Thoughts And Prayers

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

Tuesday 7:30 pm 

 

 

Winter's POV

 

 

I got discharged from the hospital at four in the afternoon today. Kakaalis lang nila mommy and ate Taeyeon after nila mag dinner dito kasama si Karina. Sila yung sumundo at nag hatid samin ni Rina dito sa condo. They stayed for a while because mom had to check my bedroom and all the things necessary for my recovery and physical rehabilitation. Excited na din ako because there are times na matutulog daw siya dito kasama ko.

 

 

When we got here at the condo, so far okay naman and hindi ako naninibago. Unang pasok ko kanina medyo weird yung feeling kasi hindi maiwasan na may mga bagay na naalala ako. Mind over matter, pinilit ko nalang wag pansinin. Hindi ko na inisip yung mga bad memories, especially yung mga pinagdaanan ko nung time na mag isa lang ako at nagkakagulo kami ni Karina.

 

 

 

 

Nag uusap lang kami dito sa living room at hinihintay namin si nurse Dahyun. Yung pinsan namin na kinuha ni ate Taeyeon para alagaan ako.  Andun siya ngayon sa kitchen at kasalukuyang inaayos yung Nutren milk na papadaanin niya sa feeding tube ko. Gusto ko na talagang gumaling yung paglunok ko para pwede na ulit ako sa normal na pagkain. Sobrang napaka uncomfortable din kasi talaga nitong tube na nilagay nila sakin.

 

 

"Pup what are you doing? Stop turning around, humarap ka nga dito. Hindi pwede maalog yan ulo mo Winter."Suway sakin ni Karina. Pinagbabawalan niya ako na lumingon sa kitchen. "Tinitignan ko lang kung ano yung ginagawa niya dun."Balik ko sakanya."Wag ka maingay Karina."

 

 

Kanina ko pa sinisilip si nurse Dahyun kasi parang ang tagal na niya sa ginagawa niya at higit sa lahat hindi talaga ako makapaniwala na naging nurse siya.

 

 

"Pup ano ba yan." Naramdaman ko na pinalo niya yung arm ko. "Aray! Wag ka magulo Karina." Napansin ko na kanina niya pa din ako sinisita at pinagsasabihan."She knows what she is doing stop watching her, she might get uncomfortable, quit it. Parang kanina mo pa siya jnjudge."

 

 

"I am not judging, pinapanood ko lang naman yung ginagawa niya."

 

 

"She is not going to put anything in your milk, she is almost done. Inaayos niya lang kasi gusto niya naka set na for one week yung powdered milk para daw mas mabilis, nakalagay na sa separate container based on the measurement."

 

 

"Pano mo naman nalaman Karina?"

 

 

"Inexplain niya samin lahat kanina when you were sleeping. She has a list to follow."

 

 

"She told me a while ago na meron daw siyang health care plan, yun ba yun? Baka sa WebMD niya lang na-download yun ha."

 

 

"Pup tumingin ka na nga dito kanina ka pa nakalingon mahihilo ka nanaman. Don't make it awkward for her kanina mo pa siya tinitignan."

 

 

Biglang humarap sakin yung pinapanood ko na nag aayos sa kusina, nag smile siya sabay kaway sakin, ngumiti nalang ako pabalik kasi ang awkward na nahuli niya akong naka tingin. Hindi ko kagad mailipat yung ulo ko dahil hindi ko pwede igalaw ng mabilis yung leeg ko.

 

 

"Ayan kasi ang tigas ng ulo mo. Stop looking at her na Winter, nakakahiya."

 

 

"Oo na."

 

 

"Winter nagugutom ka na ba?!!" Sigaw nung nurse na nagaayos ng gatas sa kitchen. Gusto ko sana tignan ng malapitan yung ginagawa niya pero hindi ako makalakad mag isa. "Give me another five minutes, pinapalamig ko nalang tapos isshoot ko na tong milk dyan sa ilong mo!"

 

 

"Oh my god Karina." Pasimple kong bulong kay Rina na tumatawa na dito sa tabi ko. "Don't be too tensed, why are you so worried? baka na-stereotype niyo kasi yung cousin mo. Look, I think she knows what she is doing." Ngayon naman si Rina na yung lumingon at nanonood sakanya.

 

 

"Nung iniinterview mo kasi siya kanina nung umalis na sila mom parang natakot ako sa mga sagot niya eh. Seryoso ba siya, naniwala ka ba dun sa mga sinasabi niya?"

 

 

"Yeah why not?"

 

 

"Eh bakit may pray over pang kasama?"

 

 

"Hayaan mo siya baka ganun talaga yung routine niya."

 

 

"Jusko. Karina baka naman ma-open niya yung third eye ko kaka-pray over niya sakin tuwing umaga."

 

 

"Hahaha baka marinig ka niya lower your voice naman, nakakahiya. Come closer na nga, are you hungry?" Sumandal na ako kay Karina habang nakaupo kami dito sa couch sa sala."Medyo parang ang tagal ko kasi nakatulog, ikaw madami ka ba nakain nung kasabay mo kanina sila mommy?"

 

 

"Yeah I ate a lot grabe, ang sarap ng luto ni tita."

 

 

"You have to eat right, you are working tapos inaalagaan mo pa ako. Makakapag workout ka naman na ulit."

 

 

Naalala ko ilan days din niya akong hindi kinibo dahil dun sa nangyari last Saturday sa hospital. "Rina, hindi ka na ba galit sakin?" Tanong ko sakanya habang hinahawakan ko yung kamay niya. "I'm still mad at you Winter, don't remind me because it gets me irked whenever I remember what you and your friends did."

 

 

"Wala naman kaming ginawa nandun lang kami sa roof deck nun, nag explain kami kay Ry tungkol dun sa prank tsaka nag kwentuhan lang kami kaya medyo natagalan. We missed being together kaya binawi namin yung almost eight months na hindi magkakasama, yun lang naman eh."

 

 

"Wag ka na nga magsinungaling Pup nakakainis lang lalo, nakita namin ni Gigi and Yeji kung ano yung ginagawa niyo dun sa roof deck and you better stop denying it. You cannot lie to me Winter and you know that."

 

 

"Wala kaming ginawa dun ano ba sinabi sayo ni Chaewon nun? Nagkkwentuhan lang kaming lima dun sa roof deck nung sabado."

 

 

"Tigilan mo na nga Winter, stop lying. That's enough masstress ka nanaman."

 

 

"I'm sorry wala naman kasi talaga kaming ginawa, tsaka grabe naman kasi Karina, pinagalitan mo sila Ning tsaka sila Heejin na-trauma tuloy sila. Si Ryujin nasali pa dun sa pagalit mo eh ang tagal na nga niyang umiiyak dahil dun sa prank. Para siyang na-double dead eh. Wag kang ganun Karina." 

 

 

"Anong wag kang ganun Karina?! Talaga ba na-trauma sila?! Why is it so easy for you to throw that word around? Hindi sila na-trauma Winter. Kahit sino magagalit talaga dahil dun sa ginawa niyo. Pasalamat ka nga hindi ko na sinabi kay tita and kay ate Taeyeon. You know that I am being too cautious with you kasi hindi ka pa nga magaling, ayaw ko na magka complications yung brain injury mo. Paulit ulit ko pa sinabi sainyo na mag ingat and your friends agreed that they will take care of you, pero ano yung ginawa niyo dun? Hindi na kayo bata alam niyo na dapat yun."

 

 

"Nag ingat naman kami wala naman nangyari. Hindi naman ako napahamak dun tsaka nakababa naman kami ng maayos, so bakit kailangan magalit ka sakin ng ilan days? Hindi mo ako kinakausap hanggang kanina wala na nga ako magawa sa hospital sinusungitan mo pa ko."

 

 

"Oh my god Winter, are you really asking me that? Ano gusto mo matuwa ako dun sa ginawa niyo? Grabe ang tigas ng ulo mo Pup nakakainis sobra. Naaksidente ka na hindi ka pa din talaga nadala? Ano pa ba pwede namin gawin sayo para umayos and tumigil ka na?"

 

 

"Wala kaming ginawa nun Karina, I'm sorry but I think nag overreact ka lang."

 

 

"Wow are you serious Winter?! Talagang jnjustify mo pa yung mga ginawa niyo ng best friends mo? Naabutan namin kayo you can even ask Yeji. Kitang kita ko kung pano ka nagulat nung nakita mo ako dun. Mag sstart na kayo mag race using the wheel chair dun sa roof deck, ang saya saya niyo, sigaw ka pa ng sigaw, buti nalang naka akyat ako kagad and napigilan kita!!"

 

 

"Rina don't shout nag uusap lang naman tayo." Chneck ko si nurse Dahyun na hanggang ngayon hindi pa din tapos mag timpla ng gatas. Napapatingin siya samin ni Karina dahil malamang narinig niya na nag tatalo kami. "Ate Dahyun can hear us Rina, please calm down don't yell at me."

 

 

"Now you are asking me to calm down? Buti nalang kasama niyo si Chaewon that time, siya yung nagmessage sakin. Kaya pala forty minutes na hindi ka pa din bumabalik, pag hinahanap kita puro kayo wait lang. Kinailangan pa namin umakyat nila Gigi para lang pigilan ka?"

 

 

"Baka naman mali ka ng intindi sa message ni Chaewon? Wala naman talaga kaming ginagawa nag kkwentuhan lang kami dun, kasali pa nga siya ang daldal pa nga niya ang dami niyang knkwento samin."

 

 

"Alright para manahimik ka na Winter sige, how can you tell na nagkamali ako ng intindi dito, here read this!" Kinuha ni Rina yung phone niya at inabot niya sakin, pag tingin ko meron mga messages that I think came from Chaewon.

 

 

Chaewon Kim:   you better come up and get your girlfriend

 

Chaewon Kim:  Karina hurry up these idiots are so stubborn!!! come up!!!!

 

Karina Yu:   why?? what's happening???

 

Chaewon Kim:  THEY WILL START A RACE USING THE 2 WHEEL CHAIRS, MAG UUNAHAN SILA PAPUNTA SA ELEVATOR!!!! ayaw makinig sakin ni winter naka kandong na siya kay ryujin!!!!

 

Karina Yu:  oh ! ing hell pigilan mo siya chaewon please!!!! baka mahulog siya and yung dextrose baka matanggal!!! paakyat na kami nila gigi

 

 

"What?! Totoo ba to Rina? You know that this could be edited, baka may nag send lang sayo or something mukang screenshot lang eh tignan mo." Paulit ulit kong binabasa yung messages sa phone niya. 

 

 

"Tangina Winter screenshot kahit nasa imessage mismo?! I am serious and I am not ing with you." Binalik ko na sakanya yung phone niya at hindi ko nalang siya tinignan kasi konti nalang mukang uusok na yung ilong niya. Susubukan ko nalang kalmahin si Karina. "Sorry, hindi naman kasi race yun, umupo lang si Heejin dun sa isang wheel chair tapos kumandong si Ning kasi nangangalay na siya. Tsaka namiss kasi ako ni Ryujin, hnhug niya ako kaya siya yung umupo sa wheel chair tapos kumandong ako sakanya, yun lang naman then nagkwentuhan lang kami. Akala lang ni Chaewon race kasi magkatapat kami tapos parehas pa na nakaharap dun sa elevator. Nag assume yun si Chaewon tapos mali."

 

 

"Grabe Winter oh my god, can you just shut up?! You are trying so hard to lie your way out of the situation. I cannot believe you, nahuli ka na nag sisinungaling ka pa. Bakit ka ganyan Pup kailan ka ba madadala? Ang tigas ng ulo mo it's unbelievable. Hindi ka pa nga nakakalakad but you were about to do something stupid na. You are not even in college anymore pero ang immature niyo pa din."

 

 

"Hindi naman sa ganun."

 

 

"Then what?! Kung hindi ako dumating dun baka kung ano na yung nangyari sayo, hindi ka naman nakinig kay Chaewon. Pano kung na-shake yung ulo mo Winter or nahulog ka sa wheel chair? Anong gagawin niyo nun kung nag seizure ka or worse na-comatose ka nanaman. Anong mangyayari nun? You could've died!!!"

 

 

"Ssshh baby relax. Wag ka naman sumigaw kasi naririnig ka ni nurse Dahyun baka mawindang siya."

 

 

"Anong baby relax? Wala akong pakialam!"

 

 

"Sorry na nga eh, nag sorry na din sayo sila Ning. Grabe pati yung best friends ko pinagalitan mo Karina wala naman silang ginawa. I can tell na na-trauma talaga sila dahil sayo."

 

 

"Anong na-trauma sila? Hindi sila na-trauma dahil ang titigas ng ulo niyong apat walang effect sainyo yung mga sinasabi namin nila Yeji. Imagine ano nalang maffeel ng mommy mo and ng ate mo pag nabalitaan nila na may nangyari nanaman sayo? Grabe dun pa mismo sa hospital kayo gagawa ng kalokohan. Hindi mo manlang naisip yun Winter. Don't ever tell me na hindi mo na uulitin and hindi mo na gagawin kasi sobrang wala ng meaning yan line mo na yan. You use to say that even before, hindi mo na uulitin pero tignan mo nga, you got into an accident."

 

 

"Eh bakit ba ako naaksidente?"

 

 

"Kasi inalis mo yung helmet mo nung nag wwindsurf ka!"

 

 

"Eh bakit ba ako napunta dun sa beach tsaka dun sa island?"

 

 

"So you are telling me na kasalanan ko lahat? I know it's my fault kaya ka nag travel dun pero hindi ko kasalanan na nag tanggal ka ng helmet mo. I always remind you Winter, hindi ako nag kulang na pagsabihan ka nag mag ingat lalo sa mga ginagawa mo. Lagi ko sinasabi sayo yun kahit dati, gusto ko na maging safe ka." Her voice started to crack at naiiyak na siya sa inis. "Rina, I'm sorry." Tumayo na si Karina sa couch at mukang iiwan niya ako mag isa dito sa living room. "Where are you going?" I asked her. Inalis niya yung kamay ko na nakahawak sakanya. "Bahala ka na nga dyan Winter."

 

 

"What the hell? Rina! Wala ako magawa dito, don't leave! Rina! ang boring dito wala ako kausap!" Umalis pa din siya at iniwan niya talaga akong mag isa sa sala. Narinig ko na pumasok na siya dun sa kwarto niya, ang hirap nito kasi wala akong phone or kahit ano. Hindi din ako pwedeng tumayo dahil hindi pa naman ako nakakalakad mag isa.

 

 

"Winter time for your milk and medicine." Dumating na si nurse Dahyun dito sa sala na dala dala yung mga hinanda niya. Pinapanood ko siya na nilalapag yung milk na nilagay niya sa measuring cup pati na din yung hawak niya na parang lalagyan ng calling cards."Ano yan?" tanong ko sakanya habang inaayos niya yung tray ng medicines.

 

 

"Your medicines for night time. I can see it in your face na nattense ka Winter, why?" Hindi siya tumitingin sakin habang inaayos niya lahat ng mga gagamitin sa table. "No, hindi naman."

 

 

"Good. Inaantok ka ba or do you feel light headed? hindi mo kailangan huminga ng malalim, itatapat ko lang sayo to." Tanong niya sakin habang chncheck niya ng stethoscope yung tiyan ko at may nilabas siyang paper strip."I'm okay nurse Dahyun. Ano yan paper na maliit?"

 

 

"Ichcheck natin yung gastro mo para mas safe, kasi ganun yun hindi pwedeng mapunta sa lungs mo yung milk na ilalagay ko sa NGT mo, delikado. Winter wag mo pala ako tawagin nurse Dahyun, para naman hindi kita pinsan niyan."

 

 

"Eh ano dapat, doc Dahyun?"

 

 

"Nurse nga ako doctor naman yung sinasabi mo dyan, ate Dahyun nalang because that's what you call me naman dba. PH paper tong hawak ko." Pinump niya yung syringe tapos may lumabas na liquid. "Ano yan ate Dahyun bakit parang kadiri?"

 

 

"It's from your stomach. Wag mo nalang tignan. Ito yung ilalagay ko dito sa Ph paper para malaman ko kung nasa stomach mo yung NGT."

 

 

"Ah gets, ang advanced mo pala, yung dun puro stethoscope lang eh."

 

 

"Ganun talaga dapat nagiging innovative. I told you, you are in good hands. Yung one year gagawin natin six months Winter. In two to three months makakalakad ka na."

 

 

"What? Pano mo naman gagawin yun?"

 

 

"Magtiwala ka lang sakin."

 

 

"Ano ka ba talaga ate Dahyun licensed nurse or faith healer? alam ba ni ate Taeyeon yan? Part ka ba nung ano, El Shaddai ba yun?"

 

 

"Winter napaka gago mo talaga, totoo nga yung sinasabi ni ate Taeyeon masyado kang makulit."

 

 

"Wow nahiya naman ako sa pagka kick out sayo sa school nung thirteen years old ka."

 

 

"Tanga tenchnically twelve years old palang ako nun kasi mag bbirthday palang ako the following month after ako ma-expel."

 

 

"How nice, proud ka pa talaga."

 

 

"Hahahaha umayos ka na nga Winter. Alam mo dapat dun ka sa province natin magpagaling eh para dun no choice ka tapos mas maganda yung environment puro nature."

 

 

"Ayaw ko dun ang tagal ng oras tapos hindi naman ako makakapag swimming sa beach."

 

 

"Nagka phobia ka ba sa beach?"

 

 

"I don't know, hindi pa ako nakakabalik eh. Hindi pa ako nakakakita ulit ng dagat."

 

 

After mag iba ng color yung maliit na paper kinuha na niya yung gatas na nakapatong sa lamesa. "Ito pwede na mag feeding. Alam mo Winter ma-oovercome mo din yan basta susunod ka dapat sa advice ng doctors mo and of course me as your private nurse. Wala ka din naman magagawa dahil one to two years tayong magkasama. Pero since magaling nga ako, yung two years pwedeng maging one year. Basta makipag cooperate ka lang sakin and wag matigas yung ulo mo."

 

 

"Okay sige. May pananampalataya ako kay El Shaddai."

 

 

"Hahahaha gago. By the way may itatanong din pala ako sayo, kasi nahihiya ako magtanong dun sa girlfriend mo eh, napaka intimidating kasi ng dating ni Karina."

 

 

"Okay ate, ano ba yun?"

 

 

"Can I smoke here?"

 

 

"What the sabi ko na eh. Hindi ka pa din nagbabago, nagyoyosi ka pa ha isusumbong kita kay lola."

 

 

"Tanga. Naka organic cigarettes na nga ako. Herbal para healthy tapos hindi nakaka affect sa ibang tao tsaka sa environment."

 

 

"Oh my god you smoke a joint?! Bawal yan ate Dahyun baka mahuli ka!"

 

 

"Gaga anong joint, herbal cigs nga gamit ko parang wala lang yun."

 

 

"Sus nakita ko parang ang mahal niyan, bakit hindi ka nalang mag katol tutal may usok din naman yun?"

 

 

"Jusko Winter first day ko palang parang mauubos na yung pasensya ko sayo. Gets ko na kung bakit ganun yung briefing sakin nila tita."

 

 

"Niloloko lang kita. Dyan sa balcony siguro pwede naman mag smoke pero kailangan mo magpaalam kay Karina. Malamang pag oras ng work bawal kasi pag naamoy ko tapos naamoy niya, wala naman mangyayaring masama pero masisisante ka."

 

 

"Hahaha sabagay. Sige magpapaalam nalang ako sakanya hindi naman lagi eh. Nakakaintimidate kasi yung girlfriend mo grabe but she is nice, sobrang professional."

 

 

"Ate dahyun."

 

 

"Yes ano yun Winter?"

 

 

"Ikaw lang naman yung unprofessional dito, tignan mo gutom na gutom na ko kanina pa pero hindi mo pa din nilalagay yung milk sa feeding tube ko. Inuna mo pa talaga problemahin yung pag yoyosi mo."

 

 

"Ay sorry hahahaha. Ayan okay na."

 

 

"First day on the job that you lied about ba yung peg mo? Kailangan mo ba ng tulong, gusto mo igoogle or youtube tutorial nalang natin kung pano gamitin tong feeding tube para mas sigurado?"

 

 

"Hahaha sira! Asan na ba kasi yung punyemas na dulo nitong NGT mo?"

 

 

"Ano ba yan, ito naka tape sa pajama ko. Ayusin mo naman trabaho mo isusumbong kita kay ate." Tinuro ko sakanya yung tape na nilagay kanina nung nurse before ako umuwi. Inalis na niya at na-secure na niya yung mukang syringe kung saan niya papadaanin yung gatas. "Ito na Winter relax ka lang, parang beer bong lang to pero gatas instead of beer tska sa ilong dumadaan."

 

 

What the , mukang ganito yung magiging buhay ko ng ilan buwan. Gusto ko na talagang gumaling, willing ako magcooperate sa kung ano sasabihin ng doctor pati ng private nurse ko basta lang matapos na tong phase na to at makabalik na ako sa normal life ko.

 

 

"Are you okay? Hindi naman masakit ulo mo? " Nag thumbs up ako kay ate Dahyun, mukang paubos na din yung gatas na nasa cup."Okay lang ako ate."

 

 

"After this Winter magpahinga ka tapos sponge bath na and oral care. Dun nalang tayo sa bathroom mo para makatulog ka na din. Hindi ka pwedeng mag puyat babantayan kita."

 

 

"What do you mean?"

 

 

"Akala mo ba eight to five tong job ko? No. Pati pag tulog mo bantay sarado ko and irerecord ko yun. May routine tayo na kailangan sundin Winter. Dun ako matutulog sa kwarto mo."

 

 

"Huh sino nagsabi niyan? Wag na ate kaya ko naman."

 

 

"Malamang edi ako! May health care plan ako para sayo, kaya inaral ko na din yung lifestyle mo before ka maaksidente."

 

 

"Ate hindi ko gets."

 

 

"Basta magtiwala ka and sumunod ka lang sakin Winter, gagaling ka within one year, or less."

 

 

"Okay sige, I really hope so kasi sobrang napag iiwanan na ako."

 

 

"Wag ka mag alala babalik ka din sa dating mong ginagawa. Asan pala si Karina? Narinig ko parang pinapagalitan ka niya kanina. Under ka pala noh Winter, hahaha hindi ko inexpect. Matagal na ba kayo nun?"

 

 

"We are not together, hindi ko siya girlfriend."

 

 

"Eh bakit magkasama kayo sa bahay? Sorry akala ko talaga girlfriend mo siya."

 

 

"Complicated, mahirap explain."

 

 

"Bakit nga kasama mo pa din siya? Weird talaga ng generation niyo."

 

 

"Anong weird generation eh three years lang naman tanda mo sakin. Well hindi naman complicated. Pano ko ba sasabihin, mahal ko siya and I like her so much pero ayaw ko na ng relationship with her."

 

 

"Ang labo naman."

 

 

"Yeah malabo talaga. May mga nangyari kasi samin, kaya magulo. Ikkwento ko sayo next time mukang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔