109

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

“Irene.. galit ka pa din?” Nakangusong sabi ni Seulgi.

 

“Wag ka ngang makulit, nag co-concentrate ako dito.” Sabi ni Irene habang nagsusulat.

 

“Ang ganda ng sulat mo, as always.”

“Ano, mangongopya ka na naman?”

 

“Hindi ah.” Lumapit si Seulgi at nagsulat sa notebook ni Irene. “Nag advanced study na ako. Gusto mo turuan kita?”

 

“Napakayabang mo talaga.” Pero di mapigilan ni Irene na mapangiti.

 

“Irene.” Binaba ni Seulgi yung ulo niya sa armchair para silipin yung katabi niya. “Baechu. Ang cute mo today.”

 

“Manahimik ka diyan.”

“Ang sungit mo pa rin.”

 

Pagkatapos ng 5 minutes, kinalabit ulit ni Seulgi si Irene. “Irene, may sasabihin ako.”

 

“Ano na naman?” Di na lumingon si Irene na concentrated pa rin sa pagsusulat. “Pag yan, di related sa Jap ha.”

 

“Related ‘to, promise.” Sagot ni Seulgi. “May trivia lang ako.”

 

Tumigil sa pagsusulat si Irene. “Sige. Ano yun?”

 

“Alam mo bang walang umaga at gabi sa Japan?” Seryosong sabi ni Seulgi.

 

Napakunot ang noo ni Irene. “Ha? Bakit naman?”

 

“Eh kasi, lahat sila hapon.” Nakangiting sabi ni Seulgi.

 

Nagtitigan lang silang dalawa. “Alam mo..” Bumuntong hininga si Irene. Ang cute cute mo, nakakabwiset. “Ewan ko sayo, Seulgi.”

 

“Aw, waley pala.” Nakangusong sabi ni Seulgi.

 

“Waley talaga.” Pero pigil na pigil si Irene sa pag ngiti.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Thursday morning. Antok na antok si Irene dahil wala na naman siyang tulog. Exam na kasi niya mamaya sa Eng Sci at nag all-nighter na naman siya. Medyo kinakabahan din siya dahil madugo ang exam sa subject na yun.

 

"Good morning, Baechu." Naglapag si Seulgi ng cup sa harap ni Irene.

 

"Ano 'to?" Kinuha ni Irene yung cup at inamoy ang na sa loob.

 

"Hot choco." Sagot ni Seulgi. Napangiti naman si Irene dahil ang cute ng pagkakasabi ng katabi niya.

 

"OMG." Agad na ininom ni Irene yun pero sumama yung mukha niya dahil napaso yung dila niya. "Aray! Ang init pala."

 

"Napaso ka?" Worried na tanong ni Seulgi. "Dahan dahan lang kasi.. naku, pano tayo magmomomol niyan?"

 

Nabilaukan naman si Irene at hinampas niya si Seulgi. "Sira ka talaga!"

 

"Joke lang." Ngumiti si Seulgi. "Good luck sa exam mo later, Irene. Wag kang kabahan. Alam kong kayang kaya mo yan."

 

"Paano mo nalaman na may exam ako mamaya?"

 

Tumuro si Seulgi sa hawak niya. "Gamit mo yung lucky ballpen mo."

 

Sinundan naman ni Irene yung turo ni Seulgi.

 

"Kapag may mabigat kang exam, lagi mo yang gamit buong araw." Nagkibit balikat si Seulgi. "Di ba?"

 

Nag taas ng kilay si Irene. "Bakit mo alam? Never ko yun sinabi sayo ah. Kahit nung tayo pa."

 

"Napapansin ko naman lahat ng mga importante sayo kahit di mo sabihin." Ngumiti si Seulgi. "Good luck. Galingan mo."

 

Binalik ni Irene yung ngiti. "Thank you, Seulgi."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

10:29 pm. Napabuntong hininga si Irene pagpasok niya sa gate. Sobra siyang na drain sa exam niya pero feeling naman niya, papasa siya kahit na may isang item siyang hindi nasagutan.

 

Pag pasok ni Irene sa pinto ng apartment, agad na bumungad si Joy. "Girl, kamusta exam mo? Good? Bad?"

 

"Good naman ata." Sabi ni Irene pagkatapos niya pag isipan. "Sana pass."

 

"Sana, good daw!" Tawag ni Joy at agad na lumabas si Sana.

 

"Yas. Gusto ko sana yung burger, pero G na rin sa hotdog." Agad na kinuha ni Sana yung isang paperbag sa kitchen at pumasok na siya sa kwarto. "Aw, sweet naman, may note din dito!" Pahabol niya. 

 

"Anong meron?" Takang tanong ni Irene nung pumunta siya sa kitchen. 

 

"Special delivery." Kumindat si Joy at pumasok na ulit sa kwarto niya. "Sayo yang paperbag."

 

Binuksan ni Irene yung paper bag. May lamang burger, fries, at isang post it note na orange.

 

 

 

 

I know u like burgers kapag good yung resulta ng exam. nag padala din ako ng hotdog just in case na bad pero sana naman hindi. hehe. enjoy, Irene! pahinga ka na, u deserve it!

 

 

Malaki ang ngiti ni Irene hanggang pag tulog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Sali ka na, Irene. Sige na.” Pagmamakaawa ni Yeri. “150 lang reg fee per team.”

 

“Kailan ba?” Tanong ni Irene habang pinipilian yung plato niya. Nilipat niya lahat ng chicken sa pasta niya sa plato ni Yeri.

 

“Sa Thursday.” Ngumiti si Yeri. “Libre ko na reg fee mo, magpapakita ka na lang dun, ayos ba?”

 

“Bakit di mo ayain sila Wendy?” Tanong ni Irene.

 

“Eh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
884 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
884 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
884 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
884 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹