117
Elesi
“Irene?”
Matagal muna silang nagtitigan bago napansin ni Seulgi na may mga maliliit na kandila palang nakapaikot sa classroom. Napansin niyang nakakumpol yung mga kandila sa dati nilang pwesto sa bandang gitna, at muling bumalik kay Seulgi yung alaala nung time na magkaklase pa sila sa Physics.
“Alam mo,” Tumawa na agad si Irene. “Sa totoo lang, gusto ko sana i-recreate yung scene sa Grey’s Anatomy, yung candle house na ginawa ni Meredith para kay Derek.”
“Season 4, episode 17?” Tumawa din si Seulgi. “Umiyak ka dun eh.”
“Kelan ba ako hindi umiyak sa Grey’s?” Bumuntong hininga si Irene habang tumitingin sa paligid nila. “Pero yun.. nagmukha lang na lamay, parang namatay tayo eh, hindi naman romantic. Lahat na lang ng attempts natin sa pakilig, nauuwi lang lagi sa comedy.”
Tumawa sila parehas. “Bakit ba kasi may paganito? May pinapakuha sa akin si Nayeon, actually eh.” Sabi ni Seulgi.
“Oo nga.” Tumango si Irene. “Ako.”
Tumitig lang si Seulgi sa kanya.
Dahan dahang lumapit si Irene kay Seulgi. “Seulgi.. alam kong marami nang nangyari sa atin, pero gusto ko lang muna bumalik sa simula. Dito, sa classroom natin. Ang dami nang nangyari dito. Naalala mo ba?”
“Oo naman.” Sagot ni Seulgi at tumuro siya dun sa kumpol ng mga kandila. Naalala niya nung mga panahon na nagpapansin pa lang siya kay Irene. Yung mga banat niya na madalas sablay, mga paghampas ni Irene sa kanya kapag masyado siyang natatawa sa jokes ni Seulgi, mga random conversations nila kung saan nanonote niya yung mga maliliit pero importanteng detalye tungkol kay Irene, mga nakaw na tingin niya kay Irene kapag concentrated ito sa pagsagot ng exer, yung hindi nila pagpansinan nung panahong malabo pa sila, mga patagong bulungan nila nung nagsisimula na silang magkamabutihan.
“Marami na tayong nasabi at nagawang mga bagay sa isa’t isa, at hindi yun lahat maganda, hindi lahat ng moments masaya,” Kinuha ni Irene yung mga palad ni Seulgi. “Alam ko, nagkasakitan tayo, pero ang lahat ng yun, worth it naman.”
“Lahat ng relationships ko, naging dependent ako. In a way na, kahit ako, hindi ko napansin. Pero sayo, naramdaman ko na I can be myself. Na may identity naman pala ako. Na kahit na may Irene at Seulgi, pwede naman pala magkaroon ng separate Irene. Na hindi kailangan mawala yung sarili ko kung gusto kong pumasok sa relasyon. Hindi naging madali ang daan para marealize ko yun, pero andito na ako ngayon.”
Hinawakan ni Irene yung mukha ni Seulgi. “Parehas tayong nag grow at nag mature both sa relationship and on our own. Proud ako sayo, sobrang proud ako sayo. At gusto kong magpasalamat kasi naging patient ka habang ako finifigure out ko yung sarili ko.”
Pumikit muna si Irene at bumuntong hininga. “Seulgi, alam kong marami pang pwedeng mangyari sa future, at wala naman tayong kasiguraduhan, pero, hindi ko na kayang tumagal ng isa pang araw na hindi ka sakin, at hindi ako sayo.”
Kinakabahan si Irene pero dumiretso siya ng tingin. “Mahal pa rin kita, Seulgi. At sana.. sana mahal mo pa rin ako. Gusto ko ulit mag try. If—if you’ll still have me.”
Matagal muna silang nagtitigan. Binibilang ni Irene yung hinga niya. Isa. Dalawa. Tatlo.
Di mawari ni Irene yung expression sa muk
Comments