61
Elesi
"Hindi ka pa nakakapanood ng game ko ha." Nakangusong sabi ni Irene.
"Sorry, laging sakto sa mga laro ko eh." Napakamot ng ulo si Seulgi. "Balita ko kay Jennie, ang galing mo naman daw. Pina-video ko rin kay Wendy lahat. Galit na nga, ubos na daw memory niya."
"Okay lang," Lumapit si Irene para humalik. "Seulgi.."
"Po?"
"Di pa rin kayo magba-bati bati?"
Sumimangot si Seulgi. "Saka na. Pag di na ako badtrip."
"Ano ba kasi pinag awayan niyo?" Tanong ni Irene.
"Wala. Petty things lang sa game."
"Ang lungkot sa apt pag galit galit." Malumanay na sabi ni Wendy.
"Parang tanga naman kasi si Seulgi, nakakaurat." Napailing si Yeri habang nag ph-phone.
"Hoy, sabi natin, walang kampihan." Comment ni Yves. "Kaso, paano yan. Laban na namin mamaya sa basket. Baka mag away away pa sila sa court."
"Mukhang mag aaway away nga." Sabi ni Wendy dahil sobra silang nagkakalat sa game ng CV at CE.
"Ayos pasa naman oh." Nagparinig si Rosé.
"Mag screen ka muna ng maayos bago mo sabihin sakin yan."
Napapailing na lang sila Wendy at Yeri dahil nalalamangan na sila ng CE.
"Cut ako nang cut, bigay mo naman!" Sumigaw si Lisa.
"Masikip sa loob, bulag ka ba?" Pabalang na sagot ni Seulgi.
"Timeout!" Sigaw ni Kai.
Rinig na rinig nilang lahat yung pagbubunganga ni Kai sa kanilang tatlo. "Umayos nga kayo! Para kayong mga tanga eh!"
"Seulgi, gising gising!" Dagdag ni Kai. "Kanina ka pa nakukuhanan ng bola nung maliit oh."
Hindi na nagulat si Wendy at Yeri nung pag tapos ng game ay hindi sila nag usap tatlo. Tinambakan sila ng CE ng sampu at ang daming nag cocomment na mga manonood na nakakadisappoint daw ang laro.
"I have to go, bye guys." Nag paalam na si Jennie dahil dumiretso na sa CR si Lisa.
"Ako rin." Tumayo na si Irene para sundan si Seulgi papunta sa kotse.
"G, kami na bahala kay Sey."
Kinagabihan, nagtipon tipon silang anim sa Unit 420.
"Oh, wala nang aalis." Hinarangan ni Yves yung pinto nung tangkain ni Rosé lumabas.
"Upo." Utos ni Wendy at naupo silang tatlo.
"Inom." Nag abot si Yeri ng shotglass.
Kinalahati muna nila yung bote bago nila pinag usap usap yung tatlo.
"Ako naman, hindi ako galit sa inyo." Sinimulan ni Rosé. "Naiinis lang ako kasi lagi niyo ako iniichapwera kapag nag aaway kayo, na para bang walang bearing yung opinion ko."
"Hindi naman sa ganun, Sey." Sagot ni Lisa. "Pero kasi ayoko na masangkot ka pa kapag may di kami mapagkasunduan ni Seul."
"Ayoko rin kasi yung kailangan mong pumili ng kakampihan." Dagdag ni Seulgi.
"As if naman kakampi ako sa kahit sino sa inyo." Tumawa si Rosé at nag ayos na sila.
"Oh, next. Isang minuto para kay Lisa." Sabi ni Yeri na ginagaya si Anygma.
"Seulgi, alam mo andun ako sa halos lahat ng moments mo sa pagibig, kaya naiinis ako kasi parang hindi ka nakikinig sa akin. Alam mo naman I
Comments