66

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

Kung kaya lang ni Irene na makapatay ng tao gamit ang tingin, kanina pa siguro tinakbo sa ospital itong si Bogum. Buong dinner ay sinasamaan niya ng tingin yung ex-boyfriend niya na nakaupo sa harap niya. Di rin nakapag explain si Irene sa parents niya dahil tinawag na ang lahat para kumain ng dinner.

 

Di mawari ni Irene yung expression sa mukha ni Seulgi. Parang.. kalmado lang ang mukha niya buong gabi at tahimik lang na kumakain. Busy din ang magulang ni Irene kaya hindi sila masyadong nakapag usap. Plano ni Irene na sipain si Bogum palabas ng bahay nila pagkatapos ng dinner at i-lock ang gate.

 

“Since Bogum will be staying here, dun siya sa guest bedroom.” Bumaling yung nanay ni Irene kay Seulgi. “Seulgi, I hope you don’t mind na sa kwarto ni Irene matulog, iha. Pasensya ka na, all the other spare rooms are occupied na rin kasi ng mga tita at tito ni Irene.”

 

“Okay lang po, tita.” Sagot ni Seulgi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagkatapos ng dinner, pinaakyat na muna ng nanay ni Irene silang dalawa para ayusin yung mga gamit nila at para mag akyat ng extrang mattress na tutulugan ni Seulgi.

 

Pagkapasok na pagkapasok nila sa kwarto, agad na tumalikod si Irene para harapin si Seulgi.

 

“Seulgi—”

 

“Alam ko.” Ngumiti si Seulgi. “Biglang sumulpot na parang kabute lang yung ex mo.”

 

“ naman kasi,” Napaupo si Irene sa kama. “Nakakairita. Lalo tuloy naging komplikado.”

 

“Okay lang.” Tumabi si Seulgi sa kanya. “Di mo naman kailangan sabihin agad. Timplahin muna natin yung mood nila. Saka alamin muna natin yung pakay ni Bogum dito.”

 

“Ano pa bang pakay niya, edi manggulo sa buhay ko.” Napairap si Irene.

 

“Wag ka magalala.” Kalmadong sabi ni Seulgi. “Kaya natin ‘to.”

 

“Bakit sobrang kalmado mo?” Bumaling si Irene sa kanya.

 

“Eh kasi po, kung dalawa tayong magpapanic at maa-agit, san tayo pupulutin niyan?” Tumawa si Seulgi. “Pasalamat na lang tayo dahil at least magkasama tayo matutulog sa iisang kwarto.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tulog na si Seulgi sa floor ng kwarto ni Irene at malapit na rin siyang makatulog nang bigla siyang makatanggap ng text kay Bogum na nagsasabing magusap sila sa labas.

 

 

“Ano bang ginagawa mo dito?” Inis na sabi ni Irene nung nagkita sila sa veranda.

 

“Binibisita ang family mo.” Sagot ni Bogum. “Di ba, lagi naman ako umuuwi sa inyo kapag Holy Week?”

 

“Dati yun, nung tayo pa.”

 

“Irene, hanggang kailan mo ba patatagalin yang kalokohan mo?” Tumingin si Bogum sa kanya.

 

“Bogum, seryoso ako kay Seulgi.” Mariin na sabi ni Irene. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo?”

 

“Hindi ka naman ganyan, Irene!” Sabi ni Bogum. “Kilala kita. Hindi—”

 

“Hindi mo ako kilala.” Pagsabat ni Irene. “Hindi na ako yung dating tatanga tangang humahabol sayo.”

 

“Hindi mo naman kasi ako binigyan ng chance para mag explain.” Sagot ni Bogum. "Nakipag break ka na lang agad."

 

“Bakit, anong ie-explain?” Iritang sabi ni Irene. “Na kaya pala lagi kang nandun sa lab kasi naglalampungan kayo ng kasama mo mag SA?”

 

“Irene, tawag lang naman ng laman yun eh.” Pag eexplain ni Bogum. “Ikaw pa rin naman ang mahal ko. At sila naman kasi ang nauunang lumapit.”

 

“Wag ka nang mag paliwanag, dahil hindi mo na ako mauuto.” Naglakad na si Irene palayo. “At pwede ba, wag ka nang makialam pa sa relationship ko.”

 

“Hindi ka niya deserve, Irene.” Sabi ni Bogum. “Makinig ka sakin, may nalaman ako tungkol diyan sa Seulgi na mahal na mahal mo.”

 

Di na siya pinakinggan ni Irene.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Maagang nagising si Seulgi dahil namamahay siya at parang hind

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
882 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
882 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
882 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
882 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹