Hitched

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

Song for this chapter: There's Never Enough Time by The Postal Service

 

Winter's POV

 

 

Sobrang saya ko, I am overwhelmed with such positive emotions dahil kasama ko na ngayon yung best friends ko. They arrived last night kaya sinundo namin sila ni Karina. Nung sa airport palang sobrang laugh trip na kasi para silang tanga, hindi ko alam kung bakit parang nahihiya silang tatlo na iapproach kami ni Karina. Nung tinatanong ko kung bakit, ang lagi lang nilang sinasabi ang laki daw ng nag bago sakin kaya  nahihiya sila na idogshow ako. Hindi ko maintindihan yung point pero buti nalang nawala na yung awkwardness at bumalik na sila sa normal.

 

 

I just feel so grateful and contented. I couldn't be more excited that my best friends are here with me while Karina and I are about to turn the page of a new chapter in our lives. 

 

 

 

 

 

Thursday One Day Before Thanksgiving

 

 

8:00 pm, Brooklyn

 

Since it's thanksgiving week, we don't have classes. Simula kaninang umaga namamasyal na kaming apat nila Ning. We took the subway at iniisa isa namin yung mga places na gusto nila puntahan based on their itinerary. Sa Tuesday yung flight nila to Manila kaya madami pa kami pwedeng gawin before they go back.

 

 

Kasama din namin kanina si Chaehyun, tumambay kami sa apartment niya at ano pa nga ba, mukang nagkaron nanaman ng bagong best friend si Ning and Ry,kung ano ano yung mga tinuturo nila kay Chaehyun, kaya medyo ako na yung nahihiya para sakanila. Parang nagkaron sila ng short training kung pano daw dapat ihandle yung mga gago na nangbbash sakanya. Na-invite na din siya ni Ning and Ry na mag vacation sa Philippines, kaya kapag uuwi kami ni Rina, baka isasama namin siya.

 

 

"Winter iexplain mo na kung ano gagawin natin sa Saturday."

 

 

"Yes ito na, I'm just making coffee. Settle down and wait for me there."

 

 

"Okay baby girl!"sigaw ni Heejin."Hahahahaha 'ight! we cool we cool we gonna settle down on the couch baby girl."pang iinis sakin ni Ryujin, kanina pa nila ako hinihirtian ng mga ganito, kahit nung namamasyal kami.

 

 

"Tangina tigilan niyo na nga yan Ry, tama na!"

 

 

"Hahahaha ang cute mo kasi proud na proud kaya kaming tatlo, tsaka natutuwa ako na bigla ka naging ganyan. Ano ba kinakain mo dito Winter, iba ba yung tubig mo, bakit bigla ka naging it girl?"

 

 

"Tanga Ry mukang nahawa siya kay Chaehyun or malamang kay Chaewon. Pansin mo ganyan magkikilos si Chaewon eh."

 

 

"Hahahaha ang cute mo kaya Winter. Nabawasan pagka ulol mo, naging demure ka."

 

 

"Ryujin manahimik ka na nga. Iniinsist niyo na may nagbago kahit wala naman. Guni-guni niyo lang yun. Asan ba si Ning?" tinuro ni Ry yung pinto. Kumatok ako sa pinto ng guestroom para tawagin si Ning. Narinig ko na pinapapasok niya ako. "What are you doing?" may kinakausap pala siya. "Who's that? Gigi? Hi queen Gi!" I greeted Giselle nung tinapat sakin ni Ning yung phone. "Gi when are you visiting? Pumunta ka na madami tayong gagawin dito." I asked her. "Soon! You and Rina should come home for the holidays. We miss you! Nammiss ka na din ng ate mo."

 

 

"We miss you too, oo nga eh nammiss ko na din sila ni mommy. But yeah we might go, probably summer of next year."

 

 

"Winter five minutes tapusin ko lang to and I'll be with you in the living room."

 

 

"Okay, ready na din yung coffee." paglabas ko ng guest room, dumiretso ako sa bedroom ko para kunin yung rings and yung envelope na ipapakita ko sakanila.

 

 

 

 

 

Someone from school sent me an invite kaya isasama ko sila sa speakeasy club, medyo challenging lang because it's a hidden event. May mga clues kami na hahanapin hanggang sa makarating kami sa venue.

 

 

After a few minutes lumabas na si Ning galing sa kwarto at nakumpleto na silang tatlo sa sala. "Winter dalian na natin excited na ako uminom!" tawag sakin ni Ryujin, andito pa kasi ako sa kwarto at pinagmamasdan ko yung dalawang pair ng singsing."coming!" sumunod na ako sakanila sa sala dala yung envelope.

 

 

"Mabilisan ko nalang ieexplain, this is like a pre-event briefing para sa gagawin ko sa Saturday."panimula ko.

 

 

"Wait, pre-event briefing? Guys this is so nostalgic."hindi kami nag react sa sinabi ni Ry dahil hindi namin nakuha. "Ano ba kayo, hindi niyo maalala? Nung pinaplano mo yung girlfriend prosopal mo nung college tayo parang ganito din yung vibe nun! Tumambay pa nga tayo sa condo mo eh."

 

 

Bigla ko na naalala kung ano yung sinasabi niya, days before kami mag travel para sa girlfriend proposal ko dati, parang ganito nga yun. I just feel so grateful that I get to do this again with my friends and of course I am more than excited because I am doing this for the same person.

 

 

"Hey, you feeling okay baby girl?" binato ko si Ning ng throw pillow nung bigla niya akong hinawakan sa baba. "Tigilan niyo na nga yan baby girl na yan nakakairita."

 

 

"Eh bakit ba? Ang cute mo kaya tsaka ang ganda ganda mo. Kaya nga nahihiya sayo si Heejin nung sa airport eh, hindi ka daw niya matignan. Ayieee."

 

 

"Hahahahaha ayieeee."

 

 

"Ang gago mo Ning! Stop it nga Ry! Winter wag ka maniwala dito sa mga to, epal niyong dalawa ah isusumbong ko kayo kay Hyunjin."

 

 

"Para kayong tanga, pati ba naman si Heejin inaasar niyo?"

 

 

"Kagabi pa nila ako iniinis Winter sinasabi nila crush daw kita, parang mga ewan."

 

 

"What the hell, ano to high school? Masahol pa sa yan eh. Wag mo sila pansinin Heej."

 

 

"Dali na, mag explain ka na kasi may hahanapin pa tayong hidden club sabi mo."

 

 

"Yeah, around 8pm aalis na tayo, magstart na tayo maghanap. Ito na yung plano I'll make it brief and short." kinuha ko yung envelope pati na din yung dalawang box ng singsing. "Here, take this." inabot ko sakanila yung laman ng envelope at nilagay ko sa table yung mga ring boxes. "Winter?!" kita ko kung pano nabigla si Ning,lumapit na sakanya si Ry at Heejin. Nagsimula na silang basahin yung nakasulat sa papel. "Gagi ka seryoso ba to?"

 

 

"Are you for real or prank nanaman?" kahit pa kinakausap nila ako, hindi nila inaalis yung tingin nila sa marriage license. Nakita ko na kinuha ni Heejin yung isang box na naglalaman ng dalawang singsing. "So you mean this is the-"

 

 

"Yeah, our engagement ring."

 

 

"So you're really going to,"

 

 

"Yes Karina and I are getting married this weekend. Akala niyo magppropose lang ako on Saturday. Oo gagawin ko din talaga yun but once na nag agree si Karina. Once she said yes to my marriage proposal, I will marry her on the spot."

 

 

"Ha? Teka nga this is so confusing."lumipat ng upuan si Ry at umupo siya sa mismong tapat ko. Nagsunuran at tumabi din samin yung dalawa."Oo nga yun yung plano ko. We will be having an impromptu wedding during sunset."

 

 

"Oh wow, seryoso ka ba?"

 

 

"Yeah yan yung inaayos ko sa City Clerk's office for three weeks. Yung black ring box contains the wedding ring, you may check it out."

 

 

Kinuha ni Ning yung ring box and she opened it."Oh my god wow! Winter it's so pretty."hawak niya yung wedding ring at tinitignan naman nila Ry yung engagement ring.

 

 

"Thanks, maganda naman yung design dba, I chose the one with a diamond for the engagement ring."

 

 

"Teka nga teka nga, baka nagiging impulsive ka nanaman eh, alam ba to nila tita ni ate Taeyeon pati ng family ni Karina?"

 

 

"Hindi nga alam ni Karina eh yung family niya pa kaya? Hindi din alam nila mommy kasi issurprise ko sila pag uwi ko."

 

 

"Gagi ang lakas ng loob mo. Hindi ba maooffend sila tita and si ate na hindi mo sila sinabihan?"

 

 

"I don't think so. Tsaka ito na talaga yung gusto ko eh, hindi na talaga ako makapag hintay."

 

 

"Winter hindi sa nagiging negative kami ha. Pero pano kapag hindi pa ready si Rina tapos nag decline siya? Or nag yes pero hindi pa siya handa sa impromptu wedding?"

 

 

"Kilala ko si Karina, pareho namin gusto to matagal na. I know that it is very risky but, we're already here ang dami na namin pinagdaanan dalawa, so why wait? Ilan beses na din namin napagusapan to, I'm confident that she is ready and she will agree with me. It's time for us to tie the knot and make it legal."

 

 

"Wow wala akong masabi. Pero totoo ang tagal niyo na din naman. What do you think guys?"bumaling si Ry kay Ning and Heejin na parang hindi malaman kung pano magrreact sa mga sinasabi ko sakanila. "I know that it is surprising but I won't delay it anymore, itutuloy ko na talaga hindi na ako makapaghintay."

 

 

"Matagal na din plano ni Karina yan dba, I mean even before humihirit na siya ng ganyan sayo? so I bet she will say yes to you."

 

 

"Tingin mo Heej? Grabe sana nga. Ning ano mali ba, what do you think?"

 

 

"No because there is no right and wrong when it comes to this. The both of you are doing well and you are at the right age. Tsaka sabi ko naman sayo dba, you are a great couple because you complement each other. Anong point ng sacrifices niyo, yung mga pinagdaanan niyo, the love and affection you have for her kung hindi din naman kayong dalawa yung magkakatuluyan. Don't be stupid and just go for it."

 

 

"It's so comforting to hear these words coming from you guys. Mas na-encourage and naeexcite tuloy ako."

 

 

"Oo nga naman bakit papatagalin mo pa? Kaya pala gustong gusto mo na sumama sila babe Yeji dito, gets ko na. Pero pano yung family niyo, kailan mo balak sabihin sakanila?"

 

 

"I'll break the news to them pag nakauwi na kami, for vacation."

 

 

"Oh I see. But yeah do it, we support your decision and we are not against it, for sure papayag yun si Rina. I'm very positive about this."

 

 

"Thank you Ry."

 

 

"How are you going to propose?"

 

 

"In the afternoon of Saturday iinvite ko siya na mag stay with me at the beach. Dun sa beach front, tapat ng cottage nila Chaehyun. I will set up a very cozy spot for a picnic and if she said yes dito ko na kakailanganin yung tulong niyo."

 

 

"Alright sige explain mo na, grabe mas naeexcite ako!"

 

 

"Habang naguusap kami mag aabang na kayo because I'm gonna give you a sign, like if we kiss or something it means she said yes. After nun iinvite ko siya sa spot kung saan gagawin yung wedding ceremony, tatakpan ko nalang yung mata ni Rina and then makikita nalang niya na naghihintay na kayo dun. Tapos yun start na ng wedding."

 

 

"Gagi ang saya parang ang cool nito, I can't wait na makita yung reaction ni Karina. Pano pala yung damit na isusuot niyo?"

 

 

"I already asked Wonyoung to get Rina's body measurement two weeks ago pa, kaya na-alter na yung dress na isusuot niya, it fits perfectly now. I'm just gonna tell her that it's my gift for her and I will let her wear it when we watch the sunset."

 

 

"How about you what are you gonna wear?" tanong sakin ni Ning. Alam ko na naeexcite siya sa mga ganitong usapan. "Wait erase the question, It girl ka nga pala, so who are you gonna wear baby girl?" hinampas ko siya ng unan ng nagsimula nanaman siyang asarin ako. "I also have a dress, na-deliver na. She'll be in De la Renta and I will be wearing Etro, si Wonyoung lahat nag ayos nun. Andyan na sa bedroom ko, they're just simple white dresses hindi siya yung wedding gown na akala mo pang church. Joy the stylist also helped us with the accessories kaya lahat ayos na. The makeup artist na friend ni Chaewon she's gonna come as well, around lunch time. Mag aayos tayo around 1pm. Libangin niyo nalang si Karina Ning para hindi siya makahalata."

 

 

"Gago napaka busy nung araw na yun tapos nag aayos tayong lahat, panong hindi niya mahahalata?"

 

 

"Edi sabihin niyo pag nagtanong siya na mag ttong-its tayo sa dagat kaya nagaayos tayong lahat."

 

 

"Hahahaha tanginang yan tong-its sa shore pero naka todo bihis. Ano yan tong-its tournament?"

 

 

"Hahahaha oo ganun na nga. Basta gawan niyo nalang ng paraan please. Pero for sure magtatanong talaga yun kasi sa umaga palang may mga nag sset up na. Tsaka bawal mag post ng kahit anong photo ha. Ning please?"

 

 

"Yup you can count on me. I won't post anything, I swear. I'm so excited for this, sayang wala si Snug and sila Yej!"

 

 

"Sabi ko sainyo eh, pero okay lang kasi may conflict sa work schedule nila, hindi sila pwede mag travel. Wait, yung sinabi ko the other day. Nagdala naman kayo ng damit or bumili kayo kanina?"

 

 

"Ito si Ning bumili kanina kaya halos mapilay braso niya sa mga paper bags na hawak niya. Okay na kami ni Heejin we brought clothes."

 

 

"Yeah nagdala kami kasi sabi mo eh."

 

 

"That's the final plan. We'll hang out at Chaehyun's cottage tomorrow, maghapon yun tapos thanksgiving dinner sa gabi and then on Saturday at 3:30pm proposal, followed by the wedding and dinner after. Hindi advisable na magtagal sa shore kasi sobrang ginaw pag gabi na, although may bonfire naman kaya pwede pa din kung gusto niyo."

 

 

"Wait, who's gonna officiate the wedding?"

 

 

"Around 2:30pm dadating yung Reverend, he's gonna officiate the ceremony. He's staying there at The Hamptons kaya hindi mallate yun. Sobrang bilis lang nun ceremony parang twenty minutes lang or less. Itago niyo nalang si Reverend sa kwarto para hindi mapansin ni Karina."

 

 

"Itatali ba namin siya?"

 

 

"Gago? Ry gusto niyo ba makulong nanaman ako, or gusto mo kasama ka para hindi tayo mainip?"

 

 

"Sabi ko nga joke lang eh."

 

 

"And then after the wedding?"pagpapatuloy ni Ning. "There's a small party. Nakausap ko na din yung chef ni Rina may menu for dinner and then cocktails, sila na magaayos. Sobrang konti lang naman natin six lang tayo. Tapos yung set up, tinulungan ako nung staff ni Johnny. Sila na mag aayos sa umaga palang and it's just simple, gagamitin nila yung gazebo nila Chaehyun sa tapat ng beach."

 

 

"Boyfriend mo ba si Johnny Winter? Lagi mo siya nammention."

 

 

"Gago? Ikakasal na nga kami ni Karina anong boyfriend pinagsasabi mo Heejin. As if naman pumapatol ako sa guys. He's my friend, mga friends sila ni Chaewon. Before kayo umuwi mammeet niyo sila pag balik natin dito sa Monday."

 

 

"Dba mga it girls friends niya pati yung circle ni Karina?"

 

 

"Oo, kaya makakasundo mo sila Ning, lalo sila Yujin, Yunjin sobrang bait nila. Si Minju gagi nandito din pala. Punta tayo sa restaurant niya before your flight to Manila."

 

 

"Isama mo kaya si Minju sa wedding mo Winter, para pag tinanong kung may tututol baka sakali magtaas siya ng kamay. Alam mo yun para kunyari teleserye."

 

 

"Ryujin maiwan ka nalang kaya dito bukas. Wag ka na sumama sa road trip natin leche ka, napaka gago ng mga ideas mo eh."

 

 

"Hahahaha joke lang ito naman masyado ka naman serious baby girl." pinalo ko yung kamay niya nung sinundot niya pa yung pisngi ko. "Ang gulo mo eh. Basta bago kayo umuwi try natin mag dinner sa restaurant niya kasama natin si Rina."

 

 

"Sige exciting yan, nakakasawa na din eh tayo tayo nalang yung magkakaibigan. We need new set of friends gusto ko yung mga ano yung pwede kaming mahagip sa paparazzi. Hahahaha."

 

 

"Hahahaha mga trip niyo talaga ni Ning eh. Dumikit kayo kay Chaehyun pag sa mga party, lagi siya pnpicturan pati sila Yunjin, yung mga streetstyle kemme."

 

 

"Andun ba sila mamaya sa pupunatahan natin?"

 

 

"Ay wala eh, mga art people and hipsters yung crowd mamaya. Guys another thing, I need to inform you. Ito yung reason kung bakit tinapat ko yung engagement and wedding sa time na nandito kayo. The three of you will be the official witness from my side. Yung kay Rina si Wonyoung, Heejin ayos lang ba para even and balanced, okay lang ba kung ikaw yung isang witness for Rina?"

 

 

"Of course Winter oo naman. Sure, I'll be the witness from Rina's side."

 

 

"Winter!" nagtaas ng kamay si Ning. Kanina lang andito siya sa tabi ko ngayon andun na siya nakaupo sa matcha corner at nakahiga na sa bean bag. "Pano ka napunta dyan, bakit hindi kita napansin?" tanong ko sakanya. Natatawa kami nila Ry dahil para siyang nag teleport. "Ano yun Ning?"

 

 

"Uhm Wonyoung our schoolmate, she works for Karina right?"

 

 

"Yeah as editor why?"

 

 

"May naisip ako, okay lang ba if ako and si Wonyoung yung witness from Rina's side?"

 

 

"Huh? Bakit, ayaw mo sakin?!"

 

 

"Para same kami mga It girls tapos kayong tatlo nalang nila Ry and Heejin yung magkakasama." napakusot ako ng mata at napakamot ng ulo dahil sa sinabi ni Ning. Akala ko pa naman kung gano kaimportante yung idea na ishshare niya samin. Mukang may binabalak pa ata siyang iba. "Ano nanaman ba tong pumapasok sa isip mo Ning?"

 

 

"Hahahahaha walang hiya ma-ipush niya lang talaga yung It girl agenda niya eh. Hindi pwede yan!"

 

 

"Ning hindi pwede, kayo ni Ryujin yung best friends ko simula twelve years old. Tapos ngayon iiwan mo kami dahil lang sa mga it girl ek ek na ganyan?"

 

 

"Nag suggest lang naman ako eh, but okay you have a point. Si Heejin nalang for Rina."

 

 

"Dito ka lang samin ni Winter. Tayong tatlo magkakasama It girls din naman tayo eh, alam mo kung ano nga lang pinagkaiba?"

 

 

"Ano nanaman?"tanong sakanya ni Ning habang kita yung pagkairita sa muka niya.Gets niya kagad na aasarin lang siya ni Ryujin. "It girl pero yung sa IT na horror movie. Alam mo yun, yung clown na may lobo na nagtatago sa imburnal?"

 

 

"Ah gago si Pennywise? Hahahahahaha napaka ulol mo talaga Ryujin."hind namin mapigilan matawa sa pinagsasabi niya kay Ning. "It girl daw eh IT din naman yun. Mas It pa nga yun hahaha"

 

 

"Whatever! Sige I'll be one of your witnesses Winter. I'd love that."

 

 

"Okay we're done here. Bihis na kayo, may hahanapin pa tayo na club, Ry galingan niyo ni Heej para mahanap natin kagad. Base dito sa invite coordinates, addresses, songs and video timestamp yung clues."

 

 

"Mukang mas mahirap pa sa Calculus yan eh. Bakit hindi mo nalang itanong sa friend mo kung saan yan club na yan? Papahirapan pa tayo."

 

 

"Walang may alam that's the point. Hahanapin mo talaga siya, lagot tayo kung sa basement naka locate to. Kayang kaya niyo naman yan, start tayo dito sa apartment tapos ippin ko na kagad sa navi yung first spots na pupuntahan natin, andun daw yung ibang mga clues. Grabe tingin ko hindi na tayo makakatulog eh kasi maaga tayo susunduin nila Karina."

 

 

"Sino pala mag ddrive papunta sa Hamptons?"

 

 

"Driver ni Rina. Kasama pala natin si Wonyoung sa road trip. Dadaanan nila tayo bukas dito tapos tuloy tuloy na. 5:00 am nila tayo susunduin."

 

 

"Tangina?! Dalian na natin what the . Hanapin na kagad natin kung saan man tong club na to. Magbihis na kayo ni Ning ichcheck na namin to ni Heejin."

 

 

"Okay."

 

 

 

 

 

 

Thanksgiving Day

 

 

6:00am

 

We are now traveling to The Hamptons. We're gonna spend Thanksgiving at Chaehyun's family cottage, dun din gagawin yung impromptu wedding namin ni Karina na mukang mauudlot pa.

 

 

Ito na ata yung pinaka tahimik na road trip sa buong buhay ko. Dinaanan nila kami kanina around 5am, I didn't know na nag rent pala siya ng charter bus kaya sobrang comfortable ng biyahe namin. Silent and comfy yan yung vibe dito ngayon sa bus dahil hindi ako kinikibo ni Karina. Yung seating arrangement namin, silang dalawa ni Wonyoung yung magkatapat sa first row, si Ning yung sa seat sa likod niya and then si Heejin. Andito kami nakaupo ni Ryujin sa pinaka likod. Nagsesenyasan kaming dalawa at nagpipigil ng tawa dahil sobrang quota na ako sa pagalit ni Karina.

 

 

"Winter" pabulong na tawag sakin ni Ry. "Ano yun?"

 

 

"Pag naalala ko yung itsura niyo ni Ning kanina, hindi ko mapigilan matawa. hahahaha"

 

 

"Ssshh wag ka maingay baka marinig tayo. Tangina sa sobrang sabon sakin nararamdaman ko nga nagiging bula na yung mga kamay ko eh. Tignan mo, bigla nalang akong mag eevaporate sa susunod."

 

 

"hahaha bobo kasalanan mo naman. Hindi mo kasi tinignan yung oras, para ka pang gago mag dahilan. Nung naabutan niya tayo sa labas sabi mo pa "huh? hindi nagpapalamig lang kami dito, kakalabas lang namin" tangina nagpapalamig eh four degrees kaya yung temperature ngayon."

 

 

"Hahaha eh nagkkwentuhan naman talaga tayo sa sidewalk eh kasalanan ko ba na hindi tayo umabot paakyat sa unit ko. Grabe ang dami ko nainom, si Ning akala ko nga wala ng pulso kanina eh. Buti nalang si Heejin na yung nag drive or else hindi tayo makakarating ng buo. Nawala sa isip ko yung time, malay ko ba na 5am na pala. Badtrip, hindi tuloy ako kinakausap ni Rina ngayon gusto ko pa naman humingi ng pillow."

 

 

"Nakakatawa gago more explain ka pa kasi eh huling huli na tayo. Halatang kakarating lang natin tapos hindi ka pa makatayo."

 

 

"Para naman kasing tanga yung naka isip nung event na yun late na kasi tayo nakarating, malay ko ba na ang hirap pala hagilapin nung underground club, ang labo pa ng mga clues, dun sa area code ako pinaka nahirapan."

 

 

"Mahirap talaga, manhole ba naman yung main entrance ng club, malamang mahihirapan talaga tayo hanapin yun, buti nalang nga naka pants tayo ang hirap kaya pababa."

 

 

"Alam mo hindi ko nga maalala pano tayo nakaakyat palabas dun sa manhole nung pauwi na tayo eh, nanginginig na yung tuhod ko,puro hard kasi pinainom mo sakin leche ka."

 

 

"Hindi ko nga mismo maalala kung saan yung lugar eh, pag babalik tayo dun tignan mo hindi pa din natin mahahanap yung club."

 

 

"Pero ang cool ng event grabe. Hidden kung hidden, yung senior namin sa Parsons yung nag invite satin, ulitin natin yun next time pag bumalik kayo dito mas okay pag madami tayo."

 

 

"Pero pag naalala ko ngayon. Nakakatawa siguro yung itsura natin kanina.Tangina nag impake nga ako on the spot parang wala pang fifteen minutes hahahaha. Ang sakit sa tiyan pero nakakatakot talaga si Karina pag nagagalit."

 

 

"Oo para tayong nasa military dahil dun sa giant baby ko. Nakita mo dba, pinapagalitan niya ako habang naghahakot tayo nung mga gamit na dadalin hahahaha. Bumilis bigla yung kilos ko eh. Yung adrenaline rush ko nag shoot up, nabuhat ko lahat ng mga kailangan dalin ng isang bitbitan lang. Si Ning nagka malay bigla eh, parang nahimasmasan siya. Hahahaha"

 

 

"Hahahahaha nawala nga yung tama ko eh. Na flush out yung mga pinagiinom natin nung nagalit si Karina."

 

 

"Ry pano matutuloy yung plano ko kung galit siya sakin? Pano kapag hindi siya nag yes?"

 

 

"Pag hindi pumayag edi pakasalan mo si Reverend. hahahahaha"

 

 

"Hahahahahaha you!!!"

 

 

"Pup ano ba?! Kanina pa ako inis na inis sayo Winter! Kanina ka pa talaga!! Keep it down natutulog sila!"

 

 

"Luh keep it down pero siya yung sigaw ng sigaw."pasimpleng bulong ko kay Ryujin. Sinisilip ko siya at inilawan ko yung muka niya. Nakita ko na namumula na siya kakapigil ng tawa. "Wag ka magulo gago baka pababain tayo."

 

 

"Ry tulog ba si Ning Waldorf?"nag forward ako para silipin si Ning. Mukang natutulog ata siya pati si Heejin."Wag ka magulo Winter. Matulog na nga tayo, baka pababain pa tayo ni Karina."

 

 

"Tangina sayang naman yung mga dress kapag pinababa ako."

 

 

"Gago edi isuot mo nalang pag pinababa tayo dyan sa daan."

 

 

"Hahahahaha sige pero isuot mo din yung isa para parehas tayo!"

 

 

"Oo tapos tumayo tayo dyan sa gilid ng daan para kunyari hitch-hikers. Parehas pa tayong nakaputi hahahaha."

 

 

"Hahahahaha tangina mo talaga Ryujin!!!"

 

 

"Pup ano ba!!! isa nalang talaga, kanina ka pa!!"

 

 

"Bakit ba sigaw ka ng sigaw ikaw dyan yung maingay eh, bumubulong na nga ako dito!"

 

 

"Because you're really annoying! I know na sinasadya mo yan Winter. Nangiinis ka talaga."

 

 

"Luh epal, ang lakas naman ng pandinig nito."

 

 

"Matulog ka na nga, madadamay pa ako sa away niyo eh. We didn't change our clothes grabe amoy yosi yung jacket ko." chneck ko yung coat ko, parehas pala kami na amoy usok yung damit. "Oo nga eh ako din, mamaya nalang pag dating. Good night."

 

 

 

 

Thanksgiving Day, The Hamptons

 

All of us have settled down,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔