14
Elesi
"Hoy Lisa anong nangyari sayo?" Tanong ni Rosé nung kumakain na sila ulit sa hiwalay na table. Mga 10 minutes na kasing tahimik pa rin si Lisa at walang masyadong imik.
"Tinamaan." Sagot ni Wendy habang iniikot yung carbonara gamit yung tinidor niya.
"Tinamaan ng lintek?" Tumawa si Rosé.
"Tangina mo, Sey." Sabi ni Lisa. "Gago, feeling ko nga crush ko si Jennie."
"Finally, inamin na rin."
Pagkatapos ng orientation, sumama si Irene sa mga orgmates niya sa Diamond para mag late dinner.
Masaya siyang nakikipag kwentuhan sa mga orgmates niya nang bigla siyang tawagan ni Bogum.
"San ka?" Tanong ni Bogum.
"Hi. Na sa Diamond." Sagot ni Irene.
"Umiinom ka na naman?" Parang medyo accusatory yung tone ni Bogum. "Andito din ako. Sino kasama mo?"
"Hindi, dinner lang. Orgmates ko lang."
"May mga lalaki diyan?" Sumimangot si Irene sa tanong niya. "Andyan yung Minho?"
"Andito."
"Katabi mo?" Hindi talaga gusto ni Irene yung side na ito ni Bogum pero iniisip na lang niya na baka protective lang siya.
"Yup, pero mga kaibigan ko naman 'to, Bogum."
"Tapusin mo na pagkain mo. Susunduin na kita diyan." Tapos binaba na niya yung tawag.
Napabuntong hininga na lang si Irene at tinapos na yung dinner niya. Nawalan na rin naman siya ng gana.
"Sorry, guys. Mauuna na ako." Paalam niya sa mga orgmates niya.
"Hala, bakit?" "Akala ko iinom pa tayo?"
"Uhm, sumama bigla pakiramdam ko eh." Ngumiti na lang si Irene. "Bawi ako next time."
"Okay ka lang? Hatid na kita sa labas, Irene." Sabi ni Minho.
"Hala, wag na." Umiling si Irene. Kapag nakita pa sila ni Bogum, baka lalong uminit ulo nun. "Kaya ko na. Thanks. See you bukas."
Naglakad na siya palabas at lumapit kay Bogum na nakakunot na yung noo.
"Di ba sabi ko sayo, wag ka nang nag sasasama dun sa Minho na yun?" Sabi niya agad. Naglakad na sila sa kotse at nananahimik lang muna si Irene.
"Orgmate ko nga yun," Explain ni Irene nung kalma na siya. "So lagi talaga kaming magkikita."
"Eh bakit kailangan mag tabi pa kayo?" Tanong ni Bogum habang nag dadrive siya papuntang West.
"Nagkataon lang."
"Sus, alam mo namang may gusto sayo yun matagal na eh." Tumingin si Bogum kay Irene. "May balak yun sayo."
"Wala, nag usap na kami before. Alam naman niyang friends lang kami."
"Irene, lalaki ako." Sabi ni Bogum. "Alam ko mga galawan na ganyan. Kaya hindi mo na pwede kausapin yun."
Tumigil na sila sa tapat ng apartment ni Irene.
"Bakit mo ako pinagbabawalan?" Nainis na si Irene. "Wala naman nang tayo ah."
Biglang lumambot yung mukha ni Bogum. "Irene. Alam mo naman na mas magulo lang kung may label ulit tayo eh. Pero mahal naman kita."
Medyo kumirot yung puso niya. "Kaya nga. Wala tayong label, so wala kang hawak sa akin." Sagot ni Irene. "Wala kang karapatan diktahan kung pwede ba o hindi ko pwedeng kausapin si Minho."
"Bakit ba atat na atat kang makipag usap dun? Gusto mo rin ata yun eh!" Sabi ni Bogum
Comments