Stage 3.17: Anniversary Hit

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

Ako na ang nag drive saamin ni Rina pauwi from Makati, kahit pa sober na siya, hindi ko siya hinayaan. Sa totoo lang naiinis ako sakanya dahil hindi manlang niya sinabi sakin kahit once na close friend pala nila si Somi. Sa dinami dami ng tao, talagang sila pa yung naging mag friends, ito din kasi talaga downside ng hindi ko masyado iniintindi yung ibang pinag uusapan namin ni Somi nung time na kami pa, ngayon ko na-realize she got friends from Rina and Gigi's school, kaya pala pag may football match kami noon tapos nanonood siya, may mga mnmeet siya dun sa campus na yun. Hindi manlang kasi ako nag tanong at hindi ko kinilala. Well ang immature ko pa kasi dati kaya wala akong pake sa mundo tsaka sa mga tao at naka focus ako puro sakanya lang.

 

 

"So what now, are you not going to let me sleep in your room?" Tanong sakin ni Rina habang nag u-turn na ako para makapunta sa gate ng subdivision namin. "Ewan ko sayo kung saan mo gusto matulog, bahala ka."

 

 

"Pup I'm really sorry, I mean it. I'm going to explain to you everything."

 

 

"Bakit ba kasi hindi mo sinabi sakin?"

 

 

"It's because we don't talk about it naman, I mean hindi kita tinatanong and ganun ka din sakin, hindi ka naman nagkkwento about your exes."

 

 

"Pero kahit na. Mamaya na nga lang tayo mag usap pag dating sa bahay, dun ka nalang matulog you cannot drive."

 

 

"Okay."

 

 

Mas nauna kaming umalis sa club kesa sa friends namin, nung magpaalam na kami sakanila ang daming sinabi ni Yuqi and Ryujin, parang lahat ng pang gguilt trip nasabi na nila at may nalalaman pa silang best friends code daw dahil ayaw pa nila akong paalisin. Buti nalang magkikita ulit kami tonight para sa birthday dinner naman ni Giselle na gagawin sa bahay nila.

 

Quarter to 3am na ng makarating kami sa bahay, nag heads up nalang ako kay mom na dito nalang samin matutulog si Rina and nakapag paalam na din siya sa parents niya. Pumayag yung mom niya kasi alam naman nila na galing kami sa party and she admitted that she cannot drive home, nakipag usap na din ako kay tita para i-assure sakanya na uuwi din naman kagad bukas si Rina.

 

 

 

 

 

Nakarating na kami sa bahay at nag aayos na ako sa room ko. Hinihintay ko nalang matapos si Karina mag wash up at magpalit ng damit. "Pup I'll just get clothes from your closet, any pjs dun pwede?"

 

 

"Malay ko sayo bahala ka kung ano gusto mo isuot."

 

 

"Ah okay."

 

 

Hindi ko siya pinapansin at tinitignan ko lang yung mga posts ng friends namin from the party. Naramdaman ko na umupo na siya sa kama at inaayos yung comforter. "Baby ano ba! bakit naka ganyan ka, mamaya pumasok bigla dito si ate baka makita ka."

 

 

"I'm asking you nicely kung pwede ako kumuha sa closet mo, you didn't want to answer me, so I don't know what to wear."

 

 

"Kumuha ka na dun ng kahit ano, hindi ko naman sinabi na hindi ka pwede kumuha ng damit. Mag bihis ka na nga, matutulog na ko."

 

 

"Okay then, good night sungit."

 

 

Humiga na si Karina sa tabi ko, hindi kami masyado naguusap dahil naiinis talaga ako sakanya, pati kay Giselle. "Matulog ka na I'm gonna turn off the lights." Tumayo na ako at pinatay ko yung ilaw, nakita ko nakapikit na siya at nagtago na sa comforter. Kahit nawala na yung effect nung mga alcohol na ininom niya, sure ako na bagsak kagad si Rina dahil madaling araw na ngayon at napagod kami parehas kanina.

 

Pinapakiramdaman ko kung tulog na nga ba talaga yung katabi ko. Usually pag ganito, magka-hug na kami at nag ccuddle hanggang sa makatulog na.

 

 

 

"Pup"  "Babe" Natawa kami pareho nung nagkasabay pa kaming magsalita. "Pup I want to hug you." Lumapit siya sakin at humiga sa chest ko, niyakap ko siya pabalik and I kissed her cheek. "I'm still mad at you Rina but I miss you."

 

 

"I miss you too. I'm really sorry for what I did, sasabihin ko naman lahat sayo."

 

 

"Tomorrow nalang natin pag usapan baka inaantok ka na, it's okay. I'm just upset that you didn't mention it to me even once."

 

 

"Yeah that's why I can't argue with you because I know I was wrong. We can talk about it right now, I'm not sleepy yet."

 

 

"Okay sige, ako din hindi pa ako inaantok parang nagugutom ako eh. Do you wanna get some snacks downstairs?"

 

 

"Sure, I'm kinda feeling hungry too." Tumayo na kaming dalawa at bumaba sa kitchen. Sigurado mga past five na kami makakatulog nito, nagawa na din namin yung ganito before, pero sa bahay naman nila Rina. Nahuli kami ni ate Irene na nagluluto one time na natulog ako sakanila, akala ko mapapagalitan kami pero hindi, nag stay siya kahit pa madaling araw na, kasama namin siya kumain at nakipag kwentuhan pa siya samin.

 

 

"Babe andito pa yung ice cream mo na kadiri, do you want me to take it out?" Tanong ko sakanya habang nakaupo siya sa counter at naghihintay ng food na ilalabas ko from the fridge. Wala akong mapili kaya kung ano nalang yung makuha ko yun nalang kakainin namin. "You are going to cook pa?"

 

 

"Yeah wait mo lang I'm gonna make it quick, yan muna kainin mo, veganism before bacon." Nagluluto ako ng eggo and bacon na nakuha ko sa ref, ito ang pinaka madaling iprepare kesa sa mga prosciutto na kailangan ko pa mag cut ng bread and maglabas ng mga mozarella cheese, dun ako sa madali and sinful, kaya bacon nalang. "Pup why did you use that one, instead of the toaster or air fryer?"

 

 

"Mas masarap yung ganito wait mo lang."

 

 

"It's too greasy tapos may bacon pa."

 

 

"Karina nakakainis ka nanaman, hintayin mo nga sabi eh you're gonna like this, trust me. Hintayin mo lang, yung bacon na nga niluluto ko eh." Cncriticize niya yung way ng pag luto ko ng eggo, hindi ko kasi usually nilalagay sa toaster, niluluto ko sa pan with butter as oil.

 

 

Nung matapos na ako, inilagay ko na sa harap namin yung plate na puro bacon with six eggo waffles. "Are we going to eat all of these?"

 

 

"Yeah kung kaya mo ubusin, wait I'm gonna show you how to eat it." Kinuha ko yung isang waffle, nilagyan ko ng mga bacon sabay pinatong ko yung isa, nilagyan ko ulit ng strips of bacon and I top it off ng isa pang waffle. "Where's the syrup? wait we need that, kunin ko muna sa pantry."

 

 

Gumawa na din ako ng eggo bacon sandwich ko, binuhusan ko ng syrup pareho at inabot yung isa kay Rina. "Dig in babe, wait cheers muna." Hindi niya pa kinakain yung sandwich at parang nagdadalawang isip siya kung isusubo ba niya. "Pup this looks like something that stoners would enjoy, bakit naman ganito yung midnight snack mo? mag aaway tayo Winter, are you into that, is there something I do not know?" Ang sama ng tingin sakin ni Rina pati na din sa sandwich.

 

 

"Hahaha it's not! Don't look at me like that Karina, I'm not a stoner you're judging me dahil lang sa eggo? You're insane. Sige na cheers na!"

 

 

"Okay cheers" Hinihintay ko kung ano magiging reaction niya. I saw the glee on her face while she's trying it, halata sa muka niya na nagustuhan niya. "What do you think baby, ayaw mo yung lasa?"

 

 

"It's super unhealthy but I like it."

 

 

"Sabi sayo eh kadiri yung eggo pag sa toaster, mas okay pag sa pan."

 

 

"Yeah I like it or maybe because I'm just hungry. Winter I want to ask you something and I want you to be honest with me."

 

 

"Okay sige ano yun?"

 

 

"What did you feel when you saw Ennik? I'm not gonna be mad pup, if you're worried about that. Gusto ko lang malaman."

 

 

 "Nagulat ako, I never thought na magkikita pa kami ulit, tapos grabe pa yung nalaman ko, na friend mo pala siya epal ka."

 

 

"Are you happy that she is back?"

 

 

"I wouldn't say happy, parang hindi ko naman naging friend si Somi eh. After we broke up and got our closure hindi ko na siya nakausap, parang three years na."

 

 

"If you are to rate your relationship on a scale of one to ten, what would you give it? Hindi ako magagalit Winter I promise, you can be honest with me."

 

 

"You want me to be honest tapos pag sumagot naman ako mang aaway ka."

 

 

"Haha no I'm not sige na pup, ten is the highest. Answer it na, we are fine."

 

 

"She is a great person Rina I'm not gonna deny it and her personality is amazing. With the relationship we had, for me it's 8.9"

 

 

"Ah okay."

 

 

Parang nawala sa mood si Rina at yung way ng pag lapag niya nung kinakain niya hindi okay dahil halatang padabog. "Baby can you not do that? Ayan yung sinasabi ko eh magtatanong ka tapos magagalit ka naman kapag sumagot ako."

 

 

"Why is it 8.9? Nahiya ka pa hindi mo pa ginawang 9."

 

 

"Teka nga, bakit ba ikaw yung nag qquestion sakin ngayon eh ikaw dapat dyan yung nag eexplain. Ikwento mo na lahat kung pano kayo naging friends and anong reliable source yung sinasabi mo kanina?"

 

 

"Okay sige sasabihin ko na sayo. Gigi and Somi became friends one summer in the states. I think that was when we were eight or nine, I am Gigi's best friend but the two of them are also close."

 

 

"And then?"

 

 

"We've been on a lot of playdates at Gigi's house when we were kids kaya naging ka-close ko na din siya. Up until high school she was hanging out with us pero nag stop kasi naging busy siya with her "girlfriend" who happens to be mine now."

 

 

"Wait so yung pinupuntahan niya na house na malapit daw dito nung kami pa, ibig sabihin bahay pala nila Giselle yun?"

 

 

"Yeah. How could you not know that?"

 

 

"What the , bakit nga hindi ko alam yun eh almost three years kaya kami. Tsaka buti okay lang sakanya na naging tayo?"

 

 

"She is fine with it because she wants you to be happy. Obviously she's also aware that I'm the only one deserving and capable to make you happy."

 

 

Nagiging confident nanaman si Rina at mukang nakakalimutan niya that I'm still annoyed with her. Hindi naman na talaga ako galit sakanya pero gusto ko lang siya pag tripan as slight payback for what she did. Nakakatawa kasi siya pag napipikon or nagseselos dahil lumalabas yung pagka giant baby niya. I swear ito na yung last time na gagawin ko to, pag ttripan at iinisin ko lang yung baby ko habang kumakain kami ng eggos.

 

 

"You mean to say, Somi said that she wants me to be happy? Grabe naisip niya pa talaga yun?"

 

 

"Yeah and she knows that I am the only one capable to make you feel that way, she trusted me enough kasi ako lang yung pwede."

 

 

"Dba close kayo ni Gigi sakanya, when we broke up how was it, did she talk to you about me?"

 

 

"I can't remember na Winter, but the conversation we had, I asked persmission from her kasi I was starting to like you na. That was the ti-"

 

 

"Oo alam ko na yung kwento na yan eh. Wait lang, ano sinasabi sainyo ni Somi about sa relationship namin dati, and about the break up nagalit ba siya sakin, how was I as a girlfriend to her, okay naman daw ba ako?"

 

 

"Wala akong maalala Winter."

 

 

"Akala ko close kayo bakit parang wala kang maalala, never ba kayo nag kwentuhan dati?"

 

 

"I don't know. That was years ago wala na ako maalala."

 

 

"Ah alright. Gusto ko kasi malaman kung pano siya nung nag break kami, kung okay lang ba siya or namiss niya ako. Nalungkot ba siya Karina? Yun kasi yung least na gusto ko mangyari eh yung malulungkot siya, but it was a mutual decision naman kasi."

 

 

"I don't know because I don't like to pry into other people's lives."

 

 

"Oh okay."

 

 

"You know what Winter, I don't like this waffle and bacon you made. Walang lasa."

 

 

"Okay. Mag kwento ka pa about kay Somi."

 

 

"So you wanna know things about her? Edi maging kayo nalang ulit para itanong mo na sakanya lahat ng gusto mo malaman."

 

 

"Bakit ba nagagalit ka eh nag uusap lang naman tayo? Nagkkwento ka, tapos nakikinig ako."

 

 

"Uuwi na nga ako Winter."

 

 

"Okay sige. Good night."

 

 

"See you didn't even stop me, dumating lang si Somi and you just talked to her once pero ganyan ka na. I can tell that you still love her and don't deny it because you are too obvious." 

 

 

nagiging teary eyed na siya, I have to cut this act immediately bago pa maging seryoso yung away at iwan niya ako dito. "Baby hey I'm just kidding! I'm sorry kasi inaasar lang naman kita, it was my intention na mag tanong about kay Somi para mainis ka. Sorry na." Hinihila ko siya pabalik sa upuan, mukang lalabas na siya sa main door namin ng naka pajamas at kahit nasa kwarto ko yung susi ng kotse niya.

 

 

"If you want to be with her just tell me, I am not going to stop you."

 

 

"You're not going to stop me?"

 

 

"Yeah, call her now Winter I'm not stopping you. Go back to her na, it looks like you didn't lose your feelings for her naman."

 

 

"May number ka ba niya? hindi ko nakuha kanina eh."

 

 

"Ang kapal mo."

 

 

Hindi ko na mapigilan matawa, naiiyak na siya at mukang nagagalit na talaga siya sakin. "Rina I'm sorry hahaha I'm just kidding inaasar lang talaga kita. Ayaw ko kay Somi, mas gusto ko sa giant baby ko na mabilis mapikon kahit siya naman yung nagsstart ng kung ano anong tanong."

 

 

"I hate you. Tumatawa ka pa, I'm not playing with you. Kung gusto mo kay Somi sige dun ka na sakanya."

 

 

"No, ayaw ko dun because she is not you. Baby inaasar lang talaga kita, sorry na." Tumayo ako sa harap niya and I kiss her on the lips ng medyo matagal. "I love you Karina, I told you naman pag ex na I consider it as a finished chapter. Nakalimutan mo na ata yun eh."

 

 

"Nakakainis ka, don't joke about that ever. Even if I'm friends with Ennik, I still see her as a threat."

 

 

"Anong threat, bakit may threat ka pa na nalalaman. Rina wag ka naman ganyan mag isip, it's not gonna be healthy for you and for us. Yung kanina babe joke lang talaga, last na yun, iniinis lang kita." 

 

 

"I kinda feel threatened because the two of you are no different. You are both saying good things about each other especially when it is about your relationship."

 

 

"Baby wag mo na isipin yung ganun and do not compare. Magkakaiba naman yung mga tao e. Kung ganyan talaga yung nasasabi edi hayaan mo lang, intindihin mo nalang yung satin, mas important kung ano yung meron tayo ngayon hindi yung mga nangyari na tsaka tapos na." 

 

 

"Yeah I agree with you. I'm really sorry pup na ngayon ko lang nasabi sayo lahat to."

 

 

'It's okay, hayaan na natin kasi tapos na yun."

 

 

"You didn't have a clue na sakanya ko nalaman yung mga infos mo. I already know where you live even before pa tayo magkita sa cafeteria and remember the birthday gifts I gave you? she was the one who suggested all of them."

 

 

"Hay nako Rina, but thank you for coming clean, don't stress yourself about that. Baby now that you're telling me all these may gusto lang ako itanong sayo."

 

 

"What is it?"

 

 

"Somi is your friend and we had history, now that she's back hindi malabo na minsan makakasama natin siya, lalo na close pala sila ni Gigi. I want to know kung okay lang sayo yung ganun? Because it's bound to happen, we have the same circle of friends, medyo close pa siya kay Lia and things are different now that we are not in high school."

 

 

"It is fine with me Pup, that's how it is wala naman tayo magagawa."

 

 

"Babe listen to me, you don't need to worry about anything kahit sinong tao pa yung dumating. I am not going to do something na mahhurt ka and I know na ganun ka din sakin. I trust our relationship, kaya wag ka mag iisip ng kung ano ano. Okay?"

 

 

"Yeah,I trust you also Winter but I'm sorry that I often get jealous." 

 

 

"It's fine, that will change din naman eventually. Karina you will never lose me, sayo lang ako lagi."

 

 

"Thank you for being so understanding Pup, what did I do to deserve you?"

 

 

"Sinabi ko na yan sayo dati eh, dba nga you deserve me kasi ikaw yan. We're both lucky because we've got each other."

 

 

Nakayakap na sakin si Rina and she's giving me kisses on my entire face. "That's true. I love you so much you don't understand, like I'm feeling so overwhelmed with love for you. That's the perfect way to describe it."

 

 

"Awww I love you too baby, parehas lang naman tayo eh. Let's get married na kaya?"

 

 

"Mommy!!!! yung anak mong si Winter mag aasawa na!!!!" Napatingin kami sa sumigaw, tangina hindi namin namalayan alas sais na pala ng umaga at andito na pala si ate Taeyeon. Naka upo siya kasama namin dito sa dining room."Huy ate ssshhhh ano ba! Joke lang yun!!!" 

 

 

"Alam mo sa sobrang busy niyo, hindi mo nga namalayan naubos ko na yung waffles mo eh, hindi niyo nga napansin na kinuha ko yung plato oh."

 

 

"Kanina ka pa ba andyan ate, ano narinig mo?!"

 

 

"Wala naman masyado, grabe Karina friend mo pala si Somi of all people hahahaha ang galing eh. Yuck Winter pinagpasapasahan ka."

 

 

"Huy ate ano ba parang hindi kita kapatid ha, tsaka baka maooffend si Karina niyan. Wag ka nga humirit ng ganyan."

 

 

"It's okay pup she's just joking."

 

 

"Anong it's okay, narinig mo ba yung sinabi, pinag pasapasahan niyo daw ako ipagtanggol mo kaya ako."

 

 

"Wow ang sensitive. Totoo naman eh, bayaan mo na magaganda naman sila. Aarte ka pa ba?"

 

 

"Ewan ko sayo ate tara na nga Karina inaantok na ko."

 

 

 

 

8:00pm

 

Ning Praning:   heads up lang Winter

 

 

Winter Kim:   ano yun ning?

 

 

Ning Praning:  aattend si Somi sa birthday dinner ni snuggie bunny

 

 

Winter Kim:   ning para kang tanga mag heads up, oo ayan o nakikita ko si somi nag punta sa restroom ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔