Stage 3.12: One Twenty Days

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

(Continuation ng mga ganap sa farm)

 

Tapos na kami mag lunch dun sa isang kubo kanina, sila ate Seulgi and ate Irene nag stay muna sa main house with mommy kasi may kailangan daw gawin sa work. Dun lang kasi meron wifi pati kung saan nag stay si ate Taeyeon. Namamasyal lang kami ni Rina using the buggy at siya ang nag ddrive kasi busy ako taking our photos, well photos niya karamihan. Mamayang hapon pa talaga kami magsisimula gumawa ng activities dahil sobrang init.

 

Of all people naman na nandito, ako pa talaga yung inutusan ni mommy na maging tour guide nila Karina, bahala na nga kung anong itinerary namin, basta ako ang gagawa at sisiguraduhin ko na masaya yun at mag eenjoy sila ng sobra.

 

 

"Ano ba ginagawa mo dito ha Winter?" Tanong sakin ni ate Taeyeon na naka tutok sa phone at ayaw manlang tumayo sa kama.

 

 

"I'm touring Rina around the farm and nag ppicture kami with our film camera" Sabay bukas ko sa mga cabinets dito sa treehouse na inagaw sakin ni ate."Touring around? Eh bakit parang dito mo lang sa treehouse dinala si Rina, hindi mo manlang sila ipasyal ni Irene."

 

 

"Well, mom said that I will be their tour guide later and for the next two days. Later pa daw pag hindi na mainit, so mamaya pa yun." Tuloy lang ako sa pagbubukas ng chest of drawers dito sa room ni ate. "Ikaw pa yung inutusan ni mom na maging tour guide? Oh god, good luck with that. Bakit hindi nalang si Seulgi?"

 

 

"Ako yun inutusan ni mom eh, she trusts me like that. Tsaka kabisado ko na dito sa farm kahit nakapikit." Lagi kasi ako sumasama dito dati kaya alam ko na yung mga areas at pasikot sikot. Pero yung mga crops and ibang tanim, wala akong idea.

 

 

"Oh no Karina she will be your tour guide, good luck talaga. Double check kung saan niya kayo dadalin. Grabe buti hindi ka napipikon dito sa kapatid ko?"

 

 

"Nasasanay na ako sakanya ate Taeyeon." Mabilis akong napatingin kay Rina dahil parang may laman yung sinabi niya." What's that suppose to mean babe, ang bait ko kaya. Tara let's check the balcony, hindi ka naman takot sa heights dba? You're gonna love it here."

 

 

Nagpunta kami ni Rina sa balcony labas lang ng bedroom kung saan matutulog si ate Taeyeon. Itong treehouse na to, pina-construct to ni mom, modern design at sobrang mataas yung height from the ground. May stairs na parang spiral kaya hindi problema mag akyat baba. Meron din naman option na tali kung trip mo magl at mabalian ng buto.

 

 

"You like it baby?" Pansin ko na natutuwa si Rina sa paligid at mukang nagugustuhan niya nga dito dahil mahangin at malilim. "Yes Pup, I like it here it's nice and it's really quiet. Come let's take a photo together." Tumabi ako kay Rina dahil gusto niya mag picture kaming dalawa. Hindi ko masyado gusto nag ppicture pero pag sa baby ko siyempre okay lang.

 

 

"Sayang we can't stay here, next time nalang siguro, we can go back naman anytime. Or I have a better idea babe." Nilapitan ko si Rina para iback hug siya. Humarap siya sakin at yumakap din pabalik.

 

 

"Yeah? Okay what's that?" Magkaharap na kaming nag uusap, yakap ko siya habang nakasandal naman siya sa railing ng balcony. "When we're married na I will make you a treehouse. I promise you that."

 

 

"Hoy Winter!! Anong married pinagsasabi mo dyan?!" parehas kaming nagulat kay ate Taeyeon na biglang lumabas galing kwarto. Nakalimutan ko andun nga pala siya sa loob."Wala ate, sabi ko gagawa kami ng treehouse, ayaw mo kasi kami patulugin dito!"

 

 

"Wag ka na nga makulit. Dun ka kay Seulgi, siya guluhin mo!"

 

 

Bukod sa nag ttour kami ni Rina sa recreational areas ng farm, may hinahanap kasi ako na gamit kaya talaga kami nagpunta dito kay ate. "Nagpapahinga daw sila ate Seulgi kaya kami muna ni Rina yung nag iikot dito. Ate, hinahanap ko yung binoculars na ginagamit ko lagi pag nandito tayo, alam mo ba kung nasan?"

 

 

"Andun lang sa drawers, saan mo naman gagamitin yun?"

 

 

Nag punta na ako sa drawer na tinuro ni ate para kunin yung binoculars. Naalala ko, si ate Taeyeon matutulog dito ng solo. Kahit medyo tanaw to from the main house parang nakakatakot pa din kung mag isa siya dito lalo pag gabi. Eh parehas lang kami na sobrang duwag sa multo. "Ate bakit pala kanina, nung pag bukas ko ng closet dyan sa tapat ng bed mo, bakit may batang babae sa loob? Baka anak nung mga tao nila mommy yun noh, tingin mo?"

 

 

"Gaga ka, tigil tigilan mo ako Winter.  Nananakot ka pa ha!" Tumakbo na kagad kami ni Rina nung nakita kong babatuhin na ako ni ate Taeyeon ng tsinelas.

 

 

"Dun ka na!"

 

 

 

 

 

Nakatambay lang kami dito sa kubo malapit sa taniman ng mga kamatis at calamansi. Pinag uusapan namin yung mga magiging activities later with ate Seulgi and ate Irene. Siyempre kahit mortal enemy ko si ate Irene, gusto ko pa din na mag enjoy siya and yun kasi yung bilin ni mommy sakin, kailangan mag enjoy si Rina at ang ate niya.

 

 

"Pup, what the hell are you doing with those binoculars?" Inaadjust ko yung lens at tuloy lang ako sa pagsilip. Pinapanood ko yung kalabaw na nag mmanual labor."sshh mind your own business Karina."

 

 

"Oh, did you just shush your girlfriend? Winter, ano na gagawin natin?"

 

 

"We can go to the river later, pwede maligo dun or you want to try fruit picking? Bumangon na si Rina at umupo na kung nasaan ako,nakahiga kasi siya sa bench na nasa tapat ko. "Swimming at the river?" Tanong niya sakin habang naka smile pa.

 

 

"You have seen the pool at the main house dba, we can also swim there. Which one do you like? Ano magugustuhan ni ate Irene?"

 

 

"Let's go to the river nalang Pup, ate Irene will like it. Are we gonna go trekking?" Pwede mag trek going to the river pero may path way na kasya yung mga buggy so hindi na namin kailangan maglakad pa ng sobrang layo. 

 

 

"We'll go trekking tomorrow morning. Later we can go to the river using the side-by-side or atv kasi mas fun yun. I wanna see you try driving it." Nag lean ako kay Rina at pinatong ko yung ulo ko sa shoulder niya. Medyo nakakaantok talaga kasi dito dahil tahimik at mahangin. Nararamdman ko na ang antok at kanina pa din ako nag hihikab. "Alright Pup. Sounds exciting sige let's do that!" 

 

 

 

 

 

Nag tagal muna kami ni Rina sa kubo before kami bumalik para mag prepare sa pag punta namin sa river at para sunduin na din sila ate Seul.

 

Naka settle at ready to go na kaming apat. Sila ate Irene at ate Seulgi ang nakaupo sa likod tapos nasa passenger seat naman si Rina. Pupunta kami ngayon sa river using a utv instead of the golf buggy para mas mabilis at exciting. Ako ang mag ddrive samin, pero balak ko na si Rina nalang mamaya pabalik para masubukan din niya. 

 

Nagpaiwan si ate and mommy kasi may mga meetings sila na kailangan pang tapusin. Kaya kami nalang munang apat ang mag aactivity this afternoon. Sinabi ko sakanila na kailangan mag suot ng rash guard kasi mahirap na baka may leeches at lamok. Nagtaka sila nung sinabi kong ma-lamok, naalala ko wala nga pala silang idea kung saan kami dadaan ngayon hapon.

 

From the main house six kilometers ang layo ng distance nung pupuntahan namin, pero dahil may alam akong short cut, kayang kaya itravel ng four kilometers instead of six.

 

 

"Let's go na guys?!" Tanong ko sa mga kasama ko. Nilingon ko ang Seulrene na nasa likod, mukang ready na nga sila.  "Winter, ayusin mo pag drive ha, medyo malayo yun." Paalala sakin ni ate Seul. Naka ilan beses na din siya nakapunta dun pero sa normal na daan ata sila lagi nila ate.

 

 

 

 

 

Parang fifteen minutes na nung nakaalis kami. Hindi naman yun considered matagal or mabagal kasi sakto lang ang takbo namin. Ang ganda ng weather ngayon hindi na mainit kaya okay talaga yung idea na ito ang ginamit namin sasakyan. Habang umaandar kami, nag vvideo pa si Rina gamit yung phone niya at kumakaway kaway pa sila ate Seul sa likod. Mukang natutuwa sila sa magandang view at fresh air.

 

 

 

 

 

"We are here."

 

 

"Hey Pup? Where are we heading?" tanong sakin ni Rina na mukang takang taka kung nasaan kami. "To the river babe, this is the way." Nag gesture ako at tinuro ko yung entrance na canopy ng malalaking puno. Entrance ng gubat.

 

 

"Winter bakit dito tayo dadaan diba ito yung-"  Hindi ko na pinatapos si ate Seulgi sa tanong niya. "Yes ate Seul ito yun, dito tayo dadaan. We'll take the shorter route, para mas mabilis. Pero kailangan kumapit kayo."

 

 

Mabilis kong tinapakan ang gas pedal at pumasok na kami sa woods. "Holy Winter oh my god lagot ka kay tita!" sigaw ni ate Seulgi. Alam ko sa mga susunod na minuto madami akong maririnig na hindi maganda at isang katutak na pagalit.  "Hindi yan ate, hindi ako malalagot kung hindi ka magsusumbong!tinodonko na yung tapak sa gas.  

 

 

"What the heck bakit dito mo dinaan?! Nasa likod kami sobrang steep ng terrain dito! Ang alog, nakakatakot!!" 

 

 

"Relax ate Seulgi, in the blink of an eye andun na tayo, hindi niyo na mararamdaman yan!"

 

 

Halos mabingi ako sa sigaw ni mortal enemy grabe. Ngayon lang ata nabulabog ng ganito yung mga puno tska mga ibon dito. Kita ko na nakakapit siya sa bakal at kay ate Seulgi, nawala ang poise at pagka cold niya.

 

 

"Pup, humanda ka sakin when we get there! I swear!!" Pinalo ako ni Rina sa braso ko pero hindi niya matodo kasi ang higpit ng kapit niya at hindi siya makabitaw. "ssshhh humawak ka lang mabuti babe. Malapit na tayo naririnig ko na!" Nagtuloy lang kami sa pag akyat baba sa mga terrain, ito kasi talaga ang mas mabilis na short cut na alam ko.

 

 

"See, this is what I've been telling you Seulgi! You have to control your cousin! She's a pain the !" Nilingon ko si ate Irene dahil parang narinig ko yung sinabi niya. "Ate Irene may sinasabi ka po? Hawak ka dyan mabuti ha baka mahulog ka."

 

 

"I hate you Winter!" Tumawa lang ako dahil hindi ko maseryoso yung itsura niya, nagagalit at ang higpit ng kapit dahil sa takot. Ang cute talaga nila ni ate Seulgi. "I hate you too ate Irene!"sabay nag focus na ulit ako sa dinadaanan namin.

 

 

"Ito na malapit na tayo naririnig niyo na ba yung tubig?!" Tanong ko sa mga kasama ko, mga kj hindi manlang ienjoy yung rough road. "I am serious Winter humanda ka sakin." Tumingin ako sa nasa kanan ko. Wala akong idea na kasama pala namin si toothless at mukang galit nanaman siya.

 

 

"Relax baby, inaway mo na nga ako sa dagat pati ba naman sa river? Lahat nalang ng body of water."

 

 

 

 

 

Pinarada ko na sa malapit na path way yung sinakyan namin na utv. Konti nalang ang lalakarin namin pababa para makaabot sa tubig. Part pa din ng farm itong river, exclusive ito kaya walang tao. May mga kasama kami na sumunod samin, mga tauhan nila mom, for sure pinasunod niya sila dito para bantayan kami.

 

 

As expected, galit nanaman si Rina kaya hindi niya ako pinapansin nung kinuha niya yung mga gamit namin. Sila ate Seulgi and ate Irene, muka naman naka recover na dahil nagandahan sa lugar at mukang excited ng mag dip sa tubig. Ang cool din pala kasama ni ate Irene hindi siya boring, kahit pa sobrang sophisticated at prim and proper niya. Katulad ni Rina hindi siya maarte at magkasundo talaga sila ni ate Seulgi. 

 

 

Nag start na sila mag swimming tatlo sa malapit at medyo mababaw na part lang ng river, kinukuhaan ko nalang muna sila ng pictures. Mukang nag eenjoy si Rina kasama ang ate niya at nakakatuwa kasi ka-close na din niya si ate Seulgi.

 

 

"Winter! Come join us, halika na!" Nagulat naman ako ng bigla akong tawagin ni ate Irene. "Yeah, punta na ako dyan ate Irene. Wait lang ayusin ko lang yung cam." Minsan kinakausap ako ni ate Irene but most of the time nag eend up na nagkakapikunan lang kami. Pero okay na din yun at least baby steps.

 

 

Sumama na ako sa kanila at nag sswimming na kaming apat, ang sarap at ang lamig ng tubig. Kasing lamig ni Rina na hindi ako tinitignan at kinakausap kanina pa. Mukang matagal tagal nanaman aabutin nitong topak at inis niya. Bahala na mamaya kung pano ko siya susuyuin.

 

 

 

After namin mag swimming, binaba na nila ate Seul yung dala nilang snacks at nagkkwentuhan lang kami dito. Aalis na din kami maya maya kasi hindi kami pwedeng gabihin dahil sobrang dilim ng dadaanan namin pabalik, delikado. "Babe do you wanna drive back to the house?" Inabutan ko ng towel si Rina habang umiinom siya sa tumbler niya at nagaayos na ng ibang gamit. "No."

 

 

 

 

 

 

 

Nakarating din kagad kami sa main house kahit pa sa six kilometers route kami dumaan pauwi. Tamang speed lang ang takbo ko kasi galit na yung katabi ko at ayaw ko ng dagdagan pa. Sakto nung pag dating namin sa bahay andun si mommy and ate Taeyeon sa living room, naghihintay na samin.

 

 

"How's the trip Irene and Karina, did you enjoy the river?" kinamusta ni mommy yung dalawang magkapatid. "Yes tita it was nice, sobrang refreshing." Sagot ni ate Irene kay mom."How about you Karina,did you like it?"

 

 

"Yes po tita it was amazing. The place is really nice." Tinignan niya ako pag tapos niya magsalita pero nung hindi na nakatingin si mommy, sinamaan din niya ako ng tingin at nag smile naman ako sakanya pabalik. 

 

 

 

 

 

 

 

Nung kumakain kami hanggang sa matapos yung dinner, hindi na talaga ako kinibo ni Rina. Pati ngayon na sleeping time na, wala pa din akong narinig kahit isang salita from her. Walang kahit isang good night or what, kahit pa sa chat or imessage. Nakikita ko na nag rrespond naman siya sa gc namin pero mukang wala pa talaga siyang balak kausapin ako. Ang tagal mawala ng inis niya. Bukas ko na nga lang ulit susubukan dahil baka mas lalo pa siyang magalit.

 

 

 

 

 

Hindi ko namalayan na parang 9pm palang nung makatulog na ako kanina. Bumangon ako para mag cr at para tignan yung phone ko, 1am na pala at wala talagang message si Karina. Nauuhaw din ako kaya kumuha na din ako ng tubig sa tabi ng console. Madilim dito sa room at yung ilaw lang sa closet ang naka bukas.

 

 

Giniginaw ako kaya tinaasan ko yung temperature ng aircon at bumalik na din ako sa kama para matulog ulit. Ilan oras nalang ang itutulog ko kasi maaga kami aalis mamaya para mag trek papunta sa falls. 

 

 

"Why did you adjust the temperature? Ang init."

 

 

Tangina, halos mahulog ako sa kama nung narinig kong may nagsalita na galing din sa loob ng comforter

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔