Stage 4.3: Chubibo

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

Reference for this chapter para mas ramdam (you may click on the links) :

Mojave Skatepark

Insanity Ride

X-Scream

AREA 15 Meow Wolf

The Haunted Museum

 

 

 

*Current*

 

 

"Ry I'll be reading about the Vegas trip. Sobrang spontaneous ng ginawa natin nun. We really should do it again, balik tayo."

 

 

"Yes gagawin natin yan pag balik ni Winter. Babawi pa satin si Heejin, dba Heej? Fomo ka nun eh."

 

 

"Oo may utang pa ako kay Winter, the river surf break and we're still going to Montauk, gagawin pa natin yun that's why she has to come back."

 

 

"Oo yan, hintayin lang natin siya. Wait, Ning naalala mo pa yung museum na pinuntahan natin nun?"

 

 

"Oo leche ka wax museum ka pa! Ang tagal ko hindi natulog mag isa sa kwarto after natin pumunta dun. Naalala mo si ate Taeyeon nung bwisit na bwisit siya satin nung nagttour tayo sa loob?"

 

 

"Oo hahahahaha aburido. Tapos nagtataka sila Yeji ano nangyari pag labas natin apat."

 

 

"Nakakatawa yun grabe sa sobrang takot ni Winter natulog siya sa gitna ni ate Taeyeon tsaka ni Karina nung gabi hahahahaha."

 

 

"Oo parang naging baby sitter siya sa kapatid niya kahit 23 na nun si Winter. Pero sobrang laugh trip yung natulog silang tatlo na magkakatabi sa kama nila Karina, kahit may sariling hotel room si ate Taeyeon wala siyang choice kasi sinabi ni tita."

 

 

"Kasalanan mo yun Ryujin mali ka nanaman ng intindi, akala mo wax museum and horror house combined."

 

 

"Haunted museum nakalagay so inexpect ko wax museum, malay ko ba na andun pala yung mga totoo akala ko talaga replica lang eh. Sila pala mismo yung nandun."

 

 

"Ano nga ginawa ni Ry nun Ning?"

 

 

"Inaya niya kami sa Zak Bagan's The Haunted Museum in Vegas tapos gabi pa, kaming apat lang nila ate Taeyeon yung nagpunta kasi ayaw nung iba. Hindi kasi binasa ni Winter yung link so bumili kagad kami ng tickets. Heej alam mo naman kung gano sila katakot sa multo dba? Tangina we went inside a museum na andun halos lahat ng mga kademonyohan tsaka mga items na may curse and possessed. Imagine ang duwag duwag namin pero pumasok kami sa museum kung saan nakatago yung totoong Anabelle doll. Tapos by batch mag iikot dun sa bahay na sobrang dilim tsaka ang laki. As in andun lahat, even the demon box na may curse."

 

 

"Hahahahahahaha yan yung knkwento ni Winter parang hindi siya humiwalay kay Karina ng ilan months sa condo nila kasi hindi mawala sa isip niya yung mga nakita niyo."

 

 

"Oo natrauma kaming tatlo tapos galit na galit si ate Taeyeon samin. Pero nakakatawa talaga yun pag naalala ko."

 

 

"Ning alam  mo bakit tayo na-trauma dun naalala mo yung room kung saan andun yung mga gamit ni Ted Bundy? Hindi ako nakatulog after nun tapos yung photos pa niya grabe oh my gosh. Kinikilabutan ako hanggang ngayon."

 

 

"Wag mo na paalala, hindi lang ghosts yung mga naka display dun even the stuff of serial killers."

 

 

"Tara pabasa nga ulit niyan. Heejin halika sali ka!"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

It turns out na si Ning and Giselle pala yung "friends" na pinuntahan ni ate Taeyeon sa airport, laking gulat at tuwa namin ni Ryujin nung biglang kinalampag ni Ning yung bintana ng kotse habang naghihintay kami kay ate sa loob. Sa sobrang saya namin na dumating sila dito sa LA at nagkitakita kami, ang tagal namin nagyakapan tatlo. Tapos nakalimutan ata ni Gigi na galit siya sakin kaya nagulat talaga ako nung niyakap niya din ako. Nagkabati na tuloy kami on the spot and all of us are really happy.

 

 

Matagal na palang alam ni ate Taeyeon and mommy na pupunta si Ning and Gigi para sumama samin sa Vegas, nakapag book sila ng hotel sa LA before Christmas pero hindi talaga nila sinabi samin para daw surprise.

 

 

Naka ready na kami at nakuha na din namin ni Ry yung mini charter bus dun sa rental malapit sa LAX, good decision na ito yung kinuha ko na sasakayan kasi from four, seven na kami ngayon na mag rroad trip. Alam nila na sa Vegas kami pupunta pero may mga sinama kami sa itinerary na walang idea sila Rina, Yej and Gigi. Mostly kasi kami lang ni Ry yung nag plano nitong trip tapos nag aagree nalang sila samin and ayaw nila ma-hassle.

 

 

 

 

 

VEGAS DAY 1

 

It's 1:30 in the morning, pinili namin umalis ng maaga from LA dahil plano namin manood ng sunrise sa Mojave Desert. Hindi na sumama si mommy saamin kasi magiging uncomfortable siya sa road trip kaya nagpaiwan nalang siya. Nagprepare pa talaga siya ng food na babaunin namin ngayon umaga tapos bumili din kami kagabi ng dalawang coffee traveler kit para iinumin namin mamaya dun sa desert. We won't be needing to stop kasi may enough room tong lavatory/toilet ng mini bus kaya sobrang comfortable. Modern design na kasi kaya complete features na.

 

 

Grabe maffeel talaga na sobrang excited kaming magkakaibigan pati si ate Taeyeon kasi first time namin gagawin yung ganito, road trip sa ibang bansa ng magkakasama. Sayang nga lang dahil hindi complete since nasa kanya kanyang holiday yung iba, but I think magagawa naman namin yun sa susunod.

 

 

"Winter is this a party bus?!" Tanong sakin ni Giselle habang nag ssettle na kaming lahat at chncheck ko na yung aircon pati na din yung features nitong sasakyan. "No, this is a passenger mini bus for family and groups. Mukang party bus noh, all black kasi eh."

 

 

"I like that it looks luxurious, is this manual or automatic?"

 

 

"Automatic na, sobrang advance nga eh, pero 2017 model na to. Yung makina niya Ford pero yung brand mismo nitong bus iba."

 

 

"Well you did a good job choosing this, it's so comfy."

 

 

"Yeah, it's a bit expensive pero sobrang sulit naman yung bayad natin lahat, Gigi upo ka na and wear your seat belt. Alright seat belt guys!"

 

 

"Yaaaay tara na!!!" Sigaw ni Ning, pumapalakpak pa talaga silang dalawa ni Ryujin kaya natatawa sakanila si ate. "Ayusin mo magmaneho ha, madami pa kaming plano sa buhay! Let's go!"

 

 

*Reckless by Healy started playing*

 

 

Si Karina yung nakaupo sa shotgun seat, yung mga kasama namin nag kanya kanya na sila ng pili ng pwesto sa mga passenger seats. May mga tables itong bus na pwede sila kumain, pero ngayon mukang naka higa ata silang lima sa likod dahil sobrang aga ng alis namin.

 

 

"Pup tell me if you are sleepy, I can drive." Kaming tatlo lang ni Rina at ni Ryujin ang allowed mag drive nitong mini bus dahil names namin yung nakalagay sa insurance. Hindi naman hassle mag drive kasi hindi naman complicated yung route namin and parang less than nine hours lang yung travel time.

 

 

"I'm okay, enough yung tulog ko kagabi, ang aga kaya natin natulog. Did you bring my skateboard?"Tanong ko kay Rina. Nagdala kami ng tag isang skateboard ni Ryujin dahil ito yung first stop namin sa desert. "Yeah everything is there inside the compartment. This bus is spacious parang ang layo mo sakin Pup, I can't hug you."

 

 

"What? We cannot hug talaga because I'm driving. Mamaya nalang pag dating natin, matulog ka muna dinalan kita ng pillows ha, saan mo nilagay?"

 

 

"Pinahiram ko muna kay ate Taeyeon because she wants to sleep."

 

 

"Ah okay. Ate!!! Ate Taeyeon!!!"

 

 

"What? Ano ba yun?! Winter ang ingay mo natutulog sila Yeji!"

 

 

"Ay sorry, ate itatanong ko lang kasi kung okay ka lang dyan! Hindi ka ba ginugulo ni Ning?"

 

 

"Epal mo Winter, matutulog nga kami ni Snug eh ikaw lang naman dyan yung maingay."

 

 

"Hinaan mo kasi yung sounds mo, it's one in the morning tapos ang lakas ng bass ng pinapatugtog mo hindi tuloy tayo magkarinigan."

 

 

"Haha sorry naman akala ko kasi gising kayo. Andyan ba si Ryujin? Tignan niyo nga baka naiwan."

 

 

"Pup grabe ang ingay mo, they are trying to sleep."

 

 

"Ang tahimik kasi ni Ry baby, chncheck ko lang baka naiwan siya dun sa bahay."

 

 

"Natutulog ako leche wag ka na magulo, gisingin mo nalang ako pag gusto mo ako na mag drive!" Sinisilip ko si Ry, mukang ang saya ng pwesto nila sa likod. "Hahaha ano ba yan bakit mga wala kayong energy? Sige na nga matulog muna kayo. Baby matulog ka na din, bilis."

 

 

"No, I'm not sleepy sasamahan kita. If I sleep baka hindi ka sumunod sa speed limit magugulat nalang kami hinahabol na tayo ng police." 

 

 

"Hahaha hindi yan, ang hassle kaya ma-pull over dito. Baby, tell me kung nagugutom ka or what. Masakit pa ba yung tiyan mo?"

 

 

"No I'm good, ang bilis ng effect nung medicine."

 

 

"Okay. Bakit pala ayaw mo sumama dun sa museum na pupuntahan namin? Ang kj niyo ni Yeji, bakit ayaw niyo?"

 

 


"The attraction is not for me pati nga si Gigi ayaw niya."

 

 

"Bakit nga? It's just a wax museum babe sayang naman andun na tayo eh."

 

 

"Pup that's the most haunted museum in the world and ikaw yung isa sa pinaka duwag na kilala ko, tapos ang lakas pa ng loob mo pumunta dun?"

 

 

"Ayos ka ha. Mabilis lang naman tayo dun and it's like a normal horror house parang yung sa Universal."

 

 

"Obviously you did not read the link. Nakakatakot yun Winter, of all people nga ikaw yung hindi dapat pumasok dun. Kayong dalawa ni Ryujin."

 

 

"Karina ang oa mo. Museum nga lang yun na may nananakot tsaka habulan ganun, baka nga mas nakakatakot pa nga yung mga horror house sa perya eh."

 

 

"Perya? What?"

 

 

"It's like a fair or the carnival, naalala mo yung mga nakikita natin dati sa province na madaming mga games and stuff, tapos may rides din. Yung rides dun mukang sobrang safe eh, parang isang turnilyo lang katapat nung ferris wheel tapos makakalas na."

 

 

"I don't get what you are saying. Basta I'm gonna have to pass Winter ayaw ko talaga."

 

 

"Hahaha fake yung mga nananakot tsaka mga naka display dun. Ano ba yan, ang tangkad tangkad mo ang duwag mo naman baby." 

 

 

"Bahala ka, basta don't say I didn't warn you. Tapos pag natakot ka magpapasama ka nanaman sakin, kahit sa loob ng shower."

 

 

"Ah ano ka dati lang yun, tsaka nagbago na ko. Si ate Taeyeon na nga lang pipilitin ko sumama, tapos pati yung X-Scream ride ayaw mo din sumakay."

 

 

"We will be hanging on the edge of the building. There's no way I'm gonna ride that thing, kayo nalang."

 

 

"Hala baby pano yan baka pag twenty five years na tayo as a couple, ang boring na natin."

 

 

"Yeah, we will have bird watching and doing puzzles as our hobbies, let's be boring together Pup."

 

 

"Oh my gosh Karina."

 

 

"What, ayaw mo? You have no choice because you are going to grow old with me."

 

 

"Yeah pero bird watching? Mag isa ka, let's surf nalang until we are two hundred."

 

 

"Hahahaha okay, I would love that."

 

 

 

 

 

 

 

1st Stop High Desert, Ca Mojave 

 

 

We've been driving for four and a half hours, hinayaan ko lang sila matulog lahat. Nagkkwento kanina si Rina at nakikinig lang ako sakanya habang nag ddrive. Ang dami niyang kwento at nagtatawanan pa kami, kaso nung pag tagal hindi ko na maintindihan yung point ng  sinasabi niya at halata na nilalabanan niya yung antok. Medyo groggy na yung salita niya kaya pinilit ko nalang siyang matulog.

 

 

Andito na kami sa Mojave desert, they know na pupunta kami dito pero hindi nila alam kung ano yung mismong gagawin namin. This is a desert na bihira yung mga tourists since wala naman pupuntahan dito unlike sa Joshua Tree na sikat for hiking and camping trips.

 

 

Naririnig ko na gising at naguusap na yung mga pasahero sa likod. I'm sure nakita na nila kung nasaan kami at maya maya lang may mga magtatanong na sakanila kung ano ang gagawin namin dito.

 

 

"Good morning Pup." Nafeel ko nalang that Rina was gently rubbing my cheek with the back of her hand. Pinag intertwine ko mga fingers namin and I kissed her hand. "Good morning. Ang tagal mo nakatulog baby inorasan ko."

 

 

"Really, how many hours?" She asked. "Parang mga nine hours total, ang sarap nga ng tulog mo eh."

 

 

"Hahahaha shut up, it's six in the morning palang. Wait a minute, we're already in the desert, what are we doing here?"

 

 

"Are we in Coachella Valley, dito ba yung music festival?" Pati pala si Ning and Gigi gising na, nung lumingon ako, halos lahat pala sila nakaupo na at naka bukas na din lahat ng window blinds. "Hindi dito yung Coachella three hours layo nun dito and this one is better. Winter malayo pa ba tayo sa park?

 

 

"Uhm we are actually here. Kailangan nalang natin hanapin yung gate, sinusundan ko lang tong navigation eh."

 

 

"Gate ng ano yung pupuntahan natin?" At ito na nga, gising na si madam Taeyeon, malamang magtatanong na siya ng sunod sunod. "Gate nung pupuntahan natin, dun tayo mag bbreakfast."

 

 

"Gate ng ano nga? Tsaka ano ba gagawin natin dito sa desert?"

 

 

"Mag tatawag tayo ng mga aliens tapos titignan natin kung may sasagot."

 

 

"Hahahaha ate Taeyeon oh niloloko ka ni Winter." Ang aga aga pa nag sstir na ng gulo si Ryujin. "Anong gate nga kasi Winter, tsaka anong gagawin natin dun?"

 

 

"Mag bbreakfast tayo ate tsaka may pupuntahan tayo dyan. Manonood tayo ng sunrise kasi maganda yung view dito. Dinala mo ba yung golf clubs and balls?"

 

 

"Yes complete with the tee, sabi mo eh kaya nag dala ako ng tatlo. Giselle let's play golf ha, I remember your parents are really good at playing golf."

 

 

"Of course ate Taeyeon I'm gonna play golf with you. Where can we play there Winter?" First time makakasama ni ate si Giselle sa vacation, ang interactions lang kasi nila ay yung pag may party si mommy sa bahay tapos invited yung mga friends ko. Si Yeji ilan beses na din nakasama sa farm kaya familiar at medyo close na din siya kay ate.

 

 

"You can play golf there at the junkyard, meron malapit sa skatepark. Dun kayo mag laro tsaka pwede niyo pa tirahin ng bola yung mga sasakyan."

 

 

"What the ano nanaman trip mo Winter? Guys ngayon palang on behalf of my sister mag aapologize na ako sainyo."

 

 

"Hahaha Pup ate Taeyeon is saying sorry na, she knows you're gonna get in trouble nanaman. Hahaha."

 

 

"Hahaha she's just excited hayaan mo siya. You're gonna like it there ate basta mag golf ka lang, pwede yun kasi solo natin yung lugar. Ry oh my god ayan na yung gate!" Natatanaw ko na yung gate na may nakataling kadena at may nakapark na itim na SUV sa labas.

 

 

" excited nako, babe you're gonna like it there! Cool ng place na yan."

 

 

"Yeah matutuwa ka dyan Yeji, it's better than Joshua Tree I'm telling you. Ry tama nga tong pinuntahan natin, akala ko kanina naliligaw na tayo eh." Mahilig si Yeji sa mga ganitong lugar, nakailan balik na din kasi siya sa Joshua Tree and sa Grand Canyon because she's into hiking and trekking.

 

 

"Babe it's still dark outside, are we getting out of the car? Tanong niya kay Ryujin."Yes, manonood tayo ng sunrise, nakikita niyo na ba yung view? Look at it ang ganda, it's the break of dawn. Pinili talaga namin ni Winter na isama to sa itinerary."

 

 

Bigla nanaman nagsalita si ate Taeyeon. "Wait so itong dalawa pala talaga yung pinag plano niyo ng road trip? Akala ko nag jjoke lang kayo kanina Yeji."

 

 

"Oo nga para makapag relax nalang kayong lahat, kami nalang ni Ry yung nag plano. Sumunod nalang kayo samin and enjoy the ride."

 

 

"Winter parang ganitong ganito yung vibe sa Texas Chainsaw Massacre eh!"

 

 

"Wala yan, nasa California tayo wala tayo sa Texas. So California Chainsaw to if ever."

 

 

"Pup stop it nga, ano ba."

 

 

"Chill out baby it's a joke."

 

 

I flashed the car headlights nung makita ko na yung SUV na nag aabang samin sa gate. Sila yung mag gguide samin. Nagpa book kami sakanila ng ilan oras dahil hindi basta basta pwede pumunta at pumasok dito. This is an exclusive skatepark in the middle of the desert and it is a private owned business. Pwede siya irent for events, group na gusto mag skateboard and yung mga gusto mag dirt bike dito sa Mojave.

 

 

"Oh my gosh Pup, do you even know those guys?"Napansin ko na ang paparanoid ng mga kasama ko, lalo na si Rina and ate Taeyeon. After nung kumain kami ng tacos sa Noho parang nawalan na sila ng tiwala sakin at dndouble check na nila lahat ng pinupuntahan namin. "Yeah that's our contact person. Naka book tayo dyan sa skatepark. We are going to watch the sunrise while we have breakfast and skate."

 

 

"Skate? Skatepark like here in the desert?" 

 

 

"Uh yeah? You'll see. Madilim pa kasi eh pero may malaking skate bowl dyan."

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔