DELETED SCENE #1: Freshmen origins

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Freshman orientation.

 

Hiyang hiya si Seulgi sa kapartner niya. Parang exchange student dahil yayamanin ang pormahan at di niya pa naririnig na magsalita ng tagalog simula nung nagkatabi sila.

 

Inutusan na sila ng counselor na makipagkilala at lumunok muna si Seulgi. Ayaw na sana niyang balikan yung conyo phase niya nung high school pero mukhang mapapasabak siya ulit dahil feeling niya foreigner itong partner niya.

 

“Hi, good morning. My name is Seulgi.”

 

“Hello,” Nakangiting sabi ng babae. “I’m Rosé.”

 

“So you’re—you're British?”

 

“Nooo,” Tumawa si Rosé at makapal na makapal ang accent niya. ‘’I just grew up in Australia. But I’m from here naman.”

 

Anak ng puta, nagtatagalog naman pala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

1st class ni Seulgi. Sa likod siya umupo dahil nahihiya siyang pumunta sa harap at natatakot siyang matawag in case biglang may recitation.

 

10 minutes simula ng magsimula ang class, biglang bumukas ang pinto. Tinginan ang lahat sa babaeng pumasok at nagmamadaling umupo sa tabi ni Seulgi.

 

“Ukinam,” Bulong ng katabi niya nung nagresume na ang pagdidiscuss. “Wala pang ballpen, hanep talaga.”

 

 

 

 

 

 

 

 

“Excuse me, ate.” Tinapik ng babae ang braso ni Seulgi. “May extra ballpen po kayo?”

 

Iniabot ni Seulgi yung ballpen niya.

 

“Wow, yamanin naka-G tech.”

 

Natawa si Seulgi. “Parang G-tech lang eh.”

 

“Sorry na, Panda lang akin eh.” Kinaway kaway niya yung ballpen. “Okay lang nangangagat ako ng takip?”

 

“Pag nalawayan mo yan, wag mo na ibalik.”

“Yon. Bait mo.. ano nga name mo?”

 

“Seulgi.” Sagot niya.

 

“Lisa.” Ngumiti siya. “Hulog ka ng langit, Seulgi.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chemistry class. Medyo nalilito si Seulgi dahil paulit ulit yung prof nila sa pagsabing “Gets niyo naman na ‘to, di ba? Kasi tinuro na ‘to nung high school kayo.”

 

Tumango na lang siya pero hindi niya naman talaga gets.

 

 

 

 

 

 

 

 

Biglang may seatwork sa dulo ng discussion. Nakatanga lang si Seulgi sa papel niya.

 

“Oh, kawawa ka naman.” Natatawang sabi ng katabi niya habang pinapakita yung papel niya. “Kopyahin mo na ‘to.”

 

“Thank you!”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagkatapos ng class, nag offer si Seulgi na isakay yung katabi niya.

 

“Grabe, tama nga ako ng pinakopya!” Tumawa siya. “Yeri pala.”

 

“Seulgi.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kalahati na ng sem. Laging magkasama si Lisa at Seulgi. Madalas rin nilang naaaya si Rosé kumain dahil super classmates sila ni Seulgi.

 

“You know, I’ve never tried kwek kwek.” Comment ni Rosé habang nag f-foodtrip sila sa kanto ng Esramed. “It’s good pala.”

 

“Rosé, sabihin mo nga ‘gago’.” Natatawang sabi ni Seulgi. “Dali, di ba tinuruan na kita.”

 

“I don’t wanna, you’ll make fun of me.”

 

“Rosé, you wanna moni with us?” Tanong ni Lisa.

 

“What’s that?”

“Drink alcohol.”

 

“Okay.” Tumango si Rosé.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Sino pala kainuman natin?” Tanong ni Seulgi.

 

“Mga ka-dorm ko.” Sagot ni Lisa.

 

Dahan dahan silang pumasok sa dorm dahil bawal mag inom sa loob at bawal mag pa-overnight ng bisita.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kumatok si Lisa sa kabilang pinto at may maliit na babaeng nagbukas.

 

“Wendy, tara!”

 

“Wait, tawagin ko lang si Yves.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii 0 points #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
886 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
886 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
886 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
886 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹