Stage 3: Birthday Immunity

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

*Current*

Kung makikita mo si Ning sa kaitsurahan niya ngayon, aakalain mo na siya ay isang bookworm. Muka siyang napaka talinong tao na manghang mangha sa mga bagong natutuklasan. Ang tagal na niyang nagbabasa, nakaabot na siya sa stage 3 ng isang upuan lang.  

 

 

 

I feel so tired today, hindi ko sure if this is about work or anything else. Anyway, I'll just continue working on this journal para na din maging light ng konti ang vibe. I want to write an entry about one of the most memorable birthday I've ever had, I was still in second year college then, kasali pa din sa pinaka eventful na Christmas break. Hindi pwedeng mawala to sa journal ko, dahil technically ito ang kickstart ng lahat. I consider this the lift hill of a rollercoaster ride na madaming loops, turns and drops.

 

 

 

 

December 31

 

Ang saya ko lang today kasi entitled ako for a 2-day birthday immunity. Ano nga ba ang birthday immunity at saan nanggaling ito. Si ate Taeyeon at ate Seul ang nagestablish nito, nagsimula ito nung grade 3 ako, birthday ko nun, January 1.  Iniinis ako nila ate kaya ang nangyari umiyak ako buong araw ng birthday ko at hindi ako nag blow ng candles. Nagalit si dad at mom kay ate to the point na siya ay umiyak din. Mukang natauhan si ate sa natanggap na pagalit kaya nag promise siya pati na din si ate Seul na as a gift, bibigyan nila ako ng dalawang araw na katahimikan. Hindi nila ako aasarin, kukulitin at bbwisitin pagpatak ng 12mn of December 30 hanggang sa 12mn ng January 1. Nung tumagal nakaabot na din itong birthday immunity hanggang sa mga kaibigan kong kulang sa aruga, kaya sobrang saya. Walang maingay at makulit na Ning at walang paepal na Ryujin. Pwede nila ako imessage o kausapin pero kailangan nilang magpakabait saakin. Kung pano nila gagawin? problema na nila yun.

 

After ko mag meditate at stretching ng 40 mins, amoy na amoy ko pagbaba ko ang halo halong scent ng roasted garlic, cinammon at kung ano ano pa. Sigurado magiging masaya itong araw na to, excited na din ako makita si ate Seul at ibang mga pinsan ko.

 

"Good morning Winter! halika, tulong ka dito samin nila mommy sa kitchen." Ang gandang bungad at bati sakin ni ate. Ramdam sa tono ng boses at kita ko sa muka niya ang matinding pagpapanggap. Pero susulitin ko talaga itong 2 day katahimikan na to.

 

" No thank you ate. Mukang kayang kaya mo naman na po. " naka ngiting sagot ko kay ate Taeyeon. Kita ko ang medyo pagpipigil niya sa inis niya.

 

"May ipapabili pala ako sayo para sa handa mamaya Winter, at para na din sa birthday mo yun. takbo ka lang saglit sa grocery."

 

" Ayaw ko sa grocery ate alam mo naman yun, yun ang pinaka ayaw kong task. Ang haba haba ng pila ang dami pang tao. tapos konti lang naman yung items na bibilin ko." 

 

" Ah talaga ba Winter? so hindi ka pala dapat pumapasok sa grocery kung ganun." tanong sakin ni ate sabay smirk.

 

Oh no. Nakita niya nga pala kami kahapon ni Rina at kaharap niya ngayon si mommy. Covered to ng birthday immunity ko, pero sige baka ilaglag niya ako sa January 2 kaya gagawin ko nalang yung ipapagawa niya sakin sa grocery.

 

"okay na pala ate, ready mo nalang yung list ng mga ipapabili mo. ako na bahala." napatingin samin si mommy at nag tanong "by the way Winter, where did you get the pasta that you brought here last night?" 

 

"why mom? ah it's mine po. pinauwi ng friend ko, did you try it?" sana wag sana wag ayaw ko magka bad impression si giant baby ko kay mommy.

 

"no, napansin ko kasi ang dami, balak ko sana ihain for lunch."

 

"ay wag po mommy! lulutuan nalang po kita ng bago kasi kagabi pa yan, tsaka ano po kasi yan, ishshare ko kay Ning and Ry."

 

"Ok baby."

 

Nung galing ako kila Rina, kinikilig nanaman ako kapag naalala ko ahhhhh *binato ang remote*. Pinag take home niya ako nung pasta na niluto niya, good for six daw kasi yung serving nun. Tinanggap ko naman kasi pinaghirapan niya yun, ang rude ko naman sa soon to be girlfriend ko kung tatanggihan ko yung niluto niya para sakin. Oo, soon to be girlfriend ko siya at sure na ako dun.

 

 

Sobrang bilis ng mga pangyayari ngayon natitirang week ng December, isa na dun yung kagabi. Late na ako nakauwi from their house, mga alas dos na ata ng madaling araw yun. Inubos pa kasi namin yung wine, tska ewan ko ba parang hindi namin kaya maghiwalay. Hirap na hirap kami magpaalam, naka ilan goodbyes and hug kami pero parang ang tagal ko naman bago nakalabas sa pinto nila. Hanggang driveway nila ang dami ko natanggap na hugs and kiss sa noo at sa pisngi. Ang tagal tuloy bago ako nakasakay ng kotse. Hindi ko alam kung may nakakita samin, pero baka wala naman, sana.

 

 

Sobrang saya lang ng mga ganap samin dalawa, napaka comforting. Ang tagal namin nag uusap habang magkayakap. Madami din akong nalaman about Rina, mga hobbies niya, interests, mga gusto niyang books, series, food pati na din yung mga petpeeves niya. Sinabi na namin yung nararadaman namin sa isat isa, alam ko medyo mabilis pero ganun talaga, bakit pa kami magpapaligoy ligoy kung dun din naman pupunta. Ayaw namin magsayang ng oras, kasi huli na niya next school year kaya gusto daw niya masulit yun at ispend ito kasama ako.

 

Mutual kami ng nararamdaman ni Rina, parang sasabog ang puso ko nung sakanya mismo nanggaling yun. Feeling ko ako ang pinaka maswerteng tao ngayon. Napagusapan din namin kung ano na ang next step, parehas kaming hindi traditional at nagkakasundo kami ni Rina sa idea na hindi na kailangan ang pag liligawan. If you click, then go for it. Hindi kami mag aaksaya ng oras because there's no point. 

 

Hindi pa kami nakapag decide kung kailan ang official date na magiging kami na, pero gusto ko talaga paghandaan ito. Pagpaplanuhan ko maigi, I want that day to be unforgettable and perfect, pero sa ngayon ieenjoy at susulitin nalang muna namin ni Rina itong stage para kilalanin ang isat isa.

 

 

 

 

Papunta ako ngayon sa grocery para bumili dun sa bakeshop corner nung tres leches cake na favorite ni mommy and ate, pati na din yung mga baguette at yung cheese na kasama sa handa. Andyan nanaman mamaya yung mga relatives namin at siyempre present yung uncle ko na tumatahol. Buti nalang aattend din yung mga pinsan ko na mednyo matagal na namin hindi nakikita. Itong araw before my birthday ang pinaka favorite ko kahit pa pagpatak ng alas dose Happy new year ang unang batian nila, tapos kasunod nun yung birthday greetings ko. Nasakto kasi talaga so wala akong magagawa dun. Iniisip ko lang kung mamaya kung iggreet kaya ako ni Rina ng saktong 12. kinikilig ako, pero ayaw ko mag expect. Busy siguro siya kasi today yung party sa house nila. Tahimik din yung mga kaibigan ko ngayon sa social media, ewan ko kung ano ang pinagkakaabalahan nila.

 

Li-Vogue: Winter

 

Winter: hi! what's up?

 

Li-Vogue: guess who I saw just now

 

Winter: Li, driving lang. text you later pag uwi ko

 

Li-Vogue: kk

 

I think it's too early for me para maabsorb mga scoop na isshare ni Lia.

 

 

 

 

 

Kukunin ko nalang muna yung order nila mommy. Ito talaga yung ayaw ko pag nag ggrocery during holidays, grabe yung tao at ang dami pang laman ng mga cart nila. Isang block lang naman ng parmesan cheese tong hawak ko, pero grabe tong mga kasabay ko na nauuna sakin, lahat ng cart puno, sana maawa sila sakin at pasingitin nalang ako.

 

"Hi, do you wanna go ahead since you're only getting one item?" alok ng babae sa unahan ko. "okay lang po?"

 

"yes yes, just go ahead. masyado ka matagal maghihintay pag nauna ako." 

 

"ok thank you po."

 

Grabe to si ate,parang 1% ata ng population ng philippines sagot niya yung alak. Parang lahat ng klase at stock ng wine dito sa grocery kinuha na niya. Nag hhoard kaya siya ng Alchohol. Good luck sa atay nila mamaya.

 

 

 

 

Naghihintay lang ako ngayon dito sa bakeshop tapos ready na ako umuwi. Naiintriga ako ng slight dun sa message ni Lia, tatawagan ko na nga lang siya mamaya. 

 

 

 

 

Paalis na sana ako sa parking nung mapansin ko sa rear-view mirror yung katalikuran ko na kotse. Si ate hoarder, parang ang tagal nakatingin sa trunk ng kotse niya at mukang problemado. Ano ba ginagawa niya, bakit kasi siya lang mag isa. Mukang hirap ata siya sa pinagbibili niyang alak. Tulungan ko ba, tulungan ko na kaya, sige tulungan ko na mukang paiyak na eh, hazzard ko na muna tong kotse ko. Good deeds Winter, Good deeds.

 

"Hi! do you need help with that?" tanong ko kay ate na mukang stressed. Mukang hindi niya na alam pano aayusin at pagkakasyahin yung mga bote.  

 

"hindi ko kasi pwede basta ilagay nalang sa car itong mga specific wine bottles na to. Hindi ko pala nadala yung crates."

 

Jusko, hindi mo talaga pwede ilapag yan dyan. Ang mamahal pa niyang wine na pinagbibili niya. Pag nabasag isa sa mga yan, mag ppresenta akong inumin. "Ah ganun ba." tinignan ko yung trunk ng kotse niya.

 

Ito si ate hoarder, I'm not totally sure kung nakita ko na siya or what, pero mukang familiar siya. Hindi ko lang maalala kung saan. Baka isa to sa mga pinag ssend ni Ning sa gc, yung mga sinasabi niyang kamuka niya kahit ang layo naman. Mukang model to si ate at ang ganda ng muka, she looks classy.

 

"hmmm. okay I think I can help you with that. Just wait here. Itong other bottles mukang okay naman, fixed na sila dito sa likod so hindi na siguro to mababasag."

 

"I think so but wait, are you sure? I really dont wanna hassle you."

 

"It's fine malapit lang naman, I'll be back. Mabilis lang to." 

 

Ni-lock ko muna yung kotse at iniwan ko na naka on yung aircon, dahil andun yung cake na pina pick-up nila mommy. Baka sa kalsada ako mag New Year at birthday pag nagkanda lusaw lusaw yun.

 

 

 

 

Bumalik ako sa grocery para humingi ng crate na pinaglagyan na ng mga nadeliver na wine at tinanong na din kung may greaseproof paper sila. Buti nalang madami silang extra crates and paper since holiday season naman ngayon. It's my lucky day dahil binigyan nila ako for free. 

 

 

 

 

"Hello, ito na. massolve na yung problem mo. We can just crumple these tapos lagay lang sa crate para hindi mabasag yung bote."

 

"This is so embarassing, mukang naghanap ka pa. I'm really sorry."

 

"Wala yun ayos lang yan, lagay na natin so you can go."

 

Tinulungan ko nalang si ate na icrumple yung mga greaseproof paper at ipnwesto yung mga wine. Muka naman natuwa siya at mukang relaxed na siya ngayon as compared kanina na nakita ko siya.

 

"Okay and we're done."

 

"Oh my god, thank you so much!"

 

"Ipwesto ko na din sa back seat mo ha."

 

"No ako na!! ang dami mo na ginawa and I already took so much of your time. You're such a big help, uhh, may I know your name?" 

 

"My name is Winter Kim

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔