Stage 3.19: FINALS

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

*Current*

 

 

"Ry!"

 

 

"Oh?"

 

 

"Naalala mo pa yung roof deck memories?"

 

 

"Ning pwede tigilan mo ko, kinalimutan ko na yan."

 

 

"Hahahahaha patapos na yung school year nun right, malapit na din sila grumaduate?"

 

 

"Oo na leche, wag mo na paalala yung mga yan, nag champion din naman kami nung fourth year."

 

 

"Ano nga ginawa ni Winter nun?"

 

 

"Malay ko dyan, baka nagmukmok kay Karina."

 

 

"Hahahahaha naalala ko yun, ang tagal ka namin hinahanap para kang tanga, umiyak ba si Winter?"

 

 

"For sure hindi umiyak yun. Pero ang lungkot namin lahat, nalaglag kami hindi kami nakapasok sa finals, nakatalo pa samin yung isa sa mga mahihinang team. Mag qquit pa nga dapat kami dba tapos nag iyakan kami lahat sa buong team."

 

 

"Hahahahaha para kayong tanga nung college grabe."

 

 

"O tapos ikaw? Hindi ka parang tanga Ning? Naalala mo yung umiyak ka nung nakidn-"

 

 

"Shut up! naiinis pa din ako sainyo pag naalala ko yun! First anniversary namin ni Snug tapos ganun ginawa niyo."

 

 

"Hahahahahaha tangina the best yun. One of the most memorable experiences natin."

 

 

"Sino nga ulit yung nakaisip nun?! Malamang kayong dalawa lang ni Winter."

 

 

"Mali intindi niya sa sinabi ni Gigi, tapos humingi siya ng tulong samin nila Heejin and Yuna si Yuqi kasali din kaya mas laugh trip. Nagka trauma ka ba nun?!"

 

 

"I ing hate all of you pero kinilig ako kay Snug nun super."

 

 

"Hahahahahaha grabe iyak mo nun. Pare parehas kasi kayong mga gago, kayo nila Winter, Gigi and Rina kung ano ano pinaggagawa niyong surprises napaka extreme."

 

 

"Ganun talaga. Wait san na ba sila, matagal pa ba? Papunta na dito si Snug."

 

 

"Paakayat na si babe, she's with Lia and Somi."

 

 

"Okay, tuloy ko muna tong binabasa ko."

 

 

"Lagot ka talaga kay Winter makikita mo."

 

 

"Stage four na nga ako eh, tatapusin ko na."

 

 

 

 

 

I'm gonna be writing about the final moments na magkakasama kami sa university, ilan months nalang natitira nun tapos ggraduate na sila Rina. As much as possible ayaw ko isulat sa journal ko yung mga ganap na nakakalungkot and nakaka frustrate, but those memories play a huge part and hindi pwede na hindi ko isasali yun. For example yung nangyari sa football team namin nung third year college, hirap na hirap kami to the point na balak na namin mag quit. Naalala ko pa yung last game namin nun, halos mamatay kami sa hiya dahil underdog team pa talaga yung naka talo samin kaya yung saya nila akala mo sila yung nag champion.

 

 

Nalungkot ako dun sa pagkatalo namin pero hindi naman nag tagal yun because Karina made things better, buti nalang she was there to comfort me and she made me realize na kayang kaya pa naman bumawi sa next school year, kaya ayun nag bago isip ko at hindi ako nag quit kagad.

 

 

Speaking of Karina, hindi ko siya masyadong nakakausap nowadays kasi sobrang busy niya sa work. Sobrang nammiss ko na tuloy yung times na magkasama kami and we do stuff together. Oh well, as long as she's happy and nagagawa niya yung gusto niya especially with her career, I will always be here to support her.

 

 

 

 

 

 

Halos mag aalas onse na nung nakauwi ako sa condo kanina, nag pahinga lang ako saglit before ako mag shower. Hindi na kami nakapag shower at palit sa locker room after the game dahil sa kagagawan ni Ryujin. Sa sobrang hindi niya matanggap yung pagkatalo ng team, bigla siya nawala at hindi na nagpakita samin.

 

Natapos yung football match nung five in the afternoon, nahanap namin siya around 9pm na. Sobrang relieved si Yeji nung nakita namin siya kasi halos lahat kami nag aalala na at malapit na din kami mag report sa police.

 

 

After ko magsuot ng pajamas naabutan ko si Rina na nakahiga na sa kama, mukang late na din siya natapos sa school works at hindi na kami nakapag dinner ng sabay kanina dahil natagalan ako bago nakauwi.

 

 

"Pup naka bihis ka na? come here na I miss you." Pag labas ko sa bathroom humiga na ako sa tabi niya at niyakap ko siya. "I miss you too."

 

 

"Are you okay?" Tanong niya sakin habang hinahaplos niya yung likod ko."Yeah, I'm just tired." 

 

 

"I heard what happened, I'm sorry I wasn't able to watch your game, late na natapos yung class namin. Do you want to talk about it?"

 

 

"Wag na. Okay lang I know na late natapos class mo. Namiss kita baby, kaninang umaga pa yung last na usap natin."

 

 

"I miss you too, my life's too quiet today, hindi ako sanay." Umangat ako sa pagkakahiga sa chest ni Rina at tinignan ko yung muka niya. Halos buong araw kami hindi nag usap dahil busy kami pareho. Ang dami niya ginagawa because she's graduating and in two weeks time finals exam na nila. "I miss looking at your face babe sobra."

 

 

"I miss kissing and cuddling with you Pup." I leaned towards her and I kissed her lips. Niyayakap niya ako ng mahigpit palapit sakanya. "Baby bakit ganyan yung lasa it's minty and I can taste something fruity."

 

 

"Maybe because I'm just fruity and not gay enough?"

 

 

"Hahahaha you're so weird. You're just being fruity lagay na yan?" 

 

 

"Hahahaha it's the lip balm mixing with the taste of your toothpaste, come here." Hinatak niya ako by my collar and we started kissing again. Pinahiga niya ako sa kama and she went down to kiss my jaw. I could feel her tongue when she was biting and my neck. "Babe makikita nanaman sa uniform ko yung hickey, ang taas mo maglagay eh." I pulled her up and I kissed her lips, grabe namiss ko talaga siya kahit pa araw araw kami nagkikita dito sa condo pag gabi. 

 

 

Humiga na kami sa kama when we're done making out at parehas nag hahabol ng hininga."Ang sarap talaga ng lips mo babe, it's so full and soft." Pinatong niya yung ulo niya sa chest ko and I hugged her so tight. "Is this your favorite part?"

 

 

"Your lips? Yeah it's one of them."

 

 

"But that's not what you told me before."

 

 

"Totoo? What did I say?"

 

 

"You said your favorite part is my s."

 

 

"Ha? Wala ako sinabing ganyan, eyes, nose and your entire face yung favorite ko. Yung mole mo din pala that's why I always kiss you there." Tumatawa si Karina habang nakahiga pa din siya sakin. "Nang huhuli ka lang babe, I'm wholesome kaya wala kang makukuha na mga ganyan sagot sakin."

 

 

"Hahahaha it was a joke."

 

 

"But I like your s because they are nice."

 

 

"That's what she said."

 

 

"Baby ano ba yan mga sinasabi mo. Hahaha"

 

 

"I'm just kidding. Pup what happened kanina with Ryujin bakit ang tagal mo umuwi?"

 

 

"Hindi ko pala nasabi sayo yung buong nangyari, grabe ang tagal namin siya hinahanap, nawala siya after the game because she felt so bad and embarrassed."

 

 

"Oh no, is she okay now?"

 

 

"Okay na nagusap na kaming tatlo nila Ning tapos kinausap na din siya ni Yeji, malamang hanggang ngayon kinakausap siya."

 

 

"Tell me what happened."

 

 

"Sure ka mahabang kwento eh, hindi ka pa ba inaantok?"

 

 

"It's okay I don't have classes tomorrow and I have everything submitted na kanina."

 

 

"Oo nga pala ako lang yung may pasok, hihintayin mo ba ako bukas?"

 

 

"Yeah, we'll go home together susunduin tayo ng driver after your class. You're going out with Gigi on Sunday dba?"

 

 

"Oo nga, sabi niya mag road trip daw kami. Babe alam mo mag ttwo weeks niya na ako inuutusan kasi pumayag ka daw, ang galing mo eh."

 

 

"Hahahaha help her na, next Saturday na yung anniversary nila."

 

 

"Are you not gonna go with us on Sunday?"

 

 

"I need to start reviewing na eh, the exam week is coming."

 

 

"Okay, sige kwento ko nalang sayo ano yung mga gagawin ni Gigi for their anniversary."

 

 

"Sabihin mo na what happened kanina with your game and Ry."

 

 

"Ah oo nga pala, sige kkwento ko na, patayin mo muna yung ilaw baby."

 

 

"Pup ikaw na, ikaw last humiga."

 

 

"Ano ba yan Karina nasa side mo yung switch ng ilaw eh, ikaw yung malapit ako na nga nagbukas ng lamp." Hindi siya nagsasalita pero ang sama ng tingin niya sakin to the point na nagmumuka nanaman siyang si Toothless. "Sabi ko nga ako na eh."

 

 

"Ikwento mo na. Pup come here I want a hug, I need a hug from my forever human pillow." After ko patayin yung ilaw sumiksik na ako sakaniya and we hugged each other. This is our usual position when we go to sleep."Ano yung ikkwento mo sakin babe?"

 

 

"Winter isa, ang epal mo."

 

 

"Hahahaha pikon mo nanaman."

 

 

 

 

 

Flashback to what happened after the football match

 

Magkakasama ni Ning, Yeji and Heejin. Hinahanap namin si Ryujin sa buong campus dahil kaninang 5pm pa yung huling beses na nakita namin siya. Alam ko na hindi niya matanggap na hindi kami nakapasok sa finals, ngayon yung huling game ng Arki football team at natalo kami. 

 

 

Nawala siya bigla right after magpuntahan kami kila coach, iniwan niya lahat ng gamit niya sa locker kaya hindi na siya nakapagpalit pa ng jersey. Sobrang nagaalala na si Yeji dahil hindi namin malaman kung pano namin siya tatawagan. Nung chneck namin ni Heejin yung locker at nagpatulong kami buksan sa maintenance, naiwan pala yung phone niya sa bag kaya there's no way na masasagot niya yung mga tawag namin.

 

 

 

 

 

Naikot na namin ni Heejin yung buong Arts building, halos lahat ng pinagtanungan namin hindi daw nila siya nakita. Nagpatulong na din kami sa ibang teammates namin pero wala talaga siya sa field and sa areas malapit sa building.

 

 

Sinubukan na din namin pumunta sa cafeteria at sa park tapat ng chapel pero wala din siya dun.

 

 

Bago kami humingi ng tulong sa parents niya and sa school, gusto ko sana isa isahin muna namin yung mga lugar na posibleng pinupuntahan niya pag mag isa siya. Hindi manlang siya nakapag palit ng jersey tapos puro putik pa yung socks and spikes na suot niya ngayon kaya malabo na pupunta yun sa lugar na madaming tao outside the campus.

 

 

"Guys I have a hunch na umuwi siya sa Makati."

 

 

"I don't think so Heejin, her phone is here, she won't be able to call their driver and she can't book a grab car."

 

 

"Yej, pag nagaaway kayo ni Ry saan siya usually nagpupunta?"  

 

 

"When she's upset she just stays in her condo and most of the time she locks herself in the  bedroom." 

 

 

"Alam mo ba yung code sa condo niya?" Pati si Ning nagpaiwan dito sa school at nagpahintay nalang sa sundo niya nung nalaman niya na nawawala si Ryujin.

 

 

"Yes I know the code."

 

 

"Punta na tayo dun, I think she's there baka gusto lang nun mapag isa." Nag agree kami sa sinabi ni Ning kasi sigurado na walang ibang pupuntahan si Ry kung hindi sa condo lang din."Yeah we can go now, guys if ever she's not there in her unit, can we also check other possible places where she might stay?"

 

 

"Of course Yej, tara na." Aya samin ni Ning. 

 

 

Nagpuntahan na kami sa parking, I checked the time 8pm na, tatlong oras na from the time na nakita namin siya sa field. Matagal na din siyang nawawala.

 

 

"Yej sakay ka nalang sa car ko." Sumama na si Ning kay Heejin at nagconvoy nalang kami. Medyo malapit lang din sa school yung condo ni Ry kaso matraffic ngayon dahil weekday kaya medyo matatagalan kami.

 

Nabanggit samin ni Yeji na sabay silang pumasok ni Ry kaya wala tuloy kaming clue kung nasa campus lang ba siya or bumalik na sa condo dahil wala siyang dalang kotse.

 

Willing kami na isa isahin yung mga lugar na pwede niyang puntahan at hindi kami titigil hanggat hindi namin siya nahahanap.

 

 

"I'm really sorry for the hassle Winter."

 

 

"Don't worry about it, its okay. Hindi ko pwedeng pabayaan si Ry, hindi ako makakatulog pag hindi natin nakita yun."

 

 

"Thank you, I'm really worried about her, she cannot accept that you guys didn't make it."

 

 

Ngayon lang nagkaganito si Ryujin this is very unlikely of her, most of the time kasi malakas ang loob niya and she's very optimistic when it comes to handling problems and frustrations. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito yung nangyayari sakanya ngayon, ilan taon na kaming teammates, I know that she's having a hard time accepting the fact na ang sama ng pagkatalo namin kanina. Sobrang nakakahiya pero wala din kami magagawa kasi nangyari na. Kailangan lang namin tanggapin na hindi talaga kinaya.

 

 

 

 

Andito kaming tatlo sa hallway naghihintay na mabuksan ni Yeji yung main door ng condo ni Ryujin. Pagbukas ng pinto, muntik pa kaming magkauntugan ni Heejin dahil nagulat kami kay Ning. 

 

 

"Ry where are you?!!!!!"

 

 

"Ry lumabas ka you know we can talk about this!!! It's not too late!!!"

 

 

"Tangina Ning, hinaan mo naman yung boses mo baka ireklamo tayo ng mga nasa katabing unit."

 

 

Lumabas si Yeji from the bedroom, dun siya dumiretso once na nakapasok kami ng unit. "Guys I don't think she's here."

 

 

Bigla kong naalala pag si Ry madami iniisip at trip niya mag contemplate, gustong gusto niya panoorin yung cityscape. Ito lagi ginagawa niya pag nagffacetime kami ng gabi tapos nasstress at na-overwhelm siya sa mga plates. 

 

 

"Guys anong oras na?" Chneck ni Yeji yung phone niya. "It's eight, she's gone for more than three hours."

 

 

"I think I know where to find her Yeji."

 

 

"Where? If she doesn't come out I need to call her parents, I'm starting to get scared, I'm really worried."

 

 

"Wait wag muna! I think she's here. Heej naalala mo dba lagi yun may tinatambayan dito sa condo niya?" 

 

 

" oo nga! I think I know where she is. Mahilig siya mag stargazing dun sa roof deck kahit bawal!"

 

 

", that's what I've been telling her, lagi ko siya pinag babawalan umakyat dun because it's dangerous."

 

 

"Oo dun siya pumupunta pag mag isa siya Yeji tapos wag daw namin sabihin sayo, kasi magagalit ka. Tsaka kaya walang natatapos na plate yun eh mas matagal pa siya naka tanga dun sa taas kesa tapusin niya yung mga plates niya."

 

 

"Heej masyado mo naman siya nilaglag, wag mo sabihin na sinabi namin Yej ha."

 

 

"Yeah, don't worry, we need to check on her now. Please let's go to the area na sinasabi niyo."

 

 

"Puntahan na natin, malakas kutob ko andun yun ngayon kasi sa school naman bawal basta basta umakyat sa mga roof deck."

 

 

"Tsaka walang ibang pupuntahan yun she's wearing spikes tapos puro putik pa. Tara akyatin na natin."

 

 

"Yej may flashlight ba dito si Ry?" Agad nagpunta si Yeji sa kwarto ni Ryujin para tignan kung meron flashlight. "Bakit hindi nalang yung sa phone Winter?" Kinapa ko yung bulsa ko, naalala ko pwede nga din pala yung phone. "Oo nga noh, Yeji wag na pala!!!!!"

 

 

"Yung boses mo naman, tangina talagang ang ingay niyo ni Ning, baka mag reklamo yung tenant sa katabing unit sigaw kayo ng sigaw." 

 

 

"Eh emergency nga yung nangyayari bakit ba!"

 

 

Seryoso si Ning na nakatingin samin ni Heejin, mukang may naiisip siyang idea kung pano namin mahahanap si Ry. "Heejin alam mo bakit gusto ni Winter ng flashlight?"

 

 

"Bakit?" Sagot ni Heejin. Nakaabang kaming dalawa sa sasabihin niya dahil baka napaka helpful at mapapabilis yung paghahanap namin. "Gusto lang niyan mag adventure, bet niya yan yung mga aakyat akyat sa bawal na lugar."

 

 

"Leche akala ko naman kung ano, madilim kasi dun. Yej tara na okay ka na?"

 

 

"Yeah, here's the flashlight let's go." Kinuha ko na yung flashlight na hawak ni Yeji at lumabas na kami papunta sa elevator lobby. "Wait pwede ba umakyat dun, ilan floors ba to?"

 

 

"Thirty three floors. We need to ask permission from the guards."

 

 

"Ang taas pala, okay sige akyat tayo sa top most floor tapos stairs nalang papunta dun sa deck."  

 

 

 

 

 

Nagpaalam muna kami sa guard before kami umakyat sa roof deck, nag presenta pa sila na sumama pero sinabi ni Yeji na kami nalang dahil baka mas hindi pa magpakita si Ryujin pag na-sense niya na ang dami namin naghahanap sakanya.

 

 

Nasa exit door na kami papunta sa roof deck, napansin ni Heejin yung lapag, sigurado kami na nag stairs si Ry dahil kitang kita yung putik sa steps nung hagdan.

 

 

"Sorry sa sasabihin ko Yej, Winter tignan mo may pagka tanga talaga si Ry. Yung bakas ng paa kitang kita na soccer spikes yan. Ano ba trip nito?"

 

 

"Nalulungkot nga siya gago kasi natalo tayo, wag mo na asarin pag nakita natin ha."

 

 

"I'm sure andyan lang yan sa labas, nag iinarte."

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔