114

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

"Irene, okay ka lang?" Worried na tanong ni Jihyo dahil namumutla na si Irene. 

 

"Oo girl, nahihilo lang talaga ako." Humawak si Irene sa ulo niya. 

 

"Wag ka na kaya pumasok? Akyat na lang tayong CHS." 

 

Tumawa si Irene. "Jusko, Jihyo. Pupunta pa tayong Infirmatay? Wag na lang."

 

"Ang galing naman kasi ng campus na 'to, na sa taas yung infirmary. Pero umuwi ka na lang kaya para mag pahinga. Di ka pa naman excessive, di ba?" Inalalayan ni Jihyo si Irene habang nag lalakad papasok sa classroom. 

 

"Excessive lang ako magmahal, hindi ako excessive sa absences." Sagot ni Irene na may kasama pang pag taas ng kilay. 

 

"Girl alam mo, simula nung naging kayo ni Seulgi, dumami na yung kalokohan na sinasabi mo." Natatawang sabi ni Jihyo. 

 

"Is that bad?" 

"Hindi, lalo ka ngang naging fun kasama."

 

Tumawa na lang din si Irene. "Ayoko na umabsent. Andito na rin ako sa dept eh. 10 minutes na lakaran pa if uuwi ako para mag pahinga. Hassle."

 

Tumango na lang si Jihyo. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bago mag simula ng class nila, hilong hilo na si Irene dahil na rin sa puyat at pagod. Nakasandal na lang siya sa balikat ni Jihyo habang nagiintay ng prof nang biglang may tumapik sa likod niya. 

 

"Pick up po for Miss Irene. Dito na po ang inyong sundo." Malaki ang ngiti ni Seulgi na may kasama pang finger heart. 

 

"Bakit ka nandito sa dept?" Takang tanong ni Irene. 

 

"Bawal ba?" Umupo si Seulgi sa pinakamalapit na armchair at lumingon lingon sa classroom. "Taray ng room niyo, ang ganda ah. Sa Vet Med panay drawing ng etits at sirasira yung mga upuan eh."

 

"Tinext ko si Seulgi. Para makauwi ka na at makapag pahinga." Explain ni Jihyo. "Wag ka nang pumalag, Irene. It's either si Seulgi or si Bogum."

 

Napailing naman si Irene. "Wag naman si Bogum."

 

"Ang ganda naman, ang daming taga sundo." Pangaasar ni Seulgi. 

 

"Sira. Wala akong sinabing sunduー"

 

Hinila na ni Seulgi si Irene. "Tara na, mag aaksaya ka pa ng energy makipagtalo, parang babagsak ka na oh. Tulog tulog din kasi. Di ka naman babagsak sa Eng Sci."

 

Nakakunot noong sumunod si Irene palabas ng classroom. "Di talaga."

 

"Good." Inalalayan na ni Seulgi si Irene papasok sa kotse. "Dapat sa akin ka lang bumabagsak."

 

Namula naman si Irene at mag sasalita na sana nang bigla siyang unahan ni Seulgi. "Charot. Testing lang kung kaya pa rin kitang pakiligin."

 

Oo naman. "Para kang tanga."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Weekend. Yung sama ng pakiramdam ni Irene ay natuloy sa trangkaso. Plano niyang itulog na lang ito dahil paparating na ang Finals Week at kailangan niya ng lakas para maitawid ang mga exams.

 

"Sure ka?" Tanong ulit ni Joy. "I swear, di naman hassle sakin. Stay na lang ako dito."

 

"Sure na, Joy. Umuwi ka na." Ngumiti si Irene. "Need mo ng pahinga. Sa acads at pagibig."

 

Nalungkot ang mata ni Joy pero mabilis niya naman itong binawi at itinago sa ngiti. "Basta, mag chat ka sa gc if may kailangan ka ha. Alam ko sila Jisoo, hindi naman uuwi."

 

"Keri ko na 'to." Nag thumbs up si Irene. "Sige na, bye!"

 

"Sige, bye."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagising si Irene dahil nagugutom na siya pero wala siyang lakas ng loob para bumangon at mag init ng noodles. Nahihiya naman siyang mag chat sa GC nila dahil ayaw na niyang maabala yung iba niyang kaibigan.

 

Itetext niya pa lang sana si Jennie nang makita niyang may mga texts pala sa kanya. 

 

 

 

 

 

From: Seulgiyah

tao pu. teh pabukas may delivery si wendy kay joy bat di kayo nag rereply ha

From: Seulgiyah

hello? dito ka ba haha sabi ni sana andito kadaw ih

From: Seulgiyah

iwan ko na lang to dito, kaso food to eh baka madali ng pusa

From: Seulgiyah

may binili pala akong bagong paso kay daphne sorry she's my fave sa lahat ng mga plant friends u

To: Seulgiyah

Hoy. Andiyan ka pa?

From: Seulgiyah

yup

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
884 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
884 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
884 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
884 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹