Stage 4.5: First Goodbye

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

*Current*

 

 

"What the did I just read? I think I need to wash my eyes and soak my brain in holy water."

 

 

"Puro ka naman ganyan pero ayaw mo tantanan yan journal ni Winter. May nabasa ka nanaman na about noh? Ang gago mo kasi sinabi ko sayo iskip mo! Jusko lagot ka talaga Ning."

 

 

"May mga important keys sa chapter, hindi kasi pwede iskip!"

 

 

"Gago pag stories iskip mo naman kasi, kung ano ano tuloy nababasa mo."

 

 

"Tangina si Winter ang wild."

 

 

"Hindi ako magugulat pag bigla ka nalang tindyakan ni Winter."

 

 

"Edi tadyakan niya para masaya! Kasi naman eh grabe yung details , I cannot unsee pati sa imagination ko."

 

 

"Wag mo na nga isipin yan. Ang gago mo talaga hahahaha. Basta pag you have to skip it, mahiya ka naman kay Karina."

 

 

"Wala na patapos na ako mag basa nito." 

 

 

"Hanggang anong stage ba yung nakasulat dyan?"

 

 

"When I scanned it kanina nakita ko parang hanggang four lang eh. Konting pages na nga lang yung natitira."

 

 

"Parang nalungkot ka pa na matatapos mo na ha."

 

 

"Well I won't deny medyo naattach na ako dito sa journal niya, sobrang nostalgic kasi, nakakatawa and nakakalungkot mga nangyayari. Pupunta na ba si ate Taeyeon sabay daw tayo magddinner dadating na din si Lia."

 

 

"Yeah on the way na daw. Si Somi hindi makakapunta today, bukas nalang daw siya." 

 

 

"Alright, while we wait itutuloy ko na yung pagbabasa ko, makipag usap ka lang dyan don't stop hanggat walang feedback."

 

 

"Malamang, puro kasi games to si Heejin eh."

 

 

"Wag kayong magulo dalawa!"

 

 

 

 

 

 

 

 

This time isusulat ko yung tungkol sa fourth anniversary namin, tatlong linggo bago yung flight ni Karina sa New York. Pag naalala ko kung pano kami dati, pati na din yung mga bagay na ginagawa namin, grabe sobrang nalulungkot ako. Nammiss ko na si Karina and I feel disappointed. I don't even know how to handle it anymore.

 

 

 

February 22 Saturday 

 

 

9:30 am

 

 

Nag last day na si Karina sa work nung Wednesday, nag resign na siya and she is just preparing for her move to New York. Lahat ng kailangan niya dun kumpleto na. Okay na yung place na titirahan niya, yung office lahat naka handa na. Ate Tiffany and her friend have been preparing for two years na pala kaya everything is all set. Ang pinaka importante lang naman, I want to make sure na safe and comfortable si Karina. 

 

 

Sobrang busy siya lately kasi naging immediate yung pag resign and turnover niya ng current workload. Naging okay naman yung pag exit niya sa former company and naintindihan nila yung reason why she decided to leave. She has less than a month to prepare for the move to Nyc tapos aalis na siya.

 

 

Hindi pa din talaga ako makapaniwala dahil hindi pa nag ssink in sakin. Grabe tatlong linggo nalang, tatlong linggo tapos hindi ko na makakasama at makikita araw araw si Karina.

 

 

We are together for four years now, nag dinner lang kami nung February 18, the day of our anniversary. Sinurprise niya ako which I really did not expect kasi sobrang busy siya sa work. Both of our schedules were too hectic that week kaya hindi kami nakapag out of town. Ngayon dahil hindi na siya pumapasok and wala naman akong project deadline sa office, nag decide kami that we will spend the weekend here in Quezon tapos dadaan din kami sa lake before kami umuwi.

 

 

The lake is very memorable for us kasi dun naging kami at dun nangyari yung girlfriend proposal ko four years ago. Yung pinaka dahilan din ng pagpunta namin dito sa farm ay para ipapakita ko yung anniversary gift ko sakanya.Kaming dalawa lang ang pumunta ngayon dito dahil busy din sa office si mommy and ate.

 

 

Dito kami natulog kagabi, after namin mag breakfast kanina, we were just driving around the farm riding the golf cart at ngayon naman nakatambay lang kami dito sa kubo. Hinihintay ko pa yung message ng tauhan nila mom dahil may pinaayos ako sakanila malapit sa tree house, actually parte din to nung ipapakita ko mamaya sakanya.

 

 

"Pup when I am away, pwede wag ka masyado pupunta sa beach?" Paalala sakin ni Rina habang nakatambay kami dito sa kubo at nakahiga naman siya sa lap ko habang mnmassage ko yung ulo niya.

 

 

"Bakit bigla mo naisip, tsaka bakit naman bawal?"

 

 

"Hindi naman sa bawal and I am not saying na wala akong tiwala sayo but, baka kasi mag surf trip ka mag isa or solo getaway. Wag ka mag gaganun ng wala kang kasama lalo yung windsurfing. We're gonna have to include that on the list."

 

 

"Babe we made a list of new routines and schedule for the two of us, hindi naman yan listahan ng mga do's and don'ts."

 

 

"Napaparanoid kasi ako, I mean baka kung ano gawin mo and sometimes you are reckless. Pwede ka naman mag ganun basta dapat kasama mo si Ryujin and Heejin, hindi ka aalis mag isa."

 

 

"Kaya mo nga ako binigyan ng windsurfing equipment dba, alam mo naman na ittry ko yung sport na yun. Yun talaga balak ko this summer."

 

 

"Basta lang wag ka aalis mag isa. Wag ka muna masyado sa beach."

 

 

"Ang labo mo Rina, pano ako mag wwindsurfing kung wala ako sa dagat, dun ako sa living room natin or dun sa bath tub?"

 

 

"So talagang you are going out of town alone habang nasa New York ako? Winter I am not depriving you, kung yan yung iniisip mo. Ang sinasabi ko lang wag ka aalis mag isa because it is dangerous, lalo pag water sports never do it alone."

 

 

"Oo sige, kasama ko naman lagi yung dalawa pag sa mga ganyan."

 

 

"But I know that they are also busy, hindi sila lagi available. Natatakot kasi ako baka pag nainip ka mag ganun ka mag isa."

 

 

"Karina wag ka naman kasing paranoid. Talagang pag sa mga ganyan wala ka pa din tiwala sakin noh kahit ang tagal na natin?"

 

 

"It's not like that. Pero hindi mo nga masagot yung lagi ko tinatanong sayo."

 

 

"Ano ba yun ang dami mo kasi tinatanong and binibilin sakin recently."

 

 

Pinaayos ko ng higa si Rina para mas mamassage ko pa ng maayos yung ulo niya."Baby dapat pala nag dala ako ng unan para mas comfortable yung higa mo. Gusto mo ba magpadala ako?"

 

 

"No wag na, it's fine Pup comfy naman eh. So ano nga gagawin mo pag nasa condo ka after work?"

 

 

"Edi uuwi ako galing office tapos tatawagan kita."

 

 

"I noticed ito mas hindi mo sinasagot, anong gagawin mo pag weekends? You will be alone most of the time and hindi naman ako lagi available, there will be times na hindi mo ako makakausap."

 

 

"Dba may schedule na nga tayo na ginawa natin? Like with the simple things, while I have dinner you will have your breakfast, sabay tayo kakain kahit thru facetime nalang. So bakit nagtatanong ka pa kung ano gagawin ko? Yun yung gagawin ko, I will talk to you, like mag vvideo call tayo habang nag rready ka for work, basta mga ganun. That's going to be our new routine."

 

 

"You told me na ayaw mo umuwi muna sa house niyo sa Alabang, I mean sure ka ba, okay lang sayo na mag isa ka sa condo natin? Baka kasi malungkot ka Pup, ang laki nung condo and you will be alone."

 

 

"I will be fine. Ayaw ko umuwi samin ang layo sa office tsaka sanay na ako sa condo."

 

 

"Ano nga gagawin mo dun pag weekends tapos mag isa ka?"

 

 

"Bakit ba kasi pati yan tinatanong mo na ngayon?" 

 

 

"Eh bakit hindi Winter?"

 

 

"Malay ko Karina, ang kulit mo naman! Tsaka nasanay akong tumira sa condo mag isa dba, kahit nung hindi pa tayo."

 

 

Ito yung pinagtatalunan namin madalas, lagi niya tinatanong sakin kung pano ako pag magisa nalang ako sa condo. Alam ko naman yung point ng question niya at hindi lang niya ako madiretso. Iniiwasan ko isipin tong mga ganito dahil sa totoo lang, kahit ngayon palang na hindi pa siya nakakaalis lungkot na lungkot na talaga ako. Hindi ko lang pinapakita kay Karina dahil kilala ko siya, pwede siya mag back out sa position na binigay ng ate niya. Ayaw ko naman mangyari yun, lalo na nag promise pa naman ako sakanila dati na issupport ko yung kapatid nila and I will never be an obstacle in her career. I want the best for her at wala akong balak magpaka selfish.

 

 

"Ito nalang isipin mo, wala akong gagawin na delikado or mapapahamak ako and hindi mo din ako kailangan iremind tungkol dyan. I will always talk to you. Pag andun ka na we're gonna update each other kung ano yung gagawin and ginagawa natin araw araw. Yun naman yung usapan natin. Babe you have to trust me."

 

 

"Nagtataka lang kasi ako kung bakit parang okay lang sayo na aalis ako. I mean it's not a bad thing but, bakit sobrang chill mo and never mo manlang ako pinigilan?"

 

 

"Kasi pag pinigilan kita napaka selfish and immature move naman nun on my part. It's like I am going to stop you on becoming the career person you are destined to be. Get's mo?"

 

 

"Yes I understand and I am thankful that you are very considerate with what I want, pero sure ka talaga na okay lang sayo na in three weeks I won't be there with you, physically. Hindi na din kita maaalagaan Winter."

 

 

"Pag pinigilan ba kita hindi ka na aalis?"

 

 

"But it's for work and I need to leave. Pero kung ayaw mo talaga na umalis ako, I will look for different options, I can talk to ate Tiffany."

 

 

"That's exactly my point, pag pinigilan kita baka magulo pa yung plano mo. Mag iibaiba ka pa ng decision mapapagalitan ka pa ng mga ate mo and besides, this is your dream that's why you have to go for it."

 

 

"I am aware of that naman pero,"

 

 

"Rina, I will be with you and I will support you hanggang maging successful ka with your company. Hindi ko kaya maging sagabal sa mga gusto mo gawin."

 

 

"Ikaw lang talaga yung worry ko. I know you, kilalang kilala kita Winter may hindi ka sinasabi sakin."

 

 

"Ano nanaman ba yun Karina?"

 

 

"I am just worried sa kung ano naffeel mo. Akala mo ba hindi ko napansin? From the day that we talked at Sutton Park, nung sinabi ko sayo na aalis na ako, kahit once hindi ko manlang nakita na nalungkot ka Winter, I am the one who is always crying tapos ikaw nag aagree ka lang sa decision ko and you would always say that you are happy for me, puro ganun ka lang. Ganyan yung mga lagi kong naririnig sayo it's like you are doing it to cheer me up, hindi ko tuloy alam kung nalulungkot ka ba or nagagalit ka na sakin."

 

 

"It's because I am happy for you babe, yun naman yung totoo. I don't get it ano ba gusto mo gawin ko?"

 

 

"Gusto ko malaman kung ano yung totoong naffeel mo!"

 

 

"Hindi ko kaya pag umalis ka Karina kasi sobrang nalulungkot ako, wag ka nalang umalis. Yan ba yung gusto mo marinig?"

 

 

"Ang labo mo Winter."

 

 

"Ikaw yung hindi ko magets eh."

 

 

"I just want to know what you truly feel, hindi ko kayang umalis na clueless ako sa kung ano ba talaga. Kakayanin mo ba talaga yung long distance relationship?"

 

 

"Oh my gosh andito nanaman tayo sa topic na to."

 

 

"Pup you know this whole facade you are showing, I don't buy it."

 

 

"Ano ba kasi gusto mo sabihin ko? Gusto mo talaga na pigilan kita, ano ba?"

 

 

"After we came home from New York madalas na tayo nag aaway pansin mo?"

 

 

"Eh kasi pinapagulo mo."

 

 

"Hindi sa ganun. Nasanay kasi ako that you are very vocal to me and I know when something is bothering you. Alam ko pag may hindi ka sinasabi sakin."

 

 

"Babe listen to me. I am just looking at the brighter side of things, two years ka lang naman dun. Honestly nalulungkot ako, pero alam ko na kakayanin natin yun."

 

 

"I always have this guilt pag naiisip ko na iiwan kita Winter."

 

 

"Then don't let that guilt hold you back."

 

 

"Kahit once never manlang kita nakita umiyak or nalungkot na aalis ako. Bakit?"

 

 

"Wag mo na isipin yun, tignan mo nagkakagulo tayo. I will be fine, our relationship will be okay don't be negative."

 

 

"Honestly, I am lucky because you've been very considerate, kahit dati nung bago palang tayo."

 

 

"I am just being a good partner to you."

 

 

"Pero iniisip talaga kita Winter, I know you are feeling something pero hindi mo sinasabi sakin."

 

 

"Kung iniisip mo na hindi ko kakayanin, don't worry kasi magkikita naman tayo every two months. It's not totally a long distance relationship."

 

 

"Let's just overcome that two years Pup, I promise you hinding hindi na kita iiwan ulit. This will be the first and last time na magkakahiwalay tayo."

 

 

"Ilan years lang yun, tiisin nalang natin. Ito yung downside kasi nasanay tayo na magkasama lagi."

 

 

"Yeah that's true, we started living together when we were younger."

 

 

"But it was fun, nasulit naman natin yung time na magkasama tayo baby, kailangan lang muna natin magkalayo ngayon. Kaya yan, two ing years, we can do it."

 

 

"But I really don't want you to feel alone and sad in our house yun din yung tinatanong nila dad. Maybe you can ask ate Taeyeon, Ning, Ryujin, Heejin or even Yuqi to stay over at the 202 sometimes."

 

 

"I'm not gonna be sad there, you are worrying too much."

 

 

"Gusto ko lang na may kasama ka minsan especially when I am at work and I cannot talk to you."

 

 

"Okay. Si Somi pwede din ba mag stay over?"

 

 

"Sige pero hindi na ako aalis pag ganun, I am going to cancel it ngayon palang or if you ask Ennik to stay over, lumayas ka na din kagad sa bahay natin."

 

 

"Hahahaha ang harsh mo naman baby."

 

 

"Ang epal mo eh you'll let her stay over tapos kayo lang? She's your ing ex, gago ka ba Winter? Sige subukan mo tignan natin."

 

 

"Hahahahaha relax nkakatakot ka naman! You are cursing me na dahil ba four years na tayo? Ganyan mo na talaga ako kausapin?"

 

 

"No, I'm sorry Pup I didn't mean it, ang kulit mo kasi eh."

 

 

"It's okay mukang nadala ka lang. hahaha"

 

 

"I am so happy na four years na tayo."

 

 

"Me too sobrang saya ko na umabot tayo ng four years. Wait, speaking of anniversary may ipapakita pala ako sayo kaya tayo nandito sa farm.We have to go." Tumayo na kami ni Karina at chneck ko yung phone ko. Nag message na pala yung tauhan nila mom and naayos na nila yung patio ng tiny house.

 

 

"Rina." Kinakapa ko yung bulsa ko dahil hinahanap ko yung susi ng golf cart. "Asan yung susi?" Tanong ko sakanya. Tinignan niya yung loob ng tote bag, pero wala din dun. "Hawak mo kanina Pup ikaw yung nag drive eh."

 

 

Nung makalabas kami ng kubo naalala ko na din kung saan ko nilagay yung susi, pero malamang magagalit sakin yung baby ko pag sinabi ko kung nasaan. "Rina tanggalin mo yung bun mo, I mean yung tali ng hair mo tapos pagpagin mo yung buhok mo."

 

 

"Why?"

 

 

"Sige na babe sure ako nasa ulo mo yung susi eh."

 

 

"Huh pano mapupunta sakin?"

 

 

"Kanina kasi before ko imassage yung ulo mo, wala ako mapagpatungan nung susi kaya sinksik ko muna sa buhok mo."

 

 

"Ano ba naman yan Pup, ang dumi dumi nun!"

 

 

"Hahaha sorry na babe, sige na pagpagin mo na, may pupuntahan pa tayo."

 

 

Tinanggal ni Rina yung messy bun niya at hinihintay ko na mahulog yung susi. "Baby ang hot mo talaga tignan sa hair mo, bagay sayo yung color." Ang sama ng tingin niya sakin pero natawa kami pareho nung nahulog sa harap namin yung susi na galing sa buhok niya. "I'm gonna miss your antics talaga Pup kahit nkakainis ka minsan, like everything about you sobrang mammiss ko." Pinalibot na ni Rina yung arms niya sa balikat ko at sabay na kaming naglakad papunta sa golf cart. "I will miss you too baby, kung alam mo lang." 

 

 

 

 

 

Nagdrive kami papunta malapit sa treehouse, ito yung area na pinicturan namin dati, dito ko napili itayo yung tiny house na gift ko kay Karina for our fourth anniversary.

 

 

"We are almost there isuot mo na to." Inabot ko sakanya yung blindfold dahil malapit na kami. Sobrang takaw pansin yung gift ko sakanya kaya kahit sa malayo palang sigurado makikita na niya. "Pup bakit ito pa talaga yung blindfold na dinala mo?" Hawak niya yung blindfold na itim at sigurado familiar sakanya to.

 

 

"Hahaha why? Does it remind you of something?"

 

 

"Hahaha don't start. Ikaw yung gumamit nito, not me."

 

 

"Wala kasi ako makuha dun sa kwarto na pwede, kaya ayan nalang. Hiniram ko muna dun sa kit."

 

 

"Hahaha should I wear it now? Baka kung ano gawin mo sakin."

 

 

"Uhm nasa sa labas kasi tayo babe, madami makakakita na farmers and we are not on that level of being grotesque."

 

 

"Hahahaha okay. Ano nanaman kaya to? You like doing this, you always stun me with your surprises."

 

 

"It's a gift kasi four years na kitang girlfriend, come on wear the blindfold malapit na tayo."

 

 

"Four years and you still haven't change."

 

 

"Yeah ganun ka din sakin. You are still the sweetest and my pikon giant baby."

 

 

"Baka extreme nanaman to?"

 

 

"Hindi noh. We're here!"

 

 

Bumaba na kami sa golf cart, inaalalayan ko si Rina dahil naka takip mga mata niya. Ngayon ko nalang ulit nakita tong pinagawa ko, it actually looks better than what I expected grabe, ganitong ganito yung inimagine ko nung nagsimula akong gumawa ng design scheme.

 

 

"Tatanggalin ko na yung blindfold mo, medyo maliwanag babe baka masilaw ka." Tinanggal ko yung blindfold na nakakabit sakanya pero tinatakpan ko yung mata niya kasi sobrang maaraw ngayon and we forgot to bring sunglasses. "Okay kita mo na?" I asked her, habang medyo sinasalag ko pa din yung araw sa muka niya.

 

 

Dumilat si Karina at nakatingin lang siya sa bahay na nasa harap namin. "What's this?!"

 

 

"Happy fourth anniversary."

 

 

"Winter this is a house!"

 

 

"Yeah it's a tiny house. This is our own place, dito na tayo matutulog everytime pupunta tayo dito sa farm. Hindi na din ako makikipag agawan sa tree house kay ate kasi kapitbahay na natin siya."

 

 

"Oh christ."

 

 

"Hahaha, why are you looking like that babe? Wake up, this is not a dream. Dnesign ko to for us."

 

 

"This is so ing beautiful, Pup seryoso ka ba? This is a real house!"

 

 

"Oo nga tiny house nga eh. Ano baby tatayo nalang ba tayo dito? Let's go in. You have to see what's inside because it gets better."

 

 

Pumasok kami sa pinaka main door nitong bahay, the house is basically made of seventy percent wood and thirty percent concrete. I sourced the materials at pinag tanong tanong ko talaga sa mga prof ko and sa mga contractor nila Giselle kung saan makakahanap ng mura pero okay yung quality na kahoy.

 

 

Andito kami sa loob at parang hindi pa din naniniwala sakin si Karina. "Oh I knew it, yung inutusan mo ako na picturan ka, nung nagpunta tayo dito dati, I remember it now Pup. This is the spot, where I took a ph

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔