Stage 3.15: Do As The Locals Do

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

Day One sa Bangui Ilocos Norte

 

 

3:30pm

 

Pag labas ko ng kwarto, napaka busy nilang lahat sa sala. Naka set up na yung dj speakers tsaka yung laptop ni Giselle at nag papatugtog siya ng indie electronic IDM music kaya aakalain mo may party. Yun pala yung naririnig ko dun sa kwarto nung natutulog kami ni Rina. 

 

 

Iniwan ko muna si Karina sa kwarto namin dahil ang lalim pa ng tulog niya. Lumapit ako kila Giselle na mukang kinukulit ngayon ni Ryujin."Hey, what's up? Nice set up you've got here Gigi." bati ko. Inaayos niya yung djing software kung saan siya nag-mmix sa laptop niya."Thanks, where's Rina? If she's still sleeping wake her up na, we're leaving for the beach at four."

 

 

"Yeah sige." Tumabi sakin si Ryujin na mukang aburido. "Winter pilitin mo nga to, I have a great idea pag nagpunta tayo sa beach mamaya eh." Most of the time kami naman nila Heejin yung magkakasama sa trips kaya for sure ayos din yung issuggest ni Ryujin."Why ano ba yun?"

 

 

"Meron kasi silang elf truck dyan sa baba. Nung papunta tayo dito may nakita akong group na nakasakay sa ganun. Alam mo yun just to experience it lang, try din natin sumakay mamaya. Tingin mo, dba ang saya nun?"

 

 

"Baka naman kasi mga nagttrabaho yung nakita mong nakasakay sa truck? Pero pwede din, kasi sa beach naman tayo pupunta."

 

 

"O dba nagustuhan mo din yung idea. Sanay naman ako mag manual drive pati nga si Yeji and Heejin marunong."

 

 

"Gago si Heejin or Yeji ipag mamaneho mo ng truck? Si Heej pa ha, sure ka? Gusto mo ba maging roller coaster yung truck na yun." Tumayo sa tapat ko si Ryujin at parang hinaharangan niya si Giselle."Ako nga mag ddrive pero just in case pwede naman sila as back up. Nakapag drive na din ako ng lorry dati, madali lang yan tapos parang fifteen minutes drive lang naman from here."

 

 

"Yun pala eh, sige." Tinawag ko na si Giselle kasi okay nga yung idea ni Ryujin, magigin masaya yun. "Giselle, you know what it's gonna be fun kung dun tayo sasakay lahat. Short distance lang naman pala eh."

 

 

"Ryujiin driving an elf truck? No good!" Pinanlakihan ako ng mata ni Ryujin na parang sinasabi niya sakin na iconvince ko pa si Giselle."Heej or Yeji can do it as well marunong sila, I think magugustuhan din nila Ning yun because they can use it for content." Parang napaisip siya at mukang konting push nalang ay papayag na din."Alright, but you have to ask Rina first and the others kung gusto nila."

 

 

Nagsi alisan na kami ni Ryujin at sabay na kaming bumalik sa kanya kanyang rooms namin. "Ang galing mo gago, you pulled that princess Nini card so well." Naisip ko pano ko naman macconvince si Karina na sumakay sa likod ng truck."Wag ka muna mag saya tanga hindi pa nga pumapayag yung iba."

 

 

 

 

Pumasok na ako sa kwarto at lumapit ako kay Rina na natutulog pa din. Humiga ako sa tabi niya at niyakap ko siya."Baby we're going to the beach, wake up na." Hinalikan ko siya sa lips habang ginigising ko siya.

 

 

**BLAAAG!**

 

 

Dumilat si Rina at napatingin kami parehas sa pinto ng cr dahil ang lakas nung kalabog. "What was that?" tanong niya sakin."Baka si Ry, nag pprepare na kasi pupunta tayo sa beach. Get up na baby." Niyakap niya ako at nag cuddle muna kami ng ilan minutes.

 

 

"Babe?"

 

 

"Yes pup?"

 

 

"When we go to the beach sa elf truck tayo sasakay ha."

 

 

"Huh, why?" Tinignan niya ako, ang lapit ng muka ni Rina at ang cute niya talaga pag bagong gising.Hinalikan ko muna siya ulit bago ako sumagot. "Do as the locals do daw sabi ni Ry and siya din yung mag ddrive for us."

 

 

"The heck, what did Gi say?"

 

 

"Pumayag siya pero itanong ko daw muna sayo." Tumayo na kami ni Rina at mag sttart ng mag ready."If it's okay with Gigi, then it's fine. Let's use one beach bag nalang Pup, don't forget your sunscreen ha."Kinuha ko na yung beach bag at nilagay ko na yung camera pouch. Inayos ko na din yung pamalit mamaya ni Rina pati na din yung beach towel."Baby dito ka nalang mag palit ha, nilagay ko na dito sa bed yung swimwear mo." Nasa cr pa kasi si Rina, kaya mauuna na akong mag bihis. Mag ddenim shorts and white shirt lang ako with my swimsuit under.

 

 

 

 

4:15pm

 

Nasa living room na kaming lahat at handa ng pumunta sa beach. Hindi pa ata nasasabi ni Gigi sa iba kung saan kami sasakay.

 

 

"Girls listen here, we're gonna go to the beach riding an elf truck. Alright?"

 

 

Halata sa muka ni Lia ang excitement. "What?! That sounds fun, it's actually my first time!"

 

 

"Yeah it will be fun. We will all ride at the back, Yej how about you?" Tanong ni Giselle kay Yeji."I have to sit in front, because Ryujin will drive. I need to accompany her." Ang laki ng smile ni tanga dahil successful yung plano niya.

 

 

"Huh? Snug are you serious, you will let her drive a truck?" Hindi namin inexpect na kokontra si Ning sa idea na magmamaneho ng truck si Ryujin. I guess this is the perfect time for me to step in."Ning marunong siya, tsaka ayaw mo yun may content kayo ni Yuna. Pwede mo ivideo habang papunta tayo sa dagat tapos nakasakay tayo sa truck." Tinignan niya yung co-youtuber niya at mukang nagkaintindihan sila. "Hmmm that makes sense, sige ayusin mo lang yung pag drive leche ka!"

 

 

Nagsibabaan na kami at inayos na din ng driver ni Gigi yung elf truck na may mga monoblock chairs, kinausap na din nila si Ryujin since siya yung naka assign mag maneho.

 

 

Inalalayan ko na yung baby ko umakyat, pati sila Lia and yung iba para makaalis na kami. Mukang busy at sobrang focused nung driver namin pati na din si Yeji na nakaupo na sa unahan. Fifteen to twenty minutes lang naman yung layo ng pupuntahan kaya madali lang at walang magiging problema.

 

 

 

 

4:20pm

 

Pinaandar na ni Ryujin yung truck at lumabas na kami ng gate. Nakatayo kami nila Rina, Gigi, Ning, and Yuna while naka upo naman sa monoblock chairs si Heejin, Yuqi, Chaer and Lia. Mag aalas kwatro palang ng hapon kaya may araw pa. Sobrang init ngayon lalo dito sa likod pero okay lang.

 

 

"Rina, is it okay if I remove my shirt? Sa beach naman tayo pupunta and wala tayong kasabay na cars." Tanong ko kay Rina, dahil ito din yung shirt na isusuot ko mamaya pauwi. Nadalan ko siya ng pamalit pero nakalimutan ko yung sakin."Yeah it's hot. Go you can take it off na Pup." Nung pumayag si Rina tinanggal ko na din kagad yung tshirt ko.

 

 

Nag simula na mag vlog yung dalawa na nakatayo sa kanan. Napansin ko na ang bagal ng takbo namin kaya bumaba ako ng konti at kinalampag ko yung window sa likod nila Yeji "Ryujin bilisan mo naman magpatakbo naka 50 kilometers per hour ka ba?!" Nakita ko na may sinasabi siya pero hindi ko marinig kaya lumipat ako sa kaliwa at pilit ko siyang sinisilip sa side mirror. Naririnig ko na sumisigaw siya. "Hindi pwede Winter, baka tumirik to pag pinilit ko!!" Buti nalang ang lakas ng boses niya kaya nakuha ko din kagad yung sinasabi niya."Hindi yan! Bilisan mo lang ng konti, naka bilad na kami dito sa likod. Pag dating natin dun tapos na yung sunset!"

 

 

"Winter, gagayahin ka na namin ha. We'll remove our shirt na din because we're wearing swimsuits na tsaka ang init."Mukang naiinitan na din sila Lia at yung iba pang mga kasama namin sa likod ng truck.

 

 

"Yeah, sabi sainyo ang init eh. Ikaw babe?" Hinawakan ko si Rina para hindi siya ma-off balance habang tinatanggal niya yung shirt niya. Kinuha ko na din yung hinubad niya at nilagay ko sa beach bag. Pag tingin ko lahat pala kami sa likod ng truck naka swimsuit top and shorts nalang. Walang ibang sasakyan tsaka puro palayan naman yung dinadaanan namin kaya okay lang.

 

 

Tumayo si Rina sa likod ko, nasa gitna ako ng dalawang braso niya habang naka hawak siya sa roof ng truck."Pup that's the cemetery we saw kanina. It's near the house pala kaya kitang kita." Si Karina naman ang dami daming pwede makita, pinansin pa talaga yung sementeryo.

 

 

"Ang lapit ng cemetery noh, it's just a walking distance from our house, nag ghost hunt na kami before dyan nila ate Krys and my other cousins. We can actually do that if you guys want to."

 

 

"Yeah let's do that snug! Yuqi and Heej game?!" Of all people yung pa talagang dalawa yung tinanong ni Ning about ghost hunting. Siyempre hindi sila kokontra.

 

 

"We're in Ning. let's go tomorrow night? Winter wag ka mawawala ha, kapit ka lang kay Rina." Tumawa lang si Rina sa sinabi ni Yuqi."Yeah I'll take care of her, and my snail puppy is brave na. Dba Pup?" Nginitian ko lang si Rina at sumandal ako sakanya.

 

 

Binilisan na ni Ryujin yung takbo ng truck. Medyo natatanaw na namin yung dagat, mukang walang tao sa shore at parang masosolo namin."Gigi kita pala dito yung windmills eh." Sabi ko sa katabi ko."Kita talaga Winter kasi dun din tayo pupunta. Although the waves are quite big there and malalim yung dagat kaya wag kang magulo."

 

 

 

 

 

 

Wala pang twenty minutes nung makarating kami sa beach. Pinarada nalang ni Ry yung elf sa medyo malapit para konting lakad nalang. Hindi na niya pinaabot sa buhangin dahil wala kaming balak mahassle sa pag kalso.

 

 

Nakahanap ng magandang spot si Heej and Yuqi. Inayos na namin yung mats, speakers,snacks at may dala pala silang cooler with three bottles of chilled limoncello. Grabe ang saya nitong afternoon na to dahil napaka laid-back lang.

 

 

Inayos ko na yung bag namin ni Rina at nag simula na kaming mag re-apply ng sunscreen. "Pwede na to nag lagay naman na ako sa muka kanina, pupunta nako kila Heejin. Ang dami mo naman pinahid baby ang lagkit."

 

 

"No, you have to wait for fifteen minutes for it to dry down. Wag ka makulit Pup."

 

 

"Okay sige na nga, sabay nalang tayo mag swimming." Tumabi muna ako kay Rina dahil hindi pa ako pwedeng sumunod kila Yuqi and Heej na nag ddip na sa tubig. "Hahahaha oh my god Rina what the heck did you do to her?! She looks like the kid from the grudge!" Sabi ko na eh, ang dami niyang nilagay na sunscreen sakin, pinagtatawanan tuloy ako nila Lia.

 

 

"Toshio halika na, mag swimming na tayo! Babe let's go." Tinawag na ni Ry si Yeji at sabay silang nagpunta kung saan nagsswimming yung iba.

 

 

Pati yung mga vloggers and si Gigi nag sswimming na, kami nalang dalawa ni Rina yung naiwan nakaupo dito sa mat."Pup come closer, let's take a photo muna."

 

 

"Baby para akong sunblock na medyo tao, tapos mag ppicture tayo?"

 

 

"Stop sulking, the sun is bad for your skin, tama lang yan."Lumapit na ako kay Rina at nag picture kami gamit yung film camera and yung phone niya. "Pup look at it hahahahaha the grudge. You are so cute!"

 

 

"Tignan mo to, tapos pinagtatawanan mo ko, ikaw naman naglagay sakin nito."

 

 

Nag alarm na yung phone niya, meaning tapos na ang fifteen minutes. "Time to swim snail puppy!" Hinawakan na ni Rina ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papunta sa tubig.

 

 

 

 

 

 

 

Tuloy lang kami sa pag dip habang nag aabang ng sunset. Bumalik na yung iba, nagstart na silang uminom at kumain ng dala namin na snacks. Buti nalang naalala ko dalhan yung baby ko ng pink pringles niya. 

 

 

Kami nalang nila Yuqi, Heejin, Ning and Ry ang nandito sa tubig at may kinuha lang saglit si Yuna. Pag balik niya may dala siyang dalawang action camera na nakakabit pa sa head mount. "Yuna anong gagawin mo dyan sa Gopro?" Tanong sakanya ni Yuqi. Nakasuot na sa ulo ni Yuna yung cam tapos inabot naman niya kay Ning yung isa."Should I wear it now? Let's go sa medyo malalim Yuna!" Aya sakanya ni Ning.

 

 

Pinapanood lang namin sila ni Ry dahil mukang mag wwater activity sila, hindi ko lang alam kung anong klase. Malamang para sa youtube nila to. "Hoy wag kayo lumayo dalawa ang lalim na dyan ang lakas pa ng alon!"

 

 

"Grabe ang ganda ng gears nila noh, okay siguro kakalabasan ng travel vlog nito nila Ning."

 

Nakita ko na tinawag nila si Heejin at Yuqi palapit sakanila. Hindi ko alam kung anong balak nilang gawin apat.

 

 

"Puta Winter dali tignan mo, ano kaya nasa utak nito ni Ning tska ni Yuna." Tinitignan ko yung mga windmills, pero tinawag ako ni Ry kaya binalik ko ang tingin ko sa apat na parang papalapit na sa malalim. Naka upo na sa shoulders ni Yuqi si Yuna at nasa shoulders naman ni Heejin si Ning. "Ay puta, talagang dito pa sila nag chicken fight sa South China Sea, sobrang lalim tsaka ang lakas pa naman ng alon dito. Ry kukunin ko na yung floater buti pala nadala ko yung bodyboard, pustahan tayo may hihingi ng saklolo sa apat na yan."

 

 

 

 

Tumakbo na ako kung nasaan yung ibang kasama namin at kinuha ko kagad yung floatie and bodyboard."Hey Pup what do you need them for? Ang lalim dyan ha, don't use that there!"

 

 

"Just in case lang babe, basta we need this." Tumakbo na ulit ako kung nasaan si Ry. Binigay ko kagad sakanya yung donut floatie at nagpunta na kami sa tubig. "Winter gaga talaga to si Ning. Gumastos sa Gopro naka headmount pa, mag chchicken fight lang pala sila ni Yuna. Dun na tayo sa malapit ibabato ko kagad tong donut."

 

 

"Abot pa nila Heejin and Yuqi yung lapag sa ngayon, pero less then two minutes lang yan tignan mo, may malulubog na."

 

 

Pinapanood namin silang apat, enjoy na enjoy silang naglalaban sa tubig."Ning, Yuna tara na!!! Ayan na yung alon mahuhulog kayo dyan!!!" Sigaw sakanila ni Ryujin pero ayaw pa din talaga nilang tumigil. Nung nakita namin na may paparating na malaking alon mas lumapit at nag ready na kami.

 

 

"Yuna tigilan niyo na yan!!! Buti sila Yuqi and Heej sanay sa ganyan. Ito sila Ning masasampal ng alon yan."

 

 

"Winter, tignan mo bibilang ako hanggang tatlo, tatalsik tong dalawang to at mag papanic."

 

 

 

Isa...

 

 

 

"Gago rip current yan!!!"

 

 

 

 

 

 

 

 

"Tangina ang kulit mo eh kumapit ka, wag mo akong hilahin pababa malulunod tayo!!!" Nakasakay na si Ning sa bodyboard at ako yung lumalangoy para sakanya. Nilingon ko si Heejin and Yuqi, nakita ko na nakatayo na ulit sila at naglalakad na papunta sa shore. Si Ryujin sakto, nung hindi pa natatamaan ng alon yung mga nag chchicken fight isinuot kagad niya kay Yuna yung donut floatie kaya nahatak niya kagad to.

 

 

"What the hell were you guys doing there? Bakit ganyan itsura nila babe?" Tanong ni Yeji kay Ry. Nakatingin sila kay Ning at Yuna na mukang mga spring breakers na ni-rescue ng coast guard. Nilapitan ni Giselle si Ning na halatang may after shock pa sa nangyari.

 

 

"Kung ano ano kasing ginagawa, ayaw niyong makinig. Bantayan mo nga yan girlfriend mo Giselle, ang tigas ng ulo mapapahamak na sila ni Yuna." Naging seryoso at nagalit si Ryujin kaya naging awkward ang vibe. Nakita ko na lumayo si Ning at mukang nahihiya siya sa nangyari. Si Yuna kausap nila Chaer and Lia. Chneck ko din si Yuqi and Heejin, buti nalang sanay sila sa dagat at kaya nilang lumangoy.

 

 

 

 

Sinundan ko si Ning dahil humiwalay siya saamin. Sinusubukan siyang samahan ni Giselle pero ayaw niya. Umupo ako sa tabi niya at ininterview ko siya gamit yung bato na nakuha ko malapit sa paa niya. "Winter stop it na nga, nakakainis ka." Hindi ko siya tinigilan at mas dumikit pa ako sakanya. Nakita ko na nagpipigil siya ng tawa kahit pa pumipikit siya at tinatakpan niya yung muka niya. "Ano masasabi mo na muntik ka ng mamatay kanina gaga ka?" Umiiwas siya at tinutulak niya yung kamay ko. "Sagutin mo yung tanong ko, tangina first day palang natin muntik ka ng malunod! Anong masasabi mo dun?! Sagot!"

 

 

Hindi na niya mapigilan tumawa, lumapit na din samin si Ryujin at itinapat ko kagad sakanya yung bato. "Ryujin anong reklamo mo dito? Mag open forum tayong tatlo ngayon on the spot."

 

 

Nag salita din agad si Ry sa bato na hawak ko."Ikaw princess Nini kokotongan na kita. Malulunod ka pa sa pinaggagagawa mo kanina eh, tinawag ka na nga namin lumayo ka pa din. Makulit ka talaga para ka din si Winter!"

 

 

"Gago ka ha, bakit pati ako nadamay?! O ano rebat mo dun Ning, two minutes go!" Tinapat ko ulit sakanya yung bato. "Hindi ko na uulitin Ryujin sorry na nga eh. Wag ka na magalit."

 

 

"Tangina niyo wala naman tayong fights na tumatagal ng three to five hours eh, maliban lang dun sa angry birds ng mcdo na pinag awayan niyo dati. Mag bati na kayo bago tayo umuwi, go hug it out!"

 

 

Niyakap ni Ryujin si Ning at kniss niya pa sa cheek. "Ewww Ryujin, kadiri ka!!!" Mas niyakap pa siya ni Ry para lang mainis siya. "Winter halika dito hindi complete yung group hug pag wala ka, hindi pwedeng dalawa lang kami."

 

 

Niyakap ko silang dalawa at dinaganan namin si Ning. "Snuggie bunny help meee!!!" Nakita namin na tatakbo na papunta samin si Giselle. "Ops dyan ka lang Gigi don't move!!!! Gigisahin lang namin to si Ning!!!"

 

 

"Nakita mo na?! Walang magagawa si Giselle, ang layo niya." Hnhug pa din namin si Ning kahit namumula na siya sa inis. "Get off me!! Isa!!" 

 

 

"What's the safe word?!!" Tanong namin kay Ning."Iddump ulit kayo ni Yeji and Karina!!!"

 

 

"Ah ulol, tara na nga. Naka suot pa pala sa ulo mo yang Gopro." Tumigil na kaming tatlo at tumayo na sa buhangin."Halika na nga dun na tayo sakanila." Inaya ko na silang dalawa at bumalik na kami kila Karina.

 

 

 

 

 

 

 

Takip silim na nung nakasakay kami sa truck. Sinabihan ko si Ryujin na bilisan niya konti yung takbo, dahil ang dilim ng daan at iilang poste lang ang may ilaw. Ganun pa din ang pwesto namin kung pano kami nung papunta. Nakatayo si Karina sa likod ko at nakahawak yung isang arm niya sa bewang ko. I always have this feeling na safe ako pag kasama ko siya.

 

 

Puro palayan tsaka mga puno yung dinadaanan namin pabalik sa bahay nila Giselle, buti nalang malapit lang dahil kanina pa nag fflicker yung headlights nitong truck at mukang busted pa ata yung isa."Pup take a seat." Kinuha ni Rina yung isang monoblock at pinaupo niya ako."Ikaw babe?" Ayaw niya umupo at tumayo lang siya sa tabi ko.

 

 

 

Napapansin ko na mas bumabagal na yung takbo namin.

 

 

"Why did we stop?!!"

 

 

"Ry bakit tayo tumigil?!" Tanong ko sakanya. "Namatay yung makina!!!" Sigaw niya sakin. "Ha?! Tanggalin mo yung susi tapos start mo lang ulit!"

 

 

"Ito na susubukan na ni Yeji!" Ang dilim sa daan buti nalang natigil kami medyo malapit sa poste na may ilaw pero parang delikado kung bababa si Yeji."Yej wag ka ng bumaba!" Sigaw ko sakanya. "Mabilis lang Winter, I need to transfer." Binantayan namin siya habang lumipat siya sa driver's seat. Sinisilip ko sila at nakita kong iniilawan ni Ryujin yung manibela at pedals.

 

 

Naririnig ko na tumutunog yung makina pero ayaw pa din talagang mag start. "Ayaw pa din Yej?!" Sigaw ko sakanya."It's not working, I think it's the battery kaya nag fflicker yung headlights kanina pa!" Hindi ko makita yung ginagawa nila Yeji sa unahan dahil ang dilim.

 

 

"What are we gonna do now, are we stranded?" Tanong ni Giselle. Pinaupo ko na si Rina sa chair na ginagamit ko dahil malamang nangangalay na siya."No, chncheck na nila Yeji. Baby can I go down, titignan ko lang yung ginagawa nila Yej."

 

 

"Pup it's too dark, wag ka ng bumaba." Tinignan ko yung phone ko, malapit na mag 7pm."No mabilis lang naman tatabi din kagad ako kay Ry sa unahan, bantayan mo nalang kaya ako pag bumaba, sisilipin ko lang para makauwi na tayo."

 

 

"Winter do you need my help?" Tanong ni Heejin. Marunong siya sa manual na sasakyan so malamang may idea siya. Kaso ang dilim dito at hindi kami pwedeng tumayo sa gilid ng kalsada."You can stay here nalang Heej." Bumaba na ako at inilawan ako ni Karina. Agad akong pinapasok ni Ryujin sa unahan at tumabi na ako kay Yeji. "Yej it's just cranking but it doesn't start, mukang spark plug yung problem kasi may battery pa. Truck pa naman to, wala tayong alam dito. Ano gagawin natin walang signal phones natin."

 

 

"How far are we from Gigi's house?" Tinitignan namin yung labas." Malapit na yung cemetery so mga one kilometer nalang bahay na nila, tingin mo Winter?"

 

 

"Yeah baka mga five na kanto lang yan tapos gate na nila." Kailangan na namin mag decide, buti nalang andito si Yeji."Then I guess we have to walk."

 

 

"What babe? Ang dilim tapos dadaan tayo sa cemetery ng naglalakad?!"

 

 

"What? We don't have a choice Ryujin, hindi tayo pwede gabihin dito. You tell them now that we have to walk back to the house."

 

 

"Ry lagot tayo kay Giselle lalo ka na idea mo to! Anong gagawin natin?" Tinanggal na ni Yeji yung susi at mukang nag hahanda na siya bumaba."Babe wait lang wag ka muna bumaba! Tangina Winter pinabilisan mo kasi yung takbo eh. Tulungan mo ko na sabihin sakanila." Bumaba na kami ni Ryujin at pumunta na sa mga nasa likod ng truck. Mukang nag hihintay na silang lahat sa kung ano ang next namin na gagawin."Giselle, naalala mo kung pano papunta sa bahay niyo galing dito?"

 

 

"Yes fourth street turn right. Why are you asking Ryujin?"

 

 

"Ano kasi eh, we need to walk." Hindi nag react yung ibang mga nakaupo sa likod dahil mukang hindi nila narinig."What?! I can't hear you, speak up! Hindi pa ba tayo aalis, it's ten past seven ang dilim dito!"

 

 

Naalala ko, andito si Ning, dala niya yung mic niya kanina at nagkakantahan sila ni Lia nung nasa beach kami. "Ning, pahiram nga ng mic mo may importanteng announcement daw si Ryujin."

 

 

"Pup what's happening, ayaw na ba mag start?!" Tumayo na si Rina at mukang naggets na niya yung sitwasyon namin. Inabot ni Ning yung mic niya at ibinigay ko din kagad kay Ryujin.

 

 

"Oo babe ganun na nga. Nag give up yung makina kaya  dnump niya na tayong lahat." sagot ko kay Rina.

 

 

Nag simula na mag salita si Ryujin gamit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔