos pinag titignan siya ng mga nandito sa pila. Iniisip ata ng mga tao new student siya kasi naka uniform pa talaga siya ng pang College of Literature.

 

 

"You are sleepy? Edi the more reason for me to stay here, mag lean ka lang sakin babe, you take a nap hahawakan kita and I will guard you."

 

 

"Haha what Pup? You are so weird talaga today. You will guard me, why?" Umayos ng tayo si Rina pero ang lapit pa din ng muka niya sakin. 

 

 

"Eh basta wag ka na magtanong." Hinawakan ko yung ulo niya para ipatong ulit sa balikat ko, binalik niya na din yung arm niya na nakahawak sa bewang ko kanina.

 

 

"Diba pre niligawan mo yan si Karina?" 

 

"Hindi lang si Karina, pati yan si Giselle Uchinaga." 

 

"O ano nangyari basted ka?"

 

"Hindi, ayaw ko ng commitment."

 

"Tapos gusto nila noh, sabagay pre mahirap pag natali ka."

 

"Next prospect ko yan yung kasama nila, si Julia Choi."

 

 

Grabe totoo ba tong mga naririnig ko. Mag bibilang ako hanggang lima. Pag nakaabot sa lima makakatikim talaga sakin to si paa.

 

 

Nakakatatlo na, ipagdasal mo na wag ka ng makadalawa pa leche ka.

 

 

 

 

Naguusap nalang kaming apat dito sa pila, binanggit nila Gigi yung fashion show ni Yuna sa Rockwell na invited kaming lahat dahil ipapakita niya yung collection niya para sa finals nila sa school. Hindi ako nag online sa gc kaya hindi ko alam na bukas na pala yun. Tapos ang alis namin papunta sa Ilocos is on Thursday na.

 

 

Habang nag uusap kami napansin ko na pinagpapawisan and naiinitan si Rina kaya kinuha ko yung panyo ko para punasan yung pawis niya sa noo tsaka malapit sa tenga. "Babe tali mo muna hair mo, ang init dito grabe ang hina ng aircon eh. Give it here, ako na maghahawak ng bag mo."

 

Binigay kagad ni Rina yung bag niya sakin at nag simula na siyang mag tali ng buhok. Nung pag angat niya ng arms may narinig nanaman ako.

 

 

"Whooee-uueet"

 

 

Tinignan ko kung saan galing yung sipol. Kanino pa nga ba, walang iba kung hindi dun sa mga singaw na nakaupo sa tabi ng basurahan. Ngayon lang ako nakakita ng paa na may bibig at nakakagawa ng sound. Okay that's four, isa ka nalang.

 

 

After matali ni Rina yung hair niya, ako na ang naghawak ng bag niya at pinunsan ko muna ulit yung pawis niya. Ngayon mas naging okay na at hindi na siya sobrang naiinitan. Malapit lapit na din yung turn niya sa counter. 

 

 

"Pup you look so cute para ka talagang maltese trained to be a guard dog. You look so serious and naka frown ka pa. Come here nga!"

 

 

Nagulat ako nung hinatak ako ni Rina tapos bigla niya akong hinalikan sa gilid ng lips, hindi ko inexpect yun kasi ang daming nakapila na students. Pati si Ning and Lia napatingin at medyo nagulat sa ginawa ni Rina.

 

 

"Rina, Dean Merlo might see you again, baka sabihin pda nanaman kayo ni Winter." Paalala ni Giselle sa best friend niya. "It's fine Gi, it's not directly on the lips."

 

 

Lumapit lang ulit sakin si Rina at niyakap niya pa ako. "Babe malapit na yung turn mo, do you need something from your bag?"

 

 

"Just the card Pup, I have it with me na. You wanna go sit with Ning?" Alam ko na andun pa din yung grupo ng singaw katabi ng basurahan kaya no ing chance. "No babe, I will stay here with you hanggang matapos ka mag bayad."

 

 

"Pre tangina hinalikan ni Karina nakita mo?! Akala ko batang kapatid niya yang kasama niya!"

 

"Oo nga puta nagulat ako. Muka silang magkapatid."

 

"Pucha sila ata niyan e kaya grabe magyakapan!"

 

"Wala yan sus. Wala siya mapapala dyan."

 

 

Okay paa quota.

 

 

"Babe, hingi lang ako ng water kay Ning I'm kinda thirsty. I'll be back, dalin ko nalang tong bag mo."

 

 

"Okay sure, it's my turn naman na." Iniwan ko muna sila Rina sa pila at dumiretso na ako kay Ning. "Akin na nga lang yan bottled water mo. That one yung half nalang, dalawa naman yan eh." 

 

 

"Are you thirsty? You can have this one yung mas madami."

 

 

"No na Ning this one is fine. Ako na din magtatapon sa bin."

 

 

Wala naman masama kung magdidilig ako before ako mag tapon ng basura. Experiment to, ittry ko lang naman kung dadami yung paa tsaka yung mga singaw kapag nababasa.

 

 

Okay I'm just gonna shoot it into the trash.

 

 

"Kobe!"

 

 

 

 

 

"Tangina nabasa na kami oh!"

 

 

"Bakit ganun ka mag tapon?! nabuhos tuloy samin yung laman!"

 

 

"hindi mo ba kami nakikita?!"

 

 

"O bakit kailangan ko kayong tignan? Tangina mo pala magtatapon ako eh naka harang kayo dyan, mababasa talaga kayo. Nagkukumpulan kayo sa basurahan lumayas kasi kayo dyan."

 

 

"Gago ka ha!"

 

 

"Gago ka din muka ka pang paa!"

 

 

 

 

 

Nakabalik na ako sa window counter kung nasaan nagssettle ng payment si Rina. Buti busy siya at hindi niya narinig yung commotion. Nagka sabay sabay silang tatlo nila Lia and Gigi at malapit na sila sa second step ng enrollment. Pag tapos namin dito sa building nila, didiretso naman kami dun sa course namin.

 

 

 

 

After a few minutes nakapag bayad na din silang tatlo, kukunin nalang yung registration form tapos kailangan lang i-update yung id. Aakyat kami sa second floor kasi may kailangan ata icheck si Gigi and Lia. Sakto dahil dun na din yung room para sa id.

 

 

Naglalakad na kaming lima papunta sa stairs, walang ibang way kaya mapapadaan kami sa tapat nung mga basura. Hindi ko na sana papansinin yung mga bulungan at bastos remarks, kaso may pahabol message pa kaming natanggap para kay Giselle at sa baby ko.

 

 

"Giselle and Karina ano, tara na ready na ako sa commitment."

 

 

Nakita ko kagad yung hawak ni Ning, yung impulse ko mabilis pa talaga sa alas kwatro.

 

 

"Eh dito kaya ready ka?!!"

 

 

**TOK!**

 

 

"Oh my god Pup!!!"

 

 

"Winter!"

 

 

"O ano hindi ka pala ready eh!

 

 

Hindi dumadami ang paa pag nababasa, pero napatunayan ko na dumudugo pala yung ilong pag natatamaan ng bote ng mineral water.

 

 

 

 

 

 

 

"I'm just gonna talk to your dean sige na mag enroll na kayo. Go, samahan mo na sila Ning."

 

 

"Oh my god Winter sabi ko sayo wag mo ng pansinin, you might get a sanction. Hindi kita pwede iwan dito."

 

 

"Hindi yan babe hindi pa nga ako enrolled walang sanction yan. Sige na go na, let's meet nalang outside. Pinapasunod na ako dun sa office ng dean niyo. Mabilis lang to."

 

 

"Ning samahan mo na nga sila."

 

 

After ng pilitan with Rina, napapayag ko na din na ituloy na nila yung enrollment nila. Kailangan ko lang iexplain sa dean kung bakit dumugo yung ilong nung animal.

 

 

 

 

Andito nanaman ako sa dean's office ng college of Lit. Nakaharap sa table ng secretary na type ng type pero parang wala naman talagang ginagawa.

 

 

"Pinapatawag daw po ako ni dean?"

 

 

Pina diretso ako sa pinto nung pinaka office, pag silip ko sa pinto nakita ko kagad si Paa na n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔