Yooji

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's POV

 

 

8:50pm Saturday at The 202

 

Ito na ata ang sobrang nakaka tense at pinaka eventful week na na-encounter ko sa buong buhay ko. Yung mga ganap nung hang out day namin last Thursday patikim palang pala yun, wala yun sinabi dun sa naging eksena namin dito sa condo kanina. Mas nakakapagod at nakaka drain kasi yung nangyari courtesy of who else, my mini baby Yooji.

 

 

Kaming dalawa nanaman yung naiwan dito dahil may event na pinuntahan si Karina, kinailangan niya umalis ng maaga at buong araw siyang wala dito. Ako yung nag bantay sakanya from the time na umalis si Rina.  

 

 

Nung umaga napaka tahimik ng buhay namin dalawa, nagpunta pa kami sa park, nag jogging ako at pinag bike ko siya hanggang gusto niya kaya tuwang tuwa siya. Nung lunch, nag luto ako and she ate the food I gave her, she didn't complain at all even if I didn't let her eat sweets kasi pinagbawal ni Karina. Okay naman because my mini baby was very cooperative.

 

 

Around 1:30pm we stayed in her play room, we made a makeshift tent or more like a fort for kids dahil naglalaro kami ng kunwa-kunwariang camping. I closed all the blinds para madilim and I got the lamp para yun yung maging ilaw namin sa loob ng tent. Nag simula akong basahan siya ng fairytales dahil papatulugin ko siya ng hapon. Nung nagbabasa ako hindi ko naman alam na ako pala yung mas mauunang makatulog kesa sa kanya.

 

 

Habang natutulog ako, naalimpungatan ako bigla dahil may kumalabog sa kabilang kwarto. Pag bangon ko, dun ko lang naalala na may binabatayan nga pala akong bata. I tried to get my phone to check the time kaso nung napatingin ako sa kaliwa ko, halos tumalon yung puso ko sa sobrang takot dahil dun sa nakita ko.

 

 

After how many years, masasabi ko na ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganitong level ng takot.

 

 

Nagising ako na meron batang itim yung muka na nakaupo sa loob ng tent. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses dahil sa sobrang takot ko at ang bilis kasi talaga ng pangyayari. Mind over matter, pinilit kong kalmahin yung sarili ko, sinabi ko na hindi ako matatakot kahit pa sobrang lapit niya sakin. Ang ginawa ko mabilisan akong tumakbo palabas ng kwarto at hinanap ko yung anak ko dahil baka mamaya nakuha na siya ng multo or kung anong nilalang man yun. 

 

 

 

Flashback to what happened...

 

"Yooji! Baby where are you?!"nag aalala at sobrang kabado ako dahil hindi ko pa din siya nakikita pag labas ko ng kwarto. Kasalanan ko kapag may nangyari sakanya dahil hindi ko siya binantayan mabuti. "Yooji!" hinahanap ko pa din siya sa iba't ibang parte ng bahay. "Baby where are you? Yooji!" nagpunta ako sa masters bedroom, sala, kitchen, art room, storage at sa foyer pero wala siya dun.

 

 

"Yooji!!" nag aalalang sigaw ko. "Baby!"

 

 

"Mommy?"

 

 

"Where are you?!"

 

 

"Over here!" nung sumagot siya, nakampante na ako pero natatakot pa din ako kaya maingat akong naglalakad sa hallway at nakikiramdam. "Yooji where?!"

 

 

"I sit here!"

 

 

"What? Where are you baby come out I'm worried!! Hurry up we're leaving!"

 

 

"Here in play room!" madalian akong tumakbo pabalik sa playroom pero kinuha ko muna yung susi ng kotse dahil baka andun pa yung itim na bata na nakita ko kanina. Kung nasaan yung bata andun pa talaga naiwan mag isa si Yooji.

 

 

"Yooji get out of there baby come out here please, I'm scared!!" alam ko na dapat ako maging matapang para sa anak ko pero puta naman hindi ko na kakayanin makita pa ulit yung batang kulay itim na nakaupo dun sa loob. Jusko, naalala ko yung mata niya tapos yung muka niya na almost pitch black na. "Yooji come out!! I cannot go inside the play room!! please!" andito ako sa hallway, hindi ko na talaga kakayanin pang pumasok ulit dun dahil baka mahimatay ako sa takot. "Okay mommy! I cannot see it's dark."

 

 

"Dalian mo na Yooji please we have to go!" bahala na kung saan kami pupunta, we need to get out of here. Sigurado ako, ang tagal na kasing hindi natirahan itong condo namin kaya hindi malayo na napamahayan na ng multo.

 

 

"Where are you mommy, I cannot see it dark!"

 

 

"Baby please dalian mo na, we have to leave I'm serious!! Let's go!!!"

 

 

"Hi!!"

 

 

"AAAAAAAAAAHHHH!!" tumakbo ako hanggang sa pinto palabas ng bahay, sinuot ko kagad yung tsinelas ko at aalis na ko dahil nakita ko nanaman yung batang multo. Kaso tangina kailangan ko pala kunin yung anak ko na andun sa loob ng play room, hindi ko siya pwedeng iwan dito mag isa lalo na ngayon na meron nagpapakita.

 

 

, pano kaya to.

 

 

"Yooji!! Come here, I'm at the door!!I will wait for you!" hawak ko na yung door knob at binuksan ko na din yung pinto. Tangina hindi ko alam gagawin ko para akong na-corner kaso hindi ko naman pwedeng iwan yung anak ko.

 

 

**Loud Floor Creaking Sound**

 

 

Halos mapaupo ako sa sahig nung makita ko nanaman yung bata, mabilis siyang tumatakbo papunta sa sala, nakita ko na parang may hinahanap siya at sinusundan niya ako.

 

 

"Mommy?? you're noisy."

 

 

"Ha? Yooji?!!"

 

 

"Mommy! Where we going?"

 

 

"Anak, . Wait, what are you-, is that," tinitignan ko siya, ito yung batang tinatakbuhan ko kanina pa, I noticed that she's wearing the same clothes as my daughter. "Yooji? ikaw ba yan? Answer me please!"

 

 

"It's me Yooji"

 

 

Oh my god.

 

 

Jusko, what the hell is happening. Ano ba tong nasa harap ko, siya ba talaga to or nanggagaya lang ng boses.

 

 

"Baby, is that you?" nakatayo pa din ako dito sa foyer at hindi ko pa din sinasara yung pinto.

 

 

"Are you okay mommy?"

 

 

"Anak ano tong ginawa mo?! Baby come here nga, ano yan nasa muka mo?"sinara ko yung pinto at nilapitan ko siya. Binuhat ko kagad siya kahit pa ang dumi ng damit niya. 

 

 

"Oh no, ano tong nilagay mo? What is this?!!" iniinspeksyon ko yung itsura ng baby ko habang binubuhat ko siya papunta sa kitchen. Her face, her neck and even her ears are covered in black paint. Her finger nails, meron kulay pula na mukang nail polish. I can also notice her hair, nakasuklay ng maayos at naka slick back pa. Nung inamoy ko yung ulo niya. Jusko, ang lakas ng amoy ng hair spray and mousse. Naka brush up pa yung buhok niya, na ang tigas at hindi gumagalaw. "Yooji baby ano nanaman ba to, what the hell did you do?!!"

 

 

"Baby tell me! Look at you, you are covered in paint, I cannot see your face! What is this?!"

 

 

"Makeup tutorial." proud niyang sagot sakin, sabay ngiti. Yung ngipin at mata niya lang yung kita ngayon dahil dun sa ipinahid niyang black sa buong muka niya. "Baby oh my god, how and why? ano tong ginamit mo? where did you get this?"

 

 

"Why did you do that, and where did you get the paint?"

 

 

"No, not paint, it's makeup."

 

 

"That is not paint? then what is it, the markers or the poster color?" hinawakan ko yung muka niya at tinitignan ko mabuti. Powdery and at the same time malagkit yung ipinahid niya, sigurado ako ito yung art materials na naiwan sa art room ko. Pati yung tenga niya nalagyan din pala. "Come with me. I better clean you up your mama can't see you like this. She's gonna get mad."

 

 

Nagpunta kami sa kitchen, kumuha ako ng paper towel at pinunasan ko ng dahan dahan yung itim sa eyelids niya. It's not coming off at parang kumakalat pa lalo kapag nababasa. Gusto ko malaman kung ano yung ginamit niya para iggoogle ko nalang kung ano yung pwedeng gamitin pang tanggal ng hindi ma-iritate yung skin and mata niya. Kung poster color or water color to, dapat washable, kaso parang ayaw matanggal at kumapit na sa muka niya.

 

 

"Baby, I need you to tell me everything okay, we will talk about this later. You have to tell me what you put on your face, and why you did this."

 

 

"Okay" she muttered. She obviously knows that she is in trouble. I can tell because this is the tone of her voice kapag alam niya na nagagalit ako. "Can you show me the paint that you put on your face?"

 

 

"Is not paint. Come," hinawakan niya yung kamay ko at hinila niya ako papunta sa bedroom namin. "This is where you did your makeup tutorial?"

 

 

"Not here, there." nung dahan dahan niya akong hinahatak at naglalakad na kami papasok sa walk in closet, para akong nag uundergo ng near death experience. I saw my life flashed before my eyes habang tinitignan ko yung mga gamit na naka kalat sa lapag, mga drawers na nakabukas, yung mga makeup na kalat kalat, yung mga shoes ni Karina na sabog sabog at lalong lalo na yung stains sa carpet na napaka dami.

 

 

"Oh my god Yooji. Anong ginawa mo dito? Baby we are so doomed, lagot tayo sa mama mo."

 

 

 

 

Winter Kim:   GUYS I NEED YOUR HELP PLEASE

 

 

Winter Kim:   EMERGENCY LANG!!

 

 

Ning Yizhuo:  hoy! what's happening Winter??? 

 

 

Winter Kim:   **attached photo**

 

 

Ryujin Shin:   wtf!!! ano nangyari dyan?

 

 

Winter Kim:   **attached photo**

 

 

Winter Kim:   **attached photo**

 

 

Winter Kim:   **attached photo**

 

 

Winter Kim:   **attached photo**

 

 

Ryujin Shin:   sa closet niyo yan? gago mukang na-ransack!!!

 

 

Winter Kim:  dba!!! 

 

 

Winter Kim:   tangina ry yung carpet tignan mo!!!! please baka naman pwede ka magpadala ng cleaners mo dito yung mga nasa job site 

 

 

Ryujin Shin: o sige sige madali lang yan, may pang linis kami. Pero ano ba yan pintura? pag pintura hindi maaalis tsaka masisira yung fabric 

 

 

Winter Kim:   hindi paint to eh

 

 

Ning Yizhuo:  I don't think it's paint

 

 

Ning Yizhuo:   wait lang, makeup ba yan nilagay niya sa muka niya Winter?

 

 

Winter Kim:   yes!!! halo halong makeup tsaka poster color!

 

 

Ning Yizhuo:  kanino mga yan?

 

 

Winter Kim:   kanino pa nga ba edi kay karina!!!! tangina nagamit lahat ni yooji yung make up niya as in yung buong makeup box!! nilabas niya lahat ng laman. Naubos niya lalo yung mga liquid ibinuhos niya kaya yung carpet namin naging mapa na!!! pati yung talampakan niya may makeup, may mga footsteps tuloy na halatang kanya, pati dun sa sala meron

 

 

Winter Kim:  I don't know what to do, ayaw pa matanggal nung nasa muka niya hindi nabubura kahit hugasan

 

 

Ryujin Shin:  teka nga pano naman nangyari yan, hindi mo ba binantayan?

 

 

Winter Kim:  naglalaro kami, eh nakatulog ako tapos ayun nag makeup tutorial pala tong maliit dito sa kwarto namin hindi ko namalayan

 

 

Ryujin Shin:  holy i can sense that the apocalypse and rapture will happen all in one day, dyan sa condo niyo

 

 

Winter Kim:  kaya nga I need your help please, tangina sasabunin kami pareho ni Rina

 

 

Ryujin Shin:   pakita nga ng picture niya!!

 

 

Winter Kim:   **attached photo**

 

 

Ning Yizhuo:   tanginaaaaa hahaha ang cute niya grabe, pero winter malamang si Karina hindi talaga matutuwa pag naabutan niya yan

 

 

Winter Kim:   hindi talaga putangina, naiimagine ko na yung kahihinatnan ko mamaya kapag nadatnan niya to! lalo yung carpet dun sa closet jusko

 

 

Ning Yizhuo:   i'm sorry winter pero hindi ko mapigilan matawa hahahaha parang nakakuha ka ng katapat mo eh, ganyan siguro yung nararamdaman nila tita and ni rina sayo. ganyan ka kakulit eh. so now you know!

 

 

Ryujin Shin:   dose of your own medicine ka ngayon tanga!!!

 

 

Ryujin Shin:   sobrang cute tsaka ang kulit ng anak mo, alam na alam kung kanino talaga nag mana eh, it's not even up for debate

 

 

Ning Yizhuo:   hahahahaha pwede sa contraceptives campaign ad yan eksena niyo dyan winter!! hahahahahaha

 

 

Ryujin Shin:   contraceptives ad gago ka talaga ning hahahahahahahaha

 

 

Winter Kim:   ang epal niyoooo!!!! sige na please tulungan niyo na ako!!!! yung carpet pinaka problema ko eh ang itim na tapos ang daming foot steps kahit dun sa labas, tsaka si Yooji mismo ayaw matanggal nung nasa muka niya

 

 

Winter Kim:  tulungan niyo ako guys please!!!!

 

 

Ryujin Shin:   okay punta kami dyan ni yeji, in 15 mins we'll be there

 

 

Ning Yizhuo:   pupunta na din kami ni snug, wait for us! may ipapadala ka ba, ano kailangan mo cleaning stuff or anything?

 

 

Winter Kim:   anything na pang bura ng makeup please

 

 

Winter Kim:   isang timba ng makeup remover para ilulublob ko nalang tong ulo ng anak ko, napaka kulit niya eh

 

 

Ryujin Shin:   hahahahahahaha bukas may gray hair ka na sure yan

 

 

Ning Yizhuo:  hahahahaha kk, see you

 

 

Winter Kim:  thank you guys!!!! ning tell gigi na wag muna sabihin kay rina ha!

 

 

Ning Yizhuo:   alright!  

 

 

 

 

 

5:30pm

 

Naayos ko na yung makeup box ni Rina, parang 90% nung laman wala na, naubos at tinapon ko na. Yung carpet dndry lang ngayon tapos papasadahan pa nila ulit ng isang beses. Hindi na mababalik yung exact color and itsura pero nawala at nabubura na yung stain kaya sobrang thankful ako kay Ry pati dun sa mga staff niya. 

 

 

Sobrang laugh trip lang kanina kasi never ko inexpect na makikita ko si Giselle na mag aalaga at magbabantay ng bata. Nung nakatutok kasi kami sa pag ayos nung carpet at mga gamit sa walk in closet, si Yeji and Gigi naman yung nag asikaso kay Yooji. Sumama yung baby ko sakanila dahil familiar siya sa mga tita niya, madalas kasi silang kausap ni Rina so pati si Yooji nakakausap din nila.

 

 

Nilinis muna nila yung muka niya with the makeup remover then pinaliguan nila siya pagkatapos. Nakaka amaze lang, dahil ang galing mang uto ni Yeji ng bata. Ang dali nila napasunod si Yooji at panatag talaga yung loob niya sakanila.

 

 

"Winter hanggang ganito nalang to, yan na yung color ng carpet or else baka masira na yan pag nilinis pa ng isang round. Mas malaking problema yun. Ipapatastas mo to tapos re-install ka ng bago sa buong kwarto."

 

 

"Okay na to Ry, hindi naman na halata. Grabe sobrang thank you. Tangina this is so stressful."

 

 

"How about the makeup Winter?" tanong sakin ni Yeji."Okay na yun, I'm gonna explain it to Rina, sabihin ko ano nangyari kanina. Thanks again for the help guys." I noticed that Giselle couldn't stop herself from smiling. "What?" I asked her. Nung magsasalita na siya, hindi na talaga niya napigilan matawa. "Nothing, I just find it really funny Winter. hahaha"

 

 

"Hahaha ang epal mo ha, bakit nga?"

 

 

"Eh kasi eh, makulit ka masyado and now you are experiencing the exact same thing with your kid."

 

 

"Ah hahaha oo nga eh. Medyo makulit nga kasi talaga to kung ano ano ginagawa niya. Hindi ko na uulitin, hindi na ako matutulog ng tanghali tapos siya lang mag isa yung gising. Or illock ko na yung kwarto para hindi siya makalabas."

 

 

"Oo,baka next time mag cooking or baking tutorial naman yan sa kitchen niyo. Mas mahirap yun."

 

 

"We actually took a photo before we tidy her up kanina." Yeji handled me her phone at pinakita niya sakin yung pictures ni Yooji. "Jusko. She's smiling pa, hindi niya alam yung pagdurusa ko dahil sa mga ginawa niya."

 

 

"Hahahaha exactly, she's so adorable oh my god, and I was telling Giselle that it was really impressive and funny how Yooji even styled her hair."

 

 

"Yes I love the slicked back hair, she even went for a wet look. Maybe she thought that it goes well with the makeup. Hahahahahahaha."

 

 

"Mukang tuwang tuwa ka Gigi ha." comment ko sakanya. Kanina pa siya tawang tawa sa pinag gagawa ng baby ko na ngayon naman nagmmilk na habang buhat ni Ning. "Tawa tawa ka dyan, when you have your own kid tignan ko lang, Princess Nini 2.0 yan sigurado."

 

 

"and what's wrong with that?" sabat ni Ning. "Wala lang, ang cute nga nun eh pag nagkaron pa ng isang Ning or Giselle tapos smaller version."

 

 

"Well I agree with you Winter."

 

 

"By the way, when is Rina coming?" tanong sakin ni Giselle. "Uhm mamaya, hintayin namin siya dito may dinner and event kasi, there's a brand opening na ininvite siya."

 

 

"What you gonna tell her about the makeup?"

 

 

"Well ieexplain ko nalang, pinaglaruan naman talaga ni Yooji eh, hindi ko naman sinasadya na nakatulog ako. Hindi naman siguro magagalit sa ganun lang si Rina."

 

 

"Yun pala eh. You think you can manage? okay lang kayo dito ni Yooji?"

 

 

"Yes Gi, thank you."

 

 

"Okay we have to go now, we're gonna go to Tagaytay tomorrow right?"

 

 

"Oo nga pala, agahan natin ha, Ning agahan niyo ha si Somi and Heejin maaga yung mga yun, dun nalang ulit tayo magkita." paalala samin ni Ryujin. Ito yung lakad namin bukas, umaga hanggang hapon kami sa Tagaytay dahil gusto namin sulitin mag bike and longboard. Bihira na din kasi namin nagagawa yun since sa iba ibang lugar na kami nakatira.

 

 

"Sige aagahan ko bukas Ry, Ning mag alarm ka ha baka ma-late kayo nito ni Gigi."

 

 

"Nope, I'll sleepover at their place, hindi kami ma-llate."

 

 

"You need that short trip Winter, it's like a breather. Tsaka babe dba magkasama kayo bukas ni Rina and Lia?" paalala ni Ry kay Yeji. "Yes, we'll have lunch together and this cute little girl will be joining us." hinaplos ni Yeji yung muka ni Yooji, inalis niya yung bote niya at talagang nag smile pa. "Ang cute talaga nitong batang to grabe."

 

 

"Isama mo nalang kaya yan sa Tagaytay Winter para may laruan tayo."

 

 

"Jusko!!! Wag mo bigyan ng idea yan Ry, wag mo iparinig sakanya because I need a breather ikaw na mismo nag sabi. Hindi tayo makakapag cruise ng maayos kung may bata kaya wag na!! Hindi ko siya isasama kahit ano mangyari! Maiiwan siya dito. Dun nalang siya sa lunch ng mama niya, kasama nila Yeji bukas, tutal andun si Lia, close sila nun kasi ilan beses na nakapunta sa apartment namin si Li. Basta hindi, hinding hindi ako magsasama ng bata!"

 

 

"Hahahahaha relax. Ang dami mo naman sinabi."

 

 

"Hahahahahaha stressed siya eh. Yung mga kinakatakutan mo dati Winter pansin mo nangyayari na?"

 

 

"Ano yun Ning?"

 

 

"Saatin lahat ikaw yung pinaka allergic sa mga batang nag tantrums lalo sa mall and sa other public places."

 

 

"Hahahaha oh oo nga noh, lagi niya sinasabi dati yun na ang sarap daw pekstusan sa gitna ng noo."

 

 

"Language naman guys. Hahahaha eh kasi napagod ako ngayon grabe yung stress ko kanina kung alam niyo lang."

 

 

"Halata nga eh nakasalampak ka na nga dyan sa couch, o sige na we'll see you tomorrow."

 

 

"Okay guys, thank you so much again, thank you for the rescue! Yej, Gigi thank you for helping me."

 

 

"Welcome Winter. Babe let's go."

 

 

"No worries Winter, we'll go ahead. See you tomorrow."

 

 

-End Of Flashback-

 

 

 

 

"Don't worry about that Pup, those are just freebies and perks naman. I can always get a new one. It's all good but thank you for telling me what really happened."

 

 

"I'm really sorry babe."

 

 

"It's okay, pinagsabihan mo ba siya?"

 

 

"Yeah, I did. Napagalitan ko kanina, pero inexplain ko din naman pagkatapos. Nag apologize din siya kagad."

 

 

"That's good. Well she's a kid, it happens. Come here Winter, let me hug you." tumabi ako kay Rina sa couch at yumakap ako sakanya. Yung mini baby namin nakaupo sa sahig at naglalaro. "How does she look kanina? I can't imagine you running around and yelling inside the house. Hahahaha, grabe naman Pup, ang duwag mo pa din talaga sa multo."

 

 

"Hahahaha eh kasi nga, kahit sino naman noh. Alam mo yun, half asleep ka pa tapos ganun yung makikita ko na nakaupo din sa loob ng tent hindi pa nagsasalita, as in nakaupo lang talaga siya dun. Ang dilim tsaka ang lamig pa naman kanina sa play room."

 

 

"Do you have a photo of her, can I see?"

 

 

"Ito snend sakin ni Yeji, mas malinaw to." pinakita ko kay Rina yung picture nung bago nila paliguan si Yooji. "What the ? hahahahahaha."

 

 

"Baby ano ba, the language." pagsita ko sakanya dahil ang lakas pa naman ng pandinig ni Yooji.

 

 

"Oh no sorry. But this is so funny. Wait, I remember something. The photo in our apartment, same as the one in your bedroom in Alabang."

 

 

"Ah yung picture natin na mukang unicef poster?"

 

 

"Hahahahah yeah when you got lost in the woods and you started a wildfire. Oh my gosh I'm gonna have our baby's photo, pagsasamahin ko yung pictures niyong dalawa."

 

 

"Ang galing mo din eh noh."

 

 

"Hahahaha this is so cute. Oh my god Yooji, what did she put on her hair? did she do this all by herself?"

 

 

"Oo siya mag isa nag ayos ng buhok niya. Baby ang kulit ng anak natin, bakit ganyan? ang hilig niya mag dress up tapos ang kulit, masyadong malikot."

 

 

"Bakit ganyan? You're asking me that? gusto mo isa isahin ko lahat ng mga ginawa mo, from the time that we started dating Winter?"

 

 

"Oh bakit nadamay ako?"

 

 

"Sayo ko siya pinaglihi Pup, learn to accept it."

 

 

"I notice that our baby is also kinda masungit but super sweet and she has her own ways Karina."

 

 

"What do you mean?"

 

 

"Pati pag ayos ng gamit babe, gusto niya siya bahala, tapos may strategy pa siya. Normal ba yun sa ganyan age?"

 

 

"Of course. Maybe it's the Virgo in her, she's a perfectionist."

 

 

"Hahahaha oh oo nga pala noh she's a Virgo. Babe tomorrow pala, maaga ako aalis like before seven."

 

 

"Are you gonna be driving or you want to ask the driver,"

 

 

"No. Ako na, kayo nalang yung magpahatid and sundo, kasama mo si Yooji eh."

 

 

"Okay. Wag ka magulo Winter okay, wag ka sasabit sa bike. Put on some sunscreen, wear your helmet and your gloves."

 

 

"Yeah siyempre. Baby dito ka nga sakin, I miss you." I asked her to move closer to me. Nakahiga sakin si Rina,and we're cuddling."Namiss kita Karina."

 

 

"I miss you too Pup, so much. You kinda seem drained today. Halata na pagod ka."

 

 

"Well I am drained. May makulit kasi na kung ano ano ginagawa eh."

 

 

"Hahahaha so now you know how it feels?"

 

 

"Ang E mo ha isa ka pa. Yan din sinasabi nila Ning. Pero grabe nakakapagod sobra."

 

 

"Let me do this." mas lumapit pa siya sakin bago niya ako hinalikan sa pisngi at sa lips. "There. Does it make you feel better?" she asked. "Yeah of course it does, but I think kulang pa. I need more."

 

 

"Later, when our baby is asleep."

 

 

 

 

 

6:30am Sunday

 

Kailangan ko ng umalis dahil nag message na sakin si Heejin. On the way na daw sila ni Somi kaya hindi kami pwede ma-late. Dahan dahan kong tinapik si Rina at nagpaalam na ako sakanya. "You're leaving?" tanong niya sakin. "Yeah, nakabihis na ako." hinatak niya ako palapit. "Five minutes Pup dito ka muna." humiga ako on top of her at hinalikan ko siya sa pisngi. We're hugging each other and we stayed that way for a few minutes. Hinalikan ko ulit siya sa lips bago ako bumangon. "I'll go ahead babe, I love you."

 

 

"Wait, tulog pa siya?" sinilip ko yung baby na nakasiksik kay Rina. "Can I see her?"

 

 

"Yeah, still asleep. Dalian mo Pup because when she wakes up tapos nakita ka niya for sure sasama nanaman sayo. Ayaw pa naman humiwalay sayo ni Yooji." nagbubulungan kami ni Rina dito dahil bawal magising itong baby namin. Lalo na ngayon na aalis pa naman ako, everytime aalis ako grabe yung eksena namin tatlo. Umiiyak siya dahil ayaw niya akong paalisin, gusto niya sumama at lagi siyang humahabol sakin.

 

 

"I'm just gonna kiss her forehead tapos alis na ako." I went to the other side of the bed, I was trying not to make a sound dahil baka magising si Yooji. I went closer and I was staring at her. I want to kiss her cheek and forehead kasi mamayang gabi na ulit kami magkikita and I'm gonna miss my mini baby so much.

 

 

I brought my face down so I could kiss her cheek.

 

 

"Mommy"

 

 

"Oh ."

 

 

 

 

 

After Thirty Minutes... 

 

 

Andito pa din ako sa kwarto dahil nagddrama na yung anak namin. Nagiiiyak nanaman siya habang nakasubsob sa kama.

 

 

"Pup you know what, ang dami talaga niya namana sayo isa to, getting stuck face down while crying. Our baby is so dramatic."

 

 

"Kaya nga eh tignan mo nga, baka ma-iritate na yung muka niya. Babe alis na ako hinahanap na ako nila Heej."

 

 

"Yeah I told you, you have to go, make it quick just let her cry Winter. She knows that you can't leave her kaya ganyan eh."

 

 

"O sige na bye babe, tawagan nalang kita kapag nakarating na ako dun." nung tinignan ko yung baby ko na nakasubsob at umiiyak pa din sakto naman na umangat yung ulo niya at tumingin sakin.

 

 

**crying sound**

 

 

"Oh my gosh Pup nilakasan niya pa, obviously she is making you hear it."

 

 

"Kaya nga eh hahaha, Yooji I will see you later, you are going out with mama naman, tita Lia will be there."

 

 

*crying* "No I don't want!!"

 

 

"Sige na Pup, you may go. Take care." hinalikan ko si Rina sa noo bago ako lumabas ng kwarto. "Thanks. I'll see you later."

 

 

Nung lumingon ako para kunin yung helmet

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔