Stage 3.10: Lunch From Hell

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

*Current*

 

"Kadiri ka Winter, ang detailed nung mga sinulat mong capades dito. Hindi na mawala sa imagination ko."

 

 

 

 

Hindi ko kinakaya ang atmosphere dito sa bahay namin, napaka weird. Si ate Seulgi andito din, hindi ko alam kung bakit siya nagpunta.

 

Yung nadatnan namin tatlo kanina pag pasok namin sa pinto, yun ang least expected na makikita ko.

Yung ate Irene ni Rina, nakikipag tawanan at kwentuhan sa mommy ko. Hindi ko alam kung parte ba to ng palabas niya, pero kung mag usap sila akala mo magka sundo sila at ang tagal na nilang magkakilala.

Nakakatakot at wala akong tiwala sakanya kahit ano pang ngiti ang gawin niya.

 

Nung nakita niya kaming magkakasama nila ate Seul at Rina, gulat na gulat siya at parang hindi niya alam anong reaksyon ang gagawin niya.

 

Pinakilala siya ni ate Seulgi sa harap mismo ng mommy ko at ni ate Taeyeon as soon to be girlfriend niya. Grabe sobrang awkward, yung itsura niya para siyang na-trap. Hindi niya siguro alam kung anong emosyon ang una niyang mararamdaman, magagalit ba siya samin ni Rina or kikiligin sa ginawa ni ate Seulgi.

 

First time ko nakita na nag mukang vulnerable ang ate niya.

 

 

 

"Ate Seulgi, bakit ka pala nag punta dito?"

 

"huh? Your girlfriend invited me. Grabe Winter bakit hindi ka manlang nag kkwento akalain mo yun, kayo pala nung kapatid ni Irene."

 

"ate Seul teka nga, nalilito ako, kilala mo si Rina?"

 

"actually nababanggit lang sakin ni Irene yung youngest sister nila. Karina met up with me nung saturday and nag usap kami about you and my relationship with Irene. First time ko siya makita and ma-meet nun."

 

"ano pa nakwento ni Rina?"

 

"Mostly about you, grabe parang simp na simp sayo si Rina, ano ba ginawa mo dun? Nag kwento na din ako sakanya about samin ni Irene and kung bakit wala kaming label."

 

"bakit nga ba hindi pa maging kayo?"

 

"well first of all, there was a problem with their older sister, dba if you remember nabanggit ko yun sainyo ni ate Taeyeon. Eventually naayos din yun at natatanggap na niya, kaya ayun I stayed at naghihintay lang ako kay Irene."

 

"ayaw niya pa mag commit?"

 

"sa nakikita ko mukang konti nalang Winter, we will be together soon enough."

 

"eh bakit kasi ayaw pa??"

 

"sa totoo lang, si Irene, hirap siya mag balance sa career and relationship. but she's working on it."

 

"anong ginawa mo para matanggap ka nung ate nila?"

 

"I just showed them my true self tapos yun, I stayed."

 

"bakit ngayon lang natin napag uusapan to ate Seul. Pano ka pala na-invite ni Rina dito?"

 

" Hindi ka naman kasi nag kkwento Winter, hindi ka din nagtatanong."

 

"Karina called me up, hindi ko din alam pano niya nakuha contact ko. Nagpakilala siya and nakipag meet siya sakin."

 

"Pano ka niya ininvite today ate, ano sabi niya sayo?"

 

"She said may lunch daw tayo, it's like a couple get together and double date. But you know what Winter? Okay din yun eh because Irene and I need it, we should be more open from now on, since alam niyo naman na ni Rina, tapos alam na din nila tita and ate Taeyeon."

 

 

Couple get together and double date? Tangina baby. 

 

 

Yung ate Irene niya, nag llove life pero pucha,bakit todo higpit pa din siya kay Rina. Pero ngayon na inaanalyze ko, medyo napag dudugtong dugtong ko na.

Simp yung ate niya sa pinsan ko at unti unti na nababasag ni ate Seulgi yung pagiging cold hearted niya. Kaya mukang kami pa ang nagiging way para ma-maintain ang facade na kinasanayan niya, which is yung pagiging cold and stern career driven woman. I get it.

 

 

 

 

Hindi kapani paniwala ang vibe sa bahay namin ngayon.  Ang pinaka ineexpect ko dark and heavy pero bakit ganito, napaka light at walang tensyon.

 

 

Nag uusap ang dalawang magkapatid kanina pa. Andun sila sa garden, tanaw na tanaw kung saan ako nakaupo. Nang magsimula sila kanina, kitang kita ko na sila ay nagtatalo at parehas na mukang galit na galit. Pero ngayon muka na silang kalmado tsaka normal nalang yung pag uusap nila.

 

 

Sa wakas, natapos din sila. Bumalik na ang ate niya kung nasaan sila ate Seulgi at tumabi naman sakin si Rina.

 

"Karina sampalin mo nga ako, anong nangyayari?"

 

"Relax, I told you to trust me on this."

 

"Couple get together and double date baby? really?"

 

"What? It's gonna work Winter, trust me. That's what ate Irene needs. Although I wanna say sorry because I had to involve your cousin."

 

"bakit hindi mo sinabi sakin na kakausapin mo pala si ate Seulgi?"

 

"I tried to. Remember in the car and on the phone, how many times did i try to tell you to consider, but you kept cutting me off and inassume mo kagad na break up yung magiging option natin." 

 

"Sabi mo kaya it's time that I choose myself kasi ayaw mo nahihirapan ako?"

 

"Winter listen to me. Nung sinabi ko to choose yourself it doesn't mean na maghihiwalay tayo. Hindi ko kaya yun."

 

"bakit kasi hindi mo sinabi?"

 

"the tension was too high, galit na galit ka nun. I'm really sorry Pup kung mali yung intindi mo. But it's time na may gawin ako for you. Hindi pwedeng ikaw lang."

 

"ano pinag usapan niyo ng ate mo, bakit parang nag tatalo kayo kanina?"

 

"I told her that they will lose me pag ginulo ka pa niya."

 

"what?"

 

"they left me no choice. They will lose me in the most extreme way possible."

 

"ano ibig mo sabihin?"

 

"I will never let them hurt you hindi ako papayag. I will defend you hanggang kaya ko."

 

"but baby are you okay?"

 

"yes don't worry about me, It's you that I'm worried about."

 

"did you tell ate Seulgi about what your ate is doing to us?"

 

"No, hindi ko kasi pwede sabihin ko yun ng hindi mo alam, It's your call kung gusto mo malaman niya. We need to talk about it together."

 

"Ano na mangyayari after this? tanungin na kaya natin ate mo about sa next na pang pepeste niya sakin, tutal andito naman na siya."

 

"Relax ka lang. Let me handle this okay. Wag ka matakot akong bahala sayo."

 

 

 

 

 

Gusto ko na lapitan at tanungin si mommy kung ano ang napag uusapan nila ng ate ni Rina. Kanina pa sila nag kkwentuhan at kami naman ni Rina ay nakaupo lang dito sa garden. Takang taka pa din ako sa nangyayari at ikinikilos ng ate niya. Parang nawala yung cold at seryosong aura niya kaya napaka weird talaga.

 

"Winter baby, can you call your ate Taeyeon, sabihin mo bumaba na mgllunch na tayo."

 

 

Lunch with the enemy. 

 

 

 

 

Ito na ata ang pinaka awkward na lunch na na-experience at ma-eexperience ko sa buong buhay ko. Mas akward pa ata to sa naging dinner kasama yung family ni Karina.

 

 

Dito kami kumakain sa lanai, labas lang ng dining room. Ganito ang seating arrangement namin ngayon, si mommy sa dulo, ako, si Rina, si ate Taeyeon sa kabilang dulo, sa isang side si ate Seulgi at ang mortal kong kaaway. Oo, katapat ko nanaman siya kaya hindi ako makakain ng maayos.

 

"Your cooking is so good ma'am, thank you for inviting me." banggit niya habang kumakain kami.

 

Puta, tama ba yung narinig ko? may magandang salita na nanggaling sa bibig ng ate ni Rina.

 

"Irene ano ka ba, I told you to stop calling me ma'am, you may call me tita. Hindi ka naman na iba dito, you're part of the family you and your sister. Right Karina?" tumingin pa si mommy kay Rina na mukang naghihintay pa ng sagot mula sa girlfriend ko.

 

"yes po tita of course." sabay subo ni Rina after niya sumagot na halos hindi din marinig dahil medyo mahina yung boses niya.

 

 

Nagkakatinginan kami ng ate niya pero nag aalis din kagad ako ng tingin. Ang tagal ng takbo ng oras, gusto ko na malaman kung ano talaga ang magiging resulta nitong lunch na to. Ano nanaman kaya ang pagsubok na kakaharapin namin next week courtesy nitong nasa harap ko.

 

 

Napapansin ko lang, yung ate ni Rina ang lakas niya pala kumain pag gusto niya ata yung ulam at nakaka ilan kuha na din siya ng rice.

 

"Where did you and my cousin meet Irene?"  Tinignan ko kung kanino nanggaling ang tanong. Sa ate ko. Sa ate ko na nagiging sobrang taklesa kapag naging kumportable na siya sa mga kausap niya.

 

"We met through our common friend ma'am." sagot naman ng ate ni Rina sa ate ko. Natatawa tawa pa si ate Taeyeon bago nagsalita ulit. "Ano ka ba Irene, bakit mo ako tinatawag na ma'am? ate Taeyeon nalang or Taeyeon. Ito naman para ka naman others niyan eh."

 

"Okay ate Taeyeon."

 

Pasimpleng nagkatinginan kami ni Rina,at mukang parehas pa kaming na-aawkward.

 

"Matagal na ba kayo ni Irene, Seulgi?" bumaling naman ang ate ko sa katabi niya "Uh nakwento ko na ata dati sainyo ate Taeyeon. Yes medyo matagal na kami."

 

"May label kayo?" sabay tingin sa dalawang kausap "Wala pa ate Taeyeon. Pero- "

 

"Oh eh bakit wala pa? Bakit wala pa kayong label Irene?"

 

Naka focus nalang ako sa kinakain ko at ayaw ko ng marinig pa ang mga susunod na pasabog questions ni ate Taeyeon dahil alam ko na nagsisimula palang siya. Tumingin muna ang ate ni Rina sakanya at sumagot "Inaayos ko lang po yung sa work ate Taeyeon, but soon-" hindi na pinatapos ni ate Taeyeon sumagot ang ate ni Rina at nagsalita nanaman siya" Ayun naman pala Seulgi eh, ayiieee! Winter tignan mo, kinikilig si Seulgi oh, namumula na siya!"

 

Gusto ko na mag hukay mismo dito sa kinauupuan ko at magpakain nalang sa lupa dahil sa mga pinagsasabi ni ate. 

 

Akala ko tapos na si ate Taeyeon, pero mukang ginanahan pa lalo siya. Bumaling naman siya ngayon sa side namin ni Rina "Karina, close kayo ng ate Irene mo?" tumingin si Rina sa ate niya bago nagsalita " yes ate Taeyeon, close po kami."

 

"Ilan ba kayong magkakapatid?" sabay tingin kay Rina at sa ate Irene niya na parang naghihintay ng sagot. "there are three of us po. we have an ate, siya po yung eldest." sagot naman ni Rina

 

"oh that's nice. Isama niyo kaya yung ate niyo dito minsan, tara nood tayo dito ng movies or alis tayo."

 

Jusko ate Taeyeon please manahimik ka na.

 

"okay po ate Taeyeon." Napansin ko na napangiti yung ate Irene ni Rina nung sumagot ang kapatid niya.

 

 

 

 

Halos lahat kami ay tapos na kumain. Akala ko tapos na din si ate Taeyeon sa interview niya pero mukang hindi pa pala at parang marami pa siyang baon na questions.

 

"Winter, nakasama mo na ba si Irene and yung isa pang ate nila Rina?"tan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔