Stage 3.2: Love Bites

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

*Current*

Kinikilig si Ning. Kinikilig sa binabasang journal ng iba.

 

 

 

 

 

 

Almost 2 weeks before Valentines Day...

 

 

Li-Vogue:  don't forget what I told you last saturday Winter. obviously, you're so into Karina. you look happy 

 

Winter Kim:  yes Li I won't

 

Li-Vogue: don't hurt her, Rina's a nice girl Winter

 

Winter Kim:  no need to remind me that Lia

 

Li-Vogue:  and take care as well, I don't want you to get hurt.

 

Li-Vogue:  good luck on your soon to be relationship, I mean it

 

Winter Kim: thank you so much Li. I'm really glad you're back, i'll see you in school! 

 

May mga nalaman ako kay Lia nung nagpunta ako sakanila nung saturday, pero hindi ko na isasama dito sa journal. It's something I consider not important. This is a new chapter, and I live by the saying na there's no need to reopen a book that I have finished reading. So focus nalang dapat sa future.

 

 

Excited na ako, na-order ko na online yung gift ko kay Rina for Valentine's day. Ihahatid nalang daw dito sa bahay namin tapos ipapadeliver ko din sa school. Kami nalang nila Ry and Ning ang magaayos pag nasa school na yung item. Yung gift ko, hindi naman ganun kagarbo pero special. Pinag isipan ko yun mabuti, I don't wanna brag pero maliit na bagay lang naman yun. About sa plano ko kung kailan siya tatanungin, honestly wala pa din ako napipili na date para maging kami, okay na kung pano gagawin, nakabili na ako nung mga kailangan nakapag check na din ako kung saan okay na venue, basta complete na lahat. Pero nung sinabi ko na gusto ko sobrang flawless I mean it, hindi lang yun about sa props,venue at kung ano anong mga pakulo. Gusto ko lahat ng aspects aligned at walang kontra. Kaya ayun aalamin ko talaga kung kailan ang perfect anniversary date.

 

 

Maluwag ang month ng february para sa course namin, madami kasing events ang nagaganap. Kaya chill lang kami, pati ibang mga professors namin hindi din pumapasok. Madalas wala kami class pag ganitong buwan. Ewan ko ba dito kay Ning, tga ibang course siya pero parang libreng libre din schedule niya.

 

 

"Lumapit kayo dito, hindi to basta basta pwede marinig ng ibang tao. Lapit kayo, Winter and Ryujin." nagkukumpulan kaming tatlo dito sa cafeteria. Tutulungan daw ako ni Ning na pumili ng perfect date this month kung kailan magiging kami ni Karina. 

 

 

"Totoo ba? Yan talaga sinabi ng lolo mo na tga China?" parang nagdududa nanaman ako dito sa mga malalaman ko kay Ning. "Oo Winter, yung boses mo sige lakasan mo pa! Sinabi ko na nga na sacred to kaya wag kayo masyado maingay eh."

 

 

"Okay so pano nga malalaman ni Winter yung tamang date para maging sila?" bulong ni Ryujin."Ito na nga eh. Anong year ka pinanganak Winter? teka iready ko na din yung google para sure tayo." umiiling at natatawa na si Ryujin, "tangina parang duda ako dito Ning ah. Muka ka lang naglload ng Smart and globe eh." 

 

 

"Ry wag kang kumontra, lalong hindi ako makakapili ng anniversary date na maganda yung flow ng positive energy niyan. Pakinggan muna natin siya."

 

 

"Ano nga birthday ni Karina Winter?" tanong sakin ni Ning habang seryosong nililista ang mga impormasyon sa papel na nadadaganan ng calculator. "April 11, 2000 birthday niya yung sakin naman an-"

 

 

"Alam ko na yung sayo." nag patuloy na siya sa pagsusulat.

 

 

"Ang seryoso naman Ning, sana ganyan ka din pag nasa klase ka."

 

 

"shhh ano ba Ry isa! Bawal nga daw ang kontra sabi nung lolo na tga China. Hindi daw magiging successful yung proposal pati yung relasyon." kulit nito ni Ryujin ang daldal talaga eh.

 

 

Seryoso pa din na nag susulat at nag ccompute si Ning. "Ry hindi ka nakakatulong, kailangan ko magconcentrate dito. Tapusin na natin to, February na kaya."

 

 

"What the heck are you three doing?" kakadating lang ni Yeji dito sa cafeteria at galing sa klase nya. "sshhh babe, bawal magsalita masyado or hinaan mo nalang boses mo, magagalit yung lolo na tga China." pag warning ni Ry sa girlfriend.

 

 

"Okay ito na, Winter i-take note mo to. Ang path number ni Karina is 8 at ang path number mo ay 5. Base dito, mas malakas ang masculine sign ni Karina kaya siguradong bottom ka. Ilan times na kayo nag date Winter, or kahit nagkasama lang?"

 

 

"huh? maccount bang date yun? parang five times na ata Ning."

 

 

"okay sige teka malapit na to pero may kasunod pa to Winter ha. kailangan kasi natin matanggal yung mga kontra."

 

 

Ginagago kaya ako nito ni Ning. Pero ngayon ko lang talaga siya nakita na ganito kaseryoso. " Sige go lang, take your time."

 

 

Giant Baby: pup what the hell are you doing?

 

Winter Kim: wait lang baby may ginagawa ako importante, bawal maingay and distractions

 

Giant Baby: so now I'm a distraction to you? wow i'm sorry

 

Winter Kim: no baby it's not like that, may importante kasi kami ginagawa nila Ning wait lang ha

 

 

"Winter ito ang pinaka okay at safe na date, February 18. Nasa sainyo na kung maniniwala kayo sakin, pero dyan nagffall yung compatibility niyo." namamanghang tumingin si Yeji at nakikisilip dun sa papel na hawak ni Ning. "where and how did you learn that? nakaka amaze ha."

 

 

"It's from my grandpa Yej, he's from Harbin, dialect nga yung salita niya kaya hirap na hirap ako intindihin nung pinaexplain ko to."

 

 

"Thank you sa effort Ning!" natouch ako na talagang tumawag pa pala siya sa mga relatives nila from China.

 

 

"Ang arte mo Winter maliit na bagay lang naman to. Pag pinili mo feb 18 sure yan. Smooth mo magagawa yung plano mo, walang aberya or flaws. So ano, ituloy na natin sa mga dapat alisin na kontra?"

 

 

"Sige Ning, ano kailangan mo dun, kailangan mo ba ng details?"

 

 

"Need ko lang yung list nung mga kasama na pupunta sa venue sa date na yun."

 

 

Sa isang lake ko kasi napili gawin yung girlfriend proposal ko kay Karina kaya naisip ko na isama yung mga friends ko kasi tutulungan din nila ako sa preparation, kahit nag hire na ako ng tao para dun. Sasabihan ko din pala mga friends ni Rina kung gusto nila. 

 

 

"uhhm tayong five including Lia, tapos yung kay Rina I guess mga four, so total is nine."

 

 

"hmmm, 9 persons.. pasok naman siya Winter. May isa lang ako gusto malaman, kailangan natin makuha ano mga Chinese Zodiac nila."

 

 

"huh so tatanungin ko pa sila isa isa?"

 

 

" Oo Winter, kung gusto mo maging smooth sailing yung plano mo sa araw na yun and maging maganda relasyon niyo ni Karina."

 

 

" Pati ba naman yun zodiac ng iba may effect samin? O sige na nga, ganito nalang. Yung satin kasi wala ng problema kasi alam na natin details and madali ko lang makukuha yung kay Lia. Message ko nalang siguro si Karina para matanong yung sa friends niya."

 

 

"Winter parang hindi na kailangan."

 

 

"what do you mean?"

 

 

"bobo kanina pa tayo pinapanood nila Karina, ayun sila sa kabilang table." sabay turo ni Ry sa table malapit lang samin. Hindi ko namalayan na andito pala yung baby ko sa cafeteria at kanina pa siya nakatingin.

 

 

"Ay gago Ning itago mo muna yan baka makita nila Karina."

 

 

Nilapitan ko kagad yung baby ko na mukang takang taka sa pinaguusapan namin. Kasama nanaman niya yung kontra bulate na dapat alisin.

 

 

"Hi my giant baby!" bati ko sa soon to be girlfriend ko.

 

 

"Oh, akala ko distraction ako?" nakataas ang kilay ni Karina na nakatingin lang sakin.

 

 

"Of course not. May pinaguusapan lang kami." lumapit ako sakanya, niyakap ko siya at kniss ko sa noo.

 

 

"You two are utterly disgusting." hala parang may nagsalitang anak ng demonyo."Babe sino yun? parang may nagsasalita ata may kasama ka ba?" sabay flash ng middle finger sakin ni Giselle. "hoy bawal! exclusive for Rina lang yan!"

 

 

"Pup ang baboy mo tigilan mo na si Gi."

 

 

"Babe lipat kayo sa table namin, wala na kaming class ni RY! eh." mas tumodo naman yung simangot ni Giselle nung nilakasan ko yung pag banggit sa name ni Ry sabay tingin sakanya.

 

 

"Sure, since hindi ko pa sila nakakasama. Introduce mo kaya kami ulit?"

 

 

"Sure thing! let's go." Hinawakan ni Rina yung kamay ko sabay pumunta na kami sa table kung nasaan yung mga friends ko.

 

 

Itong cafeteria na to yung lagi namin tinatambayan nila Ning. Yung location niya parang halfway ng building namin at halfway din ng building nila Rina. Mas konti tao dito kaya dito kami lagi nagpupunta. Tamad magpunta dito yung ibang students dahil medyo malayo nga ang lalakarin. Mahangin dito at hindi pa mahaba yung pila pag oorder ng pagkain. May iba ibang choices ng food at may small booth na nagtitinda ng coffee. Pwede na pagtyagaan yung iced drinks nila, kesa naman wala, tsaka masarap din pala yung iced coffee dahil hindi tinitipid sa shots.

 

 

 

Naintroduce na dati yung group namin nila Lia at yung group of friends nila Karina. Kaso sa bar kasi yun kaya medyo maingay, kaya naisip ko na ipapakilala ko nalang ulit sila ngayon.

 

 

"Yej, si Rina pala, soon to be girlfriend ko. Rina this is Yeji." nagsmile naman si Rina kay Yeji at nagbatian sila.

 

 

"Soon to be girlfriend ko nga pala Ry, si Rina."  nagsmile naman si Ry at nagwave pa kay Rina. "It's nice to meet you Karina."

 

 

"Ning, you've met Rina naman na dba? yung soon to be girlfiend ko." tumango naman si Ning. "yeah,it's nice to see you again Rina."

 

 

Unusual na tahimik mga friends ko ah para silang nag pipigil. Naging mahiyain bigla, weird.

 

 

"And this is Giselle nga pala, best friend ng soon to be girlfriend kong si Rina. Giselle meet, Yeji, Ning and Ry." Nagsmile naman ang Spawn of Satan sa mga kaibigan ko at may pag wave pa siya kay Ning. Hindi ko na siya iinisin kay Ry dahil baka mamanhid nanaman ang braso ko at nakakahiya sakanilang tatlo nila Yeji if ever may mamuong awkwardness. 

 

 

"Pup, I think they got your point na the first time." pasimpleng bumubulong sakin si Rina kaya mas lumapit ako para marinig ko. "huh what is it?" 

 

 

"they look annoyed, paulit ulit ka kasi ng sinasabi na soon to be girlfriend."

 

 

"bayaan mo sila baby, proud ako eh."

 

 

"quit it Winter, it's embarrassing"

 

 

"ay kinakahiya mo na ako kagad?"

 

 

"no. i'm proud of you, pero umayos ka." hinawakan niya yung kamay ko.

 

 

Halatang hindi ako mabawian at maasar nung dalawa dahil nahihiya sila magpaka balahura sa harap nila Giselle and Rina.

 

 

 

 

Naguusap lang kami nung napansin ko na may nag notify sa phone ko.

 

 

Ning Praning: wag mo kalimutan kunin yung chinese zodiac nila, you need to get them asap

 

 

Tumango at nag mouth nalang ako ng sagot kay Ning dahil sigurado mahahalata ako ni Rina. "oo na."

 

 

"Babe you want me to get you iced coffee and water? Dalin mo nalang sa building niyo pag bumalik kayo for next class." nakita ko naman na nakakain na sila ng lunch kanina kaya drinks nalang yung bibilin ko para sakanya.

 

 

"Okay lang?" nakasmile siya sakin at pansin ko na namumula nanaman siya. "Siyempre okay lang, gusto mo din ng snacks? Pwede kita bilan ng pocky if you want."

 

 

Tanginang pocky yan, medyo pinahirapan yung baby ko nung weekend. Nakapag decide kami na magset nalang ng day na tutulungan niya ako icheck at isegregate mga food ko sa condo. Sasamahan nalang din daw niya ako sa grocery para bumili ng groceries. Hindi kasi ako mahilig bumili ng madaming stock since sa labas din kasi ako kumakain after class. Yun mga food na andun baka nga yun pa yung mga grocery na hinatid ni ate Taeyeon. Mag aayos nalang kami ng pantry ni Rina pag okay na yung sched namin.

 

 

Nagpipigil na ng tawa si Rina at namumula na mga pisngi at tenga niya, naalala niya siguro yun pakana niyang pocky game na may pa-kiss pa sa huli. "Iced coffee is fine Winter, thank you."

 

 

"Yej excuse lang ha, how about you giselle, gusto mo din ba ng iced coffee?" tinanong ko na din yung babae na nakikipag usap pa din kay Yeji. "well I guess." sabay roll ng eyes "sige iced coffee" sagot niya sakin "edi bumili ka!" at ayun nakatanggap nanaman ako ng flying middle finger courtesy of Uchinaga.

 

 

 

 

Naglalakad kaming tatlo papunta sa building nila, may klase pa kasi sila hanggang alas sais ng gabi. Hinatid ko nalang silang dalawa dahil wala naman akong class at dito din naman malapit sa building nila naka park yung kotse ko. Nauuna kami maglakad ni Rina at sumusunod samin si Giselle nung may nakasalubong kami na mukang pamilyar.

 

 

Si Dangwa boy. Si Dangwa boy, ang lalaking parang hindi nauubusan ng stock ng bulaklak. Baka mahilig mag gardening to kaya laging may pa-flowers. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Rina sa kamay ko nung nagkatinginan sila. Parang nagulat ata yung lalaki dahil kitang kita ko na sumama ang tingin niya sa magkahawak namin kamay. Siyempre hindi ko pinalampas yung pagkakataon, sinadya ko na ipakita sakanya kaya ipinalibot ko yung kanan braso ko sa bewang ni Rina. Ganyan pa naman karaniwan problema sa mga lalaki, hindi nila minsan natatanggap na may nauna na sakanila, lalo na kung same gender pa. Kaya manigas ka sa inggit dyan o kaya mag tanim ka nalang.

 

 

"Message me when you get home." andito kami sa tapat ng building  at nagpapaalam ako sakanya. Nakatingin ako sakanya habang magkahawak pa din kami. "Okay baby. Ingat ka pauwi later and i'll wait for you nalang."

 

 

"Okay. " pansin ko kay Rina parang hindi siya mapakali. "okay, alis nako Rina." paalam ko sakanya.

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔