5

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

“Jen, sabi ko naman sayo okay na yung kagabi eh!” Antok na sabi ni Rosé pagkatapos magpalit ni Jennie ng pangatlong beses.

 

“Oo nga, ito na oh. Naghuhubad na!” Binilisan na lang ni Jennie yung pagpapalit kasi kanina pa text nang text si Irene.

 

“Gaga, lagot ka kay Irene.” Nagtalukbong na ulit si Rosé. “Tutulog muna ako ulit, free cut kami this morning. Good luck.”

 

“Bye!” Madaling sabi ni Jennie bago siya lumabas ng kwarto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Girl, ano ka na?” Inip na sabi ni Irene pagdating ni Jennie sa harap ng classroom.

 

“I’m sorry, babe.” Hingal na sabi ni Jennie. “Andyan na si sir?”

 

“Wala pa.” Pumasok na sila.

 

“Uy, dala mo pala yung assignment for Hum?” Tanong ni Irene 5 minutes bago sila i-dismiss sa first class nila.

 

“Oh, !” Napahawak sa bibig si Jennie. “, Rene. Naiwan ko sa dorm!”

 

“Ano ba yan, text mo si Rosé!”

 

 

 

 

 

Pagkadismiss na pagkadismiss ng prof, tumawag na agad si Jennie sa roommate niya.

 

“Girl, hindi sumasagot!” Panicked na sabi ni Jennie.

 

“Edi puntahan na lang natin.” Sabi ni Irene.

 

“Male-late tayo!”

“Wala tayong choice, boba ka kasi.”

 

 

 

 

 

 

 

 

8:36 ng umaga. Late na naman si Seulgi at Lisa.

 

“Seul, naaamoy mo yun?” Tanong ni Lisa habang naghihingalo na naman sila paakyat ng 4th floor.

 

“Ang alin?” Inamoy ni Seulgi yung damit niya. “Pabango ko?”

 

“Hindi pre.” Sabi ni Lisa nang marating nila yung pinakahuling step sa hagdan. “Nangangamoy drop. Tangina wala agad tayong assignment first week pa lang.”

 

 

 

 

 

 

Bubuksan na sana ni Lisa ang pinto nang biglang bumukas ito at muntik na sila magkabanggaan ni Jennie.

 

“Ikaw na naman?” Parehas nilang sabi.

 

Tawa nang tawa si Seulgi hanggang makita niya na yung babaeng kasunod ni Jennie ay si Irene. Bigla siyang nabilaukan at naubo.

 

“Please lang.” Pag iinarte ni Lisa. “Tama na, Miss Jennifer. Wag mo na ako sundan nang sundan.”

 

“Ang kapal ng mukha mo!” Sabi ni Jennie. “Ikaw nga yung papasok sa classroom ng may classroom.”

 

“Excuse me, madam.” Sagot ni Lisa. “Humanities po ito. May class ako dito.”

 

“May class din ako dito!”

 

Biglang napangiti si Lisa. “Uy, classmate.”

 

“Jen!” Nagmamadaling sabi ni Irene.

 

Biglang natauhan si Jennie at tinulak niya si Lisa. “Excuse me.”

 

“Saan kayo pupunta?” Tanong ni Seulgi. “Start na ng class ah!”

 

“Naiwan ni Jennie yung assignment namin sa dorm niya.” Tumingin si Irene kay Seulgi tapos medyo kinilig siya. Medyo lang naman.

 

Ang ganda naman ng boses mo, Birheng Maria.

 

 “Uy, pwede bang pakopya?” Tanong ni Lisa bigla kay Jennie.

 

“Ang kapal naman talaga ng mukha mo.” Sagot ni Jennie sa kanya. Malapit na sila sa stairs habang hinahabol sila ni Lisa.

 

“Sige na, Miss Jennifer.” Nagpapacute na naman si Lisa at gusto na ni Seulgi na sabunutan yung best friend niya. “Papatawarin na kita sa pagbangga mo sa akin.”

 

“Wait.” Sabi ni Seulgi at humabol din siya. “Kina Rosé kayo punta? Sa Easthold? Hatid na namin ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
896 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
896 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
896 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
896 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹