Stage 2.4: Princess Nini

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

*Current*

 

Hindi na maalis ang atensyon ni Ning sa journal na napulot, tutok na tutok siya dito kaya naman hindi niya napansin na kanina pa siya tinatawag ng driver niya.

 

"ma'am. ma'am Ning, sa condo po ba kayo uuwi or sa bahay sa Makati?"

 

"ah sa condo po, kasi may work po ako"

 

Mula sa kwarto, napunta sa sala at ngayon pauwi na sa bahay ni Ning yung journal ni Winter.

 

 

 

 

Sariwa pa sa isip ko ang detalye dun sa nangyari saamin dati ni Karina. Nung sinamahan ko siya bumili ng dress. Wala ako pinag sisisihan sa ginawa kong matinding self control, hindi ako bumigay kasi I respect her. Kung ano yung respeto ko kay Karina dati, mas tumibay pa lalo yung nung girlfriend ko na siya. She deserves everything good in this world, kahit pa gusto ko siyang kutusan dahil ang sungit sungit niya sakin. Hindi ko na siya nakakausap ng matino.

 

 

Anyway, tuloy na natin, gusto ko na ireminisce yung mga ganap namin ni Karina at ng mga kaibigan ko. 

 

 

 

 

December 29, Ilan Days Nalang Birthday Ko Na

 

 

"So ang laki na nga ng na-accomplish mo Winter. Dati kasi ang pnproblema lang natin yung name ni Karina, phone number niya tska kung straight siya. Ngayon naghubad hubad na siya in front of you at nakita mong naka underwear lang! tapos nahawak hawakan mo pa yung likod. Parang nag accelerate ka ng limang levels sa school niyan eh."

 

 

"Ano ba yan, don't make it sound like that naman Ryujin, ayusin mo! tinulungan ko lang siya, yun lang."

 

 

Siyempre hindi ko aaminin kay Ry na medyo may nafeel ako pero pinigilan ko naman yun noh. Walang ual urge or kahit ano. Mas nanaig yung idea na si Karina yun, hindi kung sino sino lang. It may seem traditional pero she deserves the best treatment.  Hindi yung session na naka standing face to face posi- Okay enough. Ang aga pa para sa mga ganyang thoughts.

 

 

Random hook ups, and momols. Okay lang naman but it's not my cup of tea. Parang yung pag nagugutom ka tapos wala kang makitang okay na food sa ref kaya nag settle ka nalang dun sa nakita mong cake na parang three days ng andun, or yung wala kang mapanood sa netflix kaya nanonood ka nalang ng crime documentaries na nakakaantok. Ganun ang analogy ko sa casual . 

 

 

"At ito pa Winter ha, you kissed the bestfriend."

 

 

"Sira, nagawa ko lang yun kasi nga naawa ako kay Giselle, sobrang rude kasi nung lalaki grabe. Yun nalang naisip ko para mapatigil siya."

 

 

" So anong lasa?! "

 

 

"What the , Ry can you stop?"

 

 

"Hahahaha nagtanong lang eh."

 

 

"Shut up."

 

 

 

 

 

Andito kami ngayon sa flower shop and cafe. Hinihintay namin yung pinapagawa ni Ry na flowers at ako naman ippick up ko na din yung inorder ko na small charcuterie board para sa napaka brilliant and talented friend namin na si Ning. Nagpphone lang ako ngayon, naguusap kami ni Ryujin at nagbbrowse din ako sa twitter just to kill time.

 

 

Seulgi baebeh: winter! i forgot to tell you nakita pala kita sa mall the other day. sino ba kasama mo nun? ang dami mong bitbit muka kang naglalakad na paper bag

 

 

Ang aga naman maki chismis nito ni ate seul. 

 

 

Ano nanaman ba to. Habang nag pphone ako naka receive nanaman ako ng ig notification from Giselle.

 

 

After ko makasama ng dalawang beses si Giselle nadadalas na din siya mag comment at manggulo sa social media accounts ko, naka-on ata yung notifications niya sakin, sa totoo lang mas madami pa siyang reactions kesa kay Karina. Wala siyang ibang ginawa kung hindi barahin at laitin ako sa mga stories ko. Ganito ang mga trip niyan sa ig. One time nag post ako sa story ng pic namin ni zero yung dog ni ate, naka hug ako dun sa aso tapos ganito yung comment ni Giselle, "conjoined twins"

 

 

Nag post ako ng niluto kong pasta, ang comment ni Giselle, "yuck may buhok"

 

 

Nag post ako sa feed ng family picture, pic namin ni mommy and ate, ang comment ni giselle, "i could tell that you're adopted" kahit sobrang magkakamuka kaming tatlo.

 

 

Ngayon siya na nga yung first na nag view, first to comment pa. Nag post kasi ako sa story, selfie namin ni Ryujin na walang caption. 

 

 

Aeri Uchinaga:

 

Winter I swear to god pag sinabi mo dyan sa friend mo yung sinabi ko yesterday, I won't think twice, pupuntahan kita sa bahay niyo and I will strangle you

 

 

Hahahahaha oo nga pala crush niya nga pala si Ry. Tignan mo to si Giselle napaka assumera talaga. Hindi ko na nga naalala pinaalala niya pa. Aasarin ko nga.

 

 

Kim User_010101:

huh?

bakit ka naman namin paguusapan?

you ain't that important hun

 

 

Aeri Uchinaga:

 

come on winter, i dont trust you

 

 

Kim User_010101:

 

wala ako balak mag sayang ng laway just for u

 

Aeri Uchinaga:

 

PISS OFF!

 

 

Kim User_010101:

 

u have a nice day as well Giselle!

 

 

Mag story kaya ako ulit, exclusive for Giselle. Tinawag ko si Ryujin na nakaupo sa harap ko. "Ry picturan kita. Tingin ka sakin, tapos angle your head slightly to your right, wag ka mag smile. Ayan okay na yan!"

 

 

"Para saan yan winter?" 

 

 

"Wala basta"

 

 

Okay caption.... and... post!

 

 

story caption: #theGwapoGirl

 

 

 

Aeri Uchinaga:

 

you think that's funny Winter? alright 

 

Kim User_010101: 

 

iyak ka na!

 

 

Hahahaha at hindi na siya nag reply. Winter 1 Giselle 0.

 

 

"let's go Winter baka naghihintay na si Ning."

 

 

 

 

 

On the way kami sa bahay ng best friend ko. May natanggap kasi akong balita kagabi nung pagkauwi ko galing kila Karina. Tumawag sakin yung kuya ni Ning sinabi na tinakbo nila sa ER si gaga dahil naaksidente daw ito. Tinanong ko kung malubha ba ang kalagayan niya dahil naka ready na akong tumakbo sa ospital, pero hindi na daw kailangan kasi outpatient lang naman. Kaya ngayon nalang namin siya dadalawin ni Ryujin.

 

 

Nagpabili si Ning kay tita ng pole para sa new found "sort of release" hobby niya which is pole dancing. Kagabi dneliver yung pole at ipnwesto sa kwarto niya. Itong si atat bida bidang nagpakitang gilas, bumwelo pa para gayahin yung pole dancing routine na napanood niya sa youtube. Nagulat nalang daw sila tita ng may narinig silang napaka lakas na kalabog at parang nahulog na mga gamit na mukang nanggaling sa kwarto ni Ning. Nagmadali silang tumakbo paakyat, hanggang sa nakita nalang daw nila siyang nakasalampak sa sahig na namumutla at namimilipit sa sakit, hawak hawak din niya yung kaliwang braso niya. Hindi pa pala nakakabit yung mga screw nung pole dahil inalok na muna ni tita ng dinner yung mga magkakabit, ipinwesto lang daw muna nila yung bakal at kkumpletuhin nilang ikabit yung mga screw pagka tapos nilang kumain. Kaya ang nangyari, kagabi na-deliver ang pole, kagabi ito kinabit at kagabi din napilayan ng braso si Ning.

 

 

"Winter, our gift for Ning, don't you think this is too much? okay lang naman na bigyan natin siya ng flowers and food dba kahit minor injury lang? hindi ba oa?"

 

 

"Okay na yan nabili na natin eh."

 

 

Pinapunta din kami kagad ni tita sa kwarto ni Ning. Pero may konting holiday greetings at nakipag kwentuhan lang kami saglit sakanya sa sala.

 

 

 

 

 

Pagka bukas ng pinto ng kwarto, nagkatinginan kami ni Ry at sabay napatigil.

 

 

Gulat ang muka ni Ryujin habang nililibot ang mata sa kwarto "Tangina? inoperahan ba siya?" Nagpipigil nalang ako ng tawa dahil mukang tulog si tanga at ayaw pa namin siyang gisingin."Winter, bakit ganito tong kwarto ni Ning?" tulad ko nagpipigil na din ng tawa si Ryujin. "Ano ba to, kwarto, ICU o Blue Magic? kulang nalang may magpadala na din nung bulaklak na may stand eh."

 

 

Hindi ko na talaga napigilan at nagtawanan na kami ni Ryujin.

 

 

Yung binili namin na flower at food para kay Ning hindi mo na mapapansin sa sobrang daming bulaklak, lobo at stuffed toy na mukang pinadala ng mga family friends nila kay tanga. Akala mo naman napaka lubha eh naka cast lang naman yung k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔