112

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

 

 

Foundation day kaya half-day lang ang mga classes. Tuwang tuwa ang lahat dahil kasagsagan na naman ng isang madugong Hell Week. Halos walang nakikinig sa mga morning classes dahil lahat ay iniintay mag 1 pm para kumain, maki-parade, magbawi ng tulog, o mag habol ng acads. 

 

 

 

 

 

Panay ang tunog ng phone ni Rosé dahil tawag nang tawag si Wendy sa kanya.

 

"Hello?" Iritado niyang sagot pagkalabas niya ng classroom. "Wends, may klase akー"

 

"SAMGYUUUUUUP!" Umalingawngaw ang boses ni Seulgi, Lisa, at Yves sa kabilang linya. "1 pm, kasado na."

 

"Wala akong perー"

 

"Erbil ko." Sagot ni Seulgi. "May natira pa dun sa cash prize namin ni Irene. Kasama rin Westitas kaya sunduin mo si Jisoo sa class, ikaw na rin mag sabi. Bye, marami pa kaming tatawagan."

 

Bago pa makasagot si Rosé, binaba na nila ang tawag. Di niya man lang nasabi na ayaw niya sanang makipag kita kay Jisoo sa ngayon. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Pass." Matipid na sabi ni Yeri. "Busy ako, Foundation day kaya, hello? Lahat ng orgs may inaayos sa parade? Di ba kayo busy sa mga org niyo?" 

 

"Malay namin." Sagot ni Lisa at Seulgi. 

 

"Walang kwentang orgmate yang mga yan eh." Comment ni Yves. 

 

"Yerms, dali na!" Pagpupumilit ni Seulgi. "Libre ko na nga eh."

 

"Kung hindi dahil sakin, wala kang panlibre oy!" Biglang humina yung boses ni Yeri dahil parang nilayo niya yung phone sa mukha niya. "Oo, Naeun, dun niyo na lang ilagay sa harap yung tarp." 

 

"So ayon." Pag patuloy ni Yeri. "Habol na lang ako, kung keri niyo mag stay hanggang mga 3."

 

"Yun lang ba?" Tumawa si Seulgi. "Gusto mo kahit buong gabi pa eh."

 

"Tropa, di pa ba kayo tapos?" Nag mamadali si Wendy na nag sapatos. "Dalian niyo na, pupunta pa akong West, tapos ang dami kong hahabulin na paper."

 

"Ay, sorry, Wends." Nagpaalam na sila kay Yeri at binalik na nila ang phone sa may ari. "G naman kayo ni Joy, di ba?" 

 

"Oo, oo." Mabilis na siyang lumabas. "See you!" 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"1 pm?" Tanong ni Dahyun. 

 

"Oo, 1." Tumango si Yves. "Sabihan mo na lang si Sana ah! Ako na mag sabi kay Jeong, kaklase ko yun mamaya eh."

 

"Sige, sige."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Sabay na tayo papunta, Seulgi?" Tanong ni Irene habang nag no-notes sila sa Jap class. 

 

"Ayoko nga." Pangaasar ni Seulgi. 

 

"Grabe ka!" Ngumuso si Irene. "Sige, maglalakad na lang ako.." 

 

"Ang arte mo, Irene. Hindi bagay." Tumawa si Seulgi. "Syempre sabay tayo! 'To naman."

 

"Naninigurado lang."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Oh, my God, Lalisa." Iritadong sabi ni Jennie. "Paulit ulit na lang nating pinag aawayan 'to."

 

"Eh paulit ulit mo kasing ginagawa!" Sagot ni Lisa. 

 

"Orgmate ko nga si Chahee!" Pasigaw na si Jennie. "Ilang beses ko bang sasabihin na I can't control it kapag inaasar kami at pinapaghead ng mga activities!" 

 

"Eh pano, kunsintidor yang mga orgmates mo." Nagdabog si Lisa. "Alam ko namang si Chahee yung mas gusto nila para sayo eh. Dahil kung wala naman ako sa eksena, kayo ang nagkatuluyan."

 

"Eh bakit ba sobra kang insecure?" Nagpamewang si Jennie. "Taon na tayo, ganyan ka pa rin? Di pa ba enough yung commitment ko sayo? I don't like her anymore, pang ilang sabi ko na ha!"

 

"Kahit na ba. Humindi ka naman pagpinapag handle kayo ng events! Umamin nga siya na gusto ka pa rin niya eh." Sagot ni Lisa. "Hindi ako insecure, Jennie. Na sa lugar yung pagiging threatened ko dahil sinubukan ka niyang sulutin nung nag break tayo."

 

"And?" Naka kunot ang noo ni Jennie. "Pinatulan ko ba? Di ba hindi?" 

 

"So gusto mo bang magpasalamat pa ako na hindi mo pinatulan?" 

"You're so ing irrational!" 

 

"Bahala ka." Umiling si Lisa at nag walk out. 

 

"Bahala ka rin!" Pahabol ni Jennie na paiyak na.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"May samgyup tayo?" Natatawang sabi ni Jisoo habang magkausap sila sa phone. "Ang dami ko pa namang kinain."

 

"Sorry, di ko nasabi agad." Sagot ni Rosé.

 

"Okay lang." Ngumiti si Jisoo. "Sunduin mo ako?"

 

"Kung gusto mo."

"Ikaw na lang sunduin ko?"

 

"Ikaw bahala." Awkward na tumawa si Rosé.

 

Napa buntong hininga si Jisoo. "Rosé.."

 

"Yes po?"

"Tapatin mo nga ako."

 

Huminga muna ng malalim si Jisoo. Ayaw niya sanang phone call conversation lang ang tanong niya pero ilang araw na rin kasing sala sa init, sala sa lamig ang pakikitungo ni Rosé sa kanya. "Ano ba tayo?"

 

Matagal na tumahimik si Rosé.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
896 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
896 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
896 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
896 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹