123

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

 

MGA BAKLANG KANAL NG EAST

Lisa: hoy seulgi aabot ka bang bobo ka 12:30 na oh

Yeri: Abot saan?

Yves: yerms codm na

Rosé: Sali

Wendy: Sali. BR. Abot saan, Lisa?

Lisa: hi mommy wends. sa class. si seulgi kasi tanga tanga sabi uuwi kagabi sinulit ang ebab time

Seulgi: SAN DALE NAGD DRVVE N AQ

Rosé: Naku tall di ko alam san ang dale

Seulgi: PSKYU

Yves: tara na yeri pangit mo gang 1 lang lunch break namin

Yeri: Sabihin mo muna please master

Lisa: tanginang engineer to mag trabaho ka oy

Rosé: TARA NA YERI

Yeri: Teka nga muna. San ba galing si Seulgi?

Lisa: makati

Yves: sana ol galing makati

Yves: ako kasi sa kipay ng nanay ko aq galing

Wendy: Hahahahahaha tang ina mo.

Seulgi: HHQHAHQHQ

Rosé: Yves ogag ka talaga HAHA

Lisa: inamo yves wala ka parin ambag

Yeri: HAHAHAHA BWISIT KA PA RIN SIGE NA NGA MAG OPEN NA AKO

 

 

 

 

 

 

 

 

“Kabado na ako, !” Di mapigilan ni Seulgi ang paglalakad. Pinapawisan na siya sa smart casual na suot niya kahit na aircon naman sa conference room. “Takte, baka madaming makitang mali sa experiment ko.”

 

“Hindi yan, di ba inulit mo naman yung isang part nung gulo gulo yung data?” Mahinahong sabi ni Irene. “Inisa isa mo rin yung stat analysis, di ba? Conclusive naman, okay na yan.”

 

“Baka lang kasi mautal utal ako pag niraratrat na ako ng mga panelist.” Sinilip ni Seulgi yung relo niya. Last 5 minutes.

 

“Okay lang naman kabahan, Seulgi. Alalahanin mo lang, matindi pa yung pagratrat na ginawa ni Nayeon at Jennie sayo nung nagkabalikan tayo. Na-survive mo naman yun, di ba?”

 

Tumawa naman si Seulgi. “Oo, nasurvive ko naman.”

 

“Edi basic na yan.” Ngumiti si Irene dahil alam niyang kunot noo pa rin ang girlfriend niya. “Oh, wag na busangot, Seulgi ko. Ilaban mo na yan. Last two things bago makauwi sa akin!”

 

“Yes, tama ka.” Nabuhayan ng loob si Seulgi. “Last two.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagdating ng dulo ng 2nd sem, confirmed na ga-grad na ang tatlong naiwan. Mangiyakngiyak sila habang masayang nag iihaw ng liempo gamit ang mga kahon kahon na mga handouts na ginawa nilang pampabaga.

 

“Mmm lasang lasa ko pa yung singko dito oh!” Sigaw ni Lisa habang tinitikman yung naunang batch. “Isunod mo yung mga old exams natin sa Chem! Tustahin na yang mga bokya!”

 

“Sey, teka, akin na yung old exam ko sa Physics!” Pinigilan ni Seulgi si Rosé dahil malapit na nito lukutin yung papel. “Diyan ko isusulat yung wedding vows ko kay Irene.”

 

“Tang ina ang sweat naman!”

 

Inabot ni Rosé yung papel at medyo nadismaya si Seulgi. “Huy.. tol, wala ba yung mataas yung score ko? Tangina, bagsak ako dito eh, kakahiya naman baka maturn off si Irene sa akin.”

 

Matagal tagal muna silang naghalungkat sa mga old exams ni Seulgi sa Physics pero wala silang nahanap na mas mataas pa sa hawak niya na papel.

 

“Shet, ang bobo ko pala.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa graduation ni Seulgi, Lisa, at Rosé na lang sila ulit nakumpleto lahat. Tulad ng dati, panay ang kuha nila ng litrato. Di rin humupa ang tawanan, kwentuhan, at asaran ng mga magkakaibigan. Pagtapos ng grad rites, nag dinner si Seulgi kasama ang pamilya niya at si Irene. Napaalam na rin ni Seulgi na makikitulog si Irene sa kanila pagkatapos.

 

“Congrats ulit, Seulgi ko.” Hinalikan ni Irene ang noo ni Seulgi. “I’m so proud of you.”

 

“I love you.” Bulong ni Seulgi.

 

“I love you.” Ngumiti si Irene. “Last one thing bago ka umuwi sa akin.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA BAKLANG KANAL NG EAST

Wendy: Good luck sa VLEs, guys! Alam kong kayang kaya niyo yan.

Rosé: Thanks Wends! Labyu

Yeri: Lisa, pag wala ka na masagot, C na lang tol.

Lisa: tang ina mo bumagsak man ako bansot ka pa rin

Seul: tanga yerms pustahan kami pataasan score hahaha 1k ang nakasalalay

Yves: seul tropa kaya mo yan taob yang dalawa sayo

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“SEULGI!”

 

Napabalikwas ng bangon si Seulgi dahil parang may sunog sa lakas ng hiyaw ng nanay niya. Mahilohilo pa siyang naglakad papunta sa kitchen nang makita niya ang nanay niya at kuya niya na masayang nakatitig sa laptop screen.

 

“PASADO KA!” Sigaw ng kuya niya at mga limang segundo muna bago nagregister kay Seulgi ang nangyayari.

 

“S—sa.. sa VLEs?”

“OO!”

 

Ang mga singkit na mata nilang tatlo ay nanlaki at pagkatapos yakapin ni Seulgi ang nanay niya, agad niyang tinawagan si Irene para i-share ang mabuting balita.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mabilis ang transition ni Seulgi mula pagka-graduate hanggang sa pag simula niya ng trabaho. Nung nakaraan lang, naghahanap pa lang sila ni Irene ng matitirhan, hanggang sa naglilipat na sila ng gamit, hanggang sa bininyagan na nila ng unang inuman, at humantong na sa umaga ng unang araw niya sa trabaho.

 

“Nag pack ako ng lunch mo para hindi ka na lalabas sa first day mo.” Hinalikan muna ni Irene si Seulgi sa noo bago siya nagmadaling nagsapatos. “Good luck, wag kang tatanga tanga ha.”

 

“Opo.” Antok na sagot ni Seulgi habang hinahalo ang kape niya. “Sorry, nahassle ka ata. Maaga ka gumising para magprepare?”

 

Ngumiti si Irene pagtayo niya. “Syempre, first day ng Seulgi ko. Dapat ma-impress agad sayo yung boss mo. Mauna na ako, may meeting kami ng 8. Bye, good luck ha! I love you.”

 

“I love you, Jinji!” Pahabol ni Seulgi.

 

 

 

 

 

Pagdating ng lunchtime, pagod na pagod si Seulgi sa dami ng pinagawa ng boss niya. Pinagtitinginan lang siya ng mga kasama niya sa trabaho habang dahan dahan niyang nilalabas ang pinack ni Irene para sa kanya.

 

 

Kainin mo yung gulay ha! Bawal magtira. Hope you’re having a great first day! I love you :-)

 

 

Malaki ang ngiti ni Seulgi hanggang matapos ang lunch break. Napansin naman ng boss niya ito kaya dinagdagan pa lalo yung mga pinapagawa sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
895 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
895 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
895 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
895 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹