Stage 4.3: High Dessert I

5 Stages On A Journal
Please Subscribe to read the full chapter

(Continuation ng chubibo)

Reference for this chapter:

Insanity Ride

X-scream

 

 

 

 

VEGAS DAY 2

 

Nagkaron ng change of plans,12pm pa pala yung bukas ng mga rides dito sa Stratosphere Tower kaya kaming apat nalang yung namasyal at nag shopping kanina sa The Strip.

 

Pagkahatid namin kila Karina sa spa appointment nila, naglaro muna kami ng slot machine at nagpaka photographer ako dahil nag pictorial si Ning and Ryujin sa loob ng casino. Sa sobrang tagal at ingay nilang dalawa, napagalitan pa tuloy kami nung matanda na ang aga aga mukang madami ng talo.

 

 

 

X-Scream at The Strat

 

Nung mas nakikita na namin ng malapitan kung gano kataas itong Strat Tower, hindi ko lang sinasabi sakanilang tatlo pero nagsisimula na akong makaramdam ng kaba. Nasa pinaka tuktok nito yung mga rides na sasakyan namin. Pag sa malapit grabe, kitang kita talaga na sobrang taas.

 

 

Obviously kinakabahan din yung dalawang best friends ko, kasi nung ineexplain na nung guide yung first ride na sasakyan namin at sinabi na issee-saw kami ng paulit ulit habang nakaupo 1000 feet from the ground, kitang kita ko kung pano lumunok ng sabay si Ningning at si Ryujin. Sigurado ako na nahihiya sila magsabi at ayaw nilang umatras dahil nabayaran na ni ate Taeyeon lahat ng tickets namin. 

 

 

Maaga kami nagpunta dito kaya kami yung pinaka una sa pila. Nung nakita ko yung sasakyan namin, parang biglang naghalo yung emosyon ko pati na din yung mga kinain ko kaninang breakfast. Tangina kinakabahan ako, everytime nararamdaman at naririnig ko yung hangin parang nanlalambot na yung tuhod ko.

 

 

"I thought it's going to last for 90 seconds, one minute lang pala to. Kinakabahan ba kayo?" Tanong samin ni ate, kitang kita na sobrang excited siya dahil kanina pa siya nagppicture at kanina pa niya binabasa yung mga ads na naka post sa wall habang nakapila kami dito.

 

 

"Hindi naman po masyado ate Taeyeon." Nagkasabay pa talaga yung pagsagot namin tatlo.

 

 

"If we are 1000 ft high, mga ilan yun sa meters guys? Mga arki kayo so dapat alam niyo yan."

 

 

"Three hundred plus meters po." Sagot ni Ry sa tanong ni ate. "Three hundred five meters to be exact." Dagdag ko.

 

 

"Edi ikaw na magaling sa math Winter. Teka bakit parang namumutla ka?"

 

 

"Huh? Hindi naman." Nagtinginan silang tatlo sakin at iniinspeksyon nila yung muka ko. "Hindi ako namumutla! Magkakakulay lang tayo, kayo nga dyan parang wala ng dugo."

 

 

"Malamig kasi dito sa taas tsaka ang lakas ng hangin."Nakasandal lang kami ni Ning sa railing habang kaharap naman namin si ate at si Ry. "Winter parang tuldok yung mga tao sa baba, grabe ang taas nito."

 

 

"Yeah, mas makikita natin mabuti mamaya kasi ibibitin tayo dyan sa gilid."

 

 

"Oh ayan na malapit na yung turn natin inalis na nila yung barricade. Grabe ang dami ng tao, buti nalang maaga tayo nagpunta dito we are first in line. Naeexcite na kayo?"

 

 

"Opo ate Taeyeon excited kami."

 

 

"Ning okay ka lang? parang tahimik ka ngayon hindi ako sanay."

 

 

"I'm okay ate Taeyeon, excited po ako."

 

 

"Hahaha hindi, sabi ko kung bakit tahimik ka, nakakapanibago. Actually nakakapanibago kasi behaved kayong tatlo, sa buong buhay ko ngayon ko lang ata kayo nakita na ganito katahimik. Natatakot kayo noh?"

 

 

"Hindi, sobrang excited lang po kami!"

 

 

Hinawakan ako ni Ning sa braso at bumulong siya sakin."Winter ayaw ko umupo sa unahan ha."Nag gesture na yung guide at pinapalapit na niya kami sa pinaka huling barricade."Yeah, okay sige Ning." Sagot ko sakanya at hinayaan ko lang siya na humawak sa braso ko.

 

 

Kami ang buena mano at unang unang batch na sasakay ngayon araw dito sa X-Scream. Nung nasa tapat na kami ng harang. Parang gusto kong tadyakan si Ryujin nung nakita ko kung gano kalayo yung car na uupan namin sa mismong gilid nitong tower. Ang sinabi niya samin kanina, pinili niya yung pinaka kakayanin namin lahat. Nung tinitignan ko yung mga sasakyan sa baba na akala mo langgam sa liit tapos yung mga tao akala mo tuldok, bigla ko naalala yung sinabi ni Karina, ito nga ata yung pinaka extreme ride dito sa Las Vegas.

 

 

Nung binuksan na yung harang, nag gesture naman ngayon yung guide na pumasok at umupo na daw kami. "Sino gusto sa unahan?" Tanong ni ate. "Ikaw nalang po ate Taeyeon kasi ikaw nagbayad ng tickets." Sagot ni Ryujin."Okay sige."

 

 

Naramdaman ko na kinakalabit ako ni Ning at tinuro niya sakin yung upuan sa likod ni ate Taeyeon."Guys dalian niyo, sino gusto tumabi sakin dito, ang ganda pag sa unahan, kitang kita yung view ng Las Vegas." Nakaupo na si ate sa pinaka unahan nitong ride, samantalang kaming tatlo nakatayo pa din dito sa gilid.

 

 

"Ry tabihan mo na si ate, dba ikaw yung namili nito?"

 

 

"Winter ikaw yung kapatid eh, once in a lifetime experience to kaya mas maganda kung katabi mo yung ate mo."

 

 

"Leche Ryujin umupo ka na nga, nagagalit na si kuyang puti ang sama ng tingin satin!"

 

 

Umupo na kagad kami ni Ning sa likod nila. Nung naka settle na kami at na-lock na yung harang sa legs namin, napansin ko na unti unti pang mas lumalayo itong inuupuan namin. Hindi ko inakala na uusog pa pala ng ilan metro palayo sa edge ng tower itong mismong car ng ride, bago kami issee-saw ng paulit ulit.

 

 

"Winter, hindi naman matatanggal to sa track noh?"

 

 

"Oo hindi yan Ning, mukang safe naman."

 

 

"Sure ka ba? Ang taas nito eh."

 

 

"Don't worry, pag natanggal tapos nahulog tayo idedemanda natin."

 

 

"What? So hindi nga safe?"

 

 

"It's safe."

 

 

 

 

ito na, unti unti ng nagtilt yung inuupuan namin at inatras na kami sa pinaka dulo. Alam ko na yung gagawin ko, pipikit nalang-

 

 

"WINTER HAWAKAN MO YUNG KAMAY KO!!!!" Kasabay ng sigaw ni Ning yung biglang pag abante ng napaka bilis nitong sinasakyan namin.

 

 

Umangat tapos tumigil, sabay umatras ulit ng napaka bilis. "AAAAAAAAAHHHHH!"

 

 

Sabay angat. "AAAAAAAAH" tapos bagsak. "TANGINAAAAAAA"

 

 

Kada baba sabay abante, kada taas sabay atras feeling ko naaalog yung pagkatao ko at naiiwan yung kaluluwa ko. Sigurado pagbaba namin dito bingi na kaming tatlo sa sigaw ni Ning at durog na din yung mga buto ko sa kamay.

 

 

"MATAGAL PA BA?!!!"

 

 

"OH MY GOD!!! GRABE!"

 

 

"MATAGAL PA BA?!!!!"

 

 

"TAMA NA YUNG TAAS BABA OO NA NASUBUKAN NA NAMIN!!!!"

 

 

"INORASAN KO TEN SECONDS NALANG!!!!"

 

 

"AYAN NANAMAN!!!!"

 

 

"AAAAAAAAAAHHHH!"

 

 

 

 

 

Pagkatapos ng ilan beses na taas baba abante at atras, natapos at lumabas na din kami. Simula nung tumayo kami sa X-scream ride parang sinalo ko yung bigat ni Ning dahil nanlalambot ata yung tuhod niya at na-dr

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
0001_0003
sorry for the update notif. napindot lang after putting song links 😭

Comments

You must be logged in to comment
Azikiel #1
Chapter 10: AHAHAHAHAHHAHAHA LT YON BFF GOAL
mingurieee
#2
Chapter 116: omg nooo!!! tapos ko na T.T thank u so much for writing this story author sobrang ganda po!. I think this is the longest winrina fic ive read pero i still want more, the storyline is good grabe yung mga ganaps one of my favs is yung horror parts I srysly felt chills while reading it and then sobrang tawa naman bcoz of queengigi's revenge and yung mga surprises ni pup kay giant baby niya goshhh 😭 I'll be remembering a lot of ganaps talaga from this fic, definitely will reread if i have time kasi ang haba pero WORTH IT!!! also idk if there's a playlist for this fic i'll compile nalng if wala hahaha. Hoping for special chapters ❤️ gosh what a ride talaga BRUH 🤣
fanficethusiast #3
Chapter 116: author thank you so much for writing this masterpiece 😭😭😭
lattecream #4
read one chap muna THIS IS SO GOOD I CAN’T WAIT TO BINGE READ THIS
kwinminjeong
#5
Chapter 19: behhh???? grabe ang ganap lalo na sa paandar ni mj ha, pero tangina crocodile???? inadopt?? gago aMPOTAH KATAKOT,, AMAKANA KA NA RINRIN
Weiting_ #6
I like how the story unfold everything, I love the story po❤
mdnightbae #7
Chapter 33: Gago? Seryoso ba silang dalawa aa sinasabj nila???? Crush kahit asa relationship na nakakaputangina
mdnightbae #8
Chapter 28: UHM WTF…
jjaeyeon0407
#9
Chapter 116: Ansaya basahin lahat. Full roller coaster ride. Grbe isasama ko na to sa mga fav ko. 😭😭❤️🫶 Thank youu otor!!
mdnightbae #10
Chapter 20: ehy do I feel like magugustuhan naman agad ni Ppani si Wonter kasi nung nangyari sa wine kineme 😔