108

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

Para sa comeback plans ni Seulgi, sinabihan niya ang mga kaibigan niya na wala munang mag sasabi sa mga girlfriend nila ("Sana all, may girlfriend." Hirit ni Yeri.) hangga't di pa siya nakakapag desisyon kung paano ito sisimulan. 

 

Minabuti na rin ni Seulgi na mag lie low muna at hindi magpakita kay Irene dahil baka bigla siyang madulas at mapasabing gusto niya na makipag balikan nang walang preno preno.

 

Nahihiya din siya sa pagsuka niya sa halaman ni Irene. Nakabaon na yun ngayon sa likod ng apartment nila kasama ng maduming bra ni Lisa na kumunat na dahil naiwan niya sa hamper at nakalimutan niyang labhan ng tatlong buwan at ang lumang rice cooker nila na kinain na ng amag at tinapon na lang nila dahil walang may gustong mag hugas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Seul, ikaw na umorder, please.” Pagmamakaawa ni Yves. “Alam mo namang kabado ako umorder pre kapag maganda yung cashier.”

 

“Wag ka ngang marupok puta ka.” Inis na sabi ni Seulgi habang nag hahanap ng mauupuan. “Ayan, ayan may paalis na. Tambangan ko na, tol baka may umagaw pa.”

 

“Seul, Seul, wait lang.” Tinapik tapik ni Yves si Seulgi. “Ano nga order mo?”

 

“Matcha, tropa. Para simple lang.” Sagot ni Seulgi. “Tang ina baka kasi kapag sinabi kong Okinawa, maguluhan ka na naman. Last time nung maganda yung cashier, sabi mo ukininam napakatanga mo talaga.”

 

Napakamot si Yves. “Okay. Matcha. Matcha. Matcha.”

 

“Gago, si Irene!” Hinila ni Seulgi si Yves at kumaway.

 

Nung napansin naman sila ni Irene, agad itong pumasok.

 

“Diyan ka na, pre.” Lumayo na si Seulgi sa pila. “Ayain ko siya kumain sa labas.”

 

 

 

 

 

 

“Konnichiwa, Baechu-san!” Nakangiting bati ni Seulgi.

 

Sumimangot si Irene. “Hoy.”

 

Nagulat naman si Seulgi. “Oh, bakit ang taray mo? Sinong babanatan natin?”

 

“Ikaw!” Tumuro si Irene. “Umamin ka na.”

 

“Saan?”

“Umamin ka na.”

 

Nabuntong hininga naman si Seulgi. “Sige. Ayoko sanang agad agad, dahil gusto ko sana muna na maayos tayong mag usap.. Pero sige. Ano kasi.. Irene. Bali—“

 

“Nakakainis ka!” Hinampas ni Irene si Seulgi sa braso.

 

“H—ha?”

 

“Seulgi naman eh!” Halos maiyak na si Irene. “Isa pa naman yun sa favorite ko.”

 

Napakamot na lang si Seulgi sa ulo niya. “Di ko gets..”

 

“Yung philodendron ko!” Inis na sabi ni Irene. “Wag ka nang mag maangmaangan, Seulgi. Alam kong nasukahan mo yun at ninakaw. San mo dinala ha? San mo siya dinala??”

 

Biglang nanlamig ang buong katawan ni Seulgi. “Ay.”

 

“Nakakainis ka talaga! Galit ako sayo.” Nakakunot noong sabi ni Irene. “At yun pa talaga yung sinukahan mo.. yun pa naman yung—” Bigla siyang natigilan. “Basta. Special pa naman yun sakin.”

 

“Irene, sorry.” Sabi ni Seulgi. “Ano kasi—“

 

“Hindi na.” Tumalikod si Irene. “Hintayin mo munang humupa agit ko sayo.”

 

Hindi na nakapagsalita si Seulgi dahil naglakad na paalis si Irene.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bigla naman sumulpot si Yves at hinila si Seulgi sa braso. “Pre, pre, tara na. Alis na tayo dito, putang ina.”

 

“Ano? Bakit na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
884 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
884 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
884 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
884 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹