Stage 3.16: What Happens in The Basement Stays in The Basement

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

Kahit ngayon na yuppies na kaming lahat, kapag ipapaalala ko kay Ning and Yuna yung thriving Youtube career nila nung college, gusto pa din nilang magpakain sa lupa or mag evaporate nalang sa kawalan. The Ilocos vlog na kahit kailan hinding hindi namin makakalimutan, ngayon when we look back at it nakakatawa nalang pero during that time grabe yun. Naalala ko isa sa mga pinaka napikon at kumulo dugo about sa nangyari dati ay walang iba kung hindi si Giselle.

 

 

 

 

 

 

 

Ang usapan talaga namin ni Karina by Monday uuwi na kami sa Alabang, pero nagkaron ng change of plans at na-extend yung stay niya sa condo ko ng two days pa. Bigla kasi kami nagkaron ng training nung Monday at Tuesday. Ito yung usapan na babawiin namin days para makasama kaming tatlo nila Ry sa Cebu.

Nag decide kami na ngayon nalang umuwi since tonight din gagawin yung house or viewing party kila Giselle. Buti nalang pumayag yung parents niya na mag extend pa siya ng stay dito sa condo at kinausap din namin si ate Irene para makapag paalam ng maayos. Mahirap na dahil baka mapagalitan pa si Karina dahil lagi nalang siyang wala sa bahay nila.

 

 

 

 

Pag gising ko nakahiga na ako on top of my giant baby, ito yung usual namin pag natutulog, we always wake up cuddling at nasanay na kami sa ganito. Most of the time nagigising nalang kami na magka hug or we are spooning.

 

 

 

 

Ako ang nauna gumising at bumangon ngayon umaga dahil kailangan ko na mag meditate. I need to go back to my normal routine kasi malapit na yung pasukan at nag ttraining na din kami. This is necessary because it actually helps a lot, mas nakakapag isip ako ng maayos at madami ako natatapos.

 

 

 

 

After the twenty minute meditation, dumiretso na ako sa kitchen to make coffee, hinayaan ko nalang matulog si Rina dahil 7am palang naman. Medyo maaga din kami nakatulog kagabi dahil grabe yung training namin kahapon at sobrang napagod ako.

 

 

Gagawan ko na ng coffee si Rina para sakto pagka gising niya. Yung espresso maker dito sa condo, nagagamit lang to everytime na andito siya. Usually kasi bumibili lang naman ako ng coffee sa Starbucks para mabilis and hindi ko na kailangan pang ma-hassle mag grind ng coffee beans tapos wala na din ako kailangan hugasan pa na portalifter.

 

 

"Good morning my snail puppy." Napatigil ako sa ginagawa ko nung marinig ko na binati ako ni Rina. Hindi ko namalayan na lumabas na pala siya ng kwarto. "Why did you wake up ang aga pa baby, you can sleep longer."

 

 

"Wala ka sa bed when I woke up that's why I came here to look for you. What are you doing?"

 

 

"I'm making coffee, blonde espresso lang meron sa pantry okay na ba sayo to?"

 

 

"Yes it's fine, thank you." Tuloy lang ako sa pag gawa ng coffee, tinignan ko si Rina na mukang half asleep and nakapikit pa. Nakaupo siya sa counter wearing her pajamas, nilapitan ko siya para ayusin yung buhok niya. "Baby you're still sleeping kahit nakaupo and sumasagot ka na dyan, you're so cute ang gulo pa ng hair mo, natatakpan yung muka mo. Dun ka muna sa living room baka makatulog ka dyan mahulog ka pa from the stool." 

 

Hinatid ko siya sa sala at humiga na sa couch, mukang inaantok pa talaga siya pero lumabas na siya ng kwarto.

 

 

 

 

10:00am na, nakaka dalawang chapters na ko sa binabasa ko na book pero hanggang ngayon tulog pa din si Rina. Akala ko nung una mag na-nap nalang siya. Nakahiga siya dito sa couch at naka upo naman ako sa paanan niya, mukang ang sarap ng tulog niya kasi naka taas pa yung kanan paa niya sa backrest ng sofa pati na din yung isang arm niya. Hindi talaga ako magsasawa na makita siyang ganito, seeing her like this means sobrang comfortable na talaga namin sa isat't isa.

 

 

Ning Praning:   hi good morning loves!

 

Gaylord:  sino ka

 

Li-Vogue:   hi Ning good morning!

 

Ning Praning:   Li sabay tayo later going to snuggie's place i'll pick you up

 

Li-Vogue:   alrightyyy what time?

 

Ning Praning: is 6 okay?

 

Li-Vogue:   yup see you 

 

Winter Kim:   ako hindi mo dadaanan? I'm here sa condo

 

Yoga Jones:  good morning see you later guys!

 

Ning Praning:  see you Yej!

 

Ning Praning:   bahala ka mag isa mo winter sobrang out of the way ka. malamang ipagddrive ka din naman ni karina kasi pabebe ka

 

Gaylord:   gago ang harsh hahaha

 

Winter Kim:   kita mo yung difference kung pano mo kausapin si lia and yeji sa kung pano mo kami kausapin ni Ry? kulang ka talaga sa kutos eh

 

Gaylord:   wala winter nagka 6k subscribers lang sa yt hindi na niya tayo kilala

 

Ning Praning:   sino ba kasi nagsabi na kasali kayong dalawa sa good morning loves greeting ko? for lia and yeji lang yun

 

Winter Kim:   humanda ka samin mamaya ano ba meron, house party talaga?

 

Ning Praning:   ahuh so there's unlimited alcohol are you guys driving? you can sleep naman in winter's place if you wanna drink

 

Winter Kim:   wow ang tindi Ning grabe

 

Ning Praning:   goldern rule for later BEHAVE! mahiya yung isa dyan kay Yeji

 

Yoga Jones:   hahahaha babe Ning's calling you out!

 

Gaylord:   nag promise na ako dba babe? wag ako sabihan mo ning yung best friend mo

 

Winter Kim:   hindi ko kayo kilala mamaya si karina lang kakausapin ko

 

Li-Vogue:   see you later girls no break ups after tonight okay?

 

Gaylord:   wow naman lia wala ka nanaman preno 

 

Winter Kim:   "see you later girls no break ups after tonight okay?" sagot ni ryujin dyan ganito  "We'll see!"

 

Gaylord:   hoy gago winter! Yeji wag ka maniniwala sa mga sinasabi niyan nag promise na ako babe

 

Yoga Jones:   okay we'll see!

 

Ning Praning:   o ayan gago hahahahaha lagot ka

 

Gaylord:   mga leche sige na we will see you later

 

 

 

Tinuloy ko na ang pagbabasa ng libro ko, napansin ko na nagsstretch na si Rina at mukang gigising na talaga siya. Usually pag wala siyang gagawin ang tagal niya talaga matulog. "Pup"

 

 

"O?"

 

 

"I'm awake!"

 

 

"Yeah I can see that, totoo na ba this time? baka nag sleep talk ka nanaman. I'll heat the espresso in the microwave nalang ha, lumamig na eh."

 

 

"Okay thank you, but come here muna I want to cuddle." Tumabi ako sakanya sa couch at niyakap niya ako. "Can I kiss you?" Tanong ko sakanya.

 

 

"No wait, I haven't brushed my teeth yet."

 

 

"Wow naman big deal pa pala sayo yung morning breath mo babe, it always smells so good naman, sige na kiss lang."

 

 

"Later, nacconcious ako pup."

 

 

"Nacconcious ka? parang hindi ka naman na-concious nung nakataas pa yung paa mo and nakanganga ka kanina when you were sleeping."

 

 

"haha stop it, your place is so cozy and I sleep good here. Come, I wanna kiss your face and hug you." Nung humarap ako sakanya, she showered my entire face with light kisses habang nakapulupot yung braso niya sa leeg ko at niyayakap niya ako ng mahigpit. "Oh my god Karina mag toothbrush ka na!"nag takip ako ng ilong.

 

 

"What why?!! Winter totoo?!" Chneck niya yung breath niya kahit pinag ttripan ko lang naman siya. "Kidding, ang bango kaya ng breath mo lagi, amoy toothpaste." She gave me a peck at kinuha na niya yung phone niya. "Pup it's 10:30, we haven't even had breakfast yet ang late na."

 

 

"It's okay wala naman tayo gagawin today, what time are we going home?" 

 

 

"Around four? I'll be the one to drive us."

 

 

"Gusto mo hatid muna natin yung mga gamit mo sa house niyo?"

 

 

"Yeah that's better let's just have brunch do you want me to cook pasta?"

 

 

"Sige kahit ano."

 

 

"Alright I think I know what to cook na, but I'll be needing your help."

 

 

Simula nung Sunday puro home-cooked meals lang kami dito sa condo at talagang hindi na kami nagpadeliver kahit once. Good for one week pala yung mga dala niyang grocery but most of them are vegetables, there's no pork and beef puro chicken lang. Overall okay yung living together trial namin na dapat four days lang pero it turned into six. Surprisingly we had fun at nagustuhan talaga namin yung set up, pinaka favorite ko talaga is when we do things together. Sobrang okay kasama si Rina sa house because she is neat, ang sipag niya at hindi siya maarte. Although kailangan talaga namin mag improve pareho with the way we spend.

 

 

 

 

"Pup do you notice mas masarap yung food if we prepare and cook it together?"

 

 

"Inuuto mo ata ako eh you just want me to help you everytime magluluto ka."

 

 

"No hahaha I'm just saying."

 

From dun sa first dinner namin ni Karina sa bahay nila nung December, sobrang ang laki na ng pinag kaiba, ewan ko kung ano nag shift pero ang sarap na talaga niya mag luto ngayon. Parang nakuha na niya and sanay na sanay na siya. Iniisip ko baka kasi nagkaron siya ng taga taste test kaya tumatama na yung lasa and timpla. "Ang sarap nga babe, mom and ate would definitely like this."

 

 

"You can cook for them next time and I'm gonna help you. Ate Taeyeon might talk to you na if she likes it."

 

 

"Hmmm not bad sige pwede."

 

 

 

After we had our brunch nag stay muna kami ni Rina dito sa dining at ginawan ko nalang ulit siya ng espresso. Naguusap lang kami about sa party ni Gigi mamaya and tinitignan namin yung mga photos from Ilocos.

 

 

"Pup check this out." Pinakita sakin ni Karina yung phone niya, it's Gigi's recent ig story. Clip nung basement nila kung saan gagawin ang party mamaya. "Baby, grabe that's a whole party set up, eh manonood lang naman tayo nung vlog nila."

 

 

"That's how she supports Ning."

 

 

Akala ko nung una all of us will be hanging out in the basement tapos manonood lang sa projector nila. Grabe yung set up sa bahay nila Giselle, and take note, it's gonna be held on a Wednesday. "Babe it is like a house party na parang siningit lang yung viewing."

 

 

"Well that's Giselle, she likes throwing parties and events."

 

 

"Baby may tatanong ako pero don't get offended ha."

 

 

"Shoot, I won't take any offense. What's that?"

 

 

"Sa tingin mo satin lahat kasama na dun si Heejin, sino pinaka magastos?"

 

 

"That's a good question but that's a hard one to answer."

 

 

"It's not that hard kasi top one na kagad dyan si Giselle!" 

 

 

"Hahahaha that's mean, but yeah I agree she takes first place. We should change the question, I think the most practical one I know is Yeji because she thinks and consider things before spending money."

 

 

"I agree with that one although galante siya kay Ryujin tsaka ang mahal ng groceries niya grabe, it's because of her diet kasi. Wait, medyo magastos pala si Yej sa mga workout stuff niya."

 

 

"Okay so wala pala, what if we change it a bit, who is the most magastos and extra nalang, there should be a rank."

 

 

"Okay sige let's start, sure talaga ako na number one si Gigi like no one can dethrone her. Who takes the second spot?"

 

 

"My favorite person on earth."

 

 

"who?"

 

 

"It's you my snail puppy you take the second spot."

 

 

"Bakit ako? Pag sa surprises and gifts lang naman ako eh. Ning should take the second spot tapos si Lia kasi grabe sila mag shopping, have you seen their walk in closets? Grabe kaya, so hindi ako dapat kasali sa top three. Heejin should be next to Lia, you should see her house tapos pumunta ka sa room niya, you'll get what I mean."

 

 

"Okay then you get fifth place. You cannot deny it Winter, all of us know it, even you. Just be honest pup that's the reason why I sort of control your spending nga dba."

 

 

"Hindi wait lang dapat wala ako sa top five. Ano lang naman ba binigay ko sayo wala naman masyado."

 

 

"Oh you want me to total all the gifts you gave me for my birthday, the twelve days of Rina you did, plus the other random gifts, you think how much do they cost?"

 

 

"Eh ganun ka din naman ha yung mga gifts mo sakin, you like giving random surprises din. What do you call the things you brought yesterday and the lamp, hello?!"

 

 

"The Contax film camera says hi Winter."

 

 

"Tama na nga wag na natin pag usapan yan. Basta when the time comes that we have our own place na kailangan natin umayos babe."

 

 

"I'm pretty sure we can work that out, matagal pa naman."   

 

 

 

 

 

 

 

3:40 pm

 

Nakabihis na ako at uuwi na kami sa Alabang magpapalit nalang ako when we go to Gigi's place mamaya, hindi kailangan magmadali dahil two blocks lang layo ng bahay nila samin. Maaga kami aalis kasi weekday ngayon at sigurado na sobrang traffic nanaman.

 

 

"Baby are you ready?!" Andito na ako sa living room waiting for Rina. Nakaayos na din yung mga gamit niya at iniwan nalang niya yung ibang clothes niya dito sa condo. "Pup can you come here for a second?!" Tawag niya sakin. Pumunta muna ako sa bedroom para icheck kung tapos na ba siya.

 

 

"Yes?" Pagdating ko, nakabihis na din siya and she looks so ing great. "Rina ang ganda mo grabe wag ka na kaya umuwi dito ka nalang mag stay forever."

 

 

"Haha what? Hindi pa pwede don't worry we'll get there, next time we will be living in the same house na."

 

 

"Promise? why did you call me pala?"

 

 

"Because I'm going to put my lipstick on and I wanna kiss you before I do that. Here sit on my lap, I'm gonna miss you Winter."

 

 

The downside of being together ng ilan days is the separation anxiety after. One week pa naman yung naging stay niya dito, technically ito yung pinaka matagal na nagkasama kami. It's kinda hard now kasi nasanay nanaman na nagkikita kami for how many hours tapos tabi pa kami matulog and we did a lot of things. 

 

 

"Me too, I'll miss being with you." Umupo ako sa lap ni Rina at niyakap ko siya. "I cannot wait to live with you na Pup."

 

 

"Sabi mo nga we'll get there, parang ilan years nalang malapit na din yun. Papayagan kaya tayo?"

 

 

"If we're both working na there's a possiblity na pumayag sila. I'll look forward to it, that's one of our goals."

 

 

"One of our goals? Okay I can't wait."

 

 

"Let me kiss you na Winter we need to go."

 

 

"Of course baby, you don't have to ask." I brought my face closer to hers and we started kissing. Grabe mammiss ko talaga siya kasama sa bahay and katabi matulog every night.

 

 

Hinalikan ko muna si Rina ng madaming beses sa muka before ako umalis sa lap niya. "I love you. Hurry up,  I'll just wait for you in the living room."

 

 

"I love you too Winter, so much."

 

 

 

 

 

 

 

 

10:30pm 

 

 

Around 10 na ng gabi nung dumating kami sa party, nag stay pa kasi kami sa bahay nila Karina at hinintay nalang namin yung message ni Ning kung madami ng tao. Akala ko talaga nung una mga nasa twenty lang ang aattend, pagbaba namin sa basement para kaming nasa club. Most of the attendees are crowd ni Yuna, friends ni Ning from the dance studio and the rest mga acquaintances and circle of friends nila Karina.

 

 

**Paranoia by Pop Smoke currently playing**

 

 

Nakita na namin sila Ryujin, Yeji and Lia, mukang tinotoo nga ni tanga yung sinabi niya sa chat. Literal na nakakapit lang siya kay Yeji. Nung pagkakita nila samin, lumapit at bumulong kagad siya sakin. "May mga hatdawggs dito Winter. Hey wait, tikman mo to, kinuha na kita ng drink."

 

 

"Babe you wanna try this?" Tanong ko kay Rina. "No pup, I'm just gonna get a martini later."

 

 

"What the ano ba to? kadiri naman tong drink mo Ry, first drink pinainom mo kagad ako ng gin? Nakita ko nga eh ang daming hatdawggs sa labas, baka naman high school friends nila Gigi. Bayaan mo sila basta hindi umeepal."

 

 

"Andyan yung hemispheres kaya wag kang magulo sumama ka lang kay Karina."

 

 

"Anong hemispheres?"

 

 

"Tanga yung North, South, East and West."

 

 

Natawa ako sa sinabi ni Ryujin. Medyo madami nga talagang umattend dito sa party kaya parang puno ng crowd yung basement. "Ikaw lang naman yung na-tetense sa hemispheres na yan eh. Wag kang gagawa ng kung ano mahiya ka nga kay Yeji."

 

 

"Hindi talaga noh, hindi ko sasayangin yung relationship namin. Ang swerte swerte ko kaya sakanya."

 

 

"Sige pa Ry convince yourself. Wag mo kasi silang tignan di hamak naman na mas maganda yung girlfriend mo noh, mas fit tsaka matalino pa. Pumikit ka nalang kaya, bukas ka na dumilat leche ka."

 

 

Hindi ko namamalayan na nakakapit din ako kay Karina habang nag bubulungan kami ni Ryujin. Parehas lang pala kami na sobrang clingy ngayon gabi kasi nakita ko na nakahawak yung dalawang kamay niya sa braso ni Yeji kahit pa busy sila makipag socialize ni Lia sa mga tao.

 

 

"Sabi mo andyan lahat, so andito si Isa?"

 

 

"Yes, lahat nga Winter as in the whole class is here."

 

 

"Bayaan mo sila hindi mo naman kailangan yan mga yan, mag hi ka nalang pag kinausap ka."

 

 

"Gago bakit ako mag hhi."

 

 

"Wala mag hi ka lang, pag tinanong sayo saan yung restroom isagot mo hi."

 

 

"Para ka din talagang gago minsan Winter. Dito nalang tayo okay wag tayong aalis."

 

 

"Nakakatawa ka Ry para kang may social anxiety tapos pinilit kang lumabas sa bahay niyo. Para kang napaparanoid kasi sobrang allergic ka sa tao."

 

 

"Eh kasi naman, ayaw ko na maulit yung nangyari, I will keep my promise."

 

 

"Keep your promise pero tensyonado ka dyan umayos ka nga, isa lang talaga ibig sabihin niyan Ryujin, alam mo kung ano?"

 

 

"What?"

 

 

"Cheater ka and hindi mo talaga mapigilan sarili mo!"

 

 

"Bwisit ka talaga Winter."

 

 

"Aray gago ang sakit!" Napaatras ako nung bigla akong kurutin ni Ryujin sa tagiliran. "Ikaw pag narinig ka ni Yeji ah."

 

 

"Pano ka maririnig eh tangina puro bulungan nga tong conversation natin. Mahuhuli ka pa kakakurot mo sakin."

 

 

"You know na hindi ako ganun okay, hindi ko pag papalit kung ano meron kami ni Yeji."

 

 

"Amen to that. Tara inom tayo let's go to the bar bitin tong binigay mo eh, pero teka lang, kailangan ko isama tong party buddy ko." Inangat ko yung kamay namin ni Rina na magkahawak at pinakita ko kay Ryujin. "Pup, what's that?"

 

 

"Nothing baby gusto lang namin kumuha ng drinks sa bar. Can I just go with Ry?"

 

 

"Winter dapat pala bumili tayo ng posas since parang kanina pa kayo magkahawak."

 


"Ewww ang mo naman. Tara na Ry, hard ha! Mag ddrive ka ba?"

 

 

"No, susunduin kami ng driver kaya tara na!"

 

 

 

**Drip Too Hard by Lil Baby and Gunna currently playing**

 

 

 

Nagpaalam pa ako kay Karina na pupunta lang kami sa bar. Nung aalis na kami ni Ry, obviously hindi din natuloy kasi hindi siya pumayag. Ito kami ngayon, magkahawak na naglalakad at nakikipag gitgitan sa mga tao papunta sa dj booth kung nasaan sila Giselle.

 

 

"Pup are you okay? I'll introduce you to some of our high school friends then we can go back to Yeji and Ryujin after, you can also start drinking."

 

 

Sumusunod lang ako kay Rina papunta kung saan nakikipag usap sila Giselle sa group of friends nila. Ito ata yung mga kaibigan nila way back high school pa. Actually may mga familiar, maybe because naka interact na namin or nakalaban dati sa sports. Sa all girls high school football naman kasi mga schools lang din namin yung naglalaban sa mga match.

 

 

"Hey guys I would like you to meet Winter, my girlfriend."

 

 

I introduced myself and nag hi ako sakanila. Nag smile and nag greet back din yung mga friends nila Rina.

 

 

"Here she is, Winter is one of my favorite people, siya yung pinaka nagustuhan namin for you Rina, that's what I've been telling these guys." Medyo na-move ako sa sinabi ni Yuqi, isa talaga siya sa mga tao na puro positive remarks ang binibigay about sa relationship namin.

 

 

"Thank you Yuqi, favorite din kita eh, I've already told you that." Balik na sagot ko sa sinabi niya. "Yes of course I know that Winter."

 

 

"You are actually all over Rina's instagram feed. That's something new because she never posts the person she is with." comment nung isa sa mga friends nila.

 

 

"Well my best friend here has changed and she became a total simp for Winter." 

 

 

"Shut up Gi. Don't flatter my puppy too much."

 

 

"Come again, did you just call her your puppy?" Tanong nung isa sa mga girls na kasama nila. "Yes, she's my snail puppy that I love so much." 

 

 

Tangina hindi ko tuloy alam kung ano yung maffeel ko, mahihiya ba ako na tinawag niya akong tuta sa harap ng mga friends niya or kikiligin ba dapat ako because she announced in front of them that she loves me. Usually hindi ganito ka-vocal and extra si Karina pag nakaharap sa ibang tao. Kaya puta susulitin ko to at hindi nalang ako mag rereklamo kahit pa nagkaka identity crisis na ako kakatawag niya sakin ng puppy.

 

 

"Rina this version of you is quite interesting and different. What happened to the stern one, where did she go?" tanong nung isang hatdawgg na matangkad.

 

 

"That's long gone, but this version is exclusive for her." sabay umakbay siya sakin.

 

 

"Rina look at her, Winter is blushing and she can't contain it." Ang galing talaga makapansin ni Chaeryeong. Hinarap ni Rina sakanya yung muka ko, nung una akala ko titignan niya lang kung namumula pero nagulat ako nung bigla niya ako hinalikan sa noo."Pup did I make you blush?"

 

 

"No. I am not blushing."

 

 

Natatawa yung mga friends nila sa ginagawa ni Karina, mukang ngayon lang ata nila siya nakita na ganito yung mga kinikilos.

 

 

"Hey all of you stop staring at my puppy na, she is becoming embarrassed na." Nilapit niya yung muka ko sa leeg niya habang naka akbay siya at tinatakpan niya ako ng kamay niya. "Baby, what the hell are you doing?"Mahinang sabi ko habang tntry ko pumiglas sakanya.

 

 

"You're getting shy because they keep looking at you. I'm trying to hide you from them." Nag sscrunch pa talaga yung ilong niya habang nagsasalita siya. "Babe no one's looking na, pwede na ako lumayo sayo."

 

 

"ssshhh I'm just trying to hide and protect my puppy."

 

 

"Baby umayos ka naman you are not even drunk, nakakahiya tong ginagawa mo natatawa na yung friends mo sayo."

 

 

"Rina what the hell are you doing? No one's gonna take your puppy away from you. The two of you are so funny hindi na makahinga si Winter oh."

 

 

"What did you

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔