77

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

At talagang ikaw pa ang hindi okay?

 

 

 

 

 

Hindi na napigilan ni Seulgi ang gustong sabihin ng utak niya. "Hindi.. hindi ka pa okay? Ikaw pa?"

 

“Alam ko na nasaktan kita—”

 

“Alam mo naman pala eh, so bakit ikaw pa ang hindi okay?” Sabat ni Seulgi.

 

“Seulgi..”

 

“Tzuyu.” Uminom ulit si Seulgi. Di na niya napansin na paubos na yung laman ng pitcher at siya lang ang bumawas nun lahat.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hilong hilo na si Seulgi pero wala na siyang pakialam dahil wala na rin siyang maramdaman. Di na rin niya sinubukan na i-filter pa ang lahat ng sasabihin niya. Dahil kung closure at closure lang din, mas okay na ilabas ang lahat ng naipon na sakit na naramdaman niya nung mga nakaraang taon ngayong gabi.

 

“Tzuyu, minahal kita. Sobra sobra. Binigay ko lahat ng makakaya ko sa relationship natin. Hindi ako nag cheat, hindi kita pinagbuhatan ng kamay, hindi kita inabuso, hindi kita dinisrespect. Marami akong pagkukulang, pero feeling ko naman trinato kita ng tama.”

 

“Alam ko, Seulgi—”

 

“Tapos ikaw ang nangiwan.” Tumuro si Seulgi kay Tzuyu. “Ikaw. Ikaw ang umayaw. Ikaw ang sumuko. Ikaw yung nagkaron ng iba. So bakit ikaw ang hindi okay?”

 

Nakatingin lang si Tzuyu sa lapag.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Bakit naman ganun, Tzuyu? Napaka-unfair nun.” Pagpapatuloy ni Seulgi. “Hindi mo alam kung gaano ako nawasak nung iniwan mo ako. Hindi mo alam. Hirap na hirap akong makabangon. Kasi sobra kitang minahal.”

 

Dahan dahan na tumulo ang luha ni Tzuyu.

 

 

 

 

 

 

 

 

“Sobra kitang minahal.” Paguulit ni Seulgi at napapailing na lang siya. “Ang tagal kitang minahal. Ang tagal tagal. Sinabi ko rin sa sarili ko na wala na akong ibang mamahalin. Ikaw na lang ang huli. Ang tagal kong pinilit maging okay, Tzuyu. Kaya naiinis akong marinig na sayo pa manggaling yung hindi ka okay.”

 

“Hindi ako okay kasi hindi ko pa rin mapatawad yung sarili ko sa ginawa ko sayo.” Sabi ni Tzuyu. “Gusto ko lang naman mag sorry, Seulgi.”

 

“Anong magagawa ng sorry mo? Mababalik ba nun yung sakit na naramdaman ko nung iniwan mo ako?”

 

“Alam kong galit ka pa rin—”

 

“Hindi ako galit.” Napasinghal si Seulgi. “Never naman ako nagalit sa ginawa mo. Wala ako ibang naramdaman kundi ang sakit. Ang sakit sakit. Tangina, Tzuyu ilang taon din kitang iniwasan. Ilang taon din ako nagtanong sa sarili ko kung may halaga ba talaga sayo yung relationship natin. Ilang taon din ako nag wonder kung minahal mo ba talaga ako.”

 

 

 

 

 

 

 

 

“Minahal kita, Seulgi. Sobra sobra.” Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha ni Tzuyu. “Naunahan lang ako ng takot. Hindi ko kasi kaya.. hindi ko kaya na ipaglaban ka. Napagod na rin ako. Nahirapan na ako.”

 

“Hindi ko na kailangan ng excuses mo ngayon.” Inubos na ni Seulgi yung laman ng pitcher dahil kumikirot na naman ang puso niya at gusto niya na lang bumalik sa walang nararamdaman. “Okay na ako, Tzuyu. Finally. Masaya na ako. Na sa tamang tao na ako. Nakalaya na ako sayo.”

 

“Gusto ko lang actually makipagusap kasi gusto ko nang magka-closure.” Naghanap na ng pera si Seulgi sa wallet niya. “Kasi sabi ni Irene, kailangan ko yun. Kailangan ko na mag heal. Ayoko nang umiwas. Pagod na ako masaktan sayo, Tzuyu.. I’m done.”

 

 

 

 

 

 

 

 

Sumignal na si Seulgi kay Mark na aalis na siya. Nilapag na niya ang pera sa table at sumulyap ng huling tingin ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
882 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
882 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
882 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
882 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹