DELETED SCENE #4: Seulghoster

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

 

I love you. I always will.

 

Parang sirang plakang paulit ulit yung mga katagang yun sa utak ni Seulgi. Pagbaba ng eroplano. Pag labas sa airport. Pauwi sa bahay.

 

Malinaw pa rin ang mukha ni Tzuyu habang sinasambit niya ang anim na salitang ito kay Seulgi sa byahe nila pabalik sa Pilipinas.

 

I love you. I always will.

 

Bakit?

 

Bakit hindi niya matanggal tanggal yun sa isip niya kahit na halos mabingi na siya sa lakas ng patugtog niya ng music? Bakit kailangan niya pang malaman yun? Bakit siya naapektuhan?

 

Bakit may kirot pa rin sa puso niya?

 

Lumipas ang isang buong araw. Pinilit na lang ni Seulgi matulog nang matulog. Inisip niya rin kasi na baka kaya lang may ganun siyang nararamdaman ay dahil sariwa pa ang usapan nila ni Tzuyu.

 

Pangatlong araw na simula nung makauwi sila galing Hong Kong, hindi pa rin nawawala ang kirot sa puso ni Seulgi.

 

 

 

From: Baechu

Lunch kami nila Wendy. Nasarapan sila sa Kaldereta ko. Hehe. Kain ka na rin po.

From: Baechu

Hoy, ano ka na? Baka naman pinagpalit mo na ako kay Tzuyu ha. Hahaha. Charot. I love you, Seulgi.

 

 

 

I love you, Seulgi.

 

“.” Napangudngod na lang si Seulgi sa unan niya. Kakaibang kirot naman ang naramdaman niya. Dahil nawala sa isip niya si Irene habang gulong gulo siya kay Tzuyu. “, , !”

 

Napatitig si Seulgi sa kisame niya. Windang na windang na yung utak niya dahil hindi na niya malaman kung ano yung nararamdaman niya.

 

Halo halong emosyon ang bumabagyo sa loob ni Seulgi. Di na niya madistunguish which is which dahil maya’t maya siyang hinahampas ng feelings niya. Nagagalit siya, dahil pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya kay Tzuyu, sa dulo, lahat ng yun ay para lang din sa wala dahil kaya naman pala ni Tzuyu na ipaglaban yung mahal niya. Nanghihinayang siya sa ilang taong ginugol niya para intayin si Tzuyu. Nasasaktan siya dahil after all this time, mahal naman pala siya ni Tzuyu habang siya ay matagal na nagdusa. Nagsisisi siya dahil kung sinabi na lang sana ni Tzuyu ng maaga..

 

At bigla naman siyang makakaramdam ng matinding guilt. Dahil may girlfriend na siya. Si Irene. Di na dapat niya nararamdaman yung mga nararamdaman niya kay Tzuyu. Pilit niyang pinapasok sa kokote niya na may Irene na siya kaya dapat kalimutan na niya yung naiisip niya patungkol kay Tzuyu. Pero wala eh. Ang lakas ng kapit ng anim na salita ni Tzuyu. Buong araw siyang pinuputakte.

 

Inis na inis si Seulgi sa sarili niya. Dahil buong pagaakala niya, okay na siya. Masaya na siya eh. Wala na dapat siyang reaction sa mga nalaman niya. Dahil sinaktan siya ni Tzuyu. Pinagpalit. Iniwan. Sinukuan. Dapat tinawanan niya si Tzuyu nung marinig niya na mahal pa siya nito. Dapat tumuro si Seulgi at nag sabing “Manigas ka.” sabay sabing hinding hindi na siya babalik kay Tzuyu. At wala siyang pakialam sa nararamdaman nito. Pero hindi. Umiyak lang siya. Nasaktan lang siya. At hindi niya mawari kung bakit.

 

Bakit ang tindi ng effect kay Seulgi? Bakit masakit pa rin? Dapat, hindi na, di ba? Kasi, okay na siya. Masaya na siya. Hindi na dapat siya affected. Kasi andiyan na si Irene. Si Irene na walang ibang ginawa kundi intindihin siya. Si Irene na hindi siya sinaktan. Si Irene na hindi siya sinusukuan.

 

Inuntog naman ni Seulgi yung sarili niya sa pader. Sobrang sama ng loob niya sa sarili niya nang maalala niya kung gaano ka-understanding si Irene nung hindi niya in-acknowledge yung existence ni Tzuyu. Nung si Irene pa ang nagpumilit na i-resolve niya yung issues niya sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
893 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
893 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
893 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
893 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹