Stage 3.10: Dip Conversations

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

** Song for this chapter Charlie by Mallrat**

https://open.spotify.com/track/6SPOM20nWbQSBvTwzgIzqg?si=e0de842cd40640cd

 


*Current*

 

Higit kalahati na yung pag "scan" ni Ning sa journal na nakuha sa kwarto ni Winter.

 

"Grabe talaga Winter, buti hindi nagka gray hair sayo si Karina." 

 

 

Stage 3 pa din ang ina-update ko dito sa journal ko. Ito yung pinaka madaming ganap. Itutuloy ko na din pala yung about sa first trip namin together as girlfriends ni Karina, pipilitin kong isulat ng halos buo itong kwento na to because this is a huge part sa relationship namin.

 

 

5:30am 

 

Natutulog ako nung naramdaman ko na may mabigat na naka dagan sakin. Hindi ko masyado makita dahil nakapatay ang ilaw, sino to ang haba ng buhok kaya hindi ko masyado makita yung muka. Tangina asan ba si Karina, hindi ko siya makapa sa tabi ko. Hindi ako makagalaw. May multo kaya dito sa bahay nila.

 

"Aray!!!"

 

"Ssshhh Pup ano ba ang ingay mo baka marinig ka nila dad."

 

"kinagat mo ako eh ang aga aga. Bakit ka ba nandyan?"

 

"I'm waking you up, let's go!"

 

"what are we doing today?"

 

"Jog at the beach and we'll do yoga after."

 

"babe, pwede pass muna ako sa jogging, puro ganun training namin these past few months."

 

"okay sige, but let's go to the beach, come on bangon ka na."

 

"sige sige, mag jogging ka I'll do my meditation nalang."

 

"sounds great. where's my morning cuddle?"

 

"what? babe buong gabi na tayo magka hug, baka magkapalit na tayo ng muka niyan before tayo umuwi." bigla siyang nag pout at tumingin sakin. "You are depriving me of cuddles na Winter?"

 

"siyempre hindi, come here my giant baby!" hinatak ko si Rina, pinahiga ko siya sakin at niyakap ko ng mahigpit. Tumatawa siya at nagpipilit pumiglas. "Pup I can't breathe!" 

 

"oh really you can't?" I squeezed her cheeks and showered her face with little kisses. "I love you!"

 

"I love you too my giant baby, let's go." 

 

 

 

 

 

Natapos na ako sa forty minute meditation, hinihintay ko nalang si Rina na makabalik pero nakikita ko na siya from kung saan ako naka upo. Ano naman kaya ang activities na gagawin namin ngayon araw. Siya lahat ang nag plano nito, dahil gusto niya daw akong i-surprise, kaya I let her. Nakakatuwa lang kasi kita and ramdam ko yung pagka excited niya.

 

Umupo na si Rina sa tabi ko. Inabot ko sakanya yung warm water na dala namin at pinupunasan ko yung likod niya ng towel. "Pup, on the way na ba si ate Taeyeon?"

 

"Ha ha ha, ang funny mo Rina. Sinumbong mo talaga ako."

 

"Ang kulit mo kasi eh, wag mo na uulitin yun. If you do that again, hindi ka na makakasama kila Ry and Heejin."

 

"Baby, do you hear yourself? You're starting to sound like my mom."

 

"Whatever, I'm not gonna allow you kung ganun mga ginagawa mo, you are very impulsive."

 

"I'm working on it na nga eh. Babe harap ka, pupunasan ko yung leeg mo, you're sweating."

 

Humarap naman siya sakin at medyo tumingala. "Ayaw ko lang talaga mapahamak ka Pup."

 

"Yeah I know, I understand. What are we gonna do next?"

 

"Paddle board yoga." sabay smirk.

 

"Babe pwede ba na pass muna ako sa yoga, stand up paddle board nalang ako please?"

 

"After what you did yesterday with the kayak what made you think na papabayaan kita mag paddle board ngayon?"

 

"Sige na baby please, hindi ako lalayo, iikot lang ako kung nasaan ka dun lang promise."

 

"Pag lumayo ka and pumunta ka nanaman sa malalim, what am I gonna do with you?"

 

"I swear, ako na mismo tatawag para magpasundo kay ate Taeyeon."

 

"Pasalamat ka, hindi kita matiis."

 

 

 

 

 

Nilalagyan ako ni Rina ng sunscreen at inaayos niya yung life vest ko. Talagang inaadjust niya pa lahat ng straps at hinihigpitan isa isa.

 

"Baby hindi na ako makahinga luwagan mo naman ng konti."

 

"Hindi, it's not gonna work kung maluwag and I know you. Bigla mo tatanggalin yan."

 

"Babe sa sobrang higpit lulubog ako lalo, tapos hindi ako makakahinga."

 

"okay then, let's just remove it and wag ka na din mag paddle board para makahinga ka ng maayos."

 

"Hahaha hindi okay na, parang medyo maluwag pa nga yung dito sa left side eh."

 

 

 

 

Nag iikot ikot lang ako habang naka sakay sa paddle board, si Rina tuloy lang sa yoga routine niya, magkalapit lang din kami halos. Pag napapadaan ako kung nasaan siya at nagkakatinginan kami, kumakaway ako sakanya pero lumalaki ang mata niya at sinasamaan ako ng tingin. Ang aga aga palang pikon nanaman yung baby ko sakin. Ayaw na ayaw niya talagang lumapit ako sa tubig, kulang nalang pati sa bath tub bawal akong lumubog.

 

 

 

 

"Pup, tara na! We'll make breakfast!" sigaw sakin ni Rina, na mukang tapos na sa pag yyoga. "huh?! ano yun?!"  rinig ko na sinisigawan niya ako at naiintindihan ko yung sinasabi niya pero nag ppretend ako na hindi ko siya naririnig.

 

"I said let's go back!!! we will make breakfast!!!"

 

"hindi kita marinig!!!"

 

"halika na, mag bbreakfast na tayo!!!"

 

"ha?!!! hindi kita marinig!!!" pang aasar ko sakanya.

 

"Winter tatawagan ko si ate Taeyeon!!!"

 

 

 

 

 

Nag pprepare na kami ngayon ng breakfast sa kitchen at siyempre team work makes the dream work nanaman kami ng girlfriend ko. Yung mom and dad niya nauna na kumain dahil maaga silang umalis kanina papunta sa farm. May hinahabol ata silang schedule of opening para sa supply, kaya sobrang busy sila dun and lagi daw silang may ka-meeting from the government.

 

Share kami sa ginagawa ngayon. Rina is making an omelette tapos ako na nag luluto ng bacon and sausages, prito lang naman sa pan kaya madali lang, binabantayan ko nalang para walang sunugan. May surprise daw siya sa akin this morning, ewan ko kung ano yun but of course excited nanaman ako.

 

"Close your eyes Winter."

 

"What? but I thought we're gonna start eating?"

 

"sige na close your eyes, i'm gonna bring out the surprise."

 

Pumikit nalang ako kasi andyan na daw yung surprise. Sinunod ko nalang yung sinasabi ni Rina.

 

Habang nakapikit ako, naaamoy ko sobrang bango. Ang lakas ng amoy ng maple syrup.

 

"you can open your eyes now!" pag dilat ko may nakalagay na pagkain sa harap ko at ang ganda pa ng pagkaka plating. "wow, you made this?" tanong ko sakanya habang tinitignan ko yung pagkain sa plato.

 

"yeah, try it na Pup! that's the reason kaya ayaw kita kumain niyan sa Antonio's yesterday."hindi na ako nag hintay at nag dalawang isip. I cut a huge piece, sinubo ko kagad at kinain ko.

 

"baby oh my god."

 

"What? how was it?''

 

"Winter ano?!" 

 

proud na proud ako sa baby ko ngayon, sure na hindi ako magkaka diabetes at hindi din ako magkaka uti. "Babe grabe ang sarap nitong waffles mo, it goes well with the bacon."medyo pumalakpak pa si Rina and she was satisfied sa naging reaction ko. "good thing that you like it, ang tagal ko tntry gawin yan eh."

 

Nagugulat ako sa luto ni Rina, gumaling na ata yung taste buds niya at ang perfect nitong waffles pati na din yung ibang mga luto niya lalo yung omelette.

 

"really? I am so touched Rina. You did a good job baby, it's light and crispy parang kalasa nung sa favorite brunch place mo."

 

"Yaaaay so it's a success. Ang tagal ko inaral yan, I wanted it to be the same quality nung inoorder mo."

 

"what? dba ready mix lang naman yung batter?"

 

"Of course I'm not gonna feed you a ready mix waffle, I made it from scratch."

 

"Wow you are so sweet baby, I appreciate it. Ang sarap nito. Thank you for the surprise, and thanks for making this for me." Nilapitan ko si Rina, tumayo ako sa likod niya para ihug at halikan siya sa pisngi.

 

"Pup, ang lagkit! You didn't wipe your mouth before you kiss me."

 

"Haha okay akin na!" I held her chin and the syrup off her cheek. "there, is it better?"

 

"you are gross Winter, but can you my lips also? there's syrup."

 

"sure thing!" hinatak ko kagad si Rina at hinalikan ko na siya. I even deepened the kiss because she tastes so good. I made sure na napunasan ko lahat yung syrup sa lips niya using my tongue.

 

"okay enough na pup, let's get back to eating." sabay punas ng table napkin sa bibig niya na parang walang nangyari.

 

"babe wait lang kunin ko lang yung water sa kitchen."

 

Kumuha ako ng pitsel ng tubig na nakalagay sa counter tapat lang ng dining area. Nung hawak hawak ko na, muntik ko ng mabitawan ito dahil sa nakita ko.

 

 bumalik ako sa table at dumiretso kagad sa tabi ni Rina  "Baby halika nga dito."

 

"why?"

 

"Rina, bakit hindi mo sinabi andyan pala yung buong pamilya ni manang kumakain."

 

"what?"

 

"ayan oh, nakaharap sila satin kitang kita nila tayo kanina pa." 

 

"."

 

 

 

 

Naayos na yung mga pinag kainan namin at nalinis na din namin yung kitchen. Ang awkward nung kinukuha ni manang yung mga huhugasan dahil parehas kaming hindi makatingin sakanya ni Rina.

 

 

 

10:30 am palang, ito talaga yung gusto ko sa province, ang bagal ng takbo ng oras, wala ka masyadong iniitindi, tahimik tsaka napaka free and easy.

 

Nakatambay lang kami ni Rina dito sa pool nila, nag sswimming siya at nagbabasa lang ako. Ayaw ko mag swimming pa kasi mas gusto ko ienjoy nalang yung view at tapusin tong binabasa ko na book from Yeji, nung January ko pa kasi nasimulan to, hindi ko naman matapos tapos dahil sa school works.

 

 

"Hey what are you reading?" umupo sa tapat ko si Rina. Inabutan ko siya ng towel at bottled water.

 

"oh this? It's F**ck I Think I'm Dying by Claire Eastham. It's a gift from Yeji."

 

Sinisilip niya at binabasa yung title ng book."Can I borrow after you finish it?"

 

"of course babe. okay ka ba sa mga ganitong books?"

 

"uhhh not my cup of tea but sakto lang. I have read Catcher."

 

"haha I mean who hasn't read Catcher?" nag smile siya sakin at tumango. Napansin ko na seryosong nakatingin sakin si Rina habang nag pupunas ng towel.  "Pup, I'm just curious."

 

"yeah, what is it babe?" binaba ko yung book na binabasa ko at humarap na ako sakanya.

 

"If you could measure how much you love me, you think mga ilan percent na?"

 

"Hmm what? pano ko naman sasagutin yan?"

 

"I don't know, it's just hypothetical. Sige na try to answer it."

 

"But it's an emotion baby, I cannot measure it accurately because it's limitless."

 

"Hmm yeah, pero hypothetical nga lang."

 

"well I cannot answer that Rina, you can."

 

"what? why me?"

 

"You are the one who can tell, makikita mo naman yun with how I treat you, how I talk to you and if I support you. You can measure it through my actions towards you."

 

"hmmm yeah you have a point."

 

"so what do you think?"

 

"I can't give digits but I'm pretty sure that you love me."

 

"See? same lang tayo babe, I feel it."

 

 

 

 

 

 

I am Rina's hair habang natutulog siya na nakayakap sakin. Tuloy lang ako sa pagbabasa, dito muna kami sa bedroom niya dahil after niya maligo kanina, inantok na siya bigla.

Ang saya na sobrang carefree namin ngayon, walang iniintindi. Minsan sumasagi pa din talaga sa isip ko yung mga ate niya pero hindi ko nalang muna pproblemahin yun dahil gusto ko sanang sulitin namin ni Rina yung time na magkasama kami dito.

 

 

 

 

 

 

 

"Pup, wake up!" nagising nalang ako dahil naramdaman ko na may tumatapik sakin.

 

"Gising ka na? bakit ang bilis mo naman nagising?"

 

"It's already 3:30 kanina pa tayo tulog. Halika na, we will swim and we have another activity."

 

"Again? yan na ba yung surprise mo?"

 

"No, later tonight pa yung surprise. This is different and I know you're gonna like it."

 

"Okay."

 

 

 

 

 

Abala kami na nilalagyan ng hangin yung inflatable sofa at unicorn floater dito sa living room. Ewan ko kung pano namin ibaba tong couch dahil medyo mabigat at madaming steps yung hagdan pababa sa private beach nila. Wala pa naman ngayon sila manang dahil umalis daw sila at umuwi muna sa kanila.

 

"How are we gonna bring down the couch Winter?" naka pamewang pa si Rina habang nakatingin sa mga inflatables na hinahanginan namin.

 

"let me think, unahin natin yung unicorn."

 

"yeah, alright."

 

"Ibaba mo na kaya yung unicorn floater babe? kaya mo ba mag isa?"

 

"The stairs is too steep, baka mahulog ako."

 

"Oo nga baka mahulog ka, hindi ko kakayanin maging byuda at this age, malulungkot ako."

 

"Hahaha the heck are you saying?"

 

"Ibato ko kaya from the railing ng balcony sa likod tapos saluhin mo?"

 

"No way, baka kung saan mapunta, mabubutas yan."

 

"hindi yan, aayusin ko ihagis. galingan mo lang sumalo."

 

"No, buhatin nalang natin dalawa. We're a team right?"

 

"okay sige na nga, tara na!"

 

 

 

 

 

Pinag tulungan namin ibaba yung unicorn floater. Sinunod namin yung mga cooler para sa drinks and mga snacks na kakainin namin by the beach. Hindi na din kami nakapag lunch kanina dahil nakatulog at busog pa naman kami. Ready na lahat at isa nalang ang kulang, yung velvet inflatable sofa na mas mabigat pa sa akin.

 

"Pup, we have to think of a way kung pano natin ibababa to." nakatayo at naka pamewang nanaman siya habang inaayos ko yung pump na ginamit namin.

 

"Wala kasi outlet sa baba so we couldn't deflate tapos dun natin lalagyan ng hangin."

 

"you think we can carry it?"

 

"it's too heavy. it's a 3-seater sofa, baka mahulog tayo pareho."

 

"what are we gonna do, let's just use the mats and beach blanket wag na to."

 

"no, let's use this kasi mas comfortable. Baba ka na dun babe mauna ka na, ako na bahala dito sa sofa. Leave it to me."

 

"what are you up to nanaman Winter? When you're smiling like that, may naiisip ka nanaman eh."

 

"wala naman, nag iisip lang ako pano ibababa to. come on, go there na babe andun na yung gamit natin eh, ako na bahala dito."

 

"are you sure you don't need my help?"

 

"yeah, ako na bahala mabilis lang to."

 

"okay, I'll wait for you there. Don't do anything stupid Pup okay? Come kiss na." tinawag ako ni Rina para lumapit sakanya, hinalikan ko siya sa lips bago siya lumabas para bumaba sa beach.

 

 

Gusto ko talaga na magamit namin itong inflatable sofa kasi sobrang comfortable nito, dito kami umupo last night habang nanonood ng movie. Magkkwentuhan pa naman daw kami ngayon, we will be having deep conversations while we watch the sunset. 

 

 

This is the first solo vacation with my baby, so I want our afternoon to be perfect.

 

Nakakapag laro naman ako ng frisbee sa UP. Tsaka wala akong ibang choice..

 

fly high inflatable sofa!

 

 

 

 

 

 

 

 

"Hi Karina!"

 

"Pup, you wanna eat na or you want to swim?"

 

"Yeah tara, pwede na. We can swim na din." matamlay na sagot ko sakanya.

 

"are you okay?"

 

"yeah, medyo nagugutom na ako eh. tara, dun na tayo sa mats?"

 

"okay let's go, buti pala dinala ko."

 

"oo nga eh."

 

"come on." hinawakan na ni Rina yung kamay ko at sabay kaming nag lakad papunta kung nasaan yung mga gamit namin.

 

"yeah, gutom na ako."

 

"wait Pup, I remember. I thought we're gonna use the sofa?" tinitignan ako ni Rina at mukang nag hihintay siya ng sagot galing sakin.

 

"mas okay ata sa mats babe, para mastretch yung likod natin."

 

"okay tara na, but did you leave it in the living room?"

 

"I left it."

 

"in the living room? sure ka pup ha tinabi mo? It's in the middle of the living room, naka harang yun."

 

"hindi sa living room."

 

"huh? where?"

 

" I have encountered a little problem with the sofa. Just a tiny, problem. Like a hiccup, alam mo yun?"

 

"what problem?"

 

"it's just a teeny tiny problem babe, it's not a big deal."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔