Stage 3.17: Yellow Fever

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

*Current*

 

"Ry, do you think andito din sa journal ni Winter yung mga nangyari nung fourth year tayo?!"

 

 

"Ano dun Ning?"

 

 

"Yung nakipag away siya sa prof?! And yung nag champion kayo sa football tapos umiyak ka?"

 

 

"Ano ba yan pinaalala mo pa yun ayaw ko na nga maalala eh sobrang cringey! Malay ko ba kung sinulat niya yan dyan. Alam mo tigilan mo na kasi basahin yan eh, lagot ka kay Winter sinasabi ko na sayo Ning. Don't tell me I didn't warn you!"

 

 

"I skimmed through it parang wala dito eh, parang puro about sa work and life natin after college na yung mga nakasulat."

 

 

"Baka hindi na niya maalala yung details or baka kasi wala na sila babe, Lia, Gigi and Rina nung mga time na yun kaya hindi na niya sinali. Nkakahiya naman sayo Ning nakikialam ka na nga lang sa journal niya mukang may specific kwento ka pa na gustong mabasa."

 

 

"Hindi naman, it's just that nakakatuwa yung mga nakasulat dito, ang nostalgic and sobrang nakakamiss talaga yung college life."

 

 

"Yeah I get what you mean, nakakalungkot nga eh and now we're here."

 

 

"Ryujin pano kung hindi... hay nako wag na nga. I don't want to attract negativity."

 

 

 

 

 

 

 

I've been quite busy with work lately, sobrang daming ginagawa nagkasabay sabay tapos may mga nagiging problema pa dito sa bahay kaya nakaka drain talaga. Although pinipilit ko na bigyan ng time yung pag jjournal ko because it's like my only outlet as of the moment. Ayaw ko bigyan ng attention yung mga nangyayari samin ngayon because it's no good and nakaka dagdag stress lang. Anyway, where did I stop. Ah okay months after nag start na classes namin, ito malinaw pa sa memory ko, ikkwento ko na dito yung nagka bagyo tapos wala kaming pasok ng four days dahil grabe, if I remember there was a super typhoon, kaya na-move lahat ng deadlines ng plates namin at grabe yung nangyari samin sa condo.

 

 

 

Early October

 

Andito kami ngayon tanghali sa field dugout nakaupo at nagsisiksikan dahil sobrang lakas ng ulan, may naka schedule kaming training at may klase pa na kailangan pasukan mamayang hapon. Pero dahil sa situation ng weather ngayon I don't think matutuloy pa yung football training namin.

 

 

"Coach ang lakas ng ulan, we need to leave baka makidlatan tayo dito." 

 

 

"Teka lang, patilain muna natin so we can go. May bagyo ata eh grabe akala ko normal na ulan lang tapos titigil din."

 

 

"Heej wala pa ba announcement yung sc, may pasok pa kaya tayo mamaya?" Tanong ko kay Heejin, kasi ang dami ng posts na cancelled na yung classes from grade school to high school in Manila. "Wala pa naman nagsasabi, let's wait for it."

 

 

" look outside, gago ang traffic na! Ay wait puta, baha ba yan?!"

 

 

Tntry namin silipin yung kalsada sa labas ng campus, muka ngang hindi na umaandar yung mga sasakyan at ang dami ng naglalakad na tao sa labas."Hindi na ako papasok mamaya pag hindi tumigil to."

 

 

"Leche Winter tinatamad ka lang eh, pwede mo naman lakarin yung condo mo medyo malapit lang naman yun dito."

 

 

"Ryujin tignan mo nga wala akong balak mag lakad sa baha noh! Buti nalang hinatid kami ni Rina ng driver namin kanina from Alabang, hindi kami naabutan ng ulan."

 

 

"O sige so pano ka uuwi, wala kang dalang car dba?"

 

 

" oo nga pala." Andito kami sa loob ng campus kaya safe pa, pero sa labas tangina kitang kita na nagbabaha na. Pano nga kaya ako uuwi, malabo na may grab car ngayon. Hindi pa naman ako nagdadala ng payong kasi iniiwan ko lagi yun sa kotse. Naalala ko si Karina andito din sa school, wala siyang pasok ngayon pero andun sila sa library ng mga groupmates niya.

 

 

"Ito na nag message na si Yeji wala na daw pasok. yeah!" Sa lahat ata ng tao na nababasa ngayon sa ulan mukang si Ryujin ang pinaka tuwang tuwa. Sa wakas nag announce na din, cancelled na ang pasok namin. Sunod sunod na din yung notifications that I'm receiving on my phone. Mas okay nga siguro kung umuwi na kami habang medyo tumila yung ulan.

 

 

*ringing*

 

*ringing*

 

 *ringing*

 

 

Winter:  hello Rina?

 

Karina:   hello pup?

 

Winter:   cancelled na class namin, I think kailangan mo na magpasundo bumabagyo na eh

 

Karina:   yeah I'll call my driver na where are you?

 

Winter:   andito pa sa school I'm gonna walk nalang pauwi kasi nabasa na din kami sa field

 

Karina:   alright go home na wag mo na hintayin lumakas pa ulit yung ulan

 

Winter:   wait saan ka magpapasundo?

 

Karina:   here at the library

 

Winter:   okay may charge ba phone mo? pwede ka maghintay sa condo but I think it's safer there, maglalakad ka sa baha pag nagpunta ka pa sa condo

 

Karina:   yeah I also brought my powerbank. I'll just wait here pero pano ka? can you not book for a grab car?

 

Winter:   no na, Heejin and I will walk nalang magkalapit lang naman condo namin

 

Karina:   you are going to walk sa baha? Oh no Winter I don't think that's a good idea

 

Winter:   babe I don't have a choice wala akong ma-book tapos parang the cars are not moving na

 

Karina:   okay call me when you get home and please mag wash ka mabuti, do not touch your shoes na na-soak sa baha

 

Winter:   okay babe I'm gonna be fine wag kang aalis dyan ha just wait there

 

Karina:   okay pup I love you

 

Winter:   I love you too, I'll call you pag uwi ko

 

 

Pag baba ko ng phone nag isip na kami ni Heejin kung pano kami makakauwi, tangina first time ko na maglalakad sa baha hindi ko alam kung wrong move ba na hindi ako nag dala ng sasakayan ngayon or tama lang din kasi madaming cars ang na-stuck na sa daan.

 

 

"Ryujin pano ka?!"

 

 

"I don't think makakapag drive ako mukang stranded na yung mga cars eh. Maglalakad nalang din ako hintayin ko nalang si Yeji para sabay na kami. May dala din siyang car pero iiwan nalang daw muna namin dito sa campus."

 

 

"Asan kaya si Ning and Lia? Walang pasok sila Gigi eh. Si Hyunjin andyan pa ba sa building Heej?"

 

 

"Wala afternoon classes niya so hindi pa siya nakakapasok. Tayo lang andito pati si Yeji and Rina. Si Ning I'm not sure."

 

 

"Buti pa si Hyunjin. Si Lia hindi na daw tumuloy eh pabalik na sila ng driver niya sa Makati, tawagan mo nga yan si Ning."

 

 

Agad kong tinawagan si Ning, buti nalang pinaalala ni Ryujin dahil pag na-stranded yun dito sa school, sigurado mag iiiyak yun pag gabi na tapos hindi siya masundo ng driver nila.

 

 

*Ringing*

 

*Ringing*

 

*Ringing*

 

 

Ningning:   hello who's this?

 

Winter:   anong who's this asan ka??

 

Ningning:   in bed 

 

Winter:   what? don't you have classes today?

 

Ningning:   I have pero later this afternoon pa why? kakagising ko lang eh

 

Winter:  papasok ka?

 

Ningning:   hmmm I don't know, wait umaambon ba? parang ayaw ko pala pumasok today because it's bed weather

 

Winter:   umaambon ata Ning? jusko manood ka nga ng news!

 

Ningning:   why ba?

 

Winter:   gaga bumabagyo na, kaya nga wala ng pasok eh! na-stranded kami dito sa field maglalakad kami sa baha nila Ry, Yeji and Heejin kasi hindi na gumagalaw yung traffic iiwan na nila cars nila sa parking

 

Ningning:   oh , dapat kasi hindi na kayo pumapasok pag nakita niyo na cloudy na yung sky

 

Winter:   kakaiba ka naman kasi eh, mapatakan ka lang ng isang beses inaassume mo na maccancel na yung classes. okay sige na uuwi na kami, wag kang lumabas labas dyan sa house niyo baka makipag meet ka pa kay Giselle

 

Ningning:   hindi noh I'm just gonna watch a series, take care Winter pati sila Ry, Yej and Heej sabihin mo ingat. umuwi na kayo!

 

Winter:  yeah sige see you around Ning

 

 

 

Hindi na kami nagpalit ng jersey and shorts, hinubad nalang namin yung spikes at nag suot ako ng sneakers. Wala akong balak maglakad sa baha wearing flip-flops, usually after training yun ang suot ko pag pupunta sa shower room. Pero ngayon no ing way, lalo na nakita pa naman namin yung kulay ng tubig baha, ang itim.

 

 

"Yeji!" Nakita ko sila ni Ryujin na tumatakbo papunta kung nasaan kami. Apat kami pero iisa lang ang may payong samin. Wala na kaming choice kung hindi maligo nalang sa ulan, binalot nalang naming yung phones and wallet sa plastic at inilagay sa gym bag. "You don't have umbrellas? Ang lakas ng ulan mababasa kayo!" 

 

 

"Wala nasa kotse eh." Tara na mag lakad na tayo ikaw nalang mag payong Yej, kanina pa naman kami naliligo sa field. Heejin are you ready? Saan tayo dadaan?! ang hassle nito."

 

 

"Madami naman nag lalakad eh sundan nalang natin, just pray na walang open manholes baka malusot tayo."

 

 

"Ano ba naman yan Heejin nanakot ka pa talaga eh!"

 

 

"Magaling ka naman lumangoy dba Ry? Let's go habang hindi sobrang lakas yung ulan, sundan niyo nalang ako."

 

 

Lumabas na kaming apat sa gate ng campus at nag simula ng maglakad. Tangina hindi namin inexpect na lagpas tuhod pala yung lalim ng baha, pag iniisip ko tuloy na ang layo pa ng lalakarin bago makarating sa condo para akong ma-aanxiety.

 

 

"Hoy ano yan!! Oh my gosh Heejin may lumulutang na plastic sa likod ng legs mo!!!"

 

 

"Ano ba Ryujin tangina nakakagulat ka!!" Halos lahat kami nagulat at nataranta nung may itinuro si Ryujin sa tubig. "Gago trash bag yan!!! Tangina Heej kadiri lumayo ka!"

 

 

"Sipain mo Heejin ayan oh tangina kinikilabutan ako, nangangati yung ulo ko!!"

 

 

"Kita niyo na?! Napaka arte niyo talagang dalawa daig niyo pa si Yeji, umayos nga kayo!"

 

 

"Oh my god dalian niyo na ang dumi, I cannot look at it! Ang daming lumulutang na kalat ." Nakahawak ako sa arm ni Heejin habang lumulusong kami, siya yung nauuna at sinusundan lang namin yung ibang students na naglalakad. "Grabe hindi na makita yung sidewalk, lahat puro baha na. Wala naman siguro open manholes and kuryente dito noh?!"

 

 

"Hahatakin ka nalang namin Winter pag nalusot ka. Halika na dalian niyo na I think I'm going to be sick after this!"

 

 

"Ang layo pa ng condo niyo Ry mahaba haba pa lalakarin niyo." Nilingon ko sila na sumusunod saamin, nakahawak si Yeji sa arm niya habang gamit yung payong at bitbit ni Ry yung parehong bag nila. "Wag ka ng lumingon pag ikaw may natapakan dyan sinasabi ko sayo."babala sakin ni Ryujin. 

 

 

" ano nga yung sakit na nakukuha sa baha? I feel like we have it now, anong tawag nga dun Yej?"

 

 

"It's leptospirosis Winter, I don't think you'll get it if you don't have an open wound."

 

 

"Hala gago dba sabi mo kaninang umaga nagka blisters ka dahil sa soccer spikes? so may open wound ka!"

 

 

"What? Tangina oo nga hala medyo malaki pa naman to, Heejin ipasan mo ako please!"

 

 

"Tangina ano ba, stop it nga, basta pag nilagnat ka magpa check up ka na kagad, kasi yun isa sa pinaka symptoms nun."

 

 

"Or pag naging daga ka Winter magpa check up ka na kagad lalo pag tinubuan ka ng buntot."

 

 

"Babe do not scare her, baka dito pa mag panic attack yan si Winter. We're almost there, I can see your building from here just relax, you are not going to be sick."

 

 

"Yeji!!! Yeji!!!!! Wait!!!!"

 

 

Napatingin kami sa sumisigaw sa kabilang sidewalk, umuulan pero nakita namin siya na tumawid sa baha at lumapit samin. 

 

 

"Winter sasabay ako sainyo ni Heejin!!"

 

 

Nung mas malapit na yung sumisigaw mas namukaan na namin siya, ito yung batchmate ni Yeji si Yerim, she lives in the same condo as mine kaya kilala ko din siya at medyo ka-close na din namin. 

 

 

 "Yeri ipasan mo nga ako hanggang dun lang sa lobby!"

 

 

"Shut up Winter, all of us are struggling, bwisit talaga sewage system ng Manila it will never improve."

 

 

"Yeah that's true, tama yan sinabi mo." Napatingin ako kung sino yung nagsalita, si Ryujin, nakakapanibago dahil most of the time wala naman siya pake sa mga ganyan topic.

 

 

"Alam niyo pansin ko habang nag lalakad tayo may isang naka ngiti!" Nilingon ko si Ryujin, alam ko kung bakit naka smile siya kahit pa naglalakad kami sa baha. Sigurado iisa lang ang reason, yung na-move na deadlines. "Tigilan mo ako Winter ha, natatawa lang ako."

 

 

"Bakit sinabi ko bang ikaw? Sinabi ko bang naka smile ka kasi hindi ka pa tapos sa plates mo at na-move bigla yung submission?"

 

 

"Is this typhoon a good thing? Even our deadlines Yej na-move na daw lahat, yung sainyo ba?" 

 

 

"Really? Well then that's good, I haven't checked my phone baka nag re-sched na din."

 

 

"Hoy Heejin may nalaman ako about you, bakit wala kang sinasabi pag nakakasakay kita sa elevator?!"

 

 

"What's that nanaman ba Yeri?"

 

 

"Kayo na pala ni HyunJin ha you're not even saying a word." Natatawa kami kay Yeri ang ingay niya, pati tuloy yung ibang mga naglalakad parang nakiki chismis na sa mga pinag sasabi niya. "Yeri talagang walang pinipili yan pagiging nosy mo noh? Kahit pa sa gitna ng bagyo."

 

 

"Eh kasi naman, I personally know HyunJin tapos parang ako pa yung last na nakaalam. Gayahin mo si Winter Heej kahit di tinatanong kwento ng kwento about dun sa girl na tga Literature. Kahit di ko kilala yun nakikilala ko na tuloy kaka-kwento niya."

 

 

"Winter, where's Rina? Pumasok ba siya?" Tanong sakin ni Yeji. "Wala silang pasok but she's in the library now, group project."

 

 

"How is she gonna go home?"

 

 

"Nagpasundo siya sa driver niya dun sa lib, mas safe dun at least hindi siya maglalakad sa baha."

 

 

"Ay gago pano siya masusundo ng driver niya nakita mo naman oh iniwan na ng iba yung cars nila."

 

 

"Wala ba ibang malulusutan like interior streets?"

 

 

"Gagi baka hindi makarating driver nila kasi lubog na yung buong Metro Manila."

 

 

". Pano si Karina?!"

 

 

"Dapat kasi sinabay mo nalang satin at least mas safe pag andyan siya sa condo mo."

 

 

"Hala eh wala din siyang umbrella! Anong oras na ba?!"

 

 

"Three in the afternoon na."

 

 

"Huh bakit parang ang tagal natin mag lakad? Pero akala ko five na kasi ang dilim."

 

 

"Daldal ka kasi ng daldal! Dumagdag pa to si Yeri."

 

 

 

 

 

 

Pagtapos namin mag lakad sa baha nakarating na din ako sa condo. Kami ni Yeri yung nauna magpaalam at nag tuloy tuloy lang ng lakad yung tatlo. Mga ilan blocks nalang naman yung distance ng place ni Heejin sakin although medyo malayo pa yung kila Yeji.

 

Pag karating ko sa unit agad akong nag shower at nag focus sa pag hugas at disinfect ng legs and paa ko. Ilan beses ko ata sinabon at binuhusan ng alcohol para lang mamatay yung germs. Nung nakapag bihis na ako nakita ko sa time malapit na mag five ng hapon. Ang dilim na sa labas at umuulan pa din, naalala ko si Karina, kailangan ko malaman kung nasundo nga ba siya.

 

 

*Ringing*

 

*Ringing*

 

*Ringing*

 

Karina:   hello?

 

Winter:  baby asan ka na?!

 

Karina:   Pup I'm still here in the library na-stranded yung driver ko

 

Winter:   oh my god, may kasama ka pa ba dyan?

 

Karina:   two of my classmates but the others umuwi na

 

Winter:   babe hindi ka nga talaga masusundo ng driver mo ang daming cars na na-stranded kanina nung naglalakad kami

 

Karina:   oh no pano kaya

 

Winter:   wala ka ba masasabayan dyan na meron payong?

 

Karina:   the three of us here don't have umbrellas kaya hindi kami makaalis

 

Winter:  wala ka pwede sabayan na kahit sino dyan sa library? tapos punta ka nalang dito sa condo

 

Karina:  I don't know anyone here ang dami na din umaalis. there are guys offering me their umbrellas, kadiri

 

Winter:   Ano?! sige pupuntahan na kita dyan

 

Karina:   no na, kakauwi mo lang. I'll be fine, I'm gonna go there alone

 

Winter:   hindi wala ka nga dalang payong eh, hintayin mo nalang ako wag ka aalis dyan sa library pupunta na ko

 

Karina:   but Pup ang lakas nanaman ng ulan I'll be the one to go there na

 

Winter:  No! Basta I have to get you before dumilim mas mahihirapan tayo mag lakad sa baha eh. sige na mag rready lang ako wag kang aalis dyan ha I love you, bye

 

 

 

 

 

Nagmadali na akong mag ayos kinuha ko yung dalawang hoodies from the closet pati na din yung dry bag ko. Nag suot na din ako ng jogging pants para pwede ko itaas hanggang tuhod. Naalala ko naka uniform si Rina kaya nag dala nalang ako ng extra sneakers. Bumaba na kagad ako dala yung isang payong at dinaanan ko nalang yung isa na nasa kotse.

 

 

Nung paglabas ko sa lobby tangina naging hassle pa lalo ngayon, kasi bukod sa mas madilim at mag isa lang ako. Mas lumakas pa yung ulan na may kasama ng hangin.

 

 

Hindi ko nalang iniisip na nakakatakot yung dinadaanan ko, napansin ko din na mas tumaas pa yung baha. Ang pinaka goal ko lang ay makita ko si Rina at makauwi na kami sa condo. Nag ingat nalang ako maglakad at tinitignan ko baka may mga live wire ng kuryente sa mga sidewalk.

 

 

Nung nakapasok na ako sa campus, naka hinga na din ako ng maluwag. Nangyayari na to dati pero hindi kasi na-llate yung announcement ng class suspension kaya never ko pa nasubukan yung ganito, yung pinauwi habang nasa school dahil sa bagyo. Well yung ngayon, definitely kasama na sa list of unfortunate experiences ko.

 

 

*Ringing*

 

*Ringing*

 

 

Winter:   babe I'm here outside the library

 

Karina:   okay Pup I'll go there

 

 

 

 

 

"Pup!" Bati niya sakin pag labas niya ng exit. "Hey there baby." Pagkakita ko kay Rina inabot ko na kagad sakanya yung hoodie na dala ko pati na din yung cap. "You have to wear these ang lakas ng ulan, maglalakad lang tayo."

 

 

"Thank you for getting me here Winter."

 

 

"Of course, hindi naman kita pwede pabayaan ma-stuck dito sa campus ng bumabagyo. Akin na yan gamit mo I brought this dry bag para hindi mabasa yan lalo yung phone mo. Yung shoes mo lagay mo dito sa plastic, dinalan kita ng sneakers."

 

 

"Okay, or I can put my bag inside." Tinulungan ko siya mag palit ng shoes, at nilagay din niya kagad sa plastic yung isa. "Yeah waterproof naman to hindi mababasa yan bag mo."

 

 

After niya maayos yung gamit niya at masuot yung hoodie na dala ko nag start na kaming maglakad sa loob ng campus. Tag isa kami ng payong pero nababasa pa din kami sa sobrang lakas ng hangin tsaka ulan.

 

 

"Baby maglalakad tayo sa sidewalk, hindi ko kasi pwedeng dalin yung car ko ang lalim ng tubig eh."

 

 

"It's fine with me Pup, don't worry about it."

 

 

 

 

Lumabas na kami sa gate, ang dilim na at hindi pa din talaga tumitigil yung ulan, maririnig mo pa talaga yung sipol ng hangin kaya basa na kami at nag hihingalo na yung dalawang payong na gamit namin. Hinawakan ko yung kamay ni Rina habang naglalakad kami sa gilid ng sidewalk, ito din yung dinaanan namin kanina nila Heejin. Madami pa din students na kasabay namin mag lakad kaya hindi naman ganun nakakatakot kahit madilim na.

 

 

"Baby okay ka pa? Malapit na tayo nakikita ko na yung building." Chneck ko si Rina, basa na kami sa ulan dahil napaka useless din ng payong. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔