Plans

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

Four Months Since Waking Up From Coma...

 

 

Winter's POV

 

 

"Pup ano ba talaga nangyari? What happened to you and Ning bakit almost three months mo na siya hindi kinakausap?" Ipinikit ko muna ang mga mata ko bago ko sagutin si Karina. Lagi nalang niya ako tinatanong tungkol dito iniiwasan ko na to at hindi ko lang masabi kung bakit ayaw ko ng pag usapan. "At least give me an idea about what's happening, even Gigi is asking me." Naglakad ako gamit ang walker para umupo sa upuan sa harap ng table niya. Kinuha ko yung magnifying glass at nagsimula akong paglaruan. "Babe look." Tinapat ko yung magnifying glass sa bibig ko at nag smile ako sakanya. "Hahaha you look funny. Pup you are not answering me." Tinatapat ko kay Rina yung magnifying glass at nilalapit ko sa ulo niya. "It's nothing wag mo isipin yun. Are you still working, baka pagod ka na?" Tinigil niya saglit yung ginagagawa niya at tumingin siya sakin."I'm almost done and we'll have early dinner na. I cooked for you, are you getting used to eating solid food again?" Tumayo na ulit ako para sumilip sa curtain wall."Yes, one month na din nung inalis yung feeding tube. I'm getting used to it, hindi na uncomfortable mas nakakagalaw na din ako ng maayos." Nakasilip lang ako sa labas habang pinapanood ko yung mga sasakyan sa baba pati na din yung sky. Golden hour na, pinaka paborito kong oras. Nadadalas din na ganito yung ginagawa ko, nanonood ng mga nangyayari sa labas."I'm done Pup, let's go to the living room or do you want to stay at the balcony?" Tinulungan ako ni Karina at itinabi na niya yung walker ko."Don't use this, ito yung ginagawa ni ate Dahyun sayo, let's go you hold my hand while we walk."

 

 

Mahigit tatlong buwan na yung huling punta dito ng mga kaibigan namin. Hindi ko ipagkakaila, nagalit talaga ako kay Ning dahil dun sa ginawa niya. Alam ko na valid yung reason ng pagka inis ko sa nangyari at kahit sino naman ang malagay sa posisyon ko ganun yung mararamdaman.

 

 

Parang isang linggo ko pinagmamasdan yung journal the day after ihatid dito ni ate Taeyeon sa condo, hiniram ko pa yung magnifying glass ni Karina dahil kinilatis ko ng maigi yung finger prints sa cover. Ang tagal kong inaaral yung mga dog-eared pages hanggang sa napag connect ko lahat at natuklasan ko na kung sino ang salarin. Yung mga pages na may tupi, yun ang mga entries na tungkol or related sa may sala. Halatang halata na meron talagang nag basa.

 

 

Unang una sa mga may tupi, yung Stage 2 Princess Nini, kwento tungkol sa kung pano siya nabalian ng braso nung naglagay sila ng stripper pole sa kwarto niya. Binilan siya ni tita dahil nakahanap daw siya ng new hobby which is pole dancing.

 

 

Pangalawa, yung sinulat ko na Love Bites, yun yung time na binigyan siya ni Giselle ng cookie na parang naging bato sa tigas nung nahanginan. Sa sobrang pagdadamot niya samin ni Ryujin nabasagan tuloy siya ng ngipin.

 

 

Pangatlo, yung Twists and Violent Turns nakasulat dun yung pag amin ni Giselle. Nabanggit din dun yung time na gusto na niya maging sila ni Princess Nini. Naisama ko din dun yung mga traits and charactestics na nagustuhan ni queen Gi kay Ning. Sigurado naka ilan beses niyang pinagbabalikan to nung hawak niya yung journal ko.

 

 

Pang apat, itong mga pages na to yung pinaka nalaspag sa lahat. The Snuggie Bunny, North Pole South Pole and Romanticism. Halatang halata na ilang ulit binasa ni Ning tong mga entries na to dahil nakwento ko dun yung tungkol sa pole dance recital niya and yung first anniversary nila na knidnap namin siya. Malamang kilig na kilig siya habang nag ttrip to memory lane at naalala niya yung mga suprises na pinag gagawa ni Giselle para sakanya. Sobrang laspag nung mga pages kulang nalang ipa-photocopy or punitin na niya at itago para sa sarili niya. Sa totoo lang hindi naman ako naiinis ng dahil lang binasa niya yung journal ko, napikon talaga ako dahil pati yung mga kwento na dapat kami lang ni Karina ang may alam, dinog-ear pa din niya at hindi manlang pinalampas.

 

 

Yung entry about sa first namin ni Karina may tupi sa edge nung page, yung story about sa nag do kami sa resort sa Cebu, may tupi at halatang nabasa din niya, yung sa La Union surf trip na naging bottom ako buong gabi talagang hindi din nakalusot. Pero ito yung pinaka malupit sa lahat, yung sinulat ko about Sutton Parks at madami akong nakwento tungkol sa na pinag gagawa namin, yung pages nun halatang nalaspag at mukang binuklat ng ilan beses.

 

 

Tangina talaga Ningning Yizhuo, alam ko na dahil sa mga pinagsusulat ko dun magagalit talaga sakin si Karina at sigurado baka balatan niya ako ng buhay kapag nalaman niya na may nakabasa nung mga yun. Tangina mas detailed pa sa detailed pati yung tungkol sa pag sq-  oh my ing god ayaw ko na isipin. Ewan ko nalang talaga kung anong pag eexplain ang gagawin ko pag nalaman ni Karina na nabasa ni Ning lahat yun.

 

 

I was actually giving her the benefit of the doubt dahil baka nag aassume lang ako, pwede din kasi na nagbibintang pala ako at mali yung iniisip ko. Posible na nagkataon lang na siya yung nakahanap dun sa kwarto ko. Pero nung nag hangout kami dito sa condo, dun ko napatunayan na si Ningning nga talaga yung nakialam sa journal ko.

 

 

It was a Saturday afternoon nag kkwentuhan lang kaming magkakaibigan, umiinom sila ng wine and some cocktails kasi nag handa talaga si Karina for that hang out day para daw makasama ko yung mga friends namin. All of us had a great time. Nakauwi na si Yuqi and for how many years nakumpleto kaming lahat, sumali pa samin si Chaewon at si ate Dahyun.

 

Nung una okay naman kami, puro usap and random kwentuhan lang hanggang sa nag aya mag karaoke si Lia. Nag set up sila sa entertainment area, inayos nila sa tv complete with the speakers na dala ni Gigi. They were singing and having fun habang magkatabi kami ni Karina at pinapanood lang namin sila.

 

Nakakalimutan ko na nun yung tungkol sa journal at hindi ko nalang inisip dahil ayaw ko ng problemahin since nasakin naman na at siguradong wala ng ibang makakabasa. We were okay, ang ganda ng mood kasi nakikinig at nakikitawa lang ako sakanila kaso parang bumaliktad lahat nung may nag play na kanta sa Magic Sing at napaalala sakin yung journal ko ng wala sa oras.

 

 

Kitang kita ko kung pano nakipag patayan si Ning para agawin yung mic kay Yuna and Lia nung tumugtog yung Love Me Harder ni Ariana Grande. Habang nag eemote at todo birit siya sa kanta, tangina parang nag slowmo yung paligid at siya nalang yung nakikita ko. Dun ko na mismo na-realize na tama yung hinala ko, si Ningning Yizhuo nga talaga yung lecheng kumuha ng journal ko. It all made sense, the dog-eared pages with entries about her, perky Ariana Grande bookmark plus yung joke niya sakin when I woke up from coma na nag front act daw siya kay Ariana dahil magka record label na daw sila. Tangina kahit saan anggulo tignan siyang siya lang talaga yung salarin. 

 

 

Hindi ko na natiis kaya nagpatulong ako kay ate Dahyun dun mismo sa oras na yun papasok sa bedroom at sinabihan ko din siya na pasunurin si Ning. Pagkapasok niya at nakita niyang hawak ko yung journal pati yung bookmark niya, wala pa akong sinasabi pero nag sorry at umiyak na kagad siya. Bale ang nangyari sa sobrang guilty niya siya din yung naglaglag sa sarili niya. 

 

 

"Winter? Pup." Kanina pa pala ako kinakawayan at tinatawag ni Karina, hindi ko namalayan dahil nakatulala ako dito sa balcony at pinapanood ko lang yung mga sasakyan sa baba. "We'll have dinner na, wait for me I will get you." Sinilip ko si ate Dahyun sa loob, andun siya sa likod ng kitchen counter, mukang nakaayos na yung dining table at nakahanda na yung pagkain. Lumabas si Rina dito sa balcony at dumantay siya sakin habang naka sandal ako sa railing."Natutulala ka lagi Winter. What are you thinking? parang lagi nalang malalim iniisip mo." Humarap ako sakanya at niyakap ko siya nung narinig ko yung tanong niya."I just realize how much I miss going out and sobrang napag iiwanan na ako Karina. Malapit ng mag one year yung time na nag quit ako sa job tapos naaksidente ako." Hawak hawak niya lang ako habang nakikinig siya sakin. Ito yung nagiging dilemma ko ngayon feeling ko mahihirapan akong makahabol at sobrang ang dami ko pang kailangan gawin. "I'm sorry. You are getting there Winter don't give up magaling ka na, just hang in there you will be able to work again and pass the board exam. Don't pressure yourself Pup." Ang daling marinig ng mga ganitong bagay, pero siyempre sakin iba pa din. I feel so down lalo na pag naririnig ko kila Heejin and Ryujin na magsisimula na sila ayusin yung requirements for the licensure exam. Napapansin ko na sobrang sensitive nila na pag usapan yung topic lalo kapag magkakasama kami, pero hindi kasi maiwasan na marinig ko pa din minsan. "Hold my hand, let's go to the dining room." Aya sakin ni Karina kaya kumapit na ako sakanya at sabay kaming pumasok sa loob.

 

 

"Thank you." Inayos ni Rina yung pagkain sa harap ko and she placed the linen napkin on my lap. "You don't have to thank me. Subuan kita or you want to eat by yourself now?" Tumanggi na ako dahil masyado na ako nagiging alagain kay Rina. Nung pinayagan na ako nung doctor na kumain ng normal, ganun yung gawain niya, nagluluto siya ng pagkain na pwede sakin at nung unang month sinusubuan niya pa talaga ako para daw hindi ako mabigla. Nahihiya na ako sakanya dahil grabe yung pagaalaga niya na tumagal na ng almost six months. Kahit nung comatose ako siya na yung nagaasikaso sakin. Ngayon kahit pa may private nurse kami mas pinipili pa din niya na bantayan ako. Even during the holidays once lang siya nakauwi sakanila and nakasama yung family niya dahil ayaw niya akong iwan kahit pa kasama ko sila mom. 

 

 

"Gusto mo na ba lumipat sa sala?" Nilapitan kagad ako ni ate Dahyun nung nakita niya na tapos na ako."Ate tuloy mo lang yung pagkain mo, okay lang ako. I'll stay here hindi pa tapos si Rina." Hinihintay ko nalang sila matapos sa pagkain nila at mamaya lilipat na din kami sa living room. This is my routine for months now, after dinner magpapahinga, medicine time, wash up and tulog. Paulit ulit ganito yung ginagawa ko, gusto ko na talaga bumalik sa normal at gawin yung mga nakasanayan ko dati.

 

 

 

 

"Pup come here, you can lay your head on me." Sumandal ako kay Rina at pinalibot niya sakin yung mga braso niya habang tinutuloy ko yung pagbabasa ng journal. Bago ako matulog ito yung ginagawa ko, binabasa yung mga sinulat ko during those difficult times. Nagugulat din ako na ang dami ko palang nailagay at halos naalala ko lahat ng nangyari nung college. Nakakalungkot lang dahil every time na mdadaanan ko yung stories na andun yung dalawang best friends ko, napapaalala tuloy sakin kung gano ko na kamiss si Ning. Gusto ko na siyang kausapin kaso hindi ko alam kung pano. Hanggang ngayon hindi pa din ako allowed gumamit ng phone. Pati yung pagbabasa ko limited pa din dahil hindi pa totally pwede as I am still prone to seizures. So far nakakatulong din naman sa memory ko yung journal although may side effect pa din.

 

 

It's a good thing na sobrang laki na ng improvement ko and I can really feel that I am getting there but the problem is, I notice that my inner struggles are starting to arise.

 

 

 

 

Inabot ko kay Rina yung journal dahil nag alarm na yung one hour timer na naka set sa phone niya."You want to go inside our bedroom?"Tanong niya sakin habang nakasandal pa din ako sakanya and she's lightly rubbing my forehead."No, dito muna tayo." Humarap ako sakanya at niyakap ko siya."What's wrong?"Hindi ako sumagot at tuloy lang ako sa pagyakap sakanya. Tinitignan ko siya before I kissed her on the cheek."Aww you are being so clingy, what's wrong Pup?" Hinalikan ko siya ulit ngayon naman sa mole niya."You're being so sweet and clingy today. Why?"Hindi ko pa din siya sinasagot at ngumiti lang ako sakanya. Hinawakan niya yung muka ko at hinalikan niya ako sa labi ng medyo matagal."I love you Winter." 

 

 

"Ops teka lang time out muna, inom ka muna ng mga gamot mo bago niyo ituloy yung ginagawa niyo dyan." Napakunot yung noo ko dahil sa sinabi ni ate Dahyun, nakita ata niya yung ginawa ni Karina nung papunta na siya dito sa living room."Babe I think she saw us." I whispered to Rina while I take all the tablets na inabot ni ate Dahyun. Natawa lang si Karina sa sinabi ko."Okay you are done, ihatid na kita sa kwarto? Hindi ka na pwede mag basa Winter ha bukas nalang ulit. Karina may itatanong pala ako sayo." Binalik ko na sakanya yung tray ng medicine pati na din yung baso. Tumayo na si Rina at hinawakan niya yung kamay ko."Okay ate, we'll go inside na, ako na bahala kay Winter. What do you want to tell me?" Hinihintay namin sumagot si ate pero nakita ko how she just gestured something to Rina. After niya makuha yung bp ko pumasok na din kagad kami sa kwarto.

 

 

 

 

I'm already tucked into bed at hinihintay ko nalang na bumalik dito si Karina. After namin mag wash up at magbihis lumabas muna ulit siya ng kwarto dahil may sasabihin sakanya si ate Dahyun, itatanong ko nalang mamaya kung tungkol saan.

 

 

"Pup close your eyes." Napapikit nalang ako ng bigla siyang nag dive sa kama at tinapalan ng mga cotton pads yung muka ko. "Baby ano ba to? ang lamig!" Isa isa niyang nilalagay sa pisngi at at sa noo ko. "Of course skincare, wag ka malikot just lie down Pup, I'm about to finish." Hinahawakan ko yung mga pads na nilagay niya sa pisngi ko, parang sumobra ata sa lamig. "Ano ba yung beauty fridge mo, freezer? Parang frozen ata tong nilagay mo sa muka ko eh. Ang lamig babe!" Natawa si Karina at pinipigilan niya yung kamay ko na hawakan yung mga pads. "It will just take a few minutes don't touch it." Inayos niya yung nasa noo ko dahil pinipilit kong tanggalin."Mag bbrain freeze ako dahil dito sige." Hinawakan niya yung kamay ko kaya hindi na ako gumalaw. "Are you ready for your first road trip?" Pinalibot na ni Rina yung arms niya sa shoulders ko kaya nakahiga na ako sakanya ngayon habang nag uusap kami."Yeah I am ready, sa Sunday na yun dba, we'll go to the farm so makikita mo na ulit yung Winrina tiny house natin. Excited ka na?"

 

 

"Of course I am. Even the kubo I miss staying there with you. Pero we cannot sleep at the tiny house Pup kasi it's a loft bed hindi ka pa pwede, hindi ka makakaakyat, you might hit your head."

 

 

"Rina yung tinatanong ko sayo, lagi mo naman nakakalimutan eh, ang tagal tagal na nun parang ilan months na. Dalin mo na kasi dito."

 

 

"What are you talking about?"

 

 

"The pictures from the films na inipon natin tapos pina develop mo, hindi ko pa din nakikita ang tagal mo na sinabi yun pero kinakalimutan mo lagi."

 

 

"Oh yeah I'm sorry it's in our house in Alabang don't worry when we go to Quezon I'm gonna bring all of the pictures. Ang dami nun Pup like sobrang dami. Matutuwa ka when you see the old ones because it is really nostalgic. Ang dami na natin ginawa together, four years worth of pictures."

 

 

"Yeah I want to see them all, dalin mo nalang nga sa Quezon, ang tagal natin mag stay dun sa farm, two weeks ba?"

 

 

"Yes that's why I am so excited, pinayagan ka ng doctors mo and they said na mas okay dun so you can walk and enjoy the fresh air."

 

 

"Babe did you tell your mom and dad I said thank you for the present?"

 

 

"Yes and they are happy that you like it."

 

 

"Grabe yung parents and mga ate mo Rina recently ko lang nalaman yung mga tulong nila kila mom when I got into an accident. Hindi pa ako nakakapag thank you talaga, hindi kasi sila nag sstay ng matagal pag dumadalaw sila dito, nakakalimutan ko tuloy sabihin."

 

 

"It's okay Pup they know that you are thankful, basta magpagaling ka daw muna."

 

 

"Next time nalang pag dumalaw ulit sila dito, I need to personally thank your mom and dad grabe ilan free flights yun Rina."

 

 

"Yeah sure, when they see us again. Don't worry about that ikaw lang yung iniisip nila, they wanted you to be safe."

 

 

"Sobrang thankful ako sakanila. Ano pala yung sinabi sayo ni ate Dahyun bakit napansin ko na parang seryoso siya, is it important?" Dahan dahan ng inaalis ni Rina yung mga cotton pads na pinag lalagay niya sa muka ko. "Close your eyes I'm going to apply something on your face.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔