Stage 4.1: Three-Year Itch

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

*Current*

 

"Ning anong stage ka na?"

 

 

"Saan?"

 

 

"Dyan sa journal ni Winter."

 

 

"Stage four na, why? Gusto mo hiramin after?"

 

 

"Gago, edi pinag untog tayo ni Winter pag nalaman niya na binasa natin yan."

 

 

"Hindi naman nagagalit satin yan si Winter hindi ka pa ba sanay? Maiinis lang yan pero mamaya lang tatawa na din."

 

 

"Grabe Ning ilan months mo na binabasa yan?"

 

 

"Uhm naka ilan months na ba from the day it happened?"

 

 

"Two months. Grabe ka, I can't wait na makutusan ka talaga ni Winter."

 

 

"I'll be so happy pag kinutusan na niya ako."

 

 

"You're weird as ."

 

 

 

 

 

 

I am out on a surf trip with Heejin and Ryujin, we left Metro Manila yesterday morning para mas matagal ang stay namin dito sa Baler. Gusto sana namin sulitin yung oras kasi hindi pa kami sure kung kailan ulit kami makakabalik dito.

 

 

Sabado ngayon at kanina pa ako mag isang nakaupo dito sa balcony ng villa namin. Sobrang namiss talaga namin mag surf kaya medyo maaga kami nag simula kaninang umaga. Around 8am palang nag aya na kagad si Ry dahil sinusulit niya yung vacation before she starts working. Matagal na din kasi yung time na last kami nag surf at nagpunta sa beach.

 

 

 

Nagpphone nalang ako ngayon dahil hindi din ako makapag enjoy kasi kanina pa ako naiirita kay Karina. Nung nag check ako ng phone after ko umahon sa dagat, nakita ko na ang dami niyang messages sakin at ang dami niyang rants. Mag isa siya ngayon dun sa condo, pero mamaya susunduin at ihahatid siya ng driver niya sa bahay nila sa Alabang. Mukang ang dami nanaman niyang reklamo na mukang hindi na talaga makapag hintay.

 

 

I am seated here waiting for her call kasi dito lang sa balcony medyo malakas yung signal. Nag message siya sakin kanina na kailangan daw namin mag usap dahil may sasabihin siyang importante. 

 

 

*phone ringing*

 

 

Winter Kim:   hello

 

 

Karina Yu:   oh there you are 

 

 

Winter Kim:  ano nanaman ba yun?

 

 

Karina Yu:  you had so much time yesterday bakit iniwan mo nanaman sa sink yung mga dishes na ginamit mo?

 

 

Winter Kim:   anong mga dishes eh isang plate and fork lang yun tsaka binanlawan ko naman ha

 

 

Karina Yu:   pati yung mga glass and cups sa study room and sa living room iniwan mo lang

 

 

Karina Yu:   gano kahirap ilagay sa dishwasher lahat yun Winter?

 

 

Winter Kim:   nakalimutan ko lang kasi nagmamadali ako pero hinugasan ko yun binanlawan ko with water I just forgot to put it in the dishwasher

 

 

Karina Yu:   pang ilan beses na to Winter, why don't you just tell me directly, do you always expect me to clean up after you?

 

 

Winter Kim:   no it's not like that, nakalimutan ko lang talaga babe I'm sorry, tsaka nagmamadali kasi kami kahapon maaga ako sinundo nila Heejin

 

 

Karina Yu:   lagi nalang ganyan and ilan beses na nangyari. I am getting so tired of reminding you. Nag iwan pa ako ng note sa kitchen counter but it's useless naman pala

 

 

Winter Kim:   yeah nakakalimutan ko lang talaga 

 

 

Winter Kim:   I'm sorry okay?

 

 

Karina Yu:   before, it's okay because I understand that you have so much going on with school, pero ngayon ang simple nalang ng gagawin mo and you can't even do it?

 

 

Winter Kim:   last na yan hindi ko na uulitin

 

 

Karina Yu: pati yung pag linis and punas sa kitchen counter hindi mo ginagawa eh, pauli ulit nalang tayo Pup

 

 

Winter Kim:   nakalimutan ko lang talaga tsaka nagmamadali kasi ako kahapon

 

 

Karina Yu:  but that's what you're telling me every single time!!

 

 

Winter Kim:   bakit sinisigawan mo ko? para yan lang Karina ako na nga magaayos talaga next time, tsaka hindi ko na iiwanan sa susunod! nakalimutan ko lang talaga yan kahapon

 

 

Karina Yu:   just admit it, nasasanay ka na and you always wait for me to do it for you kahit kaya mo naman gawin mag isa!

 

 

Winter Kim:   okay sige ganito nalang, iwan mo lang yan dyan wag mo galawin, ako na maglalagay sa dishwasher pag balik ko

 

 

Karina Yu:   that's not it! you obviously don't get the point!

 

 

Winter Kim:  bakit ba kailangan mo sumigaw?!

 

 

Winter Kim:   nakalimutan ko lang talaga yan hindi ko sinasadya, kaya I'm sorry pero promise last na yan

 

 

Karina Yu:   paulit ulit ka puro ganyan sinasabi mo but I'm the who ends up doing it everytime

 

 

Winter Kim:   edi wag mo galawin problema ba yun ikaw dyan yung paulit ulit eh!

 

 

Karina Yu:  pati mga clothes you just put the clothes hanger inside the bedroom without opening the window

 

 

Karina Yu:  tapos iniwan mo nanaman lahat ng hangers sa ibabaw ng dryer you didn't even bother to put them back in the container

 

 

Winter Kim:   pinasok ko na nga tsaka sinampay ko yung mga jacket and socks after ko kunin sa dryer dba yun naman lagi sinasabi mo o yan edi ginawa ko na

 

 

Karina Yu:   pup ang lagi ko sinasabi sayo you need to leave a small opening in the sliding window para mag circulate yung air and hindi magkaka molds and hindi mag stay yung smell ng fabcon and detergent sa kwarto mo

 

 

Winter Kim:  wala naman kasing amoy yung room tsaka tinapatan ko naman ng fan yung clothes na naka hanger yan yung sinabi mo dba

 

 

Karina Yu:   oh my god Winter you're really stubborn, parang hindi ka nakikinig

 

 

Winter Kim:   oo na sige na, next time talaga gagawin ko na, hindi ko din kakalimutan yung mga dishes I am going to make sure na malinis lahat sige

 

 

Winter Kim:   hindi ko na iiwan ng ganyan

 

 

Karina Yu:  if you always expect me to clean up after you and do things for you then I won't be able to do it all the time Winter, buti ka pa eh ang dami mong oras

 

 

Karina Yu:  you sleep, you wake up, your face is glued to the computer screen and sometimes you even spend the whole day in your pjs. Yun nalang yung gagawin mo, you gotta clean up your mess hindi puro ako nalang, hinhintay mo pa talaga na dumating ako galing office para ako yung maglilinis?

 

 

Winter Kim:   sorry, last na talaga yan I swear

 

 

Karina Yu:  Buti ka pa masyado kang relaxed

 

 

Winter Kim:   I'm sorry babe, hindi naman sa ganun

 

 

Karina Yu:   then what? Totoo naman, you have so much time in your hands because you're always at home doing what? ang sarap ng buhay mo and you're absolutely doing nothing!

 

 

Winter Kim:   yeah okay

 

 

Winter Kim:  I get it

 

 

Karina Yu:   oh my god pup I'm sorry

 

 

Winter Kim:   it's okay, sige na I'll see you when I get back

 

 

Karina Yu:   , I didn't mean it like that 

 

 

Winter Kim:  yeah okay

 

 

Karina Yu:   pup I'm really sorry

 

 

Winter Kim:   it's okay 

 

 

Karina Yu:  pup

 

 

Winter Kim:  sige na bye

 

 

 

Pagkatapos ko makausap si Karina iniwan ko nalang muna yung phone ko sa kwarto at nagpunta na ako sa shore kung nasaan sila Ryujin. Naiintindihan ko naman kung bakit nagagalit siya. Aware naman ako na yun talaga isa sa mga problema ko, madalas ko makalimutan linisin or itabi yung mga ginagamit ko lalo na pag sobrang invested ako sa mga drawings na tinatapos ko. Lately ilan beses na din nangyari na siya yung naglilinis sa condo kahit galing pa siya sa work, hindi ko kasi nagagawa dahil may mga deadlines ako na kailangan tapusin.

 

About sa sinabi ni Karina, hindi ko alam pero parang wake up call and na-pressure ako bigla. It's like she made me realize that I'm starting to become a bum and a ing couch potato. Samin lahat na magkakaibigan, ako nalang kasi yung naiwan na walang work. Si Heejin meron na din and she will be starting in two weeks time, parehas sila ni Ryujin. Yung sakin ewan ko, kahit pa I'm doing freelance jobs at the moment, parang hindi enough and I feel like it's not counted. Ayaw ko din naman kasi pumasok sa company and mag work for something na against sa gusto ko dahil sigurado hindi ako mag eenjoy at magiging dreadful lang ako.

 

 

 

 

 

Tumabi ako kila Ry na nakaupo ngayon sa tapat ng dagat. "Saan ka galing?"Tanong ni Heejin. "Dun lang sa villa."

 

 

"What's wrong, why do you look so down?" Nakahalata pa ata si Ryujin. Ito yung mahirap sakanilang dalawa ni Ning, sa sobrang kabisado na namin ang isa't isa alam na alam nila kung may problema ba or wala. "I'm fine. Heejin kailan nga start ng work mo?" Iniba ko nalang yung usapan para din hindi na magtanong si Ry.

 

 

"Monday two weeks from now, sa Ortigas yung office namin yung sayo Ry saan?"

 

 

"Sa BGC yung main office pero yung site na ma-aassign ako sa Makati daw."

 

 

"Tangina napunta ako sa Ortigas ang layo ko sainyo ."

 

 

"Yeah hahaha parang ang dami namin sa Makati, si Ning dun din office nila pati si Yeji, Rina, Lia, si Gigi almost lahat pala andun."

 

 

"Si Somi nasa BGC din eh."

 

 

"O bakit alam mo Winter?!"

 

 

"Ano ba dba knkwento niya satin, more than two years na siya nag wwork dun. Tsaka dun naman talaga office ng company ng dad niya, si Chaer and Yuqi dun din yung office ng companies kung saan sila nag wwork."

 

 

"So ako lang talaga nalayo sainyo?"

 

 

"Duh, si Yuna malapit sa Ortigas pero lagi nasa abroad yun eh lalo pag fashion week."

 

 

"Yeah oo nga pala, sa magazine or fashion company ata siya nagwwork, malapit sa Ortigas yung studio nila."

 

 

" so kami lang pala ni Yuna yung pwede magmeet pag nabbored ako sa work ko."

 

 

"Okay lang yan Heej at least may work ka na. Hindi ka pa nga nagsstart iniisip mo na kagad na boring, tsaka sabi mo dba okay naman dyan?"

 

 

"Yeah gusto ko dun sa company na yun kasi wala masyado overtime tapos konti lang kami. Puro residential yung projects nila so okay yung experience. Kailangan lang naman natin ng more than three thousand hours and signature nung boss para makapag take tayo ng board exam."

 

 

"Kaya nga eh, dapat kasi wala ng ganun eh."

 

 

"Winter mag apply ka na kaya dun sa company nila Heejin?"

 

 

"Ayaw ko talaga magwork sa company hangga't hindi tumatawag yung choices ko eh. Gusto ko talaga kahit isa dun, kasi ang gaganda ng projects nila tapos okay pa yun sa resume." 

 

 

"Pano kung matagal pa bago ka tawagin for an interview?"

 

 

"Edi hihintayin ko lang talaga."

 

 

"Gagi yung time sayang, sa freelance kasi walang mag ssign ng required apprenticeship mo for board exam, lalo na puro companies sa abroad yan mga tinatanggap mo na design projects."

 

 

"Yeah I know that naman pero bahala na. I'm just gonna give it a month tapos pag wala talaga I'm willing to work for the others na nag offer. Buti nalang talaga dagdag portfolio tong mga ginagawa ko ngayon."

 

 

"Buti wala nasasabi si Rina and sila ate Taeyeon about dyan?"

 

 

"Anong wala tangina sinabihan nga ako ni Rina."

 

 

"Why ano ba sabi?"

 

 

"Wala daw akong ginagawa nasa bahay lang ako kaya ang dami kong oras."

 

 

"Oh no. Pero nag ffreelance ka naman and hinahatid sundo mo pa siya minsan sa work."

 

 

"Oo nga pero, baka hindi niya feel yung parang nasa bahay lang ako lagi. Siguro she's expecting na by this time dapat nag wwork na din ako sa company."

 

 

"Nag aaway ba kayo lagi?"

 

 

"Hindi naman lagi, pero yeah nag aaway kami minsan. Actually we just did, kakatapos lang like twenty minutes ago. Dahil sa tanginang plato na nakalimutan ko ilagay sa dishwasher tsaka yung mga damit na sinampay ko sa kwarto namin."

 

 

"Oh my god, you're starting to sound like a boring gay housewife Winter."

 

 

"Holy do I?! Seryoso ka?! I am so ing young to sound like that."

 

 

"Hahahahaha I'm kidding!"

 

 

"Leche napaka gago mo Ry bwisit ka!"

 

 

"Hahahaha it's a joke okay? I think you and Rina are just going through the three-year itch, that's it."

 

 

"Yeah malamang, pero I know that we can overcome it naman. Kailangan ko lang mag effort and do my part kahit pa sa maliliit na bagay. Okay naman kami for the past two years that we're living in the same place. Nag iba lang talaga ngayon kasi lagi na akong nasa bahay tapos napapansin na niya yung mga little things or more like annoying habits that I'm unaware of."

 

 

" mag mmove-in na kami ni Yeji, mahirap ba?"

 

 

"Teka lang, bakit ba kasi ang aaga niyo mag move-in?"

 

 

"Ano ka ba Heejin. Why do you have to waste time and the chance kung pwede naman? Tsaka dapat nga eighteen years old palang nag mmove out na sa bahay."

 

 

"Oh yeah, you're right you got a point. Tsaka mas okay nga yun para magkaalaman na tsaka para tipid."

 

 

"Wait I don't get it. Tipid, like how?" Medyo hindi ko naiintindihan yung point ni Heejin with what she said.

 

 

"Uhm tipid sa date and sa mga gamit like mga soap and , I guess?"

 

 

"Soap, as in sabon? Heejin para ka talagang gago kausap minsan. So ano nga Winter mahirap ba?"

 

 

"Yung after college, sobrang ibang iba dun sa time na nag aaral pa tayo eh. Ito lang napansin ko ha yung sa ngayon, parang ang sensitive ni Karina, pati yung mga naiiwan ko na baso sa computer table nabbwisit siya. Tapos yung kitchen dapat malinis, basta tangina dapat lahat ng sulok kailangan malinis."

 

 

Napalingon kami ng biglang magsalita nanaman si Heejin. Akala namin nag pphone nalang siya at hindi na nakikinig sa usapan. "That's the three-year itch naman kasi, but I think malalampasan niyo yan because those are just minor problems. Kinaya niyo nga magkasama sa bahay for almost three years na."

 

 

"Yeah pero yun nga magkakaalaman kasi tapos maglalabasan na yung mga pet peeves and other habits that might irritate you, basta mga ganun. Although it's normal naman na magkakapikunan talaga kayo pag tagal."

 

 

"Na-overcome namin ni Yeji yan three years eh pero nag aaral pa kasi tayo nun, ngayon for sure iba na yung situation."

 

 

"Hala gagi Ry seven years na kayo ni Yeji?"

 

 

"Yes!" Proud na sagot ni Ry at nag chin up pa talaga siya.

 

 

" noh, effective talaga yung mga meditation and cleansing na ginagawa ni Yeji eh. Can you imagine that, seven years with you, what the ?"

 

 

"Hahahahahaha pagawan natin si Yeji ng billboard tsaka ng monument yung parang sa Edsa, dapat ganun kalaki, gusto niyo itanong ko sa dad ko? Deserve ni Yej yun."

 

 

"Tangina niyong dalawa parang ngayon ko narrealize na fake friends kayo."

 

 

"Hahahahahaha o sige isasama ka nalang din pala namin sa monument ni Yeji para wag sumama loob mo."

 

 

"Hahahahaha napaka gago niyo talagang dalawa, ano nga Winter based on experience, iba dun sa pag nag aaral pa?"

 

 

"Yeah iba talaga pero okay lang kasi sobrang fun, liberating and exciting."

 

 

"Ulol exciting baka kung ano ano naman kasi mga ginagawa mo."

 

 

"Uhm ginagawa like in what context yan pinagsasabi mo?"

 

 

"Ikaw kabisado kita Winter, kilala kita experimental ka eh."

 

 

"Gago, wala kaming ginagawang kakaiba! Sira ka talaga Ryujin."

 

 

"Hahahahaha buti natagalan ni Rina na kasama ka sa bahay noh, ang kulit mo pa naman. Feeling ko nakakabwisit ka eh parang yung mga knkwento ni ate Taeyeon."

 

 

"Tanga malinis naman ako sa bahay and sa gamit noh, pag lang talaga madami ako ginagawa hindi ko napapansin na nagkakalat na pala ako. Dun madalas naiinis si Rina, but the rest okay naman kasi nagkakasundo kami. Basta tulungan lang and you really have to communicate or else talagang mag aaway kayo lagi."

 

 

"Mas mahaba pasensya ni Yeji as compared to Rina. Natagalan ni Karina na kasama ka ng ilan taon sa bahay kahit sobrang kulit mo. So I guess magiging maayos pag nag move-in na kaming dalawa ni Yeji."

 

 

"Wow thanks ha, kami pa ni Rina yung pinag basehan mo."

 

 

"Dapat kayong dalawa nalang Ry and Winter yung nag move-in kasi parehas kayong nakakapeste."

 

 

"Leche Heejin, tara na nga mag lunch na tayo." Tumayo na kami dahil nag aya na si Ry. "Heej The Shack ulit? I wanna eat something light lang."

 

 

"Wag ka nga maarte Winter, tandaan mo hindi si Karina yung kasama mo ngayon ha."

 

 

"Ay sorry naman, pero sige na please sa The Shack nalang ayaw ko masyado ng carbs eh."

 

 

"Yeah ako din Heej, I don't wanna eat heavy."

 

 

"Tangina napaka arte niyo talagang dalawa, o sige na nga The Shack na. So who's driving?"

 

 

"Ikaw na, ikaw last nag sabi na sa The Shack tayo kakain eh." Inangat ni Heejin yung kamay niya at mukang hahablutin yung shirt namin ni Ryujin. Tumakbo kagad kami ni Ry at nagpunta na kung saan naka park yung kotse. "Dalian mo na Heej nagugutom na kami, open the door!"

 

 

"Manigas kayong dalawa!"

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel 0 points #1
Chapter 116: BRUH IM DONE NA huhu
Azikiel #2
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#3
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #4
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #5
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#6
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #7
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #8
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #9
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#10
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!