85

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

“Tangina ka Lisa, sabi mo hindi siya pupunta!” Bulong ni Seulgi habang kumukuha siya ng pagkain.

 

Sabado ng gabi. Maingay sa East dahil nagihaw sila at nagsalosalo para manood at uminom. Mago-overnight ang mga taga-West sa East at bukas ang dalawang pintuan ng Unit 420 at Unit 421 habang labas pasok ang mga tao. Na sa labas ang mga pagkain at kalat kalat muna sila habang hindi pa nagsisimula ang movie.

 

“Malay ko bang pupunta siya, sabi ni Jennifer hindi naman daw.” Nagkibit balikat lang si Lisa. “Chill ka lang, di niyo naman kailangan mag interact eh.”

 

Napabuntong hininga lang si Seulgi habang nakatanaw kay Irene. “Oo nga, tama ka. Tangina lang, sobrang ganda niya pa rin—”

 

Bigla siyang binatukan ni Rosé. “Wag ka nga maglaway kay Irene, Seulgi, matutuluan mo na yung barbeque eh.”

 

“Tabi, kukuha ako ng pagkain.” Binangga ni Nayeon si Seulgi.

 

“Miss Nayeon, sungit mo pa rin sa akin.” Nakangusong sabi ni Seulgi.

 

“Wag ka magpacute, hindi effective.” Umiling lang si Nayeon at dumiretso na kung saan nakaupo si Irene.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Nakatingin pa rin ba siya?” Iritadong tanong ni Irene kay Jisoo. Nakatambay sila sa bahay kubo sa labas habang naghihintay na matapos maluto yung inihaw na bangus.

 

“Yup.” Tumawa si Jisoo. “Kala ko, hindi siya pupunta ngayon?”

 

“Akala ko rin.” Napabuntong hininga si Irene. “Gagang Joy, pakasinungaling.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bigla naman nasamid si Joy na nasa loob ng Unit 420.

 

“Bebe, you okay?” Worried na tanong ni Wendy habang nagaabot ng tubig.

 

“Yup, maling butas lang napasukan—”

 

“Wrong hole, alam.” Biglang sabat ni Yves bago siya umupo sa tabi ng dalawa. 

 

“Dun ka nga sa labas, Yves kadiri ‘to!” Sabi ni Wendy.

 

“Ayoko, parang may namumuong bagyong Seulrene.” Umiling si Yves.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Dubu, ang galing mo mag ihaw.” Sinubuan ni Sana si Dahyun ng malaking piraso ng baboy.

 

“Ako kaya nag ihaw niyan.” Mahinang tinulak ni Jeongyeon yung housemate niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

“Irene, walwal tayo tonight!” Nagabot na agad si Yeri ng kakaibang kulay ng mixed drink kay Irene.

 

“Di pa nga ako kumakain, Yerim.”

 

“Sabi ko, wag ako tawagin ng ganun eh.” Nakangusong sabi ni Yeri.

 

“Tawagin mo yang bansot.” Pangaasar ni Rosé.

 

“Pakyu.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Yves, dito ka lang sa tabi ko.” Hinila bigla ni Seulgi yung t-shirt ni Yves. “Magsama tayong dalawang single.”

 

“Kala mo lang, single ako, tropa.” Nakangiting sabi ni Yves.

 

“Ulol? May binebebe ka na?” Takang tanong ni Seulgi.

 

“Hmm. Perhaps.”

 

“Perhaps perhaps ka pang nalalaman, dami mo alam!” Inakbayan ni Seulgi si Yves. “Walwal tayo tonight.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Irene, shot na!” Nagabot ulit si Yeri. “Kanina ka pa autopass ah.”

 

“Di pa kasi ako kumakain.” Pagdadahilan ni Irene.

 

“Kain ka na, para inom na lang tayo.” Tumawa si Yeri. “Kaysa naman tingin ka nang tingin kay Seulgi diyan.”

 

Nanlaki ang mata ni Irene. “Hindi ako tingin nang tingin—”

 

“Babe. Dedeny ka pa.” Umiiling na sabi ni Jennie. “Huli naman ng lahat.”

 

“Fine.” Kinuha ni Irene yung baso kay Yeri. “Talagang hinahamon mo ako, Yeri?”

 

“IRENOSAURUS: THE RETURN?” Sigaw ni Sana.

 

“Ha?” Takang tanong ni Yeri.

 

“Damuhan Irene!” Masayang sabi ni Jisoo. “Di ko pa nawi-witness first hand!”

 

"One time kasi, natagpuan daw yan si Irene sa damuhan sa sobrang wasted." Natatawang explain ni Jennie.  

 

“Bakit Irenosaurus?” Tanong ni Yeri.

 

“Eh kasi kung magsuka yan, parang T-rex yung tunog.” Natatawang sabi ni Sana. “Malalaman mo mamaya, kung walwalan nga ang pakay mo.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Pasok na!” Aya ni Jeongyeon. “Nood na tayo.”

 

Isa isa naman silang pumwesto sa living room sa Unit 420.

 

“Buti na lang, minodify natin ‘to para maging malawak.” Sabi ni Wendy habang minamata niya yung mga tao.

 

Minabuti naman ni Seulgi at Yves na sa dulo pumwesto, malapit sa pinto.

 

“Hoy, ang layo layo niyo naman.” Sabi ni Rosé.

 

“Inggit ka?” Kumaway kaway si Seulgi. “Lika dito, tabi ka samin.”

 

Ayaw sana ni Rosé pero nung makita niya na kumpol kumpol ang mga magjojowa habang si Yeri, Jisoo, at Irene ay parang may sariling agenda sa gilid, lumapit na lang din siya kila Yves.

 

“Bantayan mo si Irene, maglalasing ata.” Bulong ni Seulgi.

 

“Paki mo, tol?” Natatawang sabi ni Rosé. “Baka inggit ka lang kasi si Yerms kasama niya at hindi ikaw.”

 

 

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
881 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
881 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
881 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
881 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹