Stage 3.13: Snuggie Bunny

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

"Hoy lagot ka may kasalanan ka kay ate Taeyeon, wag ka daw magpapakita sakanya!" Inaasar ko si Ning dahil nung nasa Quezon kami, sinunod namin yung suggestion niya na itry yung halo-halo. Napaka layo ng drive para dun, meron naman palang branch sa Lucban mismo. Pero worth it din, kasi maganda yung lugar tapos masarap nga yung halo-halo tsaka yung ibang food sa restaurant.

 

"Ate Taeyeon is in the other room, nagkita kami kanina hindi naman ako nalagot."

 

"Winter, sabay tayo sa enrollment ha." Oo nga pala, isa't kalahating buwan nalang pasukan na at third year na kami ni Ryujin this school year."As if I have a choice Ry, same course tapos batchmates pa, malamang kasabay talaga kita."

 

"Leche ka ang taas nanaman ng grades mo lalo sa Design and BT. Pati yung ibang major subjects sinagad mo nanaman, hindi mo pa pinalagpas yung math!"

 

"Sabi sayo kahit ibagsak ko na yung minors wag lang yung mga subjects na magagamit natin pag nag work na tayo. Alam mo gusto ko talaga pag handaan yung thesis na yan pag fourth year na."

 

Nung last day namin sa farm, yun din yung araw na na-release yung grades namin for second year last sem. Tuwang tuwa nanaman si ate Taeyeon and mommy kasi okay na okay yung grades ko and na-reach ko yung goal for the major subjects. Proud yung baby ko sakin nung tinitignan na namin sa website, pero mas proud ako sakanya kasi sobrang consistent niya. Nasa dean's list nanaman siya.

 

"Kailan pala enrollment niyo Ning?" Kanina pa nakahiga si Ning. From the time na dumating sila ni Ryujin dito sa kwarto ko, hindi na siya tumayo sa kama."Hmmm I don't know yet, check ko later."  

 

"Yung pole dance recital niyo kailan?"Tanong sakanya ni Ryujin."On saturday na. I am so up for it and I am frickin excited!" 

 

"Ning, yung enrollment sched mo wala kang idea, pero dyan sa dance class mo well informed ka." Kinuha ko na yung phone ko para icheck yung pina-deliver namin sa grab.

 

"Alright the delivery is here, sino kukuha sa baba?"Tinawag ako bigla ni Ning at mukang may importanteng sasabihin."Winter out of curiosity lang, itong bahay niyo, sa side ba nila tita?"

 

"Uhm no, sila ni dad yung nagpagawa, so it's their house. The two of them. Why did you ask?"

 

"Ah so yung nagpagawa nito, dad mo and si tita na mama mo dba?" tanong ulit sakin ni Ning. "Yeah ganun nga Ning. Weird naman ng sudden questions mo."

 

"Yung mama niyo mismo ni ate Taeyeon?! As in si tita na nag alaga sayo nung bata ka?" Malapit na akong mairita sa random na pinag tatanong sakin ni Ning dahil naghihintay na yung grab rider sa gate. "Oo nga! Bakit ba?!"

 

"Anak ka ni tita so bahay mo din to, edi ikaw dapat kumuha ng delivery!" Hinagis ko sakanya yung unan na nasa paanan niya. "Alam mo nananahimik ako, mag ppaint nga lang dapat ako today eh pero bigla kayong sumugod dito dalawa!"  

 

 

 

Bumaba kami ni Ryujin para kunin yung mga orders from Yellow Cab, ngayon palang kasi kami mag llunch, medyo na-late na. Actually, kaninang umaga pa sila dumating dito, silang dalawa pa nga yung nanggising sakin. Ito yung usual na gawain namin since high school, hang out ng buong araw na minsan naeextend pa hanggang kinabukasan. Pinapayagan sila ng parents nila mag sleepover as long as dito sila sa bahay namin at alam nila kung saan kami pumupunta.

 

Sumunod na din si Ning sa dining at mag sisimula na kaming kumain."Winter, let's call ate Taeyeon na,para sabay siya satin kumain." Saturday ngayon, si ate Taeyeon yung nandito dahil may meeting si mom sa office nila. Pag nakatambay dito sila Ry, minsan sumasama samin si ate manood ng movies or series. Pero ang kabilin bilinan niya sakin today ay wag daw namin siyang guguluhin."I'll bring the food to her room nalang, baka tulog or nagbabasa ng reports yun eh."

 

"Nakita niyo na ba grades niyo? Ang taas ng grades ni Gigi my snuggie bunny. Pero next school year parang last hurrah na niya."

 

", last year na nila, sila nila Yeji. Parang ang boring pag wala na sila sa campus noh? Tayong tatlo nalang tsaka sila Heejin."

 

"Kunyari ka pa Winter, nalulungkot ka lang kasi one year mo nalang makakasama sa school si Karina, tapos mag wwork na siya."Ngayon pa talaga namin napag usapan to,kung kailan kakain na kami, parang nakakawala tuloy ng gana. "Hindi lang yun gagi, siyempre imagine mo, Yeji, Lia, Rina pati yung demonyitang girlfriend nito ni Ning mawawala na sa school pag fourth year na tayo."

 

" oo nga noh tapos ggraduate na din si cap chaeyoung tayo nalang tatlo nila Heejin. Parang ang lungkot nga nun."

 

"Edi wag na kayo mag aral dalawa. Wag na kayo mag enroll tumigil nalang kayo, ang dami niyong arte eh!" Inalis ko sa tapat ni Ning yung plate niya na meron pasta. "O sige pero wag ka na din kaya kumain?!"

 

"Masyado ka naman seryoso Winter! By the way, pinanood niyo ba yung mga videos na snend ko? That's a sneak peek of greatness."

 

"Yun ba yung sasayawin mo sa saturday?"

 

"nah-ah, even better."

 

Walang idea si Ning na pupunta kami sa pole dance recital niya. Nag set si Giselle ng meet up sa wednesday para dun at meron din kaming bagong gc na hindi kasama si Ning."Yung pole dance recital niyo, madami bang kasali dun? Hindi ba parang ang weird nun tska nakakahilo? Hindi kayo mapapanood ng maayos kung napaka dami niyong umiikot ng sabay sabay." 

 

"Gago! Hahahahahaha. Ano ba akala mo, yung parang zumba ng matatanda tapos sabay sabay sila mag pperform?" Samin tatlo ako lang yung walang idea sa ganyan. Si Ryujin kasi madaming times na nag enroll sa mga dance classes during summer kaya alam niya. "Bakit, hindi ba ganun yun? Kung isa isa edi ang tagal nun, buong araw sila papanoorin ng mga tao."

 

Nagsalita si Ning na dahan dahan nginunguya yung chicken bago tumigil at nag explain."Iba ibang performance yun, may chairlesque pa nga eh. Sa pole dance, there will be a solo, duo, by threes tska meron din by fives. Dun ako sa duo."

 

"Ano naman yung chairlesque? Tinuro ni Ning yung phone ko."Google mo or search it on youtube. Ang steamy nun grabe."

 

"Ah okay, akala ko pole dance lang meron."

 

"Tsaka yung mga kasali dun sa dance class, mga girls na ang hot at ang gaganda! Mag pperform din sila that day I think sa solo ng pole and sa duo category ng chairlesque. Alam niyo sayang talaga na hindi kayo aattend eh, hindi niyo makikita."

 

"Sino naman yung mga yun, classmates mo din?"

 

"It's a secret!!! Hindi ko sasabihin kung sino yung ibang mga kasali but here's a clue. From exclusive schools din karamihan sakanila. Pero useless yan clue, hindi naman kayo aattend eh dahil inuna niyo pa talaga yung pag surf with Heejin kesa sakin."

 

"Wait, bakit naman sayang kung hindi namin makikita Ning? It's not our loss, we're all committed and my giant baby is more than perfect noh, ang ganda kaya ni Karina! Kaya hindi ko na kailangan ng mga ganyan noh. Dba Ry?" Nag agree si Ryujin at nag high five siya sakin. "Yeah Winter, you're right, kaya sayo ako eh! Same tayo ng perspective."

 

"Winter, pansin mo? si Ning ata yung nanghihinayang eh."

 

"Sumbong kita kay queen Gi!"

 

The Nini Uchi couple, halos mag ttwo months na sila. Ang cute lang nila tignan because muka silang mag best friends tapos halos same pa ng mga trip. Hindi pa din talaga ako makapaniwala that Gigi is already queer and she is no different from us.

 

"Hoy ano ka, my snuggie bunny trusts me noh, and I trust her too."

 

"What? What's your pet name for Gigi? Say it again nga." Mali ata ako ng rinig at mali ang intindi ko sa sinabi ni Ning."My Snuggie Bunny!"

 

"Oh that's too perky. Pero seryoso Ning ang cute niyo nga tignan ni Gigi, bagay kayo."

 

"Alam niyo mali eh, dapat Upin & Ipin nalang tawagan niyo ni Giselle. Siyempre alam na natin kung sino ka dun sa dalawa." Agad tumayo at nag shield si Ryujin dahil mananakit na si Ning."Joke lang ito naman! Cute niyo nga ni Giselle promise, I agree with what she said."

 

"Dalian na natin kumain, manonood pa tayo ng series. Tapusin natin yun ha kahit hanggang mamayang 3am or gusto niyo ba maglaro?non stop kasi pag naglaro tayo eh!"

 

"Sige pwede, dito nalang kaya kayo matulog? Pero please let's not watch Riverdale, napaka basura nung series na yun!" Everytime nalang na nakatambay kami sa kwarto ko recently, ang hilig i-play ni Ning yung Riverdale kahit hindi naman niya papanoorin. Ewan ko kung ano meron dun sa show na yun lagi niya pinipili kahit ayaw niya.

 

"Atypical nalang! Cute ng Cazzie eh. Tara na tapusin niyo na yan." Tinuloy na namin yung pag kain dahil nagaaya na si Ryujin.

 

 

 

 

 

 

Winter Kim:   Hey there giant baby I miss you 

 

Giant Baby:   good morning my tiny pup! why are you so sweet today?

 

Winter Kim:   wala lang namiss kita eh

 

Giant Baby:   I miss you too so much! are you still in bed?

 

Winter Kim:   nope I'm up na

 

Giant Baby:   nag breakfast ka na?

 

Winter Kim:  not yet, you?

 

Giant Baby:   Hindi pa din. pup can you come with me?

 

Winter Kim:   sure, where?

 

Giant Baby:   let's go to animal house, saebok has a grooming appointment today

 

Winter Kim:   who?

 

Giant Baby:   our cat, pet namin nila ate tiff

 

Winter Kim:   oh him. sige paalam lang ako kay mom. now na ba? sunduin kita?

 

Giant Baby:   okay. yeah I'm actually ready, we'll wait for you

 

Winter Kim:  alright see you babe I love you!

 

Giant Baby:  I love you too pup!

 

 

Second time ko palang makikita yung cat nila Rina pero sa facetime lagi niya pinapakita sakin and madalas din niya ipost. Malapit sakanya si Saebok, malambing na pusa kahit pa macho siya at kamuka niya yung nanay ni Simba. 

 

 

 

 

 

Tinutulungan ko si Rina ibaba yung backrest para mailagay yung kulungan. Ibang kotse yung ginamit ko ngayon kasi alam ko na may dala siyang cage. 8am palang sinundo ko na siya sakanila para hindi sila ma-late sa vet. Okay din na sinamahan ko siya para hindi na siya ihatid ng driver tsaka para matagal din kaming magkasama today.

 

"Pup, one week ago na yung trip natin sa farm."

 

"Yeah grabe, time flies. I really had a great time with you there, pati si ate Irene, okay siya kasama."

 

"We should do that again next time, with ate Taeyeon and ate Seulgi."

 

"Oo nga babe, pag okay yung schedule nila. We should spend time with them more often." 

 

Late na kami nakarating nung Sunday from Quezon, hinatid ko nun si Rina at tinulungan nalang kami nung mga kasama nila sa bahay sa mga fruits and vegetables na binigay ni mom para sa parents niya. Yung one hundred twenty fruits na monthsary gift ko sakanya pinamigay nalang din namin yung iba sa mga kasama nila sa bahay and sa staff nila ate Irene kasi sobrang dami nun and baka magka diabetes pa yung giant baby ko.

 

Speaking of ate Irene, we had our time na makapag usap ng maayos nung nasa farm kami. We talked about what happened in the hotel, nag apologize ako sakanya sa mga nasabi ko and sa pagiging sobrang rude ko. Inaccept naman niya and in return nag sorry din siya about sa mga nangyari lalo nung nag attempt siya na kausapin si mommy para iconvince ako na itigil yung relationship namin ni Karina. Yun pala yung pinaka dahilan kaya siya nag set ng meeting, she did not expect na mag cclick sila kaya ayun, hindi natuloy yung purpose niya. I guess we're okay now kahit pa madalas pa din siyang mairita sakin.

 

 

 

 

 

Nadala na namin si Saebok at nakaupo lang kami dito sa waiting area ng Animal House. "Baby do you want to have breakfast muna tapos balikan nalang natin siya?" Kinuha ni Rina yung bag niya para icheck yung phone niya at tumayo na. "Yeah let's go, I was about to ask you that. You wait here, I'll just inform them."

 

 

 

 

Here we are again at the cafe na favorite ni Rina."Pup do you miss my waffles na?" Nag bbrowse pa din kami ng drinks sa menu pero nakapag order na kami. "So much baby. Ang sarap kaya nun and I miss your cooking na."

 

"We can do that when we go back to school. We'll cook in your condo."Naalala ko nanaman yung pinag usapan namin nila Ryujin kahapon nung lunch."Rina you know what, naisip namin nila Ry, parang ang lungkot pag naka graduate na kayo."

 

"Yeah I know, because it's gonna be different when we graduate but we will definitely adjust. I'll always make time for you."

 

"Two years pa ako nag aaral when you're already working." Hindi pa namin masyado napag uusapan tong topic na to,alam ko na medyo iniiwasan namin to, pero ang bilis kasi ng oras at alam ko na dadating na din kami sa point na yun. "It's not gonna be a problem Winter, we'll make it work."

 

"Alright, as long as we're on the same page,I guess it will work." Napatingin ako kay Rina nung hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa table."Are you starting to feel anxious?"tanong niya.

 

"Yeah, honestly. Pag naiisip ko medyo nalulungkot din ako, but I trust you."

 

One of the things I like about our relationship, we open up to each other. Kaya namin sabihin lahat ng naiisip namin, which is good I think.

 

"We will make it work Pup, don't worry. I always remind you that naman."

 

"Yeah,nawawala yung worries when you tell me that, so thank you. Okay the food is here, let's eat na babe."Nag start na kaming kumain, our

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔