DELETED SCENE #3: IRENOSAURUS AND FRIENDS

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

To: Hon

Done na sa exam, wait po kita here.

To: Hon

Kapagod, feel ko bagsak ako. :(

To: Hon

Hon?

To: Hon

San ka na po?

To: Hon

Hon, okay ka lang? Na-traffic ka ba?

To: Hon

Heyyyy. Lumalakas na ulan. WRU?

To: Hon

Bogum. Sagutin mo yung call.

To: Hon

San ka na? Ang lakas na ng ulan.

To: Hon

Pupunta ka pa ba? 30 mins na ako nagiintay, ako na lang mag isa dito sa dept.

To: Hon

Maglalakad na ako.

To: Hon

Bogum.

 

 

 

 

9:38 pm. Nagngingitngit sa inis si Irene habang tinatahak ang mahabang daan sa sakayan ng jeep. “Di sana sumabay na lang ako kila Jihyo.”

 

Iniisip na lang talaga ni Irene na sana may magandang excuse si Bogum kung bakit hindi niya nasundo si Irene. Pagkatapos nilang magtalo at pagkatapos mag pumilit ni Bogum na hatid sundo na siya lagi nung one time na mag offer si Minho na ihatid si Irene palabas at makita sila ni Bogum sa sasakyan, bigla naman ngayon ay hindi siya sisiputin. Drained at pagod pa naman si Irene dahil madugong Eng Sci ang exam nila kanina.

 

“ naman.” Basang basa na ang sapatos ni Irene bago pa siya makasakay sa jeep. Minabuti na lang din niyang dumiretso sa apartment ni Bogum sa Esramed dahil baka naman napano na ang boyfriend niya kaya di siya sumagot. Dahil matatanggap lang ni Irene ang di pagsipot ni Bogum kung a) mamamatay na siya or b) namatay na siya.

 

Nanaig naman ang pag worry ni Irene kaya kahit naiinis pa rin siya, at basang basa na siya, nandun siya ngayon sa harap ng apartment ni Bogum at kumakatok.

 

“Bogum.” Paulit ulit na tawag ni Irene. “Okay ka lang ba? Hon!”

 

Bigla namang may commotion sa loob ng unit ni Bogum at lalong nagalala si Irene. “Hon. Okay ka lang ba?”

 

Biglang bumukas ang pinto at ang ulo lang ni Bogum ang lumabas. “Hon, . I fell asleep, sorry.”

 

“May sakit ka?” Tanong ni Irene. “Ano nangyari sayo?”

 

“Oo, hindi mabuti pakiramdam ko.” Umubo ubo si Bogum. “Uhm.. wag ka na pumasok.. Baka mahawa kita. Dami kong nakakalat na tissue everywhere. Sobrang gulo.”

 

“May gamot ka na ba diyan?” Tanong ni Irene. “Gusto mo bilhan kita ng—”

 

“Bogum.” Biglang may babaeng tumawag sa kanya. “Have you seen my bra?”

 

Nanlaki naman ang mata nilang dalawa.

 

“Irene—”

 

Sinampal ni Irene si Bogum.

 

Parang sasabog na ang ulo ni Irene nung nag walk out siya. Pang ilang beses na niyang nahuli si Bogum na may ibang babae. Di rin alam ni Irene kung bakit lagi pa rin niyang pinapatawad si Bogum. Pero sa ngayon, nagdidilim ang paningin niya dahil nagpatong patong na ang nararamdaman niya: Poot. Sakit. Kahihiyan.

 

 

 

Mabilis siyang sumakay ulit ng jeep pauwi sa West bago pa siya mahabol ni Bogum. Pinatay na rin niya yung phone niya para di na siya matawagan o ma text ng boyfriend niya. 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Ano nangyari sayo?” Natatawang bati ni Joy nung nakita niya si Irene na basang basa at di maipinta ang mukha.

 

“Tang ina. Tang ina ni Bogum! Nahuli ko na naman siya!” Sigaw ni Irene.

 

“Hay nako.” Napailing na lang si Joy. “Sabi ko sayo, teh—”

 

“Ayoko na marinig, Joy.” Sabat ni Irene. “Mag inom na lang tayo.”

 

“Sana inom daw!”

 

Agad namang lumabas ng kwarto si Sana. “Diamond tayo. Bihis ka na, Irene.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Tang ina talaga.” Paulit ulit si Irene habang hinahampas si Joy. “Napaka kapal ng mukha niya!”

 

Wala pang alas dose, lasing na silang tatlo dahil sobrang taas ng tagay ni Sana at sobrang bilis ni Irene uminom. Gigil na gigil pa rin siya pero nararamdaman na niyang malapit na siyang umiyak.

 

“Bakit ganun ang mga lalaki, Joy? Sana?” Tumingin siya sa mga roommates niya. “Bakit pa sila humahanap ng iba, ito na nga ako oh.”

 

“True na dai!” Sigaw ni Joy. Bigla niyang hinawakan ang mukha ni Irene. “Ang ganda ganda mo, girl. As in ang ganda ganda mo talaga. Tapos nag se-settle ka lang sa lalaking so-so na nga ang mukha, ang kapal pa ng apog na mambabae!”

 

“Bakit kasi ganun..” Naluluha na si Irene. “Bakit kasi sobrang mahal ko siya?”

 

“Irene, sabi ko naman kasi sayo, girl, wag ka na sa lalaki.” Tumatawa si Sana. “Switch teams na. Sa merlat ka na lang.”

 

“Straight nga ako, ano ba.”

 

Nakataas naman ang kilay ni Joy. “Alam mo Irene..”

 

“Ano?”

 

Bumuntong hininga si Joy. “Lagi namin pinaguusapan ni Sana na feeling namin hindi ka talaga straight.”

 

Tumawa si Irene. “Girl, hindi talaga. I mean.. straight talaga ako.”

 

“Kung maka deny agad, natry mo na ba?” Pangaasar ni Joy.

 

Tumawa lang si Irene. “Order ka pa! Libre ko.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Tz

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii 0 points #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
886 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
886 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
886 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
886 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹