Stage 2.3: "Kuhol? like the one you sutsot?"

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

*Current*

Si Ning na kasalukyang na-stuck sa Stage 2 ng journal. "gago talaga to si Winter! pati pag shshopping ko ginawan pa pala ng entry."

okay stretch muna, higa, balik sa pwesto. Basa!

 

 

 Cleaning day ko tomorrow dito sa condo kaya wla ako time mag update sa journal. Ngayon ko nalang gagawin. Itutuloy ko na ulit ang sinusulat ko dito na flashbacks during college days. Sobrang saya ng college grabe,habang sinusulat ko nga mga nasa core memory ko na pangyayari there's always a part of me na nalulungkot. Madami masasayang kaganapan at lalo yung mga nakakatawa. Ang nostalgic, yung araw araw kami magkakasama ng friends ko, sobrang nammiss ko na talaga yun. Ngayon siyempre medyo busy din sila kaya minsan friday or weekends nalang kami nagkikita tapos hindi pa sobrang regular.

 

 

 

December 27

 

May halos two weeks pa para tumanga at maging palamunin sa bahay.

 

 

"Winter my baby, what's wrong?" alalang alala na tanong ni mommy at hinaplos niya pa yung ulo ko. "Nothing mom I'm okay po, I'm just relaxing here."

 

 

"You look bothered, you know you can always talk to me and ate. Parang ang lalim ng iniisip mo dyan anak nakatulala ka, dba wala naman kayo pasok. So wala din deadlines?"

 

 

"Okay lang po ako mommy, don't worry about me." pag dismiss ko kay mom. "by the way mom, may tanong po pala ako baka may idea ka."

 

 

"Okay what is it anak?"

 

 

"Ano po ba gamot sa pasa?"

 

 

"Oh."

 

 

Ito naman si mommy akala ko matutulugan niya ako. Pag about sa mga fashion and party party may massuggest siya tapos about sa pasa " Go to the ER na anak." pasa nga lang po, maliit na bagay.

 

 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung nabasa ko yung text kagabi ni Karina. Hindi ko siya nireplyan at wala akong balak mag reply. Technically inilaglag ko na din sarili ko nung lunch na yun, kaya pala naka sampung sipa ako pero wala manlang reaction si Ning. Bakit naman kasi ang haba nung legs ni Karina, nakakahiya tuloy, baka nalamog ko pa yung legs niya ng dahil sakin.

 

 

Tanungin ko na nga lang ang mga napakatalino kong friends tungkol sa gamot sa pasa. 

 

 

Winter Kim:  u guys have any idea ano pwede gawin para mawala yung pasa pasa sa legs?

 

 

Yoga Jones: not sure Winter, maybe put some oil on it?

 

 

Gaylord: putulin mo yung legs simula singit

 

 

Li-Vogue: pasa like the one with the ball?

 

 

Winter Kim: jusko Lia

 

 

Ning Praning: kausapin mo, para lumayas siya.

 

 

Magkano kaya ang kikitain kapag nagbenta ng mga kaibigan sa deep web.

 

 

Ito ang aking last option, nagbaka sakali ako na expert siya sa pasa. Siya na nga lang ang tatanungin ko at baka matulungan niya pa ako.

 

 

"Sure ka ba dito ate Taeyeon? bakit parang joke time naman?" binabasa ko yung list na fnorward niya sakin.

 

 

"Oo nga Winter effective daw yan, si Yuri miso nag send sakin niyan."

 

 

"Si ate Yuri? eh sa sampung sinabi nun parang siyam dun puro kalokohan. Naalala ko pa, siya tsaka si ate Hyoyeon yung nag sabi samin ni Lia na ang tagalog daw ng octopus, walongpusit"

 

 

"Hahahaha sige na sundin mo na yan." 

 

 

Pagkakatiwalaan ko ba tong list na binigay nila sakin, bakit para talagang bogus.

 

 

Mabisang gamot sa pasa:

 

1. Tamang Pahinga. "???"

 

2. Dikdikin ang dahon ng parsley at ipahid sa apektadong parte ng katawan. 

 

3. Masahihin ang paligid ng pasa. "Ay . Natuklasan ko na ang cure Karina, I volunteer as tribute!"

 

4. Kumain ng pinya. "huh?"

 

5. Lagyan ng Bulaklak Ng Tanglad na may Kasamang Kahoy na may Corona ng Duwende at Pampaswerte sa Hanapbuhay with Red Pouch box not include-

 

 

 "ATEEEEEEE! pinagttripan niyo nanaman ako ng mga kaibigan mo,parang ewan naman eh, seryoso na kasi!"

 

 

"Hahahahahaha asan ba kasi yung pasa mo pakita nga, masyado ka kasing malikot."

 

 

"Hindi sakin ate, dun lang sa friend ko."

 

 

"Hindi ka pinalaki para manghimasok sa pasa ng iba Winter."

 

 

Hay nako bakit ba g na g yung mga tao ngayon. Nakaka drain.

 

 

 

 

Ang saya ng walang ginagawa pero ang hirap ng walang magawa. Ayaw ko mag online, mamaya maclick ko pa story ni Karina, nakakahiya. She's been left on read kagabi, hindi ko kasi alam kung ano yung sasabihin ko sakanya, hindi ako makapag sorry. Ang nakakainis pa dun, ilan beses ko nang nasasaktan physically si Karina, pero hindi ko naman talaga yun sinasadya. May pagka clumsy kasi talaga ako, lalo pag naeexcite or kinikilig.

 

 

Naisip ko din mag bigay ng peace offering, kung flowers nalang, ang cliché ng dating tsaka medyo epal si Karina. Pag binigyan ko yun ng flowers magffeeling yun tapos everytime gusto niya ako asarin yun yung gagamitin niya laban sakin. At isa pa, meron ng guy na akala mo tambay ng Dangwa na lagi nagbibigay sakanya. Kaya ito, nakapag desisyon na ako na bibigyan ko nalang siya ng well thought of gift, something cute but sentimental. I also consider this as a way para malaman na ni Karina how I see her as a person, kaya kanina nag order na ko online ng Gudetama Egg Yolk toy, bumili ako ng madami. May plushies, may toy slime in a shell pa, tamagotchi, pillow and may blanket na din na kasama. Sana magustuhan niya and ma-touch siya. Nakakahiya kasi talaga puro unfortunate nalang yung interactions namin. Kaya I promise myself na next time makakasama ko si Karina, mag iingat and behave na talaga ako. Siya pa naman yung type of girl na akala mo hindi makabasag pinggan at napaka hinhin.

 

 

Gaylord: Hoy! 

 

Winter Kim: ~hoy~

 

Gaylord: Ano yung nalaman ko 

 

 

Patay ito na, alas tres na ng hapon ngayon. Nag text ng ganyan si Ryujin, isa lang ang ibig sabihin. Gising na si Ning. Balak ko ikwento kina Ry and Yej ang mga nangyari kahapon samin nila Giselle. May plano naman ako ikwento pero next year na, ewan ko ba. Everytime inaalala ko yung ganap parang surreal pa din, ang bilis bilis kasi kaya napapagod tuloy yung utak ko.

 

 

Nakaka overwhelm ng sobra, simula dun sa kagagahan ni Giselle na fake girlfriends, dun sa mga nalaman kong detalye na dati dati lang ay pinagpaplanuhan ko pa kung pano ko makukuha at ang pinaka nakaka drain sa lahat, yung nasipa sipa ko si Karina. Sila Ry and Yej malamang ay maccomment sila, ganun naman talaga kasi concerned lang sila sakin. Normal na saaming magkakaibiagan yung ganun at wala kasi sa vocabulary namin ang mag sugarcoat at maglihim.

 

 

Although may isa lang akong kinakatakutan pag nabalitaan na niya ang mga kaganapan kahapon. Si Lia dahil medyo ka-close din niya yun si GigiUchi at baka kung ano ang isipin niya. Itutulog ko na nga lang to, naiisip ko palang yung taas ng kilay at sangkatutak na tanong ni Lia, nabubuhol na kagad yung dila ko ngayon palang.

 

 

 

 

Medyo naalimpungatan ako nung mag vibrate yung phone ko, hindi ko namalayan dahil nakatulog ako. Alas siyete na pala ng gabi. Ang dami kong missed calls, walo. Ganun ba kaimportante yung sasabihin nito, hihintayin ko na nga lang na tumawag ulit. 

 

*ringing*

 

Winter : "hello who-"

 

Unknown Number:  Wala ako kasama sa mall bukas, you're my last option kaya ikaw ang sasama sakin. I'll send you the details later. Ciao!

 

 

 

Wrong number kaya to. hindi manlang ako pinag salita. Tawagan ko nga baka namali lang ng dial.

 

 

*dial*

 

*ringing*

 

Ayaw sumagot. Mag ssend nalang ako ng message.

 

 

Winter Kim: I think u called the wrong number. May I know who's this?

 

Unkown Number: No you may not, .

 

 

Bakit ba ako puntirya i-play time ng mga tao ngayon, sino ba kasi to. Hindi naman ito yung kay Karina.

 

 

Unknown Number: see u here [location] tomorrow 2pm exact, don't be late!

 

 

Sino ba to, bakit parang bawal ako tumanggi. May girlfriend na ba ako at ako nalang ang may hindi alam.

 

 

Unknown Number: save my number -Giselle

 

 

WTF.

 

 

 

 

Ito ako ngayon nag ddrive papunta dun sa location na binigay ni Giselle. Ayaw ko sana patulan kung ano nanaman ang trip niya, pero naisip ko lang. Those two girls are the closest friends, siguradong sigurado yan, madami ako makukuha na info about Karina mula sakanya. Pumayag ako para ipaabot ko din mamaya kay Giselle yung sorry gift ko para sa best friend niya. Sabi naman niya wala siyang kasama kaya it means, there will be no traces of Karina.

 

 

At mali ako.

 

 

Andito kaming tatlo ngayon magkakaharap at namamatay ako sa hiya dahil muka akong nakakita ng multo nung bigla siyang dumating kanina.

 

 

"Giselle kasama mo naman pala si Karina eh, I'll leave the two of you na." awkward kong sabi ng hindi tumitingin sa direction nila."Rina told me yesterday that she's not available today, but nagbago ata plans niya kaya sumama na siya. Hindi din pwede yung other friends namin, and besides natatakot pa din ako na bigla nanaman magpakita si Lucas kaya ininvite kita."

 

 

"but I thought we're over the fake girlfriend thing?" 

 

 

"of course we are! so don't expect na mag hholding hands tayo today." kakaiba din talaga kapal nito ni Giselle eh.

 

 

"if I only knew na that kiss would make you act this way, sana talaga di ko na ginawa, plan mo na ba ako i-date lagi?" pang aasar ko sakanya."not even in your wildest dreams Winter but don't Leave, sama ka na samin so Rina will not get bored while I shop, samahan mo siya."

 

 

Nagkatinginan kami ni Karina, medyo nag smile naman siya. She's in a good mood I guess. Sana nga at hindi mainit ang ulo niya dahil nakakahiya talaga yung nangyari nung lunch. Hindi ko nalang babanggitin yun sakanya. Baka bawian nila ako, solo pa naman ako ngayon at wala si Ning. Ininvite ko si Ning kagabi, hindi siya pwede dahil kailangan daw niya pumunta dun sa gas station nila. Madaming gas stations sila Ning sa South, hindi ko nga lang alam kung saan siya dun ngayon, pero malamang yung dad niya ang nag utos sakanya kaya hindi na siya nakatanggi.

 

 

 

 

Nakaupo kami ni Karina dito sa shop habang si Giselle naman ay parang kinakabisado lahat ng mga damit. Hindi ko alam sino mas malala sakanila ni Ning. Kung si Ning ang iksi ng attention span habang nag shshopping, ibahin niyo to si Giselle.

 

Ultimate rule pag nag shshopping siya? Wag na wag mo siyang kakausapin. Alam mo yung pag kasama mo nanay mo at biglang may nakasalubong na kumare tapos makakailan teka lang siya hanggang sa hindi niya namamalayan, dalawang oras na sila nagkkuwentuhan ni amiga, at ikaw naman na ngalay na ngalay at inip na inip, walang karapatang mag salita or else makukurot ka. Ganun ang peg ni Giselle.

 

 

"Go back and sit with Rina Winter, I can't concentrate.'' sinubukan ko siyang lapitan dahil tinatanong ko kung matagal pa ba siya.

 

 

Ang awkward kasi na magkatabi kami ni Karina sa maliit na couch dito sa shop, kaya kanina pa ako tumatayo. Kausapin ko nalang kaya siya para maging at ease na din kami sa isa't isa.

 

 

"Do you always do this? I mean, you accompanying Giselle tapos nag hihintay ka lang while she shops?" umiwas kagad ako dahil hindi ko siya kaya tignan ng matagal. Gago ang ganda kasi, ang lapit pa namin. Simple lang yung suot niya, cardigan, black shirt with jumper and sneakers, pero ang hot pa din tsaka ang ganda.

 

 

"Yeah, sanay na ako." tipid na sagot niya.

 

 

Hindi pwedeng tipid tipid sagot natin dito Karina. Asan ang tapang mo sa direct message and chat, pati nung hinawakan mo ko dun sa bar. Bawal yan front na ganyan. Hindi ako uuwi hanggat hindi ko nappenetrate yang force-field mo. Okay that sounds wrong. Pero basta yun yung point.

 

 

I'll start to make her feel at ease with me, kakausapin ko siya. Kayanin mo sana ang lakas ko Karina.

 

 

"Uhm do you want to do something, like watch a movie or baka meron kang kailangan bilin, clothes, stuff or sa grocery? samahan kita."

 

 

"Maybe next time nalang, baka mainip and mahassle ka pa." may kailangan nga bilin, chance na to para masolo ko siya. Konti pa Winter.

 

 

"You know what, it's actually fine, ganun din naman ginagawa natin ngayon, we're just waiting for Giselle. Bilin mo na yung mga kailangan mo and maybe I can help you with it pa."

 

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔