Stage 3.1: Check Labels For Expiration Dates

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

Song for this chapter: Colors by Yuna

 

Sa naalala ko. Ito talaga ang pinaka start ng mas madami pang kalokohan. Parang dry run nga lang ata yung mga ganap namin nung christmas break. Yun talagang Christmas break na yun ang the best para saakin. Unexpected at ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko namalayan para nalang akong natangay. The next thing I know, ito, andito na, trying to keep myself sane by writing a journal.

 

 

 

 

 

Back to School

 

Going back to school, means nakakamatay na trainings plus bundok ng plates and other requirements. Pero ako, hindi ko na iniisip yan, gagawin ko nalang lahat ng kailangan tapusin at issubmit ko on time ng walang reklamo. Hindi ko na pproblemahin kasi inspired ako eh. At sino ang akin inspirasyon, siyempre sino pa nga ba kung hindi si Karina. Si Karina na baby ko kahit wala kaming label. Nauna pa gamitan ng pet names kesa label, oh well kanya kanyang trip yan. Mukang mababaw pero sa totoo lang, nung dumating na si Karina mas ginaganahan, mas naexcite akong pumasok, mas naexcite akong bumangon, mas naexcite akong maligo, mas naexcite ako mag exercise, mas excited akong dumating ng maaga sa school. Basta lahat ng pwedeng ika-excite, ikina-excite ko na.

 

Flex ko lang pala dito, yung mga birthday gifts na natanggap ko from Rina. I really love her gifts, they are all on point. Na-touch ako behind the meaning of each gift.

 

 

The first gift she gave me, is a candle. She already knows that I'm into meditation kasi napag usapan na din namin yun, kaya natuwa ako when I opened it, it's a Jo Malone Lime Basil & Mandarin candle at ang reason niya for that? kasi daw it's the closest scent sa gamit niya na perfume, so everytime daw na I light it sa room ko, parang andun siya kasama ko.

 

 

The other one is a Givenchy laced black hoodie, hoodies and plaids are my favorite. I actually wanna know who her source is, sobrang on point kasi talaga ng mga binigay niya and  the meaning behind it? If I miss her cuddles daw and she won't be able to stay with me,I can think of it as her alternative daw. Kaya na-touch and sobrang kinilig ako while reading the note na kasama sa hoodie.

 

 

I really appreciate Rina's effort sobra, nakakahiya lang kasi hindi pa kami, we're not in a relationship yet pero nag effort na siya mag bigay and umisip ng gifts. Nakakahiya yung pinagbibigay kong mga itlog and gamot sa pasa, tangina no match eh. Kaya baby, get ready! On your birthday I'll sweep you off your feet! Nanakawin ko yung mga buto ng dinosaur na nakatayo sa museum, ilalagay ko sa kwarto mo.

 

 

Hay, I am so into you Rina, I cannot wait for what's to come. Sarap lang mabuhay. 

 

 

" Ning, anong problema niyan? bakit ganyan siya may pag hampas pa sa table." tanong ni Ryujin kay Ning.

 

 

"What is up with Winter? she doesn't look herself today, ano nangyari Ning?" dagdag ni Yeji.

 

 

" Hindi ko alam, parang nabati ata ng maligno to si Winter, pagdating niya kanina ganyan na."

 

 

"Tawagan ko na ba si tita or si ate taeyeon? She looks weird Ning wala bang nakwento sayo?"

 

 

"I don't know, basta pagmasdan niyo, tignan niyo ayan, muka siyang lutang na titingin sa phone niya, kinikilig tapos maya maya nagpipigil na ng tawa magisa parang gago. Paulit ulit lang yan kanina pa. Nag bawal na gamot ba kayo Ryujin nung nag beach kayo before pasukan? Aamin ka or ipapa drug test ko kayo?"  

 

 

" Gago ka Ning, you know na walang nag gaganun satin. Babe, talk some sense into Winter please, this is getting weird."  

 

 

Lumapit naman at tumabi si Yeji "Winter! hey! are you okay? bakit natatawa tawa ka mag isa ano meron?"

 

 

"Yeji ayan ayan tignan mo nagppigil ng smile, ayan kinikilig nanaman, sampalin mo na nga!"

 

 

"Hoy Winter, ano ba! wake up! Para kang gago ano ba nangyayari sayo??" Nagsisimula ng mainis si Ryujin.

 

 

"Ka-text ko si Karina bakit ba!!" inis kong sagot sa nakakarinding mga tanong nila.

 

 

"Ano ba sinasabi ni Karina bakit ngiti ngiti ka mag isa muka kang nauulol. Ano ba sabi, patingin nga!" Sabay kuha ni Ning sa phone ko.

 

 

Giant Baby:   I missed you while I was sleeping

 

Giant Baby:   My heart beats faster and louder knowing that you're just two buildings away from me

 

 

" Ay tangina naman Winter, ang cringe! Kilig na kilig ka dyan? Umayos ka nga, itatakwil ka na namin" Binalik na ni Ryujin yung phone.

 

 

"Ano ba yan, ginayuma ka ba ni Karina? gago ang down bad mo,kadiri."

 

 

"What's the score ba Winter, are you together now,like with label?" Seryosong tanong sakin ni Yeji. "Wala pa official date eh, but I wanna ask her next month. I have a plan na and I want it to happen as soon as possible. Inaayos ko nalang yung final plan ko. I want it to be flawless. I'll be needing help from you though."

 

 

"February is such a cliché month but okay, we'll help you of course. Nagkiss na kayo Winter?" Pinaalala pa talaga to ni Ning. "Hindi pa Ning, tanong mo sa crush mong leche kung bakit hindi natuloy."

 

 

"Bakit anong ginawa ni GigiUchi?"

 

 

"Boom huli ka! sabi na crush mo nga si Giselle! hahahaha."

 

 

"Napaka leche mo Winter!"

 

 

Yung first and second week na bumalik na kami sa school, medyo nilamon kaming lahat ng school works. Paulit ulit lang ang mga pinapagawa, wala naman bago, napaka dami lang talaga ng mga binigay na new modules for our plates. I could just imagine pag dumating na yung date of submission ng mga yun, puyatan nanaman kasi buhos.

 

Si Lia, she's coming back this week kasi na-move ng two weeks yung uwi nila from Canada. She asked to see me, baka tatambay nalang ako sa bahay nila sa weekend. Tingin ko nakaka sense siya na ang dami na niya na-miss out na kwento at may ikkwento din daw siya na dapat sa personal daw niya sabihin.

 

Ano nanaman kaya yung pakulo ni Lia. She has to know what happened nung December, kailangan niya malaman lahat. Kakilala pa naman niya si Rina and friend niya si Giselle. Ayaw ko na sakanila manggaling yung kwento about sa mga nangyari, lalong lalo na kung galing kay Giselle. Baka yung version ng kwento niya ang kalabasan parang I took advantage of them ni Rina. Yun ang pinaka iniiwasan ko kaya uunahan ko na talaga makusap si Lia. 

 

 

Si Rina, nakakasalubong ko pa din sa path walk, the usual schedule namin, Tuesday, Wednesday and Friday. Pero grabe ang naging development namin. Ibang iba na ngayon, kung dati ang natatanggap ko masamang tingin at simangot, ngayon extreme level up na. Hindi ko alam na may tinatago pala siyang harot. Kung titignan mo kami, iisipin mo talaga na we're a couple na may label, pero wala pa talaga kaming label, but, nakaplano na at may idea na ako kung pano ko siya tatanungin to be my girlfriend.

 

 

I always get taken aback sa mga pakulo ni Rina lalo pag nagkakasalubong kami. Ilan beses na kami nagkikita papasok ng first class this month, so ibig sabihin madaming beses na din akong nawindang. Nung bandang huli, sinabayan ko na din siya sa mga trip niya kasi hindi pwedeng yung giant baby ko lang yung may pakulo noh, dapat ako din. 

 

 

First time namin magkita sa campus after ng pagpunta niya samin nung birthday ko. Nagkasalubong kami ng tuesday since parehas na umaga yung class namin. Nung nagkatinginan kami, kitang kita ko na kagad yung smile niya na gustong gusto ko, nung papalapit na siya sakin, grabe yung kilig ko pero nung nag tapat na kami naglaho din bigla dahil pinalo niya ng napaka lakas yung pwet ko sabay lakad na parang walang nangyari. Lumingon pa siya saakin at ngumiti ng nakakaloko. Ang aga aga pa nun, mga quarter to seven, nakakahiya dun sa mga estudyanteng nagrreview dahil nagulat pa sila sa tunog at napatingin tuloy sila samin. Ang lutong nung palo niya at napaka tahimik sa lugar na yun kaya rinig na rinig. Umagang umaga nagkalatay tuloy yung kaliwang cheek ko.

 

 

Sinadya kong hintayin siya minsan dun sa path walk, hindi kasi ako talaga dadaan dapat nun dahil excused kami sa class. Habang nakaupo ako, dinaanan niya lang ako sa bench at hindi manlang siya tumingin sakin, kaya gulat na gulat siya nung hinabol ko siya at may binigay ako na paper bag. Binilan ko siya ng grilled cheese sandwich and Iced coffee for breakfast. Halatang gulat siya, dahil akala niya ata ibang tao ako, hindi kasi ako naka uniform nun, naka jersey ako that day dahil may football training kami. Muka naman natuwa si giant baby dahil namula yung tenga niya at ang cute ng smile niya.

 

 

Third time na nagkasalubong kami, biglang hinawakan niya yung kamay ko nung nagkatapat kami sabay may inabot sakin na letter, nung pag dating ko sa classroom at tinignan ko yung letter, sobrang kinilig ako. Meron palang nakaipit na card na may schedule. Inayos niya pala yung class schedule namin, pinagsama niya at nilagay sa iisang card. Dalawa yung ginawa niya para parehas kaming may copy. Kaya pala hiningi niya sakin yung schedule ko the night before. Para daw hindi kami mahirapan at nagchcheck pa sa phone. Isang date palang yung meron kami pero andito na kami sa ganitong stage, magrereklamo ba ako, siyempre hindi.  

 

 

Ito yung isa pa sa pinaka nabigla ako, buti wala masyadong tao sa paligid nun dahil sobrang aga pa. Kung titignan mo, wala siguro kami pinagkaiba sa mga couple na nakakasuka at todo pda kung saan saan. Seryoso ang muka ni Rina nung nakita ko siyang naglalakad papunta sa direksyon ko. Halatang bad mood siya that day kaya sabi ko sa sarili ko hindi ko muna siya kukulitin or aasarin nun. Hindi maganda ang gising niya, pag napikon siya malamang buong maghapon na yun. Dirediretso lang yung lakad ko nun at wala akong balak na pansinin siya. Patuloy lang ako hanggang sa naramdaman ko nalang na may kamay na humatak sa bandang kanan ng leeg ko at nakatanggap ako ng halik sa kaliwang pisngi ko.

 

Papatalo ba ako, siyempre hindi. Kaya ayun abang nanaman ako sa path walk, naisip ko kasi na paulit ulit na yung ginagawa namin so kailangan ng baguhin. Hinintay ko ulit siya na dumaan at nung nasa tapat ko na siya, binigyan ko siya ng flower, letter and sandwich with iced coffee. Nakatingin lang siya sakin habang kinukuha ko yung mga books na dala niya at muka siyang nagtataka. Hindi ako nagsalita, I just held her hand, pinag intertwine ko yung mga daliri namin at sabay kaming naglakad patungo sa building nila. 

 

 

Simula ngayon, sa araw na Tuesday, Wednesday and Friday hindi lang kami magkakasalubong ni Rina, kasi walang mintis na sa mga araw na yun ay hinahatid ko na yung giant baby ko dun sa building nila.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel 0 points #1
Chapter 116: BRUH IM DONE NA huhu
Azikiel #2
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#3
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #4
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #5
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#6
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #7
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #8
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #9
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#10
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!